《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅤⅠⅠⅠ. 𝐈𝐁𝐀𝐁𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° IBABA

•'¯'•

May sikat na ng araw kaya ginising na ni Mutya si Floribeth para makapaghanda na.

Tama, kakaiba talaga ang dalawang babaeng ito. Natuto silang gumamit ng baril dahil ang kanilang tiyo ay dating sundalo.

Lihim silang nag aral gumamit ng baril. Habang makalipas ng taon marunong na silang gumamit nito.

Nagsimulang naglakad na ang mga amerikano patungo sa may itaas ng bundok.

Pero habang naglalakad sila may natamaan sa kanila. Agad naman nagsitago sila sa gilid.

Naisipan ng magkapatid na simula na silang magpaputok. Isa-isang namatay ang mga amerikano higit labing lima ang nabaril.

Nagulat sila Gregorio ng may narinig silang mga putok mula sa ibaba walang pinadalang grupo si Gregorio sa may banda doon.

"Saan nagmula ang mga bala?" pagtataka niya.

"Hindi ko rin po alam Heneral."

"Ayus ate, galing natin." nakangiting sabi ni Floribeth.

"Ubusin natin mga yan."

Binaril nila ang mga nagbitbit sa sundalong nabaril.

"Punyeta, mga pilipino ba yun." inis na sambit ni Mutya. tumango naman si Floribeth.

"Where does the shots coming from?" tarantang tanong ng Kolonel ng mga amerikano.

"I don't know sir. I'm afraid their everywhere."

"Simmons, you see those rocks at the head? I want you to do is make a run for them and were gonna provide a cover fire."

"Yes, sir."

"On my signal. ready? go!"

"Ate, ako na bahala dyan."

"Fire!" nagsimulang tumakbo naman ang isang sundalo bigla naman natamaan siya sa ulo.

"Uy, sapul!" mahinang sigaw ni Mutya.

"What the Fuck!" inis na sigaw ng amerikano.

"Wat duh pack daw ate oh. ano kaya ibig sabihin non?"

"Diko rin alam eh."

"Did you see anything?" umiling naman ang isang sundalo.

"Dammit! Everybody stay put." tumakbo sila papuntang sila sa may bandang gitna.

Advertisement

"Baralin ko na kaya iyon? kanina pa nang uutos eh."

"Sige, ikaw bahala."

"Yari ka saking kulay papel..."

"Put your head down, si-" natamaan naman sa tiyan ang Kolonel.

"Yan laki kasi ng tiyan mo eh."

"Teka, Kolonel ba nila yun?" gulat na tanong ni Floribeth.

"Malay ko, wala akong pake sa kanila."

Nagsitakbo naman ang dalawang sundalo papunta kung nasaan ang mga pina-iwan na mga sundalo.

"Company C, find your seat!" nagsidatingan na sila.

"Gagi, ate... and dami nila."

"Huwag kang mag alala, sigurado akong pupunta sila sa kubong iyon at magiging isda."

Tumakbo ulit ang mga amerikanong sundalo sa may kubo.

"Isa.. dalawa.. tatlo.." bilang ni Mutya.

At ayun na nga nabingwit sila ng mga lambat pinutok naman ng magkapatid ang kanilang baril, marami na rin namatay sa kanila.

"Ate, bat ayaw nila magpaputok?"

"Ewan ko sa mga yun."

Kanino pa nalilito si Goyo "Wala naman nagpapaputok mula sa atin diba, saan nang gagaling ang mga iyon?"

"Heneral! heneral!" takbo ng isang sundalo.

"Nakita na daw po nila kung saan nagpapaputok sa mga amerikano."

"Saan?"

"Sa may ibaba daw po."

"Ha? wala naman akong pinadala doon ah."

"Yun nga din po ang pinagtataka ni Tinyente Garcia."

~

"Muntikan na yun, Tinyente."

"Malapit pa sila. Huy, Daclan! diba marunong ka mag Ingles?" tumango naman si Daclan.

"Tawagin mo nga."

"Come! American! Welcome!" sigaw ni Daclan at nag-tawanan naman sila.

"Narinig mo ba yon? Come, American, Welcome daw oh!" Nagsitawanan naman ang magkapatid. Nakarinig sila ng putok ng baril galing sa itaas.

"Oh, yun naman pala eh! Nagpaputok na rin sila." sabi ni Floribeth.

"You see that trail? lead everyone down there and it should around this hill. Go!"

Advertisement

"Alright, sir."

Nagtakbuhan na ang mga natitirang sundalo sa may likod ng kubo.

"Tinyente." turo ng isang sundalo.

"Ako bahala, bantayan mo lang. Sabihin mo may dumagdag na pwersa." tumakbo na si Tinyente Garcia para balaan na sila.

"Takbo na! pwesto! pwesto bilis!"

Tumakbo patungo sa may gitna ang mga Amerikano at nagkaron ng pagkakataon na barilin ang mga ito.

"Flor, wag ka na munang pumutok. Alam kong kaya na nila yan ngayon." Sabi ni Mutya at tumango naman si Floribeth.

Nagsimula na magpaputok ang nasa grupo ni Tinyente Garcia.

"Umuwi na kayo!"

"Woooooo!"

May tumakbo na naman na isang sundalo pero hindi tumama ang bala.

"Mintes!"

"Pasmado ka yata eh" tinignan naman niya ng masama ang kasamahan niya.

Sinubukan na naman nila ulit pumunta sa may gitna.

"Mga tanga.." bulong ni Mutya.

"Ate, tara na. Akyat na tayo." Agad na silang nagsilikas, bitbit nila ang kanilang mga gamit, naka-abante na ang mga Amerikano ngunit nahihirapan parin sila makatawid.

Habang nagpuputukan ang mga baril nila napansin nila na wala ng mga amerikano na tumatakbo.

Biglang sumigaw si Gregorio. "Mabuhay ang republika!"

"Mabuhay!" sigaw naman nila.

"Aatras na sila."

"Hindi pa, baka nag iba lang sila ng diskarte." sabi naman ni Vicenete kay Gregorio.

"Subukan lang nila."

"Ano kaya ang binabalak nila?"

"Hindi ko alam. Pero pagsapit ng tanghali maghihina na mga yan. Hindi sila sanay sa klima natin. Akyat muna tayo." Nauna na munang tumayo si Vicente ng patayo na si Gregorio narinig niyang sumigaw ng taranta si Vicente.

"Ano ang ginagawa nyo dito!?"

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click