《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅠⅤ. 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐈𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° GARCIA.

•'¯'•

"Alam kong may dinadala pa din hingnanakit ang mga sundalo ni Luna laban sa ibang sundalo dito. Pero panahon na ngayon para magkaisa. Kailangan ko ng sisentang sundalo para magtayo ng pinsera sa Pasong Tirad at ipagtanggol ito." sabi ni Vicente.

"Brigado del Pilar, tumayo ang matapang." nagsitayo ang mga sundalo ni del Pilar ngunit ang iba ay nanatiling umupo.

"Ruiz, Sabino. Huwag kayong duwag. Tayo! ikaw Pilat, Bikong, Oy Paltik!" utos niya.

"Batallion, Ilocos Sur. Tumayo ang matapang." utos niya ulit. pero, kahit isa sa kanila walang tumayo.

"Walang magiting sa Ilocos Sur? Pare pareho tayong dumaan sa hirap papunta dito ni-walang isang tinubuan ng bayag? Panay duwag pala ang mga ito eh." inis na salita ni Vicente.

May biglang nagsalita. "Kolonel Enriquez! Kaming mga Ilocano ay hindi mga duwag!" Sigaw ng lalaki na lumabas sa kubo. Nagulat naman ang mga sundalo ni Luna dahil kilala nila ito.

"Tinyente Garcia. Taga Cervantes ka pala." sabi ni Goyong.

"Heneral Goyo. Hindi ko inaasahang makita ka rito." nagbigay saludo ang dalawa bilang paggalang.

"Kusang loob ba ito?"

"Dipende. Ano ba ang pinaglalaban niyo?"

"Buhay namin." maikling sagot ni Goyo. Tumango naman si Tenyente Garcia at humarap sa kapwa't sundalo niya.

"Buhay kayo?" nagsitayo agad naman sila.

"Isa nalang!" ngunit wala ng tumayo.

"Tay!" Nang tinignan nila kung sino ang nagsalita nagsitawanan sila dahil isang batang lalaki ito, lumapit siya kay Tintyente Garcia.

"Kumpleto na."

Matapos ang pag aayos nila sa mga sasama nagsihanda na muna sila.

"Mag ingat ka Goyo ah." sabi ni Floribeth habang inaayos niya ang kwelyo ng kaniyang kasintahanan.

"Huwag kang mag alala, may aayusin lamang kami doon at uuwi agad kami pagkatapos."

"Oh sige. Ayos kana, magpakuha na kayo ng litrato."

Advertisement

"Sama ka kaya." alok niya.

"Jusko, wag na. Dapat mga sundalo lang iyon, huwag ka ng makulit." yakap niya.

Nagsipwesto na sila, nakasakay naman si Goyong sa kabayo.

"dalawa nalang po." sabi ng kumuha ng natitirang lagayan na kulay kayumanggi.

"Sige, akin na. Maghanada na po, Wala na pong gagalaw." mahinahong sabi ni Joven.

Nagsimula na silang naglagay ng mga pangharang sa bawat paligid ng bundok, marami ding nakiisa sa paglalagay.

Hindi nila alam na nakarating na ang mga amerikano sa may Candon, Ilocos Sur. Kasama nila ang lalaking tinutukso ng mga sundalo dati tinuro niya naman kung nasaan ang mga kapwa pilipino niya.

Tapos na silang maglagay ng harang sa paligid ng bundok at nagkaroon sila ng kasiyahan sa gabing iyon.

May sumasayaw sa tabi ng apoy na umuusok at may mga pinatutugtog din sila.

"Uy, Ate Mutya sayaw ka dun oh." loko ni Marisol.

"Eh, ikaw nalang tutal alam mo naman yung sayaw."

"Ayoko nga, tawanan nanaman nila ako."

"Teka, sumayaw ka na diyan dati?" tanong ni Felicidad.

"Oo, pinilit nila ako eh. Alam mo naman ako agad akong sumayaw sa gitna." tumawa nalang silang apat.

