《Singsing - G. del Pilar》Ⅻ. 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° SIMULA NA.

•'¯'•

Mahambing akong natutulog sa aking kwarto ng may kumatok ng napakalakas, agad akong nagising at tumungo sa sala.

Nakita ko na kinakausap ng aking Itay si Goyong na mukhang natataranta, may ibinigay siyang papel kay Itay.

"Nay, ano po meron?" tanong ko.

bigla din nagtanong si ate. "Inay, bat ang daming tao sa labas may dala-dalang mga gamit."

Agad akong sumilip sa aming bintana, tama nga si ate. Agad akong tumungo kila Itay para tanungin pero nung nakita ako ni Goyong, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Pagkatapos kong kunin ang aking mga kailangan kong dalin agad akong dederetro dito. Si Don Nimuel na ang magpapaliwanag sayo." hinalikan niya ang aking noo at dali siyang umalis.

"Anak basahin mo to."

Habang binabasa ko ang nasa papel agad namang lumapit sila ate at Inay para basahin din.

Nang tapos ko na itong basahin. Nagulat ako at napatingin kay Itay na nagmuling nagsalita.

"Sasama tayo sa pag alis nila. Ihanda niyo na ang mga dadalin niyo.

Napatingin naman ako kay ate Mutya.

"Yung napag usapan natin." tumango nalang ako sa kaniya.

Tumakbo naman ako sa aking silid kinuha ko ang ginawa kong parang bayong pero pwede itong ilagay sa aking likod para wala akong bibitbitin.

Kinuha ko ang aking taalarawan, kumuha narin ako ng madaming tubig at pagkain. Kahit mabigat ito dadalhin ko parin hindi ko alam kung kailan kami babalik dito.

Dahil sa nabasa kong sulat kanina, naisip ko naman magsulat.

Pinauwi na muna ni Don Nimuel ang mga kasambahay sa kanilang tahanan. Nadala na nila ang kanilang dapat dalin at sakto dumating na si Gregorio.

Madaling Araw palang ay umalis na sila ng Calasiao papuntang Santa Barbara. Kung saan tinipon ang mga brigada sa ilalim ng Heneral at ng Presidente para sa mahabang paglalakbay papuntang Norte.

Advertisement

"Kailangan hatiin natin sa dalawang helera ang grupo para mabilis ang pagkilos. Ikaw ang mamumuno sa Vanguwardya kasama ako si Felicidad at Hilaria. Kasama na rin ang pamilyang Chavez." sabi ng Presidente.

Habang pinag-uusapan nila ang plano. Sila Floribeth ay naglakad patungo kung nasaan ang mga babae, nakita nila ang mga Aguinaldo. Naging malapit na si Doña Lucia sa asawa ng Presidente kaya lumapit siya doon.

Napapaisip si Floribeth kung ano kaya ang mangyayari sa kanila ng may narinig siyang nagsalita na boses bata.

"Inay, gutom na po ako." sabi ng anak ng Presidente.

"Magtiis ka muna." biglang binuksan ni Floribeth ang kaniyang lalagayanan sa likod at kumuha ng tinapay, agad siyang pumunta sa bata at ibinigay ito.

"Ito oh. Ubusin mo iyan ah."

"Salamat po." ngumiti naman siya.

Nang pinapanood ni Felicidad si Floribeth nakokonsensya siya sa ginawa niya dati sa kaniya. Mahirap naman aminin pero mabait talaga siya. Naisip niya na makipagbati nalang.

"Floribeth."

"Ah, kamusta. Tagal na nating hindi nagkita."

"Hindi ko na papatagalin ito. Nung nangyari sa atin sa may manggahan hindi ko totoong ugali iyon. Diko alam kung bakit pumasok sa aking isipan iyon. Pasensya na talaga."

"Sige, bati na tayo. Iritang-irata kaya ako sayo dati kasi namimili kami doon tapos bigla kang sumulpot kung ano-ano pa ang sinabi mo." nagtawana nalang sila.

Mayamaya nagsimula na silang maglakbay papuntang Norte.

