《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #10

Advertisement

I dedicate this one shot to Krystel. Thank you so much!

| volleyball |

"Now serving, Maningdala from Fiery Panthers!"

Agad kong pinwesto ang kamay ko at si-nerve ang bola ng walang kahirap-hirap. Pumasok naman ang serve ko at hindi ito nasalo ng kabila. Puntos namin.

As usual, intramurals namin ngayon at isa ako sa lumalaban para sa aming mga senior year. Nothing new, lagi naman akong lumalaban simula pa noong first year ko ng high school.

Volleyball is really my sport kaya sa bawat laro ko, I always do my best.

Pumito ang referee namin, ibig sabihin water break pa kaya agad akong pumunta sa bleachers at kumuha ng maiinom galing sa jug sa aking gilid ng tubig.

Iinumin ko na sana ang tubig na kinuha ko ng marinig ko ang pangalan ko mula sa mga gustong magpa-shout-out.

"Shout out nga po pala kay Kieztal Maningdala ng Fiery Panthers, go fight! From Grade 11-Phoenix." napangisi na lang ako at sinulyapan ang mga kaklase kong may pa-banner pa sa akin. Mga abno talaga.

Sinaluduhan ko sila at winagayway ang kanan kong kamay sa ere bago ako bumalik sa court. I sigh. Sana manalo ulit kami ngayong taon.

Serve namin at ako ulit ang ang magse-serve kaya nama'y kinuha ko na ang bola. Pinatalbog ko ito at mariing napapikit. Please, sana pasok.

Papaluin ko na sana ang bola ng pumito ng maraming beses ang referee. Napakunot ang noo ko. Anong meron? May violence ba akong nagawa?

May biglaang tumikhim galing sa mic sa gilid ng bleachers at mukhang may sasabihin yata. Baka magpapa-shout out? Pero bakit kailangang pumito ng referee at patigilin ako?

"Sorry for the disturbance, but may I call the attention of Kieztal Maningdala of Fiery Panthers?" sabi ng nagsasalita sa mic. Hindi ko nakikita ang nagsasalita pero alam kong lalaki iyon dahil sa boses nito.

Itinaas ko ang kamay ko para makita ako ng nagtatawag sa akin. Hawak ko pa ang bola sa kabila kong kamay at baka pabalikin ulit kami sa laro.

Advertisement

"Oh yeah, she's there." mahinang sabi nito sa mic. Ibinaba ko na ang kamay ko. Pinagtitripan ba ako nito?

Biglang bumaba ang mga kaklase ko sa bleachers na kinauupuan nila at binalikatad ang mga hawak-hawak nilang banner at napatakip na lamang ako sa bibig ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at parang tumigil ang mundo ko. Pumagilid din ang mga kalaban namin sa volleyball pati na rin ang mga kasama ko. Ano ba talagang meron?

'Can I court you again, Kieztal?'

Sino? Sino ang may kagagawan nito? Baka nantitrip? Pero feeling ko, hindi lang ito basta trip dahil hindi mage-effort ang mga kaklase ko kung trip lang iyan.

Nakarinig ako ng tugtog mula sa speaker. Gosh, iyong favorite kong kanta.

'Nung araw, kay tamis ng ating buhay

Puno ng saya at ng kulay,

'Di mauulit muli...'

And there I saw him walking from the group of my classmates, his hands on his pocket while his hair is perfectly in mess. Bakit ang attractive niya pa rin?

'Ang oras, kapag hinayaang lumipas

Madarama mo hanggang bukas,

'Di mababawing muli...'

Ilang taon na rin ang nagdaan ng huli naming pagkikita pero pakiramdam ko, meron paring parte sa akin na hinahanap-hanap siya.

'Andami-raming bagay na hindi naman kailangan

Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan,

Hindi mo lang alam, hindi mo pa nararanasan

Kahapon sana natin 'di mo na pinahirapan.

Patawad muli...

'Di na muli.'

