《Singsing - G. del Pilar》Ⅶ. 𝐀𝐆𝐈𝐋𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° AGILA.

•'¯'•

Ang lahat nang sinabi ko nung nakaraan kay Floribeth ay totoo. Balak ko talaga siyang pakasalan. Sa mga araw kong nakasama siya ay masasabi kong wala pa akong nakitang katulad niya matalino, mabait, lahat na talaga na sa kaniya.

Ipapakita ko sa kaniya na mahal ko talaga siya. Hindi ko pa nararamdaman sa ibang babae ang mga ito. Baka siya na talaga ang aking hinahanap.

Tinapos ko ng maaga ang mga kailangan kong gawin, agad akong dumeretso sa tahanan nila Don Nimuel. Magpapaaalam muna ako sa kaniya kung pwede kong ipasyal si Floribeth.

Kakatok muna sana ako pero may biglang nagsalita. "Oh Gregorio, bat na parito ka? May kailangan ka ba?"

"Magandang tanghali po Don Nimuel. Pwede ko po bang ipasyal si Binibining Floribeth?" kaba kong tanong. Sa lahat ng mga babae ko na nakasama, ngayon ko lang ginawa ang mga bagay na ito.

"Ah, kung papayag si Flor. Pero, ako pwede naman basta i-uwi mo siya ng maaga. Pasok ka muna at maupo. Tandaan mo, boto ako sayo." ngiting sabi ni Don Nimuel, siguro dito nakuha ang kabaitan ni Flori.

"Manang Teresita, pakitawag po si Floribeth at mayroon siyang bisitang nag-iintay."

Mga ilang minuto ay nakita ko na si Floribeth na nagtataka. Nang makadating na dito si Flor ay umalis na si Don Nimuel binigyan niya ako ng ngiti.

"Magandang Tanghali, Goyong. Bat na parito ka?" tanong ni Floribeth.

"Nais kitang ipasyal. Payag ka ba?"

"Pwede naman. Kailan ba?"

"Kung ayos lang sa iyo, ngayon?"

"Sige. Mag aayos lang ako." Tumango ako. Mayamaya ay dumating na siya at lumabas na kami sa kanilang bahay.

Nasa labas ang aking kabayo nais ko na dito nalang kami sasakay para mas romantiko.

"Sasakay tayo sa kabayo?"

"Ayos lang ba?" Tumango naman siya. Tinulungan ko muna siya sa pagsakay at sumakay na rin ako. Habang pinapalakad ko ang kabayo ang daming nakatingin sa amin pero wala akong pake nasa likod ko ang nais kong pakasalan.

Advertisement

"Goyong, saan ba tayo pupunta?"

"Sikreto. Sigurado akong magugustuhan mo iyon."

Nang nakadating na kami narandaman kong kinakalbit ako ni Floribeth.

"Goyo... ang ganda dito. Pano mo nalaman to?" Tanong niya.

"Nakita ko lang 'to habang naglilibot ako dito sa Dagupan." Sabi ko habang bumababa sa aking kabayo at tinulungan ko naman makababa siya.

Habang pinagmamasdan namin ang paligid ay may nakita akong isang bulaklak kinuha ko ito at binigay sa kaniya.

"Salamat." Ningitian ko siya. Nang may bigla kaming nakitang agila, napakaganda nito.

"Uy, nakita mo ba iyon? Ang ganda."

"Oo. Ngayon lang ako nakakita 'nun." Sabi ko.

"Nalaman ko na tinatawag ka nilang agila. Tama naman."

Nagkatinginan kaming dalawa, ang ganda talaga ng mga mata niya. Makikita mo na siya talaga ang kinabukasan mo.

"Pwede ba akong manligaw sa iyo?" Tumango siya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Hindi ka magsisisi Floribeth." Grabe ang saya ko sa araw na to parang ang sarap ipagyabang kila kuya at Vicente pero mamaya ko na gagawin yun.

Alas tres na ng hapon, naghahanap kami ng makakainan. Itinabi ko muna ang aking kabayo. May palatandaan naman ako, pinatambay ko na rin sa mga nagbabantay nito.

"Goyo, alam ko na saan tayo kakain may alam akong isang kainan na napakasarap. Tara!" Hila niya sa akin apakaaktibo talaga ng babaeng ito.

Nakarating na kami sa sinasabi niyang kainan, naamoy ko na ang mga inihandang pagkain mukhang masarap nga ang mga ito. Habang pinagmamasdan ko ito may biglang nagsalita na babae siguro siya ang tindera dito nagulat nalang ako kilala niya pala si Floribeth.

"Floribeth, andito ka pala! Dito ka ba kakain?" tumango naman siya. May isang boses nanaman ang nagsalita.

"Ate Floribeth!" Yakap ng bata sa kaniya. Napansin ni Floribeth na nakatayo lang ako dito na parang puno.

Advertisement

"Kamusta po, Ito po pala si Goyong."

"Magandang araw po, binibini. Nais po naming kumain dito ni Floribeth, siya pa nga mismo ang naghila sa akin kasi masasarap daw po ang mga niluluto niyo." Sabi ko.

"Heneral! Ikaw pala 'yan. Sige pili na kayo dito ng iyong makakain."

Pumili na kami ng aming kakainin, pagkatapos naman ay pinaupo ko na siya sabi ko, ako na ang magdadala ng aming pagkain tumango naman siya at naghanap na siya ng aming uupuan. Nagsalita nanaman ang tindera.

"Alam mo, apakabait bait ng dalagang 'yan. Mabuti nahanap niya itong anak ko na si Luis, isasara ko na nga sana ang aking karindirya para hanapin siya. Pero, nakita kong parating sila dito kasama si Luis. Kaya ang laki talaga ng pasasalamat ko sa binibining iyan." Lalo akong napahanga sa kaniya, tumingin ako kay Floribeth at Luis na nagtatawanan. Malapit siya sa mga bata, iniisip ko nalang na kung magkaanak kami grabe apakaswerte ko.

"Kaya nga po, nililigawan ko siya dahil sa kanyang kabaitan halos lahat nga po nasa kanya na ." Wika ko habang kumukuha ng kutsara at tinidor.

"Heneral, baka sabihin mo mahal mo na siya."

Tapos na kaming kumain at binayaran ko na ito. Gusto pa nga ni Flori na siya na daw ang magbayad pero tumanggi ako.

Inuwi ko na siya sa kanilang bahay at ipinaalam ko sa pamilya niya na nililigawan ko siya at salamat naman na ayos sila tungkol doon. Naglalakad na ako pauwi at iniisip ko kung ano ang sunod kong gagawin.

Nang nakarating na ako sa aking tinutuluyan ayandun sina Kuya Julian at Vicente na nakadungaw sa bintana at nakangisi pa.

"Ano, kamusta? Ayos naman ang nangyari?"

"Anong ginawa niyo?"

"Tinanggi ka ba na liligawan mo siya?

"Teka teka! Ang dami niyong tanong pero ayos naman ang nangyari. Pinasyal ko lamang si Floribeth at pumayag siya na pwede ko siyang ligawan." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi lang naman pala ikaw ang nagkakagusto sa pamilyang iyan eh. Pati tong si Vicente oh, kay Mutya." Sabi ni kuya habang tumatawa.

"Ha? Kailan pa?" Tanong ko.

"Yung simula na hindi siya medyo madaldal dahil kakaisip sa binibining iyon."

"Manahimik nga kayo. Pasok ka na nga dito Goyong, ano pang ginagawa mo diyan." Tumawa nalang kami ni Kuya.

"Teka, hindi pa ako tapos. May naisip ako, at kailangan ko kayong dalawa."

"Ha? Ano nanaman 'yan? Wag mong sabihin sa akin idadamay mo nanaman kami sa kalokohan mo." Sabi ni kuya at ngumisi ako.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click