《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅩⅠ. 𝐋𝐈𝐇𝐀𝐌.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° LIHAM.

•'¯'•

Ibinalita na nila ang nangyari. Agad na lumuha ang mga kilala ni Floribeth. Doña Lucia, Don Nimuel, Marisol, Felicidad. Hanggang ngayon ay umiiyak parin si Mutya.

Nagdesisyon silang puntahan ang mga bangkay nila kahit malayo man ito.

Pagdating nila andun ang mga amerikano, hindi na sila aatake kasi sumuko na ang mga ito...

"Nasaan ang libing niya?" mahinang tanong ng nanay ni Floribeth. Tinuro naman ni Vicente.

Magkatabi ang libingan nila Floribeth at Gregorio. Nagsimulang nag iyakan nanaman sila.

Binuksan ng amerikano ang mga gamit ni Gregorio, maraming mga laman ito. Liham, Litrato, at iba pa.

Liham na naka pangalan kay Floribeth at ang kanilang litrato.

Nagtaka ang mga amerikano kasi noong pagkatapos ng labanan agad nilang pinuntahan kung saan namatay ang Heneral. Siya ang katabi ni Gregorio pero naka-soot pang sundalo kaya naalala na niya kung sino ito.

"Ask the Colonel, if this the General's sweetheart." tinutukoy niya ang litratong nasa kamay niya.

"Yes, that's her."

"Just give this letter and picture to that girl." turo niya kay Marisol.

Tahimik na silang naka uwi sa Cervantes. Hindi pa rin nag sasalita si Mutya simula ng naka uwi na sila. Inaalala niya ang mga ginawa nila ng nakaraan bago sila nakipaglaban.

"Ate, ibibigay ko sa iyo yan may sulat ka din dyan. Huwag mo munang babasahin pero kapag ramdam mo na doon mo lang gagalawin."

"Para saan ba ito?" tanong niya.

"Kapag hindi nag tagumpay ang ating plano."

Agad niyang hinalungkat kung saan nakatago ang mga ito. Maraming mga nakapangalan sa papel. Ina, Itay, Marisol, Felicidad, Goyong, Vicente at ang natitira ay para sa kaniya. Binuksan na niya agad ito.

Pinakamamahal kong Ate,

Ano, binabasa mo na to noh? Naisipan ko lang na magsulat nito para kapag namatay ako mayroon akong maiiwan sa iyo.

Advertisement

Basta lagi mong tandaan nasa tabi mo ako, lagi akong andyan kapag naglalakbay ka pero hindi naman lagi baka may gawin kayo ni Vicente... Tsaka, tingin ko si Vicente ang hinahanap ng iyong puso.

Napagtanto ko ang katotohanan ng sitwasyong kinalalagyan natin. Maaari tayong mamatay sa anumang oras, kung binabasa mo ito, patay na ako.

May dalawang hiling lang sana ako sa iyo ate. Wag kayong malulungkot nila inay at itay kasi nasa tabi niyo lang ako, parang anghel na nagbabantay sa inyo at kunin mo si Tintin kay Manang Teresita, alagaan mo siya.

Naalala ko ang mga kalokohan nating ginawa noon gusto ko sanang bumalik pagbata para maranasan ko ulit iyon.

Pasensya na kung hindi ko natupad ang aking pangako...

Mahal na mahal kita ate at salamat sa lahat.

Nagtatapos.

- Floribeth

Kinailangan niyang ilayo ang sulat para hindi mapatakan ng kaning luha. Ito na ang oras para ibigay na niya ang mga liham kung kanino nakapangalan.

Mahal kong mga magulang,

Nay, Tay... pasensya na kung ginawa namin ang aming plano, dati pa kami naghanda kung may dadating na laban at kakarinig ko lang kanina ang balita.

Inay, Salamat sa lahat ng pagkakataon na hinawakan mo ang aking kamay, at ang aking puso, at lahat ng nasa pagitan. Para sa pagmamahal sa akin, kapag walang bahagi sa akin ang nais, at kapag walang bahagi sa akin ang magagawa. Para sa pagtingin nang tama sa aking kaluluwa, noong wala akong kakayahang gawin ito. Para sa pakikinig sa aking puso, para sa pag-aliw dito, hindi pinaniwalaang ito ay nag-iisa. Salamat sa pagiging ina ko.

Itay, Salamat sa napakahalagang payo. Sa pagtanggap sa akin, bilang ako, at pagmamahal sa bawat bahagi ko. Sa paggalang sa aking espasyo, sa lahat ng pagkakataon ay hindi ko mabuksan ang aking puso sa iyo. Dahil sa pagiging boses ko, sa lahat ng araw na hindi ako makapagsalita. Para sa pagtawa sa akin sa aking saya. Sa pag-iyak kasama ko sa sakit na nararamdaman ko. Salamat sa pagiging itay ko.

Advertisement

Salamat sa pagmamahal nyo sa akin. Salamat sa pagpapakita sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng walang pasubaling pagmamahal.

Nagtatapos.

- Floribeth.

Mahal kong matalik na kaibigan,

Ang iyong mga pagsusumikap sa akin, ang aking puso ay hindi maipahayag ang kagalakan. Laging umaalingawngaw sa tuwing naiisip kita, kailangan mong makita kung gaano ako kapala kapag nakilala kita bilang kaibigan. Ikaw ay higit pa sa isang kaibigan sa akin, ngunit ang aking pagpapala. Ang bago kong pag-asa.Susuporta lagi ako sayo kahit magkalayo tayo.Salamat kaibigan.

Nagtatapos.

-Floribeth.

Kaibigan kong Felicidad,

Salamat sa pagiging maalalahanin at mabait na kaibigan. Pinahahalagahan ko ang iyong pagmamahal at suporta sa ilan sa mga pinakamaganda at pinakamasamang panahon sa aking buhay. Ang kaibigang tulad mo mahirap hanapin pero madaling mahalin.

Nagtatapos.

Floribeth.

Bayaw,

Oo, magiging bayaw kita. Alam kong gusto mo si ate. Kung balak mo siyang papakasalan, payag ako.

May tiwala ako sayo kaya alagaan mo si ate lalo na kung mawawala ako.

Hanggang sa muli, Vicente.

Nagtatapos.

-Floribeth

Naibigay na niya ang mga liham pero mayroon pang natitira...

Kay Gregorio.

Naisipan niya nalang na ibigay ito kay Marisol kasi nasa kaniya ang taalarawan ni Floribeth.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click