A tear fell from my eye. Nagsisisi akong pinakawalan ko siya noon, na hindi ko siya pinigilang umalis ng bansa noon para makapag-aral sa ibang bansa. Third year kami noon ng naging kami at buwan lang ang lumipas ng malaman kong aalis na siya ng bansa. Ang sakit dahil siya ang pinaka-una kong minahal sa tanang buhay ko pero mawawala rin pala siya. We're both young at that time but our hearts already found a match for each other. Masakit pero kailangan naming bumitaw sa relasyon namin dahil kailangan at may mas importante pang ibang bagay.

Advertisement

Pero sana, tama na ang mga taong pinalaya namin ang aming mga sarili sa relasyon naming nagtagal lang ng buwan.

'Mahal ko hanggang sa huli...'

Sa pagtatapos ng kanta ay nasa harapan ko na siya, ang taong matagal ko ng hinihintay na bumalik ulit sa piling ko.

"Hello miss. I'm Denver, and you are?" tanong niya at tipikal lang na nakatingin sa akin. My hopes pull down. Bakit parang hindi na niya ako kilala? Bakit parang wala na iyong pagtingin niya sa akin na gaya ng dati?

Humagulgol na ako at pinadyak ang aking mga paa sa sahig. Ang sakit. Baka hindi na nga talaga niya ako mahal. Baka nakakilala na siya ng ibang babae sa ibang bansa at kinalimutan na niya ako.

"Why are you crying? Do I say something wrong, mis--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng pinagpapalo ko ang kanyang dibdib. Nanghihina ako sa sakit.

Hinuli niya ang kamay ko at pinunta ito sa parte kung nasaan ang puso niya. Napatigil ako sa pag-iyak at kumabog ng todo ang puso ko.

"I miss you, Kiez. I miss you so much na hanggang ngayon mahal pa rin kita. Sorry kung pinaiyak kita kanina. I'm sorry for the past few years na hindi man lang kita pinaglaban sa mga magulang ko at hindi ko man lang inisip ang mararamdaman mo. My heart is far away from yours but I know that you're the cause of every beat of it. You're the one, baby. Ikaw lang." sabi niya at halos tumalon sa tuwa ang puso ko.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at napahalakhak naman siya. Baliw.

"Nakakainis ka! Miss na rin kita, tungek!" sabi ko at pareho na kaming natawa.

"Oyy! Ano na? Hindi ka ba manliligaw o magmo-moment na lang kayo dyan? Pa-inform naman kami para maka-alis na kami rito at baka masunggaban kami ng maraming langgam. Ang sweet eh." sabi ng isa kong kaklase. Nagthumbs-up naman si Denver sa kanya at humarap sa akin.

Bigla siyang lumuhod kaya nagulat ako ng sobra.

"Don't assume, baby. Hindi pa kita aayain ng kasal, manliligaw lang ulit ako. So, can I court you once again?" sabi niya at hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad tumango. Lumapad naman ang ngiti niya at hinalikan ako sa aking noo.

"Don't worry, Kiez, pagkatapos nating mag-aral at kapag nagkaroon na tayo ng magandang trabaho, papakasalan agad kita, walang duda." sabi niya kaya nama'y ginulo ko ang buhok niya.

"Hala, pinagsasabi mo?" nasabi ko na lamang. Ayoko talaga minsan 'yung pagiging straightforward niya kapag kausap ako.

"Oh well, dito na nga pala ako mag-aaral kaya mababantayan na kita. I'll make sure na walang ni isang lalaki ang makakalapit sa iyo." sabi niya. Nginisihan ko na lamang siya at bigla naman akong nabalik sa reyalidad ng mayroong pumito. May laro pa pala ako.

"The game will be posponed. Magbigay pugay tayo sa mga nagkabalikan! Cheers for the man who came back for the woman he truly loves! Bukas na ang laro, masyado ng maraming langgam sa paligid at baka hindi na makapaglaro ang captain ng Fiery Panthers!" sabi ng head teacher ng volleyball at kumindat sa amin. Napanguso na lang ako at natawa dahil sa nangyari.

"So, ano? Tara na? Magcelebrate na tayo at bukas, manonood ako ng laro mo. Win or lose, you'll always be the only winner and the only captain of my heart, baby." sabi niya at namula naman ako ng sobra.

"Itigil mo na nga iyan, namumula na ako!"

***

A/n: I hope nagustuhan niyo ito.

Don't forget to vote and comment!

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click