《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅤⅠ. 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° PANGARAP.

•'¯'•

Nasimula na maghanda ang mga sundalo at mayamaya aalis na sila sa bayan ng Cervantes.

Nasa kubo si Gregorio tinitignan niya ang liham na kaniyang sinulat para kay Floribeth at dahan-dahan niyang kinuha ang isang maliit na kahon.

Oras na para gawin niya ito.

Lumabas na siya sa kaniyang kubo at pinuntahan niya kung nasaan si Floribeth. Kinakabahan siyang naglalakad, hindi siya sigurado kung sasang-ayon ba ang kasintahan niya.

Natanaw na niya ang minamahal niyang babae.

"Floribeth, sama ka sa akin."

"Ha? saan tayo pupunta?"

"Basta." tumango naman si Don Nimuel kay Gregorio.

Nasa harap na sila ng magandang tanawin.

"Uy, ayos ka lang ba? bat parang kinakabahan ka?" tanong ni Floribeth.

Biglang lumuhod at binuksan ang isang maliit na kahon.

"Ginawa mong mas maliwanag ang aking buhay nung nagkakilalala tayo. Nagpapasalamat ako sa Diyos araw-araw na binigyayaan niya ako ng babae na tulad mo. Pinasaya mo ako ng husto.

Floribeth, ipinapangako kong igagalang ka bilang isang kapantay at kikilalanin na ang iyong interes, mga hangarin at mga pangangailangan ay kasinghalaga ng sa akin.

Ngayon, ibinibigay ko sa iyo ang aking kamay, ang aking puso, at ang aking pag-ibig na walang kondisyon, ganap at magpakailanman. Papakasalan mo ba ako?"

Sa sobrang saya ni Floribeth ay umiiyak na siya.

"Oo, papakasalan kita." Kinuha naman ni Gregorio ang sa kahon at isinuot sa daliri ni Floribeth.

"Mula sa araw na ito, hindi ka lalakad nang mag isa. Ang puso ko ang magiging kanlungan mo at ang mga bisig ko ang magiging tahanan mo." yakap nila sa isa't isa.

"Tara na. Alam kong naghihintay na rin sila marinig ang sagot mo." nagsimula na silang naglakad.

"Grabe hindi talaga ako makapaniwala Goyo..."

"Magiging Floribeth del Pilar ka na." ngiti ni Gregorio. Mga ilang minuto ay nakabalik na sila.

Advertisement

Agad naman nagsitakbo sila Mutya at Marisol.

"Ano? oo o hindi?"

"Uy teh! Magiging del Pilar kana!"

"Gagawa ako ng napaka daming bulaklak tas ikakalat ko iyon sa araw ng kasal niyo." tili nila.

"Sinagot mo ba anak?" tanong ni Doña Lucia.

Ngumiti ako sa kanila at ipinakita ko ang aking .

"Alam mo ba kasama ako ni Goyo sa pagpili ng singsing kasi hindi niya alam ang sukat ng daliri mo." sabi ni Don Nimuel.

Habang nag uusap kaming lahat, biglang may tumawag kay Gregorio.

"Goyo, oras na..." napatingin nalang si Gregorio kay Floribeth. Alam niyang ito ang magiging pinakamahirap na pagpapaalam sa kaniya hindi katulad dati.

"Pangako babalik ako." niyakap ni Gregorio si Floribeth.

"Siguraduhin mo lang. Kasi may babalikan ka pa kasama na sila Aquilino at Amanda, tapos magpapakasal tayo ."

Nagpaalam narin si Vicente kay Mutya. Kahit saglit lang ang kanilang pagsasama gusto nila ang isa't isa.

Sumakay na sila sa kanilang kabayo at umalis na. Hindi nila alam may balak sila Floribeth at Mutya.

"Ate, maghanda ka na..."

~

Habang tinitignan ni Gregorio ang tanawin may sinabi siya kay Vicente.

"Magpadala ka ng mensahe sa Presidente. Nasa ibaba na kamo ang mga amerikano." agad naman sumunod ang utos ni Gregorio.

Kinausap naman ni Tinyenta Garcia si Gregorio. "Maipagmamalaki ka ng pangulo."

"Nag-aalangan ako baka galit ka parin sa Presidente."

"Sundalo parin ako Heneral. Kapag kailangang ipaglaban ang Pilipinas hindi ako tatanggi. Kapag bumagsak si Aguinaldo, may panibagong titindid. Pero ito... hindi ito napapalitan." turo niya sa tanawin.

Tumungo na sila kung asan ang mga kapwa sundalo nila at nagsimula na nagsalita si Gregorio.

"Wala ng halaga ang ating pagdadalawang isip magmulang paglalakbay dito. Dalawang tanong lang ang kailangan niyong sagutin. Ang una, iniibig niyo ba ang bayang ito?"

"Opo, Heneral!" sagot naman nila.

"Kung gayon tanggapin anumang kapalaran sasapitin natin sa ngalan ng pag ibig. Walang mga bayani sa bundok na ito. Tayo'y mga sundalo na puno ng pag ibig, hindi ng galit. Matatag ang posisyon natin at makakalampas lang ang mga amerikano sa ibabaw ng aking bangkay. Kaya ang ikalawang tanong, nais niyo bang mamatay na tumatakbong mga duwag o mamatay sa pakikipag laban?" pagpapatuloy niya.

"Sa papakipag laban!"

"Nawa'y maging tapat tayo sa ating mga salita." pagtatapos niya.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click