Makalipas ng tatlong linggo hindi parin kami nakakadating sa nais naming puntahan dahil pagdating namin sa Pozzorubio agad din kaming tumakas dahil nabalitaan naming nakapasok na sa bayan ang mga amerikano.

Nakakapag-usap pa din kami ni Goyo. Pagnangangalay na akong maglakad pinapasakay muna niya ako sa kaniyang kabayo.

Nabawasan ng nabawan ang mga sundalo. Mula noon palipatpat kami ng bayan para makaiwas sa mga amerikano madalas ay walang makain. Ang mga dala ko noon ay naubos na kanina lang pero hindi ko pa sigurado, tinitipid ko ito at ibinibigay ko lang sa mga may kailangan katulad sa mga nahihimatay at nahihilo.

Advertisement

Habang naglalakad kami biglang umulan ng malakas, wala kaming masisilungan kaya nagpasya nalang kami magpatuloy sa paglalakbay kahit delikado ito.

"Paunahin ang mga babae!" Agad kaming sumunod. Nang nadaanan ko si Goyong may binilong siya sa akin.

"Mag-ingat ka." Bigla kong narinig na may nahulog daw na kabayo agad naman akong lumingon dahil nagsisigawan sila. Agad akong natakot dahil nalalag din kasi ang mga lalaki doon, nabawasan nanaman kami.

"Sabihin mo sa kanila mas impoertante ang buhay nila!"

"Huwag na kayong tumingin sa baba!"

"Kilos na Kilos!"

Mabuti naman tumigil na ang ulan at nasa kagubatan na kami sama-sama kami nila Inay, Itay at ate. Tumabi naman si Goyong sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.

Biglang nahimatay si Señora Hilaria.

"Kailangan natin ng tubig!"

"Wala ng tubig."

"tubig sabi!"

Nagkagulo nanaman dahil sa mga sundalo ni Heneral Luna.

"Wala bang nakikinig sa akin? TUBIG!"

"Kumuha ka ng tubig sa likod!"

"Ka miong, wala na po kasing-"

"Pumutol kayo ng kawayan may tubig dun! Goyo!" galit na utos ng presidente.

Agad naman silang pumutol ng kawayan ng malagyan na ito dali-dali nilang ibinigay ito sa Presidente.

Binuksan ko ang aking lalagyanan at tinignan kung may pagkain pa. Isang tinapay nalang...

"May natitira ba tayo kahit kunting pagkain?" agad na ibinigay ni Vicente ang tubo.

Tinignan ng presidente ito. "Tangina. Isang linggo na tayong ngumangata ng tubo!"

"Ito nalang po ang natitira, Ka Miong. Wala pong ibang-" pinutol ko ang sinabi ni Goyong.

"Ito po." tinignan ako ng presidente at nagpasalamat.

"Ayos kalang?" tanong sa akin Goyo.

"Kinakaya ko pa din."

"Mabuti may natira pang pagkain."

"Kaya nga eh.. nag iisa nalang yun." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti at humarap siya kay Vicente.

"Dito muna tayo magkampo."

~

Lumabas si Itay sa pinagtutulugan namin at sakto nasa labas si Goyong

"Floribeth, kumain kayo."

"Salamat." bigay sa akin Itay, kinuha ko ang aking balabal at lumabas ako para kausapin si Goyo.

"Kamusta na kayo?"

"Ayos pa naman. Ikaw?"

"Ito buhay pa. Basta kapagkasama ikaw ayos lang ako."

"Hanggang dito pa naman?" tawa ko.

"Oo naman. Kahit saan pa."

Biglang nagsalita si Vicente. "Goyong, may narinig kaming putukan galing sa ibaba."

"Narinig ko din."

"Hindi kaya mga amerikano yun?"

"Mga kawayan lang yun, lumakli sa ihop ng hangin.

"Pero-"

"Alam ko ang putok ng baril, ano ba?" putol ni Goyo.

"Goyong, mas ligtas na dapat tignan niyo para sigurado. Mahirap na..."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click