《The Secret of the Secret Boss》Chapter 20
Advertisement
Nagising nalang ako sa isang madilim na kwarto. I can feel my whole body aches. I can feel my bruises. I can feel my stomach aches. Gutom na gutom na ako. Nakapa ko ang cellphone na ginamit ko sa loob ng damit ko. I put it inside my bra earlier or I don't know. I dialed Marco's number ngunit bago pa man ako makapagsalita ay bumukas na ang pinto, itinago ko ang hawak ko sa ilalim ng higaan kung nasaan ako at nakita ko ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan ko, it looks like those in an action movies kung saan dinadala ang mga hostage victims and right now, I feel like I'm in some films. Pakiramdam ko'y uulitin na naman niya ang pambababoy sa akin, nakaramdam ako ng panghihina dahil sa tingin niya. Alam ko sa sarili ko na hinang hina ako.
"gising kana pala, mahal ko" he tried to touch my face. I looked at him directly. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkamuhi at pandidiri sa taong nasa harap ko ngayon.
"anong kailangan mo sa akin?" wika ko.
"kumain kana. May pupuntahan tayo" sabay subo sa akin ng kutsara na may lamang kanin. Hindi ko ibinuka ang bibig ko. Kahit gutom na gutom na ako ngunit hinding hindi ko kakainin ang pagkaing galing sayo. Baboy ka!
Tinignan ko siya ng masama.
"wala kanang magagawa Venice. Akin kana. Itatali kita sa akin. Hinding hindi na tayo magkakahiwalay" wika niya. Mamamatay muna ako bago mapasayo Frank.
"pakawalan mo na ako" matigas kong wika sa kanya.
"sabihin mo munang mahal mo ako" wika niya. Nababaliw na ang isang ito. Hindi ako nagsalita, dumura lamang ako sa gilid(sign na nandidiri ako sa kanya) dahilan para sampalin niya ako. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ko, pakiramdam ko'y matatanggal ang buong mukha ko. Napaluha ako sa sobrang sakit.
Lumapit siya at niyakap ako, nag iba ang ekspresyon sa mukha niya "patawarin mo ako mahal". hinahagod niya ang aking likod. Baliw kana Frank. Baliw kana!
Tumayo siya at iniwan ako sa madilim na kwartong iyon. Pinilit kong tumayo kahit na pakiramdam ko'y ubos na ubos na ang lakas ko.
Ngunit wala pang limang minuto ay bumalik na siya. May bitbit siyang isang paper bag.
Itinayo niya ako at pilit tinatanggalan ng damit. Gumalaw galaw ako para pigilan siya sa ginagawa niya ngunit dahil malakas siya ay natanggal niya ang mga damit ko. Pilit niyang ipinasusuot ang puting bistida sa akin.
"anong ginagawa mo?!" pasigaw at galit kong tanong.
"sinabi ko, may pupuntahan tayo diba?." piniringan niya ako at itinali. Binuhat na parang sako ng bigas. Isinakay niya ako sa isang sasakyan. Makalipas ang mga sampung minuto ay tumigil ang sasakyan at binuhat niya akong muli, naramdaman ko nalang na malapit kami sa dagat dahil naririnig ko ang alon.
Tinanggal niya ang mga tali sa kamay at paa ko pati na rin ang piring sa aking mga mata. Nakasuot siya ng puting 3/4 na damit at puting pantalon. Ngayon ko lang napansin na may hawig sila ni Reigan sa mata at ilong but my man has better looks than him, Reigan is a better man than him.
Advertisement
Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang mga body guards niya. Tanging ako lamang ang babaeng naroroon. So?, ito pala ang pinaplano niya.
"subukan mong tumakas, hinding hindi ako magdadalawang isip na ibalik ka sa loob ng kulungan mo" sabay hawak niya sa mukha ko.
Lumingon ako sa kanan para iiwas ang hawak niya sa mukha ko. Nakita kong nag iba ang ekpresiyon sa mukha niya.
