《Singsing - G. del Pilar》Ⅵ. 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐊𝐈𝐓𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° MAHAL KITA.

•'¯'•

Kinabukasan, nang tapos na kami mag almusal ay pumunta na kami ni ate sa sala. Nagulat nalang ako 'bat ang daming tao. tinignan ako ni ate na parang sabi 'Anong meron?' umiling nalang ako. Umupo na kaming dalawa at mayamaya ay bigla na lang kami tinawag ni itay.

"Floribeth, Mutya. Mga anak, Halika!" Habang naglakad kami patungo kay itay randam kong may nakatingin sa akin kaya tinignan ko naman kung sino 'yun. Kapatid pala ng Presidente, ibinalik ko na ang aking atensyon kay itay at nagsalita na ulit ito.

"Sa sabado may handaan tayo ah para kay Koronel Julian, alam niyo na ang gagawin. Siguraduhin nating masarap ang handa para sa iyo Koronel. Ano bang paboritong mong pagkain?" Tanong ni Itay.

"Kayo po bahala, Don Nimuel." Sagot naman ni kuya Julian.

Nang lumipas ang Sabado ay pumunta na kami ni ate Mutya sa Pamilihan ng mga pagkain, naisipan namin tumigil sa bentahan ng mga mangga. Pinakita sa akin ni ate ang kaniyang hawak na mangga, ako kasi ang may alam sa pagluluto. "Wag yan ate, ibalik mo 'yan, mabubulok na 'yan." Sabi ko.

Nang may narinig kaming nagsalita. "Tamang hinog lang naman. Malayo pa ito sa pagkabulok." Tanda ko ang pangalan niya, Felicidad. Aba, parehas pa kami ng letra ng unang pangalan.

"Mahirap na. Kailangan sariwa." Sabi ko ng pabalik. Felicidad, bakit kaba andito bibili ka rin ba?

"Totoo. Pero, kailangan marunong rin tayong tumingin kung ano ba talaga ang hinog sa totoong bulok. Hindi kasi maganda yung tapon tayo ng tapon kahit hindi pa naman 'to nabubulok."

"Kunti lang dito ang pwedeng ihain." Mahinahon kong sagot. Nakita kong tinitignan ni ate ng masama si Felicidad, sino naman hindi magagalit doon biglang susulpot tapos ganun pa ang sasabihin.

"Lahat naman ng mga manggang ito pinitas para ihain, hindi naman sila pinitas para itapon lang. Wag ka lang magpatapon." Ang sarap niyang tirisin.

"Hindi naman ako mangga." Ngiti kong wika da kaniya.

"Buti alam mo." Saad niya at bago pa siyang makaalis ay biglang nasalita si ate.

"Teka-teka, Felicidad, andito pala ang nawawala mong mga kapatid. Ayun oh, mga mangga kasing kulay ng suot mo." Agad naman umalis ang babaeng iyon, tignan mo hindi naman bibili pumunta pa dito gusto lang ata ako inisin nito eh.

Advertisement

Nang makaalis si Felicidad ay agad akong nagsalita. "Jusko ate, kung hindi lang kapatid ng Presidente 'yan. Natiris ko na yan." Inis kong sabi sa kaniya.

"Ako nga eh, hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Tinarayan ko nalang din."

Umuwi na agad kami pagkatapos namin bilhin ang mga kailangan para lutuin. Tinulungan ko na rin sila Manang Teresita para mapabilis ang gawain kasi maggagabi na. Pagkatapos namin magluto ay nag ayos na kami ni ate sa aking silid.

"Ate, ito oh parang ang ganda ng kulay dilaw."

"Tsk, ayoko niyan baka magmukha akong Felicidad na mangga." Natawa ako sa sinabi ni ate siguro naalala niya tuloy yung nangyari kanina.

Nagsimula na kaming mag ayos. Kulay pula ang aking isinuot at kulay lila naman kay ate. Lumabas na kami sa aking silid at nakasalubong namin si inay at itay.

"Ang gaganda naman ng mga anak ko, kamukha niyo talaga ako." nakangiting pagpuri sa amin ni inay. Bigla naman nagulat si Itay at sinabing. "Aba, may halo rin ako diyan." Nagtawanan nalang kami at umupo na kami ni ate sa bakanteng upuan.

Habang nag-iintay kami, nakita ko naman na dumating na sila Vicente at ang magkapatid. Lumapit sila sa Presidente at tinignan naman ako ni Goyong, ngumiti nanaman siya at ibanalik ko rin.

"Ano, pangiti-ngiti ka pa ah." Biro sa akin.

"Sige. Titignan ko kayo ni kuya Julian mamaya, akala mo ah."

Nang narinig kong nag iba ang musika, pangsayaw ito ah. Lumapit na ang mga Ginoo sa katabi kong mga babae para isayaw, sabi ko na isasayaw ni kuya Julian si ate eh. Tinataas-taas ko ang aking mga kilay sa kaniya at dinilaan niya lang ako.

Nang may narinig akong nagsalita. "Binibini." Si Goyong pala. Nilabas niya ang kaniyang kamay kung gusto kong sumayaw, nakita ko naman ang daming nakatingin nanaman sa kaniya.

"Ayokong makipagpaligsaan."

"Kanino?" Nagtanong ka pa tinignan mo na nga kung sino yung mga tinutukoy ko.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi. "Sa mga mata mo lang naman ako nakatingin. Kung tutuusin eh, ako pa nga ang nakikipagpaligsahan." tumingin ako kung saan nakatungo si Goyong, napangisi nalang ako nakatingin pala sa akin ang mga lalaking iyon. "Patas lang."

Kinuha ko na ang kaniyang kamay at nagsimula na kaming sumayaw. Naisipan kong sabihin sa kaniya ang nais kong sabihin.

Advertisement

"Heneral, ilang araw na tayong nagpapaligoy-ligoy."

"Diba sinabi ko na sa iyo dati na tawagin mo nalang akong Goyong." Sabi niya sa akin habang iniikot niya ako.

Nalito tuloy ako, dalawa ba yung palayaw niya kaya tinanong ko nalang. "Goyong? Goyo?"

"Pamilya ko lang ang tumatawag sa akin ng Goyong. Pero 'pag may pamilya tayo-"

"Goyo." Pinigilan ko siya, 'di pa nga nangliligaw eh. "Kailangan na nating mag usap." Pagpapatuloy ko.

"Tungkol saan?"

"Sa mga babae mo."

"Huwag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo."

"Hindi ako nakikinig sa mga sabi-sabi nakikita ko sa mga mata mo." Sabi ko sa kaniya.

"At ano ang nakikita mo?" Tanong niya.

"Malikot ang mga mata mo. Minsan di ko malaman kung ako ba talaga ang kinakausap mo o may ibang babae sa likod ko."

"Naduling lang ako sa ganda mo. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa mga mata mo, sa labi mo, sa kamay mo..." Nagulat ako sa sinabi niya, kaya hinampas ko ang kaniyang kamay.

"At kung magiging tayo na, ganda mo rin ang lunas sa pagkaduling."

"Ganda lang ito, Goyong. Mawawala din ito. Tatatanda ako at ang pagkatao ko nalang ang maiiwan at hindi mauubos ang mga magagandang dalaga dito sa Dagupan." Pagpapaliwang ko.

"Pagsinabi kong maganda ka, kasama na ang kasamang gandang loob mo." Nagulat ako sa sinabi niya ayun talaga ang gusto ko sa lalaki.

"Totoo ba 'yan o nang aakit kalang?

"Aamin kong bihira ang mga babaeng katulad mo. Dapat sa iyo'y inaalagaan, sinasamba."

"Tao lang ako goyo." Tinititis ko ang mga sinasabi niya, diko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

"At kung may singsing lang ako-"

"Tao lang ako."

"Pero naniniwala ka ba na mahal kita?" Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya. Titignan ko nalang kung ipapakita niya na mahal niya talaga ako at kung napamahal ako sa kaniya.

"Makakahintay ka ba?" Tanong ko.

"May isang hiling lang ako. Kapag tanggap mo na ang pagmamahal ko, ipaalam mo sa akin. Bigyan mo ako ng senyales." Natapos na ang sayaw at hinalikan niya na ang aking kamay.

"Balak kitang pakasalan, Flori."

Nang tapos na kami magsayaw ay biglang umupo sa tabi ko si ate. "Uy, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ah." Tanong niya.

"Mamaya ko nalang ikwento sa iyo pagtapos ng kasiyahang ito... kamusta pala yung sayaw niyo ni kuya Julian?"

"Jusko, 'wag mo nang itanong. Aba! Ang bastos niya pala, kung ano-ano ang sinasabi sa akin. Ayoko na dun."

"Ahh..." Habang nag-uusap kami ni ate ay biglang kinausap kami ni Vicente.

"Mga binibini, baka gusto niyong umupo sa bandang doon. Medyo madami kasing tao dito para hindi kayo mainitan." Ngiti niyang yaya saamin at tumango naman kami.

Habang patungo kami banda kung saan ang tinutukoy ni Vicente ay may nakita akong lalaki na nakasalamin lagi ko siyang nakikita sa may labas kumukuha ng mga litrato.

Umupo na kami at nagsalita si ate. "Ang potograpo." Ningitian ko siya at ibinalik niya naman.

"Magandang gabi, mga binibini. Ako po si Joven Hernando. Maari niyo akong tawaging, Joven."

"Ako si Floribeth at ito naman ang aking ate na si Mutya." Pagpapakilala ko.

Biglang sumulpot si kuya Julian at nakisiksik sa tabi nila Joven at Vicente. Umurong kami para hindi kami magsiksikan.

"Dito ako sa may halaman para presko... Eto naman si Joven, laging seryoso! Humihanga ka nga. De numero lahat ng kilos mo eh"

"Ito na lang ba lagi ang gagawin natin? Puro romansa at panunuyo? Ganun na ba talagang kahalaga ang kilig at pang-aakit?" Tanong ni Joven.

Nagulat si kuya Julian sa sinabi ni Joven. "Anong nakain nito?"

"Nasa gitna tayo ng digmaan." inosenteng sabi ni Joven.

"Alam ko! Sunadalo ako, baka nakakalimutan mo. Pero may putukan ba? May naririnig ka? Kayo?" Umiling kaming lahat.

Sa susunod niyang sabi nagulat nalang kami ni ate, ito pala ang sinasabi niya. "Teka... mas maganda nga siguro kung may putukan." kinindatan niya si ate. Hinampas naman ni Vicente si kuya Julian sa braso.

"Tara na nga, Flor. Napakabastos talaga ng sunadalong 'yan." Agad niya akong hinila papalayo.

"Pahamak ka talaga." Rinig kong sabi ni Vicente.

"Bakit gusto mo si Mutya? Sayo na iyan." Sabi naman ni kuya Julian.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click