《Singsing - G. del Pilar》Ⅹ. 𝐒𝐀𝐆𝐎𝐓.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° SAGOT.

•'¯'•

OKTUBRE 1899 – NUEVA ECIJA

"Fuego!" sigaw ko.

Nakita kong tumatakbo papunta sa akin si Vicente. "Nasa isangdaan ang bilang ng mga amerikano, wala pang sugatan sa kanila."

"Fuego!" Sigaw ko ulit. Parang posibleng manalo kami sa laban dito sa Nueva Ecija, mabilis nila kaming napapatay dahil nasa baba kami.

"Ilan na ang sagutan satin?" Taranta kong tanong.

"Kinse ang sugatan. Bente na ang Patay. Goyong, hindi tayo tatagal dito. May tiratodes rin ang mga Amerikano. Mas asentados sila."

Nakita kong sunod-sunod ang mga namamatay malapit sa amin. "Punyeta! Baba!"

"Aatras na ba tayo?"

Aatras na talaga kami, iyon ang aking huling desisyon nang biglang nasilayan ko may natamaan sa leeg, natulala na lang ako. Hindi ko alam bakit iba ang naging pakiramdam ko nung nakita ko iyon.

"Goyong!" sigaw ni Vicente. Tumango nalang ako.

Umatras na kami sa laban at nagsimula na kaming umuwi sa Dagupan. Inaayos ko ang lalagyanan ng tubigan ko. Mahaba-haba pa ang lalakbayin namin kaya iinom na sana ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Magpapadala ba ako ng kawal sa susunod na pinsera? Hindi pa umaabante ang mga Amerikano." Habang sinasabi ni Vicente iyon ay nakita ko ang mga sugatan at sigurado akong nandoon ang nabaril sa leeg.

Kahit kaunti lang aking maitutulong sa kanila, ibinigay ko nalang ang aking tubig. "Ibigay mo sa sugatan na kawal." Sumakay na ako sa aking kabayo.

"Maliit lang ang nangyaring bakbakan kanina. Walang rason ang mga Amerikano para umabante sa susunod na pinsera." sabi ko at pinaandar na ang kabayo.

Nakarating na kami sa Dagupan at dumaan muna ako sa Simbahan para magdasal tsaka didiretso na ako kila Floribeth.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Tanong ko kay kuya.

Advertisement

"Uuwi ka naman Bulacan sa pasko diba?" Tanong ni kuya bago ako makasagot ay may nakita akong babae na tapos na magdasal, tumayo na ito at si Floribeth pala iyon, nagkatinginan kami at naglakad na siya ulit.

Nagtaka ako bakit hindi niya ako pinuntahan kaya naisipan ko na sundan nalang siya, pero hinila ako ni kuya.

"Hindi ka talaga makapag intay, magdasal ka muna." pero tumayo na ako at sinundan siya.

Nakita ko siya sa may dagat na naka upo sa bato. Pinuntahan ko siya at tumayo sa harap niya.

"Masama ba ang loob mo sa akin? Bigla ka nalang kasi umalis sa Simbahan nung nakita mo ako kanina."

"Umupo ka dito sa tabi ko mangangalay ka diyan at para sagutin ang tanong mo. Hindi ako galit sayo, kaya agad akong umalis kasi nasa simbahan tayo bawal maingay doon at may nagdadasal."

"Akala ko may ginawa akong mali kaya umalis ka ng bigla."

"Oo." Sabi niya.

"Ha?"

"Sinasagot na kita." Walang pagdadalawang-isip na sinabi niya, hindi siya tumigil, wala nang sikreto at walang kasinungalingan, kami ni Floribeth lang.

Ngumiti ako ng sobra ipinatong ko ang aking mga kamay nang may pagglang sa bewang niya at idiniin ang labi ko sa labi niya.

Sa wakas, kami na. Sa wakas, maaari ko ng hawakan ang kaniyang mga kamay. Sa wakas, natapos din ang mahabang paghihintay. Pinaghalo sa lahat ng pagbaba at pagtaas ay nagbigay ito ng pinakamagandang kumbinasyon. Naalala ko yung araw na talagang nalaman ko ang kahulugan ng mahal kita."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click