《Singsing - G. del Pilar》Ⅸ. 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀𝐏𝐓𝐀𝐏.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° ALITAPTAP.

•'¯'•

Makalipas nang ilang araw, lagi pa rin bumibisita si Goyong para kamustahin ako, minsan nga dinadalhan pa ako ng regalo.

Hindi ako makatulog, hindi ko alam kung bakit. Ilang beses ko na pinipikit ang aking mga mata pero ayaw talaga, nagsinidi nalang ako ng kandila at nagsulat sa aking taalarawan.

Habang nagsusulat ako at may narinig akong ingay mula sa aking bintana, mahina ang boses pero rinig ko. Parang tinatawag ang aking pangalan, agad akong tumungo doon kung may tao.

Si Goyong pala. Kinuha ko agad ang aking balabal at isinoot ito.

"Goyong? Gabi na ah, anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ako makatulog kaya pumunta ako dito. Sama ka sakin, mayroon akong nakita sigurado akong magugustuhan mo iyon."

"Ha? Pano ako bababa? Hindi naman pwede sa pinto andun si Itay."

"Dito nalang. Wag kang mag-alala, aalayan kita."

"Sige na nga."

Sinubukan kong umakyat sa bintana at inapakan ang pwede kong maapakan pero nadulas ako. Ano bayan, Floribeth. Ayun na nga lang ang gagawin mo nadulas ka pa, tsk. Nasalo agad ako ni Goyong.

"Ayos ka lang ba? May masakit?" Taranta niyang tanong.

"Ang saya! Akalain mo yun." Tawa kong sabi.

"Pinakaba mo naman ako. May masakit ba?" tanong niya muli at umiling naman ako.

Nagsimula na kaming maglakad. "Saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

Pinabayaan ko nalang at sinundan ko siya. Nagulat nalang ako 'bat parang ang liwanag sa may bandang kanan kaya kumapit ako sa kaniya.

"Wag kang mag-alala. Mga alitaptap yan at diyan tayo pupunta." Sabi nya sa akim. Aalisin ko na sana ang aking kamay na nakasabit sa kaniya ngunit nagsalita siya.

"Huwag mong bitawan ang aking kamay. Komportable na ako" Namula ako sa sinabi niya, mabuti nalang madalim pa.

Nakarating na kami kung nasaan ang mga alitaptap. Manghang-mangha ako sa aking nakita tinignan ko si Goyo na nakangiti at humuli siya ng isa, siguro may hihilingin siya. Ginaya ko naman ang ginawa niya at humiling 'Sana matapos na ang digmaang ito para wala nang gulo at sana si Goyong ang tamang lalaki para sa akin. Ayokong aminin pero napamahal na ako sa kaniya.' At binuksan ko na ang aking palad at lumipad na ito.

Advertisement

"Ano ang hiniling mo?" Tanong niya.

"Di ko sasabihin sayo. Baka hindi pa matupad eh."

"Pwede ba kitang mayakap?" Tumango naman ako. "Ang pagyakap ay isang tahimik na paraan ng pagsasabi... mahalaga ka sa akin." Sabi niya sa akin.

"Ang tatamis naman nang sinabi mo sa akin, totoo ba yan?"

"Oo naman."

Hindi pa kami kumulas sa yakap. Mga ilang minuto ay nagsalita si Goyong.

"Kailangan kong pumunta sa Nueva Ecija. Pero, babalik ako dito pagkatapos..."

"Ha? Bakit?"

"Magkakaroon ng labanan at kahit ayokong mahiwalay sa iyo, kailangan talaga akong pumunta doon."

"Ayos lang. Dapat kang maka-uwi dito malalagot ka sa akin kapag hindi makabalik."

"Pangako."

"Tsaka nga pala. Pag uwi mo hanapin mo ako at doon ko sasabihin ang aking sagot"

"Sige, lalo tuloy akong nasabik."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click