《Singsing - G. del Pilar》ⅩⅠⅠⅠ. 𝐈𝐋𝐎𝐂𝐎𝐒 𝐒𝐔𝐑.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° ILOCOS SUR.

Maaga kaming naglakbay kasi naabutan ng mga amerikano ang kabilang kampo, nadakip nila ang Ina at anak ng Presidente.

Ilang araw pa kami naglakbay ng walang pagkain at tubig hanggang nakarating sa susunod na bayan, ngunit wala rin kaming maasahang tulong. Dahil tulad naranasan sa ibang mga bayan, minsan ay sinasalubong nila kami, minsan iniiwasan.

Tumigil muna kami sa isang bayan para doon makapagpahinga at makakain sana. Napapansin ko na ang tahimik ni Goyo at hindi pa kumakain kaya lumapit sa kaniya para ibigay ang nakuha kong pagkain.

"Goyo, kumakain kana." binigay ko ang pagkain sa kaniya pero tinanggihan niya.

"Ayos lang ako." tinignan ko siya ng masama kaya kinain niya nalang.

"Kung iniisip mo parin yung naNgyari nakaraan ay hindi mo iyon kasalanan. Tandaan mo yon."

"Nabigo ko ang Presidente..."

"Goyo, hindi mo nga kasalanan iyon. Alam kong titignan din nila yon, kung putok talaga ng baril. eh ano ang ginawa nila? wala diba. Kaya itigil mo yan at ngumiti kana." ngiti kong sabi sa kaniya, tumawa naman siya.

Tapos na kaming lahat magpahinga at nagsimula ulit kaming maglakad. Nakita kong may malaking bundok at madaming puno ang ganda ng paligid.

"Tay, asan na po tayo?" tanong ni Ate.

"Bundok sa Tirad ng Ilocos Sur."

"Hala." gulat kong sabi.

"Bakit?" tanong ni Inay sa akin.

"Nay, baka andito po si Marisol."

"Sino si Marisol?" biglang tanong ni Goyong.

"Ano ba Goyo, nakakagulat ka. Yung kinukwento ko sayo na matalik kong kaibigan." tumango-tango naman siya.

Mayamaya bigla nalang ako hinila ni Goyong.

"Huy, saan tayo pupunta?" hindi siya sumagot at tuloy parin kaming nagmamadali tumakbo.

"Dahan dahan lang baka matapilok ako ang daming bato."

Tumigil kami sa napakagandang tanawin...

"Natandaan mo ba na ginawa natin ito dati?" tanong niya sa akin.

Advertisement

"Oo..." manghang-mangaha parin ako sa aking nakikita.

"Kita ang buong bayan." dagdag ko.

"Sana magawa pa rin natin to kung mamatay man ako." nagulat ako sa sinabi niya.

"Wag mo ngang sabihin yan Goyo! diba ayaw kong marinig ang salita na yan." inis kong sabi sa kaniya. Tumawa nalang siya.

"Hindi ka ba nabibigatan sa dala mo? ako na ang magbibitbit niyan."

"Ah.. hindi na kaya pa naman. Malapit na ba tayo?"

"Oo."

"Lintek. Akala ko nabaliw na kayo." hingal na sabi ni Vicente.

"Aba, bakit kasama ako? Hinila lang nga ako ng kaibigan mo."

Habang naglalakad na kami may narinig akong tugtugan nag aabang sa amin ang mga tao at nakangiti pa. Akala ko tatanggihan nanaman kami.

Nang nagpakilala na ang Presidente sa mga tao doon mayamaya may sumigaw ng pangalan ko.

"FLORIBETH!" tinignan ko kung saan nagmula ang apaka lakas ng sigaw na iyon.

Si Marisol pala.

"UYYYYYY! Andito ka pala. Ayos ka lang ba? kayo ng pamilya niyo? ang layo ng nilakad niyo, maupo muna kayo dito." grabe ang bilis magsalita ni Marisol akala mo may kaaway.

"Ayos lang kami. Ikaw?"

"Nako ayos na ayos lalo na nandito kayo." masigla niyang sabi sa akin.

"Ay, Magandang tanghali po." bati ni Marisol kina ate. tumango naman sila.

Kakadating palang namin puro tsismis nanaman ang sinasabi ni ate.

"Uy, alam mo ba? Si Heneral Goyo at si Flor magkasintahan na." tinataas taas niya ang kaniyang mga kilay habang sinabi iyon.

"Mabuti naman nahanap mo na ang lalaking iyon. Akala ko nga hindi ka na makakahanap kasi lahat ay tinatanggihan mo."

"Siya ang nagpatibok ng puso ko eh."

"Jusko, kinikilig kilig ka pa ah."

Nakita kong nananahimik si Felicidad sa tabi, tutal kaibigan ko na siya kaya naisipan kong tawagin siya.

Advertisement

"Felicidad! halika." yaya ko. Lumapit naman siya.

"Ito pala si Felicidad, kapatid ng Presidente."

"Ako po si Marisol binibini, nagagalak ko po kayong makilala."

"Jusko, huwag ka na mag po. Ayoko ng pormal. Ang babait naman ng kaibigan mo, Flor."

"Pwede naman kitang maging kaibigan, hindi ba?" tanong ni Marisol.

"Oo naman."

"Teka-teka, Felicidad. May nakakalimutan ka ata may natitira pa dito." kunyaring ubo ni Ate.

"Oo, kaibigan na rin kita." tawa niya.

"Teka, hindi pa kayo magkaibigan?" tanong ni Marisol.

"Ano kase, may nangyari dati. Teka i-kwento ko sayo yung nangyari dati wala ka kasi doon eh." yan na nga kinukwento na ni ate lahat, tandang tada niya pa ah.

Pagkatapos na mahabang pagpapaliwanag ni ate, nagsalita si Marsiol.

"Ay.. bat ganon?"

"Huwag kang mag-alala hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon pero hindi 'yon ang aking ugali." nagtawanan nalang kaming lahat at nagsimula na rin kaming tumulong sa pag-aayos ng kakainin naming lahat.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click