"Dapat pala Kuwarteto tawag sa atin eh." sabi ni Floribeth.

"Ayus yan. Kami ang magagandang Kuwartetoooo!" sigaw ni Mutya. Nagsitinginan naman ang mga tao sa kaniya.

"Pasensya na po hehe..." tumawa nanaman sila.

Inilagay ni Goyo ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang kasintahan, mamaya naka tulog na ito.

"Anak, dalin mo na si Goyo sa tulugan niya sigurado akong napagod yan kanina." utos ni Doña Lucia.

"Nako Nay, hindi papayagan ni Itay yan baka isipin pa nun may gawin pa silang iba." loko ni Mutya.

"Huwag kang mag alala, may ginagawa naman ang tatay mo. Ayun oh nakikipag usap sa mga sundalong iyon, jusko malalasing yan mamaya. Basta, pumunta ka nalang mamaya sa tinutulugan natin" tumango naman ang kaniyang bunsong anak.

Advertisement

Tinapink ni Floribeth ang braso ni Gregorio. "Goyo, tara matulog ka muna sa kwarto mo. Alam kong pagod ka, maaga ka pa naman gigising bukas." dumeretso na sila sa tutulugan ni Gregorio.

Habang naglalakad na sila, nakatingin si Felicidad sa dalawa natutuwa siya na nahanap na ni Gregorio ang tamang babae para sa kaniyang sarili. Nagbago na talaga siya, alam niya ang dahilan kung bakit nagbago na siya. Tama, dahil nabago ni Floribeth ang puso ni Gregorio.

Natatandaan niya parin kung ano ang ugali ni Greogrio dati. Gregorio na nakilala niya, isa siyang sundalo. Napansin naman ni Marisol na ang tahimik niya kaya nilibang niya nalang.

"Goyong, saan ba yung kubo mo? teka, di ka naman lasing. Umayos ka nga."

"Akala ko naman, hindi mo mapapansin eh." masigla niyang sabi. Naglakad na sila patungo sa tulugan ni Gregorio.

"Oh, bat ang sigla-sigla mo ngayon, akala ko ba inaantok ka." pagtataka ni Floribeth.

"Kunyari lang iyon. Tinatamad akong panoorin yung mga sumasayaw kanina tapos kinakausap mo naman yung mga kaibigan mo kaya ayun ang tahimik ko. Naisipan ko nalang na ilagay ko yung ulo ko sa braso mo sakto nagsalita yung nanay mo." paliwanag niya.

"Dami mo talaga alam."

"Syempre, nag aral ako eh." bintukan naman ni Floribeth si Goyo.

"Aray ko!"

"Ay, masakit ba? Ikaw kasi eh."

Pumasok na sila sa kubo at nakita ni Floribeth na andun ang sumbrelong pang Heneral kaya isunot niya iyon.

"Ano ayos ba? bagay ba sakin?"

"Mas bagay sayo yung apilyedo ko."

"Sabi mo eh."

Mayamaya walang nagsalita sa kanilang dalawa.

"Alis na ako ah?" tumayo na si Floribeth. Pero pinigilan siya ni Gregorio sa pamamagitan ng isang malambot na halik, isa ng katiyakan na natapos sa loob ng ilang segundo, ngunit nang maghiwalay sila, Nagkatinginan ang dalawa bago muling maglapit ang kanilang mga labi.

Lalong lumalaki ang mga mata ni Floribeth habang hinila siya palapit, magkadikit ang kanilang mga dibdib sa halikan ng gutom, gusto nila ang isa't isa, kailangan nila ang isa't isa.

Sa sandaling iyon ay sina Floribeth at Goyong lamang ang nasa kanilang mundo, ang tanging alalahanin nila ay magkasama sila, na naghahalikan. Nang tuluyan na silang maghiwalay, hinawi ni Gregorio ang isang hibla ng buhok sa kanyang mga mata, "Pagkatapos ng laban na ito, papakasalan na kita at sumang-ayon naman ang pamilya mo." sabi ni Gregorio.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click