《Singsing - G. del Pilar》Ⅰ. 𝐆𝐑𝐄𝐆𝐎𝐑𝐈𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑.

Advertisement

•'¯'•

KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

˜"*° GREGORIO DEL PILAR.

•'¯'•

Isang mapayapang lungsod ang Dagupan, may naninirahang masayang pamilya na tinatawag na pamilyang Chavez.

Sikat itong pamilya na ito dahil ang ama ng tahanan ay isang dating Heneral ng Dagupan, tumigil siya sa kaniyang tungkulin dahil ayaw niyang maranasan ng mga anak niya ang nangyari sa kaniya dati.

Habang ginagawa niya ang kaniyang tungkulin bilang isang Heneral may nakilala siyang ubod ng ganda, nangangalang Lucia Cruz nabighani siya sa kabaitan nito at kagandahan. Habang nagtagal ay niligiwan nya ito at pinakasalan, nagkaroon sila ng dalawang babaeng anak.

Mutya Chavez ang panganay at nang nagtagal sinundan na nila si Mutya, Floribeth Chavez ang kanilang bunso.

Matalinong bata si Floribeth kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya, dagdag pa ang kagandahan. Sinasabi pa nga ng mga tao na isa siya sa magaganda sa lungsod ng Dagupan.

Matalik na magkaibigan sila Floribeth at Marisol, nagkwekwentuhan sila sa kanilang hardin tungkol sa tipong lalaki nila.

"Kung ako, gusto ko yung makisig na lalaki 'tas hindi pawisin." Saad ni Marisol.

"Ay aba, aba! Bakit ayaw mo sa pawisin? Kung pawisin naman siya ay masipag 'yun." Sabi ko.

Nagulat siyang tumingin sa akin. "Flor, akala ko ba ayaw mo sa pawisin." Pagtataka ni Marisol.

"Eh yung pawisin na hindi mabaho." Tawa kong sagot.

"Baliw ka talaga. Ikaw, ano naman tipo mo sa lalaki?"

"Yung masipag, gwapo, 'tas gusto ako dahil sa aking ugali, at lalo yung mata." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Umuwi na si Marisol kasi maggagabi na. Napatingin naman ako sa aking bintana, napakaganda ng langit kulay kahel na may pagkadilaw ito at sariwa ang simoy ng hangin, habang pinagmamasdan ko ito ay tinawag na ako ni inay para makapaghanda na ng Hapag Kainan. Kahit may katulong kami dito sa bahay ay tumutulong pa rin ako sa gawaing bahay para alam ko na raw ang gagawin kapag may asawa na ako.

Advertisement

Habang hinahanda ko na ang mga plato ay dumating na si itay galing sa pagpupulong. Nagmano agad ako pagkapasok niya at sakto kakadating lang din ni ate Mutya parang may itinatago siya sa kaniyang likuran kaya napatanong tuloy ako.

"Ate, ano 'yang tinatago mo sa likod mo?"

"Ah.. eto?" Agad niyang nilabas ang itinatago niya at napangiti nalang ako kasi pusa ito, dati ko pang gustong mag alaga ng pusa.

"Hala, ate! Ang ganda niya." kinuha ko na sa kaniya ito at ikanarga ang puting pusa.

"Oh anak, bakit ka bumili niyan?" Wika ni inay at tumatango-tango naman si itay.

"Hindi ko natiis yung pusa na 'yan inay, natandaan ko naman na gustong mag alaga ni Flor ng pusa. Kaya ayan." Ngiti ni ate.

"Ate, saakin ba talaga 'to?"

"Oo, kaya alagaan mo 'yan. Ano nga pala ipapangalan mo diyan?"

"Tintin" Maikli kong sagot.

"Ah... parang walis tingting?" biro niya. mapagbiro itong si ate at matapang pa, wala siyang pake kung lalaki pa ang makakaharap niya.

"Kumain muna tayo. Masamang pinag iintay ang pagkain at baka langawin pa." sabi ni Itay.

Agad kaming pumunta sa Hapag Kainan para kumain, tinawag ko muna si Manang Teresita para alagaan muna si Tintin para makakain ako.

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si itay "Anak, ano pala ang balak mo sa iyong kaarawan?"

"Tay, matagal pa ang aking kaarawan sa Enero pa po, pero simpleng kasiyahan lang po sana."

"Nako dapat maghanda tayo ng madami kasi mag dalawampu't dalawa ka na doble pa ang numero."

"Kaya nga. Tapos iimbitahan niya yung mga pogi na mga nilalang 'tas yung mga kaibigan ni itay na puno ng mga bigote." Bito ni ate.

Nasamid tuloy ako sa sinabi niya pero totoo ang lahat ng mga iyon. Kapag pinagtabi yung mga kaibigan ni itay ay halos magkakamukha na sila.

"Sige, ayan tawa pa." Natawa na lang din si Inay.

"Nako, mga bigote pala ah. May naalala pala ako. Pupunta pala ang Presidente at yung Heneral dito sa susunod na araw."

"Kailangan talaga bongga diyan ang handa. Kaibigan ng tatay niyo si Ginoong Emilio Aguinaldo." Naka ngiting banggit ni Inay.

"Tay, maitanong ko lang po. Sino po yung Heneral?" Tanong ko.

"Yung paborito ni Emillio, si Heneral Gregorio Del Pilar."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

    people are reading<Singsing - G. del Pilar>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click