《The Secret of the Secret Boss》Chapter 11

Advertisement

"babalik na tayo ng Manila bukas" wika ni Rei, habang nakayakap sa akin.

"sige, wait, tatayo ako" wika ko habang tinatanggal ang yakap niya sa bewang ko.

Nakahiga lang naman kami ngayon at hindi pa bumabangon, ngayon?. parang wala ata siyang balak gawin mag hapon kundi humiga lang ng humiga.

"san kaba pupunta? Ang aga pa" lalo niya pang hinigpitan ang yakap para hindi ako makaalis.

Okay, suko na ako. Ang iniisip ko lang naman gawin ay ang tawagan si Marco at kumustahin ang project sa Tagaytay. Matagal tagal ko nang hindi nabibisita ang lugar. Mag oopening nadin iyon sa makalawa.

"kung hindi ka nakakatulog nang walang katabi, pwede bang ako nalang ang katabi mo palagi?" tanong niya sabay tingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang ilong niyang ipinupunas sa pisngi ko, nakakakiliti. Hmmmm

"bakit naman?," tanong ko sabay harap sa kanya. Magkatapat na ang mukha namin ngayon. Ang gwapo ng nilalang na ito.

"wala kasi akong tiwala kay Marco" wika niya sabay halik sa tip ng ilong ko.

"isusumbong kita sakanya. Marco is a very good person" wika ko.

"okay, basta, tayo ang magtatabi sa pagtulog, promise, I will be a very good boy" wika niya, sabay taas ng kanang kamay.

Napatawa ako ng malakas. Will be a very good boy hah?.

Sa huli, nauna padin siyang bumangon at nagluto ng breakfast. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para kausapin si Marco.

The talk was smooth, natuon lang ang atensiyon ko sa sinabi ni Marco na pinag-uusapan daw kami ni Reigan sa kumpanya.

Bumaba na ako at naabutan si Reigan na nakamasid sa pagbaba ko. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Yakap na parang ayoko ng matapos hahaha.

"gutom kana?, kain na tayo" sabay hila sa akin sa kusina.

We ate breakfast. At gaya nga ng sinabi ko kanina. Wala talaga siyang balak lumabas, wala kaming ibang ginawa kundi ang mag cuddle, mag movie marathon, magkape at magkwentuhan tungkol sa kumpanya at kung ano ano pa. Iniingatan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Kinaumagahan, maaga kaming gumayak at umalis dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa kumpanya niya. Maybe, the so called "international business conference"

Inihatid niya ako sa condo ko at hindi na nagtagal. Ipinasok ko ang mga gamit ko at nagbihis, hinarap ko ang laptop, ini open ko ang mga emails ko at nakatanggap nga ako ng mensahe galing sa mga organizer ng event sa US, who is a very good friend of mine.

Advertisement

Miss Sarmiento,

You are cordially invited in the upcoming International Business Conference.

The event will be held at Hernandez Hotel, Vancouver, Canada.

I am expecting you to be there, especially, you are one of the three big bosses.

Haaayy, ilang beses ko nang sinabi sakanya na huwag akong imbitahan sa mga ganitong event.

Isinara ko ang laptop ko at nahiga. Ano na ang mangyayari sa akin ngayon?. ano naba itong pinapasok ko? What will happen to me, will I be happy with him?. magiging masaya ba siya akin. I can't keep this secret forever. Nagising ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext

+6397572*****

Masaya kana ba?

+6397572*****

Come back to me. Vee

Kinilabutan ako sa mga natanggap kong text. Luminga ako sa paligid dahil baka pinasok ako ng kung sino.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

+6397572*****

Sa akin padin ang bagsak mo Vee.

Kinikilabutan ako, nanlamig ang buong katawan ko. Naramdaman ko nalang ang pag agos ng mga luha ko sa magkabila kong pisngi. Ano ito?. sino ito?. Si Francis?.

I knew it. Mahal din ako ng babaeng mahal na mahal ko. Sa wakas, sinagot na niya ako. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. November 22, 2017, 10:15 pm is the date.

Pagka hatid ko sakanya ay dumeretso na ako sa opisina ni Jayvee. Yes, I knew something but I need to confirm it first.

"hey, bro, what's up?" bungad sa akin ni Jayvee sabay high five.

Pagkatapos sabihin ni kuya sa akin ang mga iyon ay hindi ako tumigil para mahalungkat ang nakaraan nila ni Valerie.

Ang sabi ni kuya ay ginamit siya ng babaeng mahal ko pero bakit iba ang pakiramdam ko, iniisip ko na baka hindi ko lang matangggap dahil mahal na mahal ko siya. I knew it already, when I first laid my eyes on her, she's the one.

I didn't stop. Pumunta ako mismo sa mga kinauukulan para kumuha ng copy ng kaso ni kuya pero nabigo ako, even the victim paid for the files' confidentiality. Kung ang biktima ay si Val, bakit siya nagtatago? May pinagtataguan ba siya?. o baka naman nahihiya siya dahil may hindi siya magandang ginawa kaya itinatago niya ang katauhan niya.

"asan na?" tanong ko kay Jayvee sabay upo sa upuang nasa harap ng mesa niya.

"here bro", sabay abot sa akin ng brown envelope.

"Nagbuwis ako ng buhay para diyan bro, nagmakaawa ako kay papa para diyan." maarteng wika ni Jayvee.

Nang nalaman ko na confidential ito ay naisip ko kaagad si Jayvee, his father is in the higest rank in PNP kaya madali lang ito. Besides, mabait si tito Allan. Isa siya sa mga pulis na humawak sa kaso ni kuya. I heard from my sources.

Advertisement

"salamat" wika ko kay Jayvee.

"hindi yan libre bro. May bayad yan"

Tuso ka talaga Jayvee.

"what do you want?" tanong ko

"your secretary" wika niya. Akala ko pera.

"fuck dude!, anong gusto mong gawin ko? Set a date para sa inyong dalawa?. why don't you do it by yourself" wika ko.

"chill!, nakahuli ka lang ng sekretarya, ganyan kana. Tinulungan naman kita doon ah,. kaya tulungan mo din ako" pagmamakaawa niya.

"fine",

"thanks bro!" at aamba siyang yayakap sa akin pero sinalubong ko ang kamao ko sakanya kaya napaatras siya. Sometimes, this man's crazy. Haha

"what are you planning to do with those?" tanong niya

"may gusto lang akong malaman."

"malaman?, nakulong pala si Frank, kaya pala bigla siyang nawala, ang balita noon nangibang bansa siya" patawa tawang wika ni Jayvee.

"hindi mo naman binuksan to hindi ba?" mapagdudang tanong ko.

"syempre,,... hindi bro!, di naman ako tsismoso ahhhahah"

"salamat ulit bro, sa opisina ko nalang ito babasahin" pamamaalam ko. Sabay tayo.

Palabas na ako nang bigla siyang nagsalita.

"it's rape bro, and attempted murder" wika niya sa seryosong boses.

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi na ako lumingon, lumabas ako ng opisina niya at dere deretsong pumunta sa sasakyan ko. Natulala ako sa narinig ko mula kay Jayvee.

Naalala ko ang sinabi ni kuya. . .

********

"i will prove to you that she is Venice Hernandez" seryosong wika ni kuya habang nag iinuman kami sa likod bahay.

"shut it kuya, she's Val, my Val" wika ko

Napatawa ng malutong si kuya. Nagkatinginan kami at nakakaramdam ako ng tensiyon.

"ginamit niya ako Gan, she used me. Mahal na mahal ko siya, itinago ko iyon, araw araw akong nagpapadala ng bulaklak sakanya noon" wika ni kuya. Hanggang ngayon, hindi padin tinatanggap ng sistema ko ang mga sinasabi niya tungkol sa babaeng mahal niya. Venice Hernandez.?

"you're a professor back then? And what is she?"

"my student." wika niya. What the f! really?. pero hindi ko masisisi si kuya, he became a professor at the age of 22 dahil matalino talaga siya. Lahat sakanya ay outstanding. Hindi ko lang lubos maisip kung paanong gumuho ang mundo niya noong nakulong siya.

"what did you do? How did you end up in that cell?" tanong ko sabay tingin sa basong hawak hawak ko.

"before graduation, I ask her kung pwede ba kaming magdate. She agreed. Kapalit nun ay ang grade niyang uno. In that, magiging suma cum laude siya. One afternoon, may nangyari sa amin sa office ko, akala ko magiging maayos pagkatapos nun pero hindi, bago pa kami matapos at may namwersang magbukas ng pinto ko kaya nakita nila kami sa ganung ayos " makatotohanang kwento ni kuya.

"and then?" hudyat na gusto kong ipagpatuloy niya ang kwento niya.

"nagbago siya bigla, bigla siyang tumakbo papalapit sa mga taong nasa may pinto at humingi ng saklolo, pa ulit ulit niyang binabanggit ang salitang "nirape niya ako, tulungan nio ako, hahahhaha" mangiyak iyak na wika ni kuya.

Hindi si Val ang babaeng tinutukoy niya. Hindi manggagamit si Valerie, she never used me.

"i was caught off guard, tumawag sila kaagad ng security at dinala ako sa prisinto, nakakahiya ang nangyari. I told them the truth pero walang naniwala sa akin, maski sila mama at ang tatay mo ay iniwan ako sa ere." may galit sa tono ni kuya habang binibigkas ang mga magulang ko.

"I will prove to you that the woman you're dating is the girl who made my life as miserable as hell", wika ni kuya.

"that woman isn't my Val kuya" paninigurado ko sakanya.

"and what if? She is?" punong puno ng assurance ang tono ni kuya.

"she isn't" wika ko sabay lagok sa iniinom ko. Tumayo ako at pumasok sa loob.

*******

Doon ko tinawagan si Jayvee para sa mga papeles na hawak ko ngayon. Kung rape nga ito. Kaya ko kayang tanggapin?. kung siya nga talaga ang Venice na sinasabi ni kuya. Anong gagawin ko?. naguguluhan ako. Bumalik ba siya para maghiganti?. fuck, hindi ko ata iyon matatanggap. Hinding hindi. Totoo ang mga ipinapakita ni Val sa akin. Mahal niya ako at ramdam ko iyon.

Umuwi ako sa bahay ko at dumeretso sa working table ko. Binuksan ko ang envelope at tumambad sa akin ang mga complaints, ang papel ng hatol na guilty at kung ano ano pa. Abala ko sa pag hahalungkat at pagbabasa ng ilan sa mga papel galing dito, napatigil ako sa isang white envelope na may lamang letrato, naka taob ito at may nakasulat na Venice Hernandez, bigla akong kinabahan, paano kung siya nga talaga?. no, not my Val.

Unti- unti kong inikot ang letrato, mix emotions covered my whole system. Fear, heartache and anger. Why?

    people are reading<The Secret of the Secret Boss>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click