Hinila niya ako palapit sa dagat at sa set up niya. I can see the aisle. Pinangarap ko din ang makasal sa ganitong lugar ngunit hindi sa ganitong pagkakataon at hindi sa taong nasa harap ko ngayon ngunit mukhang dito na matatapos ito. It seems like, this is my end. I chose this path and I am ready to face the consequences, atleast, nailayo ko sa panganib ang mga mahal ko lalong lalo na si Reigan. I chose to be in this bait para hindi siya mapahamak. I love him so much. Now that I realize, I love him more than anything, more than any wealth.
Bumubuhos ang luha ko habang naglalakad papuntang altar. Hindi ako makapaniwala na maitatali ako sa lalaking kinamumuhian ko, but what can I do?. it is better this way.
Ngunit bago pa man ako makarating sakanya ay may nagpapaputok na ng baril. Dahilan para mapaupo ako sa kinatatayuan ko.
"Venice!" sigaw ni Frank.
Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit may mga balang pilit na pinipigilan siyang makalapit, dahilan pala hilain siya ng isa sa body guard niya palayo sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tinatakpan ko ang aking tainga, hindi ako makagalaw, nangangatog ang mga tuhod ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot.
But i need to compose myself, yes, tired, hurt, halo halo na. Pero kailangan kong bumangon.
Nakikita ko ang mga tauhan ni Frank na unti unting nauubos at namamatay. Hindi parin tumitigil ang putukan. Nakita ko ang mabilis na pagkukubli at pagsakay ni Frank sa van. Napansin ko naman ang mga balang unti unting bumubutas sa likod ng sasakyang paalis. Hinabol ito ng mga pulis at hindi tumitigil ang barilan.
tumatakbo papalapit si Marco sa akin at agad niya akong niyakap.
"I'm sorry" wika niya. Yumakap ako pabalik.
"thank you" wika ko sakanya.
"sorry Vee, we waited for the right timing. Thank you for not giving up" alalang wika ni Marco.
Tinanggal ko ang pagkakayap dahil sa naramdaman kong presensiyang nasa likuran ko.
"We don't have time for this" wika niya bago pa man ako makalingon.
Tumakbo kaming tatlo sa kotseng nasa malapit. Pinaandar iyon ni Reigan. Nasa tabi niya ako at nasa likod naman si Marco.
Walang nagsasalita. Lahat kami ay gustong gustong mahabol ang mga taong gumawa sa akin nito.
Natigil ang lahat sa isang check point. Inihinto ni Reigan ang kotse sa medyo malayo, sapat lang para matanaw namin ang nangyayari. May tatlong police car ang nakaharang sa daan, nasa gilid ang mga pulis at nakatutok ang mga baril sa sasakyang nasa gitna, may police car din sa likuran nila. They are cornered. Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla hatakin ni Reigan ang kamay ko. Dahilan para mapalingon ako sa kanya. Kunot noo akong humarap sa kanya. I saw his tired eyes.
Advertisement
"Don't go" matigas niyang wika.
Binawi ko ang kamay ko. Hindi ko mahanap sa lalamunan ko kung ano man ang mga gusto kong sabihin. It's like, naubusan ako ng sasabihin. Bumalik ako sa ulirat nang makarinig ng isang putok. Napatingin kaming lahat doon. I saw one of Frank's men. Lumaylay ang katawan niya sa bintana ng Van.
"Sumuko na kayo" wika ng pulis. But then, we heard another shot, nagmumula iyon sa sasakyan nila Frank. Pinaulanan ng bala ang Van, ngunit nakatutok ang mga ito sa ibabang bahagi ng sasakyan. Pumutok na ang lahat ng gulong ng sasakyan. Mahihirapan na silang maka alis doon. Tumingin ako kay Rei at nakitang titig na titig lamang siya sa nangyayari. I somehow feel guilty dahil doon. Hindi na ako napigilan pa ni Rei, hinablot ko ang baril na hawak ni Marco at lumabas ako sa kotse.
"Venice!" Rinig kong sigaw niya.
Nakita ako ng mga pulis na palapit sa kanila.
"Ma'am, hanggang dito nalang po kayo" pag pigil ng isa sa mga pulis.
Tumango naman ako at nagtago sa likod ng sasakyan.
"Let me speak" wika ko tsaka inabot ang megaphone.
"Ma'am, sigurado ho ba kayo?" Tanong pa ng isa. Tumango naman ako.
I stand still, hinawakan ko ng maayos ang megaphone.
"Sir Frank" i said. Bumalik ang napakaraming ala - ala. I've known him for being the good looking sir, always smiling, approachable. He is innately good. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung anong nagawa ko para gawin niya sa akin iyon.
"Mahirap magpatawad, sa lahat ng traumang ibinigay mo sa akin, sa lahat ng bangungot na hanggang ngayon ay mistulang pumapatay sa akin. Sumuko kana, tigilan na natin ito. You know, i can't give you the things you want, hindi ako ang babaeng para sa iyo, please, accept that, kaya kitang patawarin, not because you will ask for forgiveness later but because, I am alive, patatawarin kita, not because you deserve it but because i deserve to be happy, ayokong ikulong ang galit sa puso ko, sumuko kana" wika ko tsaka huminga ng malalim.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumukas ang pinto ng sasakyan. Inilabas noon si Frank, ang ikinagulat ko, naming lahat ay may hawak siyang baril, nakatutok iyon sa sentido niya.
"No" wika ko tsaka ipinaharap ang kamay.
"Mahal na mahal kita, Venice, noon pa man!" Umiiyak na wika niya.
Umiiling iling akong sumagot sa kanya.
"Kung hindi ikaw, walang saysay ang buhay ko! At kanino ka mapupunta?! Sa kapatid ko?" Marahas niyang tanong.
"Mamatay nalang tayong dalawa!" Wika niya tsaka itinutok ang baril sa banda ko. Nasa harapan ko ang dalawang pulis. Parehong nakatutok ang baril sa kanya.
"Veni. . " bago pa man mabanggit ni Frank ang pangalan ko ay nakita ko na ang dugong umaagos mula sa hita niya, dahilan para hindi niya matapos banggitin ang pangalan ko. Naggaling ang bala sa likuran ko.
"Hayop ka!" Sigaw ni Frank at itinutok ulit ang baril sa akin. Ngunit bago pa man niya maiputok ito ay umalingawngaw na naman ang isang malakas na putok.
Dahilan para tuluyan na siyang matumba. Mabilis na tinakbo ng mga pulis ang pwesto nila.
Pagtalikod ko ay nakita ko si Reigan, may luha sa mga mata, ngunit mas ikinagulat ko ang nakita, nakahawak siya ng baril, nakatutok iyon sa banda ni Frank. Nasaktan ako sa nakita. Alam kong mahal niya ang kapatid niya. Ginawa niya ba iyon dahil sa akin?.
Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang baril at ibinaba ko iyon. Tumingin siya sa akin, hindi ko mabasa. Hindi ko mawari kung anong nasa isip niya.
"I'm sorry" nakayuko kong wika. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong higitin at yakapin. Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng mga luha ko.
"Patawarin mo ako Venice. . Dapat ay naniwala ako sayo. . Dapat, nakinig ako" punong puno ng pagsisisi ang boses niya. Umiiling iling ako habang umiiyak. Yumakap ako sakanya pabalik, yakap na napaka higpit. Yakap na ayoko ng matapos.
"ako ang patawarin mo, I lied to you" wika ko.
"You needed it. Sinabi ni Marco sa akin ang lahat. You should've told me" Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at iniharap ako sa kanya.
"baka layuan mo ako" puno ng takot ang boses ko habang binabanggit ang bawat salita.
"kahit sino at ano kapa. The first time I saw you. You're the one for me" wika niya.
Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Siguro nga, pinangunahan ko siya pero wala akong pinagsisisihan doon.
Pumikit ako sabay banggit ng mga salitang . . .
"I love you so much" it is the first time.
"anong sinabi mo?".
"sabi ko, mahal na mahal kita Reigan" hindi siya sumagot. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Sinamantala ko iyon para halikan siya.
"sagot naman diyan oh?" wika ko.
"i love you more so much love, kahit ano pa man ang pangalan mo, ramdam ko na ikaw iyan, ikaw yung babaeng mahal na mahal na mahal ko" wika niya sabay yakap ulit sa akin. Being with him is heaven.
Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon. May lumapag na chopper sa maluwang na lote malapit sa pinanggalingan namin kanina.
Nakayakap siya sa akin sa buong byahe na iyon. Kasama namin si Marco at ilan sa mga pulis.
Advertisement
- In Serial29 Chapters
Rising World
Vonn of Shieldpoint is an ambitious young inventor who, as far as his family knows, just survived a terrible accident. Really, he didn't. Instead a being known as the System has recruited the soul of a modern college student from our world, to fill in for him. Given a new life in a new body, the former human wants to make good use of it and fulfill the dreams of the one he's replacing. He's an Engineer in a world where that's a character class with explicit levels and stats. This world is just discovering the power of steam and clockwork and the occasional magic dungeon crystal, so Vonn is just in time to become a famous genius. He just needs to figure out what the gods actually want from him. (LitRPG Isekai with light but important stats, nonhuman MC. Cover art by Alexandra, https://www.deviantart.com/oktoberbeef .) This book is now available on Amazon! https://www.royalroad.com/amazon/B09H5CQSX5 For legal reasons, I need to hide most of the content from Royal Road for now. The version for sale is revised and expanded anyway, including a rewritten opening. If the book does well, that's encouragement to write more of it soon! Reviews are welcome too. As noted in the afterward, it's been fun and useful to share this work with all of you here as I worked on it. Update 2022/2/22: Wow, it did do well! Thanks to all who read, commented, bought, and/or spread the word. Right now I'm working on a side-story about character Selen, and posting that starting yesterday. I do plan to do a true sequel this year, yet.
8 69 - In Serial15 Chapters
Cold Space, a LITRPG space story.
A Litrpg story that takes place in the future. Mankind has conquered the solar system at least digitally, and with 2 billion players in the game there are a lot of options for players. The only thing the Mc wants is to deal with the person who was instrumental in getting him banned from the game a year ago. He might have a chance if he can survive a out of control spaceship about to crash on an asteroid, a crazy pirate that wants him dead and a abandoned Russian secret base. Pretty rough for your first log in to the game.
8 163 - In Serial30 Chapters
World Shatter
Henry Miller always dreamt of being teleported to a fantasy world but he never expected that a fantasy world would be brought to him. On that day, the earth cracked open letting loose monsters and magical beasts onto the surface. A stroke of misfortune causes Henry to be incapable of leveling, and in turn, he is forced to become stronger through the power of exercise mixed with a fiery resolve and unparalleled regenerative powers. This isn't a story of candy and roses, but one of pain, struggling, and a strong reliance on community to work together in order to survive. Out of the ruins of shattered earth, many will rise to the top and many will fall at the feet of others, but there are very few truly strong enough to protect others, and of those few even less will willingly choose to do so. Therefore it is Henry's duty to carry that torch and be someone who can bear that responsibility. Through light and darkness, Henry will remain as the pin that holds together the World Shatter.
8 131 - In Serial7 Chapters
A cheat that allows me to build a city in another world ?!
Jercan was a 18 year old teen flying back to his home country when all of the sudden truck-kun hit and killed him(it appears that some rocket was transporting a truck in to space and something went wrong )and now jercan finds himself in to another world with a system to make his own country Please don’t expect too much of me this is the first time I am writing and if see that you guys like ,it i will continue posting And if you’re looking for good grammar I want you guys to know i am not a native English speaker
8 198 - In Serial11 Chapters
Waiting for Death
Me.... you are asking about me? What a pain...! Eh-hem! Excuse me for that... anyway, this is a story as the title suggest(I think). You want me to be specific?! You are a picky mother-fucker aren't you.... excuse my true-self slipped out. Okay, this is the story of my pessimistic life as I try to accept death's embrace, but a goddess(nosy, two faced, and succubus bitch) interferes and forces me on the path of reincarnation. Why do I not commit the taboo "suicide". She brought to my attention a new conception of life, so I might as well try it as I wait for deaths beckoning.Please give a review and also comment for I can a get general feeling of the direction of this story. Thanks!
8 100 - In Serial20 Chapters
Reylo One Shots
A collection of Reylo one shots (also featuring Adam Driver one shots)Credit to lillithsuar.tumblr.com for the beautiful pictures that I used for the cover!!
8 187

