《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅠⅩ. 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° BULACAN.

•'¯'•

Agad naman tumingin si Gregorio kay Vicente kung sino ang kinakausap niya.

Nagulat nalang siya ng makita ang magkapatid na Cervantes na naka suot pang sundalo.

"Ano ang ginagawa niyo dito!?" inulit naman ni Gregorio ang tanong naglakad siya patungo sa dalawa.

"Gusto namin tumulong." maikling sagot ni Floribeth.

"Bumalik na kayo doon! Ayoko kong mapahamak ka, gayon na din sa kapatid mo." tarantang sabi ni Gregorio.

"Teka-teka. Napansin mo ba kung sino ang mga bumabaril sa mga Amerikano sa may ibaba?" sambit ni Mutya. Pero hindi siya sumagot.

"Kami yon. Marunong kami gumamit ng baril at may mga gamit pa kami dito." tuloy niya.

"Madaling araw pa kami umalis doon. Yung mga lambat sa may kubo kami din ang naglagay doon at sa may bandang kanan nakalimutan niyong lagyan ng pang harang baka doon makapasok ang mga Amerikano kaya hinarangan nalang din namin 'tas naglagay din kami doon ng pangpadulas."Mabilis na pagpapaliwanag ni Floribeth.

Akala ni Floribeth na magagalit si Gregorio pero niyakap siya nito "Mabuti naman ligtas kayo." pag alala ni Gregorio. Ibinalik niya naman ang yakap.

"May mga gamit pa kami dito na pwedeng gamitin." Ipinaliwang niya isa-isa ang mga ito kung pano gamitin, nagpadala na rin si Gregorio ng sobrang kagamitan sa grupo ni Tinyente Garcia.

~

"Aguroy!" sigaw ni Daclan.

"Natamaan si Daclan?"

"Hindi po, nakagat lang ng langgam sa bayag." sabi ng isang sundalo at nagtawanan naman sila.

Naghahanap na ng daang tuwiran ang mga Amerikano. Tinuro naman ng ilocano ito pero habang inaakyat nila ito nadulas sila.

"Ouch!"

"Why is it so slippery?!" tarantang tanong ng Amerikano sa Ilocano pero hindi naman naiintindihan ang sinabi niya. Kaya ni-aksyon nalang ng Amerikano.

Napakamot nalang ang Ilocano at iningat baba niya nalang ang kaniyang balikat.

Advertisement

"Sir, I can see there's tons of rocks up there. I believe we can't climb and its so slippery."

"Is there any other way?" tanong niya ulit pero hindi nag salita ang Ilocano.

"I think he can't understands what you're saying, sir."

"Make him!" utos niya.

Ilang beses nilang pinaintindi ito pero wala talaga.

"Dammit! Let's just go back." Iritang tugon naman ng nakakataas na rango.

~

"Punta muna ako kila Tinyente Garcia para ipaliwanag ko kung pano gamitin ang mga iyon." sabi ni Floribeth. Maglalakad na sana siya pero hinila siya ni Gregorio.

"Hindi na. Itong si Aldo nalang ang magpapaliwang. Natandaan mo naman diba?" tanong niya kay Aldo.

"Ah.. hindi po."

"Samahan ka nalang namin, delikado pa naman." yaya ni Gregorio.

Naglakad na silang apat patungo sa kabilang kampo.

"Goyong, saan ka pala lumaki?" tanong ni Floribeth.

"Ah, sa may Bulacan. Bakit?"

"Pwede ba tayong pumunta doon pagkatapos ng laban na ito? hindi pa kasi ako nakakapunta doon."

"Sige, pwede naman. Ipapakilala na rin kita sa aking pamilya bilang kasintahan ko at ipapakasal sa simbahan."

"Sus, ikaw talaga.."

Nasa unahan nila sila Mutya at Vicente nag uusap din sila. Mayamaya nagsalita si Vicente.

"Matatag ang mga trinsera." sabi ni Vicente kay Gregorio.

"Salamat."

"Hindi naman siguro tayo aabutin dito ng pasko eh noh? Kating kati na akong umuwi ng Bulacan. Gustong sumama rin daw ni Mutya, ipagpapaalam ko nalang siya." Tumawa naman si Gregorio.

"Bakit?" tanong ni Vicente.

"Sabay nalang tayo pumunta at pag nagkita kayo ni Julian- " Ipagpapatuloy niya na sana ang kaniyang sasabihin pero may narinig silang putok galing sa may likod...

"Anak ng teteng..." bulong ni Vicente.

Wala silang inatasan na magbantay sa may likod, meron din palang daang tuwiran banda doon. Agad naman silang umaksyon.

Advertisement

"Major! They made it to the top!" sigaw ng isa.

"That's the signal." pinaputukan na nila ang kanilang mga baril. Hindi nila alam na nabaril na si Tinyente Garcia...

Nagsitakbuhan na ang mga Amerikano sa may gitna para makaakyat. Nagpaputok naman ang mga pilipinong sundalo pero lalong dumadami sila.

"May paakyat ba?"

"Hindi ko nakita, kapitan."

Nakarating na ang apat sa kabilang kampo. Andoon sila Joven at ang anak ni Tinyente Garcia agad naman nilang nilapitan ito.

"Tumakbo na kayo sa Angake! ngayon na. Isama mo na rin sila Flori at Mutya." sabi ni Greogio kay Joven. Umurong sila sa pwesto at lumipat ng ibang pagtataguan.

"Hindi kami sasama Goyo. Makinig ka! hindi namin kayo iiwan." inis na sabi ni Floribeth. Hindi na tumanggi si Gregorio, wala siyang magagawa kasi gagawa ng paraan ang magkapatid para makabalik.

"Mag ingat ka." sabi ni Gregorio kay Floribeth.

"Ikaw din..."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click