《The Secret of the Secret Boss》Chapter 10
Advertisement
"goodnight, love" wika niya sabay halik sa noo ko.
Hindi ko na pinansin iyon dahil antok na antok na ako. Goodnight Rei. Sabi ng utak ko.
The night was peaceful. Very peaceful, nagising ako ng madaling araw, pagtingin ko sa tabi ko ay nakapikit ito pero nakasandal siya sa headboard ng kama at ang kaliwang kamay niya ay nasa ulunan ko. Nakatulog pa kaya siya ng maayos?.
Maaga kaming nagbihis para mamalengke. Pababa palang kami ng sasakyan ay nahuli na namin ang tingin ng mga tao, I mean, nahuli niya pala. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao pero parang wala siyang pakialam, pati sa akin ay wala siyang pakialam, ambilis niya maglakad, oo matangkad ako pero walang wala ako sa tangkad niya, kung makahakbang naman kasi, wagas.
"sorry" paglingon niya. Sabay hawak ng kamay ko para magsabay kami.. kikiligin naba ako?.
Habang dumadaan kami sa mga stalls ay nagbubulungan ang mga tao, lalo na iyong mga babae at halatang kilig na kilig pa. Ngayon ako nakaramdam ng pagka irita. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dumeretso sa isang tindahan ng rubber shoes.
"ate, size 8 nga po nito", wika ko sa tindera.
"teka lang. . . Ana, kunan mo nga ito ng size 8!!" sigaw niya sa babaeng nasa loob.
"yun lang ba?" masungit na wika ng babae.
"nagmamadali kaba?" bulong ni Reigan sa akin nong maabutan ako kaya nilingon ko siya. Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha ng tinderang mga nasa edad trenta. Magaling Reigan, isa kang napakalaking manhid.!
"miss, heto na yung size 8 mo", pasweet na wika ng babae sa akin pero sa kasama ko nakatingin.
"ate, ako po yung bumibili ng sapatos, hindi tong kasama ko" masungit na wika ko pabalik.
Kanina pa ako nababanas sa mga babae sa palengkeng ito. Hinding hindi na ako babalik dito.
Advertisement
"kukunin ko na, magkano?" pantatabla ko sa pagsusungit ng tindera sa akin
"350 lang" wika niya
"oh ayan, 1000, keep the change" abot ko, sabay hablot sa kamay ng lalaking titig na titig sa akin habang nagtataray.
"ako ang magbabayad nun" wika ng lalaking hila hila ko ngayon.
"may pera ako" iritadong wika ko.
Pumasok na ako sa sasakyan pero nagpa iwan siya sa labas dahil biglang may tumawag sa kanya.
"Jane, what is it?" tanong niya sa taong nasa kabilang linya.
Sino yang Jane na yan?!
"sabihin mo, I'm on leave. Malinaw naman hindi ba?" iritableng wika niya sa kausap.
"okay, I'll be back on Monday. Ihanda mo lahat ng kailangan, lilipad tayo sa Canada" wika nito sabay baba ng telepono.
"sino yun?" tanong ko.
"my secretary"
"ano sabi?"
"we've got invited, it's an international business conference, I heard, kasali ang ELITE sa naimbitahan. Pupunta kaba?" tanong niya sa akin.
"i don't know" wika ko.
I got invited many times pero hindi ako pumupunta. I'm not interested. Masaya na ako na nakakahikayat ako ng investors mula ibang bansa para mag invest sa mga kumpanya sa Pilipinas.
"you know what. You should go. I mean, we should go" wika nito.
"pag-iisipan ko" ako.
Pinaandar na niya ang sasakyan, ilang minuto lang ay narating na namin ang sanctuary.
May zoo, may obstacle course, may zipline, zipbike and everything. Masayang masaya ang araw na ito.
Nang makauwi kami ni Reigan ay dumeretso siya sa likod. Ako nama'y nagbihis at nag ayos ng sarili. Pagbaba ko'y dumeretso din ako sa likod. Nagulat nalang ako dahil wala siya doon. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga kandilang nasa daanan ngunit hindi ko alam kung saan patungo. Sinundan ko ito, hindi naman ako tanga para hindi makutuban na baka may mangyayari. Pagtingin ko sa malayo ay nakita ko si Reigan na may hawak na gitara, naglakad ako papunta sakanya at naupo sa tabi niya.
Advertisement
Nag simula na siyang mag strum kaya pumikit ako para damhin ang kung ano mang kantang kakantahin niya.
Sa pagpatak, ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko
Hindi ko mahinto, pintig na puso.
Ikaw, ang pinangarap ngarap ko
Simula ng matanto
Na balang araw iibig ang puso.
