《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅩ. 𝐇𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐘.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° HAWAK KAMAY.

•'¯'•

"Tuloy lang ang laban! Wag matakot! ilan sila?" tanong ni Gregorio.

"Hindi namin mabilang. Nakatago sila sa may tuktok."

"Tangina naman oh! gamitin niyo yung bomba!" sigaw ni Floribeth.

Inihagis ng isa ang bomba at limang Amerikanong sundalo ang namatay.

Naglalakad ng patago sa gilid ang mga Amerikano patungo sa direksyon ng mga kalaban nila. Nakita nila ang isang pilipinong sundalo at agad naman nilang binaril ito.

"Sandali-"

"Let's go!"

"Laban!"

"Bikong takbo! Bikong!"

"Wag kayong tumakbo diyan!" pero tumakbo parin ang dalawa at nabaril naman sila.

"Suko na ako!" Itinaas ng isang sundalo ang kaniyang baril.

"Hold!" sigaw ng amerikano. Tumigil sila kasi akala nila susuko na ang kalaban. Pero muling nagpaputok ang mga pilipinong sundalo naisipan nilang magkunwaring susuko na pero sa oras na yun babarilin nila sila.

"Fire!"

Wala na sa bandang itaas sila Joven at ang bata pero nakasalubong nila ang isang Amerikanong sundalo.

"Pause!" itinutok niya ang baril sa dalawa. Dahil sa takot napaatras ng hakbang si Joven.

"Do not take another step!" may naapakan na bato si Joven kaya nahulog siya sa may mga damo.

"Come on, move! move!" tumakbo naman agad ang bata.

"Goyong, wala ng unang pinsera. Sina Juan nalang ang natitira sa pangalawa. Nauubos na tayo." sabi ni Vicente.

Agad naman tinignan ni Greogrio ang paligid para makapaghanap ng ibang tataguan nila. Muntik na siyang matamaan mabuti umilag siya.

"Yuko! yuko!"

"Kaya mo pa?" tanong ni Gregorio.

"Oo naman."

"Carrasco?"

"Sige na rin."

"Titignan ko lang kung gaano pa karami ang mga Amerikano sa ibaba. Guerrero, sumama ka. Baka kailanganin ka nila."

"Floribeth, Mutya. Sumama na kayo sa kaniya para ligtas." sabi ni Vicente. Pero umayaw si Mutya.

Advertisement

Dali-dali silang bumaba. Nauna na tumakbo si Floribeth para tignan din ang nasa baba.

"Dito lang kayo. Ako na ang bahala kay Floribeth." utos ni Gregorio. Ibinigay niya kaniyang baril kay Carrasco.

Agad naman niya sinundan si Floribeth. May narinig na sumipol si Carrasco kaya tinignan niya kung saan ng galing iyon pero hindi niya makita dahil sa damo. Para sigurado, pinuntahan niya ang dalawa baka may mga amerikano na nag iikot.

Nakita na ni Greogrio si Floribeth na nakatingin sa tanawin. Ito ang pinuntuhan nila nakaraan noong hinila siya ni Gregorio. May tumatawag sa kanila pero hindi nila narinig iyon dahil abala silang nakatingin sa paligid.

Mayamaya may nakita silang agila na kaparehas noong araw na nangligaw si Gregorio kay Floribeth. Hinawakan naman ni Gregorio ang kamay ng kasintahan niya. Naalala nila ang araw na iyon.

Narinig na nila si Carrasco kaya dali-dali silang tumungo pabalik.

"Heneral, yumuko kayo. Sa tingin ko ay nasisilayan kayo ng mga Amerikano.

"Amin na. Tapusin na natin to-" naramdaman ni Floribeth na bumitaw si Gregorio.

Agad na nakaramdam ng mabigat sa puso si Floribeth.

"GOYONG!" sigaw niya. Lumuhod siya agad kay Gregorio.

"Heneral!"

"Goyong, gumising ka! huwag kang magbiro ng ganyan." Iyak niya.

"Tara na, Floribeth!" Hihilayin na niya sana si Floribeth pero nakarinig siya ulit ng putok ng baril.

Nabaril si Floribeth.

"Tinyente! tara na!"

"Heneral!"

"Tara na!" Tumakbo na sila pabalik.

Sa ilang segundo nakakahinga parin ang magkasintahan. Hindi na nila kayang magsalita kaya muli silang naghawakan ng kamay.

Mayamaya pinikit na nila ang kanilang mata. Biglang naalala nila ang mga pinagdaan at pinagsamahan simula pa nung umpisa.

Ang unang pagkikita nila. Noong nawala si TinTin, doon sila nagpakilala sa isa't isa. Noong niligawan ni Gregorio si Floribeth. Ang araw na sinagot na siya. Ang Harana at ang Alitaptap...

Advertisement

"Patay na ang Heneral! Patay na rin si Floribeth!"

"Patay na si Goyo." malungkot na sabi ni Guerrero. Nakaramdam ng panghihina sina Vicente at Mutya.

"Nagbibiro ka ba?!" tanong ni Mutya. Pero umiling naman siya.

"Hindi, hindi... Sabi niya hindi niya ako iiwan!" umiiyak niyang sabi. Agad siyang tatayo sana pero pinigilan siya ni Vicente.

"Dito ka lang!"

"Ayoko ko! Hindi pa siya patay babalik siya dito, nagpangako siya sa akin."

"We got him! We got the General." masayang pagbalita ng amerikano.

"Wooohoooo!" masayang sigaw ng mga amerikano.

Nagsitakbo na ang iba ng narinig na nila ang balita.

"Tangina! Mamatay ang tumakas!" pinipigilan lang ni Vicente ang iyak niya.

"Tara na!" nagsitakbuhan na silang lahat, ang ibig sabihin ay sumuko na sila sa mga kalaban nila.

Kahit na ang pinakamahabang araw ay may katapusan...

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click