《The Secret of the Secret Boss》Chapter 5

Advertisement

"paano mo nalaman?", manghang tanong niya

"wala akong hindi nalalaman, i want the half of it, 2.5 million" deretsong sabi ko

"what?, no way. Bakit ko naman ibibigay sayo yun?" pagtutol niya

"ako ang project mo diba? Kapalit ng 5 million? Just give me the half. Wala na tayong dapat pag-usapan pa"

"damn, paano mo nalaman yan? Jayvee sabotaged me, right?"

"sino ba kasi ang nagsabi na magpustahan kayo sa CR ng EGC". epic fail din ang isang to eh.

"anong mabebenefit niya kapag hindi natupad ang pustahan?" dagdag ko pa

"i'll give him 10 million" walang pag aalinlangang sagot niya

"what?!, sakanya nalang pala ako makikibusiness transact, mas malaki ang makukuha ko sakanya" pagbibiro ko

"it's just my scapegoat, you know" seryosong turan niya, napalingon ako sa kanya at agad nagtama ang paningin namin.

"scapegoat to what?" kunot noong tanong ko

"para hindi ako mapahiya kung sakaling hindi mo ako mapansin" napatawa nalang ako sa sagot niya. Hahahha boys and their ego.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ng kung ano-ano at hindi na namin namalayan ang oras.

"i better get going Val" sabi niya sabay lakad pabalik sa sala

"uhm, pwede ka naman matulog sa guest room, kung okay lang sayo" offer ko

"thanks pero madami pa akong gagawin bukas sa office, mahirap malate" pagpupumilit niya. Kaya tumango nalang ako at inihatid siya sa may pinto.

"ahm, thank you and goodnight", pamamaalam ko. Ngumiti at tumango siya. Pagtalikod niya ay kasabay ng pagsara ko ng pinto.

Sumandal pa ako sa pinto ng ilang minuto bago ako pumanhik sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang bestfriend ko. Buti nalang at nahanap ko si Marco, my one and only trusted friend.

Nagshower na muna ako tsaka nahiga narin. Maaga pa kami bukas. Pupunta ako sa site para icheck ang pinatatayong building.

Advertisement

******************************

Maaga akong pumasok sa eskwelahan dahil kuhanan na ng grades, graduating na ako with flying colors, kung mapagbibigyan ay gagraduate ako bilang Suma Cum Laude in Business management major in Marketing.

"ahm, Vee, pinatatawag ka ni Sir Marquez sa office niya", sabi ng kaklase kong nakasalubong ko sa gate.

"sige, salamat!"

Dumeretso na ako sa office ni sir Marquez, kumatok muna ako bago pumasok, pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakatingin agad sa akin habang nakaupo sa swivel chair niya.

"good morning sir" bati ko.

"goodmorning Vee, maupo ka" bati niya pabalik.

"pinatatawag niyo daw po ako sir?", curious kong tanong

"oo, about your grade in my subject, bumagsak ka sa exam", deretso niyang turan na nakapagpalaglag ng panga ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. This is not happening, not now!. Nasagutan ko naman ng maayos yun ah. Wrong numbering ba?. Idinouble check ko naman ahh.

"sir, baka naman po nagkakamali kayo, maayos naman po ang exam ko, idinouble check ko naman po yun", garalgal ang boses ko kasi paiyak na ako.

"maaayos naman yan eh", tumayo siya at hinaplos ang likod ko, dahilan kung bakit nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, para akong binuhusan ng isang drum ng yelo.

"wag!! Sir, wag po. Maawa kayo, wag po!!!!"

******************

Marco's POV

"wag!! Sir, wag po. Maawa kayo, wag po!!!!", sigaw ni Val kaya napabalikwas ako sa higaan. Inaatake na naman siya ng masamang panaginip.

"Val, gumising ka!", tinapik tapik ko ang balikat niya. Nang dumilat siya ay agad niya akong niyakap. My poor bestfriend. The past keeps on hunting her. That dark past.

"Marco, hinahanap niya ako", umiiyak at balisang sabi ni Val.

"tahan na, nandito lang ako. Nasa kulungan na siya. Hindi ka na niya mahahanap pa", pag aalu ko sakanya habang nakayakap padin sa akin. Nakaupo kami pareho sa higaan.

"Marco, hahanapin niya ako. Hahanapin niya ako", pagpipilit padin ni Val.

Husssh. Hinahagod ko na ang likod niya. Ipinahiga ko na siya at kinumutan, nakatulugan na niya ang pag-iyak. Naaawa ako sakanya. Recently lang, inaatake na naman siya ng bangungot niya. Dumaan na siya sa mga therapy, naging maayos naman, pero ngayon, bumabalik na naman. It's not my story to tell. Kaya wag kayo sa akin magtanong kung anong nangyari.

    people are reading<The Secret of the Secret Boss>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click