《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 53

Advertisement

"WHAT?! SO YOU'RE telling me that you're pregnant?! As in may bata d'yan mismo sa t'yan mo? As in may bata na lalabas sayo na galing sa ex mo?!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Paula.

Tumango naman ako. Nandito kasi ako ngayon sa condo nila ng boyfriend niya matapos akong iwanan ni Diego doon. 'Wag siyang mag-alala dahil hindi ko naman sinabing panagutan niya ako. Gusto ko lang aware siya pero feeling niya ata buntis ako sa anak ni Caleb.

"Oo, Paula. May baby na nga ako," Nasabi ko rin sa wakas sakanya na buntis ako. She was so shocked at kanina pa tumatalon sa saya.

"Oh my, God!" Lumuhod siya sa harap ko bago niyakap ang bandang t'yan ko. "Oh my gosh, Zia! You're having a baby! A freaking baby! I'm so freaking excited!" Hinimas himas niya pa ang t'yan ko.

Nanatili naman akong tahimik habang hinahayaan siyang pagpyestahan ang t'yan ko.

Hindi ko maiwasang isipin si Diego. He's going to Philippines together with his girlfriend. Ano namang gagawin nila do'n? Siguro gagawa rin sila ng baby.

"Zia! Sumisipa na ba ito?!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Paula. "Wait! Ano bang pinaglilihian mo? Baka meron ako dito." Tinakbo niya ang pagitan ng kusina para maghanap ng kung ano.

"Gatas at oreo," Tipid kong sagot.

"Oh, right! Meron nga dito!" Bakit ba sigaw nang sigaw ang babaeng 'to? Nakakabingi na siya.

Umiwas ako ng tingin. I'm being so emotional these past few weeks. Lalo na siguro ngayon dahil sa inasal ni Diego. He hates me, I know. Galit siguro siya sakin at umabot pa sa punto na pinaghinalaan niyang nabuntis ako ng iba.

Hindi ko naman siya masisi. Kasalanan ko nga siguro. I was so scared that I might get hurt again. Mas ginusto kong saktan siya.

Unti unting tumulo ang luha ko nang sumabay pa sa pag-iisip ko si Caleb. Natatakot ako sa kaya kong gawin kapag naisipan kong bumalik kay Diego. Wala akong pakielam kung sino man ang masasagasaan ko. I don't want Caleb to get hurt pero ayokong magsayang ng chance if ever.

"Crizia?! Oh my, God! Why are you crying?" Lumuhod si Paula sa harap ko at pinalis ang luhang nakakalat sa mukha ko.

Para akong batang humikbi at nagpakawala ng malakas na iyak nang gawin niya 'yon. I don't want to overthink anymore. Naguguluhan na rin ako.

"Si Diego... sinabi ko sakanyang buntis ako..." Her eyes widened.

"Really?! Very good! Then? Anong sabi? I'm sure masaya siya na magkaka-baby kayo. Anong plano niyo? Hmm? Susubukan niyo ba ulit?" Umiling ako at nakayuko.

"A-akala niya anak ni Caleb ang pinagbubuntis ko. Ni hindi niya man lang ako pinatapos sa sasabihin ko, Paula. Iniwan niya na lang ako bigla doon. I really want to go after him pero ang bilis niyang maglakad," Agad naman niya akong pinatahan.

Umupo siya sa gilid ko at hinimas ang likod ko na parang manok.

"And he's going back to Philippines with his girlfriend, Paula. It hurts, but I know it's my fault. Kasalanan ko dahil nag-iinarte ako. Hindi dapat ako masaktan dahil ginusto ko naman ito, diba? Na mag-move on kaming dalawa?" She shook her head.

"No, Zia. Your reason is valid, okay? Consequence nga lang itong nangyayari ngayon. You must understand yourself, okay? You're just scared to get hurt again. I've seen it, Zia. I've seen how miserable you are back then." Tumango ako at naniwala sakanya.

Advertisement

She's right. Natakot lang ako. Noon, kaya ko pinakawalan si Diego dahil mahal na mahal ko siya at ayaw kong matali siya sakin at ayokong maging miserable siya. Pinili kong pakawalan siya dati kahit na hindi ko alam kung kakayanin ko dahil ayokong masaktan siya. Ngayon, sarili ko naman ang pinili ko at nawalan ako ng pake kung masaktan man siya because I once chose him and it caused too much damage inside of me.

"I understand, okay? Don't overthink. Kawawa si baby," Hinaplos niya ang t'yan ko.

"I can't help it," Kahit anong pigil ko, ayaw tumigil ng mga mata ko kakaiyak.

Naalala ko noon. Kaya siguro mas natakot ako dahil sa nangyari noon sakin. Walang wala ko noon. May iniwan nga siyang pera sakin pero kung ano ano na lang ang pinagbibibili ko noon. I'm not eating. I'm punishing myself because I wasn't enough to please my husband. I wasn't enough to make him stay.

I'm not eating, I'm not sleeping, wala akong ibang ginawa kung hindi tumulala at umiyak. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula noon.

I almost... killed myself. Kung hindi lang sana ako dinalaw ni Paula noon ay maaabutan niya akong nakabigti.

She's right. Natakot lang ako. My reasons are valid. Natakot akong gano'n ulit ang danasin ko. Natakot akong baka hindi ko na makayanan at magpaka---

"Zia..." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Paano 'yan? Kung iniisip niyang hindi kanya yung baby niyo, ipapaalam mