《The Secret of the Secret Boss》Chapter 3

Advertisement

"madam, gumising kana po, baka nakakalimutan mo, sekretarya kita dito. Act like one kung ayaw mong masisante" nang aasar na sabi ni Marco. Sisante your face Marco.

"sorry po sir, napagod po kasi ako kagabi, andami niyo po kasing pinagawa" sarkastikong sagot ko sa kanya dahilan ng pagtawa niya.

"Val, umuwi kana muna kaya. Wala naman importanteng gagawin dito eh. Tsaka monitored naman ang project namin, pupunta nga pala sa Tagaytay si Reigan, i want you to go with him para makita mo din kung anong design ang bagay sa building" utos ni Marco sa akin.

"sige, para makita ko din kung maayos ba talaga ang mga trabahador ng MGC." sumang-ayon naman si Marco sa sinabi ko. Try niya lang hindi. I'm gonna kick his ass out of this building.

Hindi ata inaasahan ni RM na ako ang makakasama niya papuntang Tagaytay. Well, sorry.

"allowed pala ang secretary sumama sa business partner at siya pa ang mag iinspect doon hah?" mapang-asar na tanong ba yun o statement na turan ni mamang RM..

"I've been doing this for 5 years already sir, kaya tiwala na po si sir Marco sa akin, don't worry sir, if you don't want me around, pagkatapos na pagkatapos ko po sa inspection, i will fly back to manila immediately", inis kong sagot sa kanya.

"no, it's fine". Pagpipigil naman niya sa akin. What's with him, kinikilabutan ako sa mga ngiti niya, gwapo siya, yes, pero para siyang asong ulol na kanina pa nakangiti. Endorser ba siya ng toothpaste?

"about last time, pasensiya kana hah. But i am effin serious about askin' you out" napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya iyon, only then i found out na nakatingin din pala siya sa akin. Kumabog ang dibdib ko, siguro dahil to sa takot, oo, dahil to sa takot. Dapat na akong lumayo dahil mapapahamak ako dito, yun ang sinasabi ng isip ko.

Advertisement

"pasensiya nadin pero wala akong balak lumabas kasama ka sir. I don't have any plans on dating anyone". Deretso kong turan sa kanya.

"hindi panga nagsisimula, basted na?" natatawang tanong niya.

"pasensiya na talaga, maghanap ka nalang ng ibang pag-uubusan mo ng oras mo, wag ako sir". Medyo naiirita na ako. I hate boys.

'mapapapayag din kita'- mayabang niyang sabi.

Kung mapapapayag mo man ako, I am a woman focused with her goals.

Isang buong araw ako sa Tagaytay, umuwi nadin ako kaagad pagkatapos kong icheck ang site, bukod sa maayos naman ang lahat at naaalibadbaran ako sa presensiya ng RM na 'yun, akala mo anytime may masama siyang gagawin.

Mabilis na lumipas ang mga araw at mukhang seryoso nga talaga siya sa sinabi niya. Araw-araw siyang nagpapadala ng bouquet sa office at araw-araw ko ding ipinababalik ang mga yun sa kanya. Allergic ako sa pollen eh.(weh? Ani awtor haha)

For the past 5 years, pabalik balik ako sa ibang bansa para patatagin ang pundasyon ng kumpanya ko, ngayon? I can tell na maayos na ito. I have more than 100 employees at alam kong maayos ang lahat dahil binabackground check ko sila palagi, maayos nadin ang disguise kong secretary dahil nakakasalamuha ko sila araw-araw.

"happy birthday!" masayang bati ng boss kong si Marco

"salamat", sabay abot ng bulaklak na binili niya sa dangwa.

"saan tayo mamaya?, my treat" alok ni Marco sa akin, pumasok kami sa loob ng office niya at doon ipinagpatuloy ang pag-uusap.

"alam mo namang hindi ako mahilig magcelebrate ng birthday diba? marc"

"gosh, Val, magbabar lang tayo", turan ni Marco

"fine, then" pag sang ayon ko.

"i'll pick you up at 7? Okay? Sa parteeblak tayo"

Wala na akong nagawa kundi sumang ayon nalang sa paanyaya ni Marco. Pagdating ng 7 ay saktong pagtunog ng doorbell sa condo ko. Yes, condo, i am living in a condo, as for my parents, they are in US dahil doon na sila tumira after my issue. Ako lang ang nag insist bumalik dito sa Pilipinas at wala na silang nagawa kundi pumayag at kunsintihin ako sa mga pinaggagagawa ko..

Advertisement

Simple lang ang suot ko ngayon, malayo sa office look, naka white t-shirt at shorts lang ako na above the knee, medyo baduy but? Who cares? Right.

Lumabas na ako at nadatnan ko si Marco'ng bihis na bihis? Birthday niya ba to?. Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya sa kadahilanang treat niya nga ito at lulubuslubusuin niya na daw. Saka nalang siya nagsalita nang nasa loob na kami ng kanyang audi. .

"walang ka effort effort yang get up mo, nahiya naman ang outfit ko sayo" angal ni Marco, may pa irap-irap pa siyang nalalaman

"bestfriend, parang hindi mo ako kilala, i don't usually dress up you know" mapagbiro kong turan na lalong nagpainis sa kanya.

Pagpasok namin sa bar, makikita na ang ibat ibang ilaw, may nagsasayawan sa gitna at halatang crowded na. Lahat ng tao ay sumasabay sa beat ng tugtog. Dumeretso kami sa bar counter at nag order ng drinks. For 6 years, ganito ang routine namin ni Marco basta birthday naming dalawa, we go to bars and get wasted. So far, nakakauwi padin naman kami ng maayos. I wonder why? Hahaha.

Nakakalimang shots na kami ni Marco nang biglang may umagaw ng shot glass na dapat ay iinumin ko na, ibinottoms up niya iyon at naubos ng walang kagatol gatol. Napasinghap ako sa nangyare, para akong nahipnotismo sa ginawa niya, naagaw niya ang atensiyon ko at napatitig ako sa kanya, ngumiti siya at kumindat sa akin ngunit hindi niyon natinag ang titig ko sa kanya.

"enjoying the view miss?" mayabang na tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko.

Inirapan ko lang siya at umayos na sa pagkakaupo.

Bx1Q�oٚ�j�

    people are reading<The Secret of the Secret Boss>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click