《Singsing - G. del Pilar》Ⅺ. 𝐁𝐈𝐆𝐋𝐀𝐀𝐍.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° BIGLAAN.

•'¯'•

Sina Floribeth at Gregorio ay gumugol nang ilang oras sa gilid ng dagat, ang dalawa ay nag uusap sa kanilang magiging buhay kapag nakaluwag na ang labanan.

"Pagnakaluwag na ang labanan dito sa Dagupan ay papakasalan kita at magkakaroon ng malaking kasiyahan sa labas ng Simbahan, lahat ay imbitado." Masiglang sabi ni Gregorio.

"Naisipan mo na talaga ang kasal ah."

"Ilan ba ang gusto mong anak?" Tanong niya kay Floribeth.

"Mga dalawa siguro, babae at lalaki." Sagot ni Floribeth na nakangiti. tumango-tango naman si Gregorio.

"Kung magkakaroon tayo ng anak. Ako ang magpapangalan ng lalaki tas ikaw naman sa babae."

"Amanda."

"sa lalaki naman... Aquilino."

Habang nag uusap sila ay may narinig si Gregorio na pamilyar na tunog, pumasok sa utak niya ang sinasabi ni Manuel na 'tahol goyo tahol!' at ang lalaki na nabaril sa leeg kanina at yung nakita niya na matandang lalaki sa kasiyahan na pipi.

Nagsimulang nanginig ang kaniyang kamay at napansin ito ni Floribeth kaya tininanong niya.

"Nanginginig ka?"

"Goyo, bakit?" tanong niya ulit.

"Wala." Agad siyang tumayo at naglakad.

Sinundan niya naman si Gregorio. "Maupo ka muna. Nanginginig ka oh."

Pumasok sa isipan ni Gregorio ang dugo na dumadaloy, biglang nagulo ang isipan niya kaya nahimatay ito.

Agad na nataranta si Floribeth at agad-agad siyang humihingi ng tulong. Nasa bahay na sila ni Floribeth at nakahiga si Gregorio sa silid na pambisita.

Naisip niya na baka napagod ito dahil sa laban kanina.

Madaling araw na at nagising si Floribeth nang may narinig siyang ingay sa kwarto ni Gregorio. Agad niyang isinuot ang kaniyang balabal at dali-dali siyang pumasok sa kwarto.

Sakto nagising na si Gregorio at napansin niya na nakatayo si Floribeth.

"Ang lakas ng ungol mo, gigisingin na sana kita. Ayos ka lang ba?"

Advertisement

"Nananaginip lang."

Kumuha ng tubig si Floribeth sa may lamesa. "Inom ka muna ng tubig." Ginawa naman ni goyo ang sinabi niya.

"Salamat."

"Tulog na ako ah, 'pag may kailangan ka pumunta ka lang sa kabilang kwarto andun ang aking silid."

"Sige. Salamat ulit, Flori." Umalis na si Floribeth sa kwarto.

Mayamaya ay tumayo si Gregorio at sumilip sa may bintana. May naisip siya para mawala ang kaniyang iniisip.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at dumeretso sa labas, naglakad siya patungo kung saan siya nakikitara. Agad niyang ginising si Julian at Vicente.

"Ang aga-aga nanggigising ka diyan." Inis na wika ni Julian.

"Gumising kayo. May pupuntahan tayo."

"Pwede namang bukas yan ah." sabi ni Vicente. Tumayo na siya at dumeretso sa labas upang mag intay.

Ayaw pa rin gumising ni Julian kaya hinila ni Gregorio ito. Habang naglalakad sila palabas ng bahay pinapagalitan naman ni Julian si Gregorio.

"Marami mong satsat sumama ka nalang." akbay ni Gregorio sa kapatid niya.

"Nababaliw na tong si Goyong eh." Sabi ni Vicente

"Sino pa bang pwede nating isama?" tanong ni Gregorio. Napatingin naman si Vicente sa tabi ng bahay na kung nasaan si Joven.

Antok na antok na naglalakad si Joven, nakapikit pa nga habang naglalakad.

"Kakaiba ding makaisip ng despedida tong si Goyong eh noh."

Habang naglalakad sila may naring silang naglalakad patungo kung nasaan sila.

"Tahimik." Dali-dali silang nagtago sa may mga damo at ito namang si Vicente hinila si Joven kasi nakatulala lang.

"Tago!"

"Bat tayo nagtatago? eh sundalo natin 'yan." Pagtatakang tanong ni Vicente.

"Wag kang magulo." Bulong ni Gregorio.

Nang makaalis na ang dalawang sundalo ay tumabo na sila patungo sa may lawa.

"Sige na. Para nung mga bata pa tayo."

"Hindi natin ginawa 'toh ng hating gabi."

Advertisement

"Dali na!"

Nagsimula na silang tanggalin ang itaas at pangbaba.

"Ano tara na!"

"Mahuli ang walang bayag!"

"Mauna tarantado!"

"Putangina, ang ginaw!"

"Lamig!"

"Daming bato." Naligo na sila na parang bata.

"Joven! halika dito!" Sigaw ni Vicente.

"kayo nalang. Bantay nalang ako dito."

"Baka magkakulete ka diyan. Nakahubad kami dito." tawa nila. Biglang may narinig sila mula sa langit.

"Kulog lang 'yon." Naghahampasan na sila sa tubig, ngayon nalang ulit nila nagawa ang mga bagay na ito dahil lagi silang may ginagawang importante para sa bansa.

Hindi nila alam na sumugod na ang mga amerikano sa paligid ng Pangasinan.

Habang masayang lumalangoy si Gregorio ay may biglang pumasok sa isipan niya. Nakita niya ang kaniyang sarili na dumudura ng dugo mula sa kaniyang labi at agad niyang pinunasan ito, nang nakita niyang dugo ito ay dahan-dahan siyang nalubog sa tubig.

Nakahiga ito at intinaas niya ang kaniyang kanang kamay sa agilang lumilipad.

Hindi namalayan nila na wala si Gregorio sa tabi nila. Nakita ng dalawang sundalo na may tao sa may lawa kaya lihim nilang kinuha ang baril at ipinutok ito.

Nasa sarili na si Gregorio, nang narinig niya ang putok ng baril ay pinilit niyang makabalis sa itaas.

"Wag! Wag! Hindi niyo kami kaaway!" sigaw ni Joven.

"HOY! mga tanga!"

"Pasensya na po. Akala naming mga espiyang kastila."

"Sa balat naming ito mukha ba kaming-" Biglang namukhaan ni Julian ang sundalo.

"Juan?"

"Pinsan?"

"Tangina mo! Muntik mo na kaming mapatay." Sampal niya kay Juan.

"Pasensya na, kuya Julian."

"Si Vicente to oh, tsaka si Goyong-" turo niya. Napansin na nila na wala si Gregorio sa tabi nila.

"Goyong? Goyong!"

"Pagtinamaan ang kapatid ko."

"Goyong!"

Sa wakas nakahaon na si Gregorio.

"Halika-halika." bitbit nila kay Gregorio.

"Akala ko nalunod kana."

"Mamatay ako." Sabi niya habang humahanap ng hangin para makahinga.

"Buhay na buhay, Goyong."

"Mamamatay ako!" Taranta niyang wka ulit.

"Huy! Huminahon ka."

"Kuya..."

Biglang dumating ang isang sundalo na natataranta.

"Henaral Goyong! Heneral! Andito ba si Heneral Goyo?"

"Ano 'yon?"

"May naghatid ng sulat mula sa sundalong Amerikano pero nabaril namin agad ito. Para kay Heneral Goyong daw. Tapos pinapatungo ang Heneral sa Bayambang upang doon magtipon." Binigay ng sundalo ang liham kay Gregorio.

Agad na kinuha niya ang liham at nakinig muna sa sinasabi ng sundalo.

"Anong nangyari?"

"Mga amerikano. Umabante sila sa mula sa iba't ibang dako. Hawak na nila ang Tarlac. Sumuko na rin ang San Fabian." May narinig silang ingay mula sa langit.

Pagkatapos ng sundalo sabihin ang nais niyang sabihin agad na binuksan na ni Gregorio ang liham na mula sa isang amerikano.

"Ilawan mo nga ako." Utos niya. Agad namang sumunod ito.

Para kay Hen. Gregorio del Pilar,

Magsitakas na kayo Heneral. Pupunta ang mga Amerikano dito mamayang gabi para makipaglaban. May lahi akong Pilipino mula sa aking Inay kaya marunong ako magtagalog. Narinig ko ang usapan ng mga Amerikano na kukunin daw ng mga bandang hapon ang iyong kasintahan na si Floribeth Chavez, para pagtumakas daw kayo ay sigurado silang babalik ka para kunin si binibing Floribeth at papatayin ka. Ganun din sa Presidente kukunin daw nila ang kaniyang mga anak at asawa, huwag po kayong mag alala nagpadala narin ako ng sulat para sa kaniya. Kaya sinabi ko sa inyo ito dahil pagod na ako, ayoko na. Magtagumpay sana kayo.

Nagtatapos.

-John

Agad naman tumungo si Gregorio sa tahanan nila Floribeth.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click