《Singsing - G. del Pilar》ⅠⅠⅠ. 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐊𝐈𝐓𝐀.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° UNANG PAGKIKITA.

•'¯'•

Habang tinitignan kong palayo na bitbit ng mga sundalo ang bata ay may biglang nagsalita at iyon si Don Nimuel. "Huwag mo siyang sasaktan, Heneral."

Tumingin ako sa kaniya, nang naagaw ang aking atensyon may isang binibini na nakasoot ng baro't saya na kulay lila at puti, maganda, mistisa, at ang kaniyang mga mata na pagkamatingkad na kayumanggi.

Nakatingin ito sa akin na parang sinabi sino ka at anong ginagawa niyo dito siguro narinig nya ang putok ng baril kanina, agad kong naisipan na babalik ako rito dahil iba ang pakiramdam ko sa binibining ito.

"Huwag kayong mag-alala, senyor." Wika ko. Tumingin ako saglit kay Don Nimuel at ibinalik ko ito sa binibini para masilayan ulit ang kaniyang mga mata ngunit yumuko siya.

"Halika na, huy." tapik sa akin ni Vicente pero hindi ko siya pinansin.

"At pasensya na po sa gulo, hayaan niyo po ng kumpinsala sa pagbalik ko."

"Babalik ka?" Gulat na tanong saakin ni Vicente. Natawa nalang si kuya Julian at umalis na kami.

"Paalam po."

Sa kay tagal, nagkita na ang dalawa. Mababago kaya ni Floribeth ang ugali ni Gregorio pagdating sa pagmamahal? Ang masasagot lang diyan ni Floribeth ay "Ang pinakadakila kong natuklasan sa lahat ng panahon ay ang isang tao na maaaring baguhin ang kaniyang kinabukasan sa pamamagitan lamang ng pagbabago ng kaniyang saloobin."

Sino kayang lalaking iyon. Babalik pa daw dito? Habang iniisip ko ang nangyari kanina ay biglang nagsalita si ate.

"Tay, anong nangyari kanina? natanaw ko na may kausap kayong mga sundalo sa labas."

"Hinuli nila si Manuel, Kaya ayun, nagkagulo." Sagot naman ni tatay. Mabait kaya si kuya Manuel, tinutulungan niya ako lagi pag may kailangan ako, sa kabaitan niyang ganyan ay dapat hindi siya hinuhuli. Parang baliktad pa nga eh yung masasama hindi hinuhuli.

Advertisement

Dumeretso na ako sa aking silid para ipagpatuloy ko ang aking pagbabasa, nang may kumatok. Agad-agad kong binuksan ito at nakita ko si ate at pumasok nalang siya bigla at parang may gusto yata siyang sabihin.

"Nakita mo ba yung nakauniporme na kulay puti?" Tanong niya at tumungo naman ako.

"Iyon yung sinasabi ni itay na Heneral, si Heneral Gregorio del Pilar."

"Ah siya? Grabe nga makatingin sa akin parang may dumi sa mukha ko. Teka may dumi ba?" Tanong ko habang hinawakan ang aking mukha.

"Wala, kung meron naman dapat kanina ko pa sinabi sayo. Nagandahan lang siya siguro sa iyo." Tinataas-taas naman niya ang mga kilay niya at parang kinikilig pa.

"Luh, ano yan unang tingin palang nagustuhan agad ako. Imposible 'yun."

"Sabi mo eh. Siguro naikwento na sayo ni Marisol yung ugali ng Henaral na iyon." Wika niya at tumango naman ako, alam niya talaga lahat.

Kinarga ko na si Tintin, napansin ko na antukin itong kuting na ito.

"Tsaka pala ate, sabi ng Heneral na 'yun ay babalik daw siya dito."

"Aba, gumagawa talaga ng paraan 'yun. Alam kong may kapatid yun eh yung katabi niya kanina." Masigla niyang saad sa akin.

"Eh ano naman?" Tinignan ko siya ng matagal "Ikaw ate ah, may gusto ka pala dun pero pagnakilala mo siya, tignan mo yung ugali." Ganyan si ate kapag nakikita niya lang ay nagugustuhan na kaagad niya ito.

"Sige sige, Mana ka talaga sa akin." Tawa niya.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click