《Singsing - G. del Pilar》Ⅴ. 𝐍𝐆𝐈𝐓𝐈.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° NGITI.

•'¯'•

Nakapaghanda na ako ng aking sarili para sa pagdating ng Presidente dito sa bayan, nagsimula na akong naglakad patungo sa labas at sakto andiyan na sila.

Nagbigay saludo kami sa isa't isa bilang paggalang.

"Nadampot na daw si Jose Bernal?" Tanong ng Presidente sa akin.

"Pinaligpit na po."

"Mahusay. Gagawin kitang Kumandante Heneral ng buong Pangasinan."

"Salamat Ka Miong." Hindi ko talaga inaasahan na tataasan ako ng ranggo.

Habang nag-iintay kami sa labas, may nakita akong pamilyar na mukha. Babae, huli kana may nahanap na si Goyong na mas ayos.

"Nako po, kasama ang nakaraan. Si Felicidad, kapatid ng Presidente dating kasintahan ni Goyong." Sabi ko sa dalawa na nasa tabi ko.

"Basta, boto ako kay Floribeth." Pagpapatuloy ko at tumango naman din sila.

"Ikaw, Joven? siguro may nakikita ka ng mga babae dito noh." Tanong ko. Kanina pa kasi walang imik.

"Nasa gitna po tayo ng labanan." Mahinhin niyang sabi. Jusko, ayoko nalang magsalita baka masira pa ang araw ko.

"Nay, ano pong mas maganda sa dalawang ito?" Pinakita ko sa kaniya ang baro't saya na kulay berde at lila tiruro niya naman yung lila kaya ayun ang susuotin ko.

"Nay, ano po bang meron?" Tanong ni ate habang inaayos niya ang kaniyang buhok.

"Pagpupugay lang katuparan sa kagitingan ni Heneral del Pilar at Kumandante Heneral na siya ng buong lalawingan."

"Ayos 'yang napili mo, Flor ah." Biro sa akin ni ate.

"Manahimik ka nga."

Mayamaya ay tapos na akong mag ayos kaya naisipan ko munang lumabas para tignan ko kung ano na ang nangyayari. Habang naglalakad ako ay may narinig akong sumigaw.

"Andiyan na ang Heneral! Andiyan na ang Heneral!"

Agad naman nagsilibot ang mga tao sa may gitna pumiwesto sila ng pabilog at ayan na nga si Goyong nakasakay siya sa kabayo at pinatakbo ito.

Advertisement

Habang pinapanood ko siya ay may narinig akong nagsalita sa aking tabi.

"Ang gwapo niya talaga noh oh?"

"Mamaya sa palabas kailangan katabi ko siya. Gawa tayo ng paraan ah."

"Nako, mag ingat tayo sa lalaking iyan."

"Bakit naman?"

"Kada bayan nadaan niyan may iniiwan siyang babeng luhaan ah."

"Totoo?"

"May kasabihan na nga eh wag tayong magpapagoyo."

Mayamaya ay nakita kong tinignan niya si Goyo. "Nahihilo ako." sabi niya. Aba, akala ko ba ayaw mo sa kaniya. Eh ngayon nung tinignan mo siya nahilo-hilo ka pa, tsk.

Umalis na sila sa kanilang kinatatayuan kaya lumipat naman ako sa pwesto nila. Nakikita ko na siya nang mabuti. Palapit na siya sa bandang ito, ningitian niya ako at ibinalik ko naman ito.

Magsisimula na ang kasiyahan kaya tinawag na kami ni Itay.

"Dito ka sa sentra, anak. Mutya, sa tabi ng kapatid mo." Utos ni Itay.

Nakita ko nanaman si Goyong, may bakanteng upuan sa aking tabi at doon siya umupo.

Habang nag-iintay kami. Hindi ko narandaman na pinag-uusapan na pala ako ng tatlong babae.

"Nako, wala na tayong pag-asa."

"Ang tanong ay may pag-asa ba siya kay Floribeth?"

Nagsimula na ang palabas. Sa una ay nagpatawa muna sila, nagpatunog naman sila ng kawayan ngayon. Habang pinapatugtog nila iyon ay napansin ko naman si Goyong parang ang lalim ng iniisip kaya naisipan ko siyang kausapin.

"Uy, ayos ka lang ba?" Tumango naman siya at inayos ang kaniyang upo.

Kumakanta naman sila ngayon.

"Paboritong awitin ko ito." Sabi niya.

Napansin ko na ang tatlong babae na nakatingin nanaman kay Goyong.

"Heneral, manghang-mangha ako-" Bigla niyang pinutol ang aking sasabihin.

"Maraming Salamat."

"Na lahat ng dalaga sa Dagupan ay nahuhumaling sa iyo." Pagpapatuloy ko. Tumayo na ako at hinila si ate para may kasama ako.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click