《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #8

Advertisement

This one-shot is dedicated to my friend, Marj, for her support and love. Thank you!

Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata at hindi na siya hinabol pa ng umalis siya sa harapan ko.

Why do I need to feel this kind of pain? Nagmahal lang naman ako. Masama bang mahalin ang isang taong ang unang minahal ay ang kakambal ko?

Mabilis akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot ito sa isang lugar na pwede kong isigaw ang mga nararamdaman ko.

Bumaba ako sa aking sasakyan at inalis ang itim na polo na suot ko. Naka-simpleng shirt na lang ako at agad sinarado ang aking sasakyan at pumunta sa puntod ng aking kakambal.

Umupo ako sa damuhan at ramdam ko na naman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata pero hindi ko iyon pinigilan. Letting your tears is the best way to somewhat ease the pain that you feel.

"B-bakit?," mahina kong bulong at lalo itong lumakas.

"Bakit?!" sigaw ko at ginulo ang aking buhok.

"B-bakit ikaw ang pinili niya? Bakit hindi na lang ako na buhay at humihinga pa! Fvck! Ang sakit, Zander! Sana parehas na lang tayo para mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya!" I let my tears flow habang sinasabi ang mga katagang iyon.

I love Kelsey. I do love her! Pero bakit ako ang nasaktan?

"Shit!" bigla akong natamaan ng bola sa ulo at malakas ang pagkakatama nito sa akin.

"Oops, sorry!" sigaw ng isang babae na sa palagay ko ay nasa likuran ko. Kumulo ang dugo ko at masamang tumingin sa kanya pagkalingon ko.

Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya habang hawak ang bola na sa tingin ko ay pag-aari niya.

"I don't need your useless sorry." sabi ko pero chill lang siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. What's wrong with her?

Advertisement

"Hindi ako nagso-sorry dahil natamaan kita ng bola, nagso-sorry ako dahil umiiyak ka kanina." sabi niya at doon ako napatigil. Ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't-isa.

Malungkot siyang ngumiti sa akin at muling nagsalita.

"Sana ako na lang ang minahal mo, imbes siya. Sana ako na lang kaysa sa kay Kelsey, kaysa sa best friend ko." nakangiti pa rin niyang sabi at doon ako natamaan.

I thought she's--

"Oo, patay na ako, Sander pero heto pa rin ako, nagmamahal sa iyo. Sana pala buhay pa ako para ako naman ang lubos na magmamahal sa iyo." sabi niya at lumapit sa akin at yinakap ako.

Shit! Ngayon ko lang na-realize na mahal ko siya. Iba ang pinagtuunan ko ng pansin at pinabayaan ang pagmamahal na meron ako para sa kanya.

"Sorry--" naputol agad ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.

"Huwag kang mag-sorry. Hindi mo kasalanan ng una mong damayan ang best friend ko ng namatay ang kakambal mo, kaysa damayan ako ng namatay si mommy at daddy dahil sa isang aksidente, dahil mahal mo si Kelsey. Noong araw rin na iyon, nagpakamatay ako, remember?," sabi niya at malungkot na tumawa. ", feeling ko kasi wala ng nagmamahal sa akin. I'm so depressed that time kaya ko nagawa iyon. Ako ang dapat na mag-sorry kasi dapat pinaglaban kita kahit na wala akong ni-katiting na karapatan." sabi niya.

"Marjorie, mahal ki--" naputol ang sasabihin ko ng bigla na lamang nawala ang taong kayakap ko.

Napaluhod ako at unti-unti na namang lumuha ang aking mga mata dahil sa sobrang pagsisisi.

I love you, Marjorie. Sorry kung hindi kita niligtas noon ng namatay ang parents mo. Dapat ikaw muna ang dinamayan ko. Sising-sisi ako at alam kong huli na. Huli na ang lahat dahil patay ka na.

***

Another tragic one-shot! Parang mas gusto ko na ang tragic, hmm.

Don't forget to vote and comment!

    people are reading<Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click