Ikaw, ang pag-ibig na hinintay,
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw
Hindi ko alam pero naiiyak ako sa lyrics ng kinakanta niya ngayon, kahit hindi ko kabisado ang kantang ito ay tila tinatamaan ang puso ko sa bawat liriko nito. Itinigil niya ang pag kanta kaya napadilat din ako.
Namumula ang mata niya. Bumaling siya sa akin at nagsalita.
"Valerie, hindi ako yung taong mabulaklak kapag nagsasalita, hindi ako cheesy, pero alam ko sa sarili ko na totoo itong nararamdaman ko para sayo", madrama niyang turan habang nakatingin sa akin.
"Si Valerie ka man o kung sino pa mang sinasabi ng iba, mahal na mahal kita, minamahal kita dahil ikaw yan. Kaya sana, sana, pumayag kana. Be my girlfriend"
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi lumabas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. May alam na siya?. may alam na siya and yet, he's asking me to be his girl. It's not even asking, parang inuuutusan niya akong pumayag sa gusto niya.
"please. ." pagsusumamo niya.
Hindi parin ako sumasagot dahil hindi ako makapaniwala. Hanggang saan ang nalaman niya??
Lumuhod siya bigla sa harapan ko,
"please Val" pagmamakaawa niya.
Tumango ako ng bahagya dahilan ng pag aliwalas ng mukha niya.
"talaga???" biglang buhay niyang tanong.
"uh huh" wika ko. Di ako makapagsalita.
"hey, yes or no lang naman eh." wika niya habang nakaluhod padin
"yes" mahinang wika ko.
"hindi ko narinig" pagtatampo niya
"yes nga"
"napakahina naman" sabay nguso niya. Parang bata
"yes nga!" sigaw ko.
"yes??? yes!!! walang bawian! Yes!" sigaw niya sabay yakap sa akin. May pasuntok suntok pa siya sa ere. Ewan ko sayo Reigan.
Third's person's POV
Nakatingin lang siya sakanilang dalawa. Matalim ang tingin nito sa dalawang taong magkayakap ngayon.
Earlier**
"what are you planning to do?" wika ng tatay nito
"i want her" wika nito
"she died, years ago son. Ibinalita ko sayo. Depression is the cause, nagpakamatay siya, got hit by a car" wika ng tatay nito
"no dad! I saw her. She's with Reigan!" hysterical na wika nito sa kanyang ama.
"Frank, stop it. Kahit kailan, hinding hindi siya mapapasayo. Lumipas na ang sampung taon. Tama na, son " pagmamakaawa ng tatay nito ngunit hindi siya nakikinig. Isa lang ang gusto nitong mangyari, ang makuha ang babaeng kinababaliwan niya.
***
"kung hindi siya mapupunta sa akin, hindi siya mapupunta kahit kanino lalong lalo na sa kapatid ko" wika nito sa sarili.
************************
Advertisement
- In Serial33 Chapters
Witness
The mind is a fragile thing. One slip and the shattered pieces are so innumerable that reconstruction is impossible. One such Theodore Chatwood is unfortunately very familiar with that sentiment. From a young age, frequent visions of horrid, incomprehensible beings plagued his mind, and it only became worse with time. They speak in colors, whispering in ageless language... They wait in corners, watching intently. The world harbors much more than meets the blind eye. Do not fret, though. Simply take the syringe. Hold your breath. Close your eyes. It will all be finished soon... *Updates every Sunday* Cover by: Tentacles and Teeth
8 170 - In Serial15 Chapters
FEVER
Trent Setter, a tired young man, finally gets a well-deserved break from his desk job at an innocuous cabin owned by his childhood friend. However, things rapidly go awry as this solo vacation spirals out of control.
8 124 - In Serial25 Chapters
Legendary Void Dungeon
Dungeons are strange beings no one completely understands. It is understood that they are immortal sentient beings designed to test and challenge those who enter their domain. So, when another one forms following an ordinary man's death what makes this Dungeon so different? This Dungeon is rare, not just rare but Legendary. The birth of a Legendary being is sure to create upheaval, a Legendary Dungeon even more so.
8 121 - In Serial30 Chapters
Benefits ━━ PETER PARKER
❝We are just doing this for the sexual benefits, right? Y-you don't like me like that...do you?❞
8 162 - In Serial18 Chapters
Its Only You (Larry Stylinson short story)
"Openly gay Harry Styles, 1/4 of One Direction, has taken interest in the young and talented Manchester United star, Louis Tomlinson."But question is: Has Louis also taken interest in the singer? Or will Harry have his heartbroken and get rejected? Note: Credit goes to the person who made this AU. I am simply just writing it out as a short story. This was not my idea so all credit goes to the person who made the AU.
8 70 - In Serial9 Chapters
Central cee (cench) imagines
cee ❤💯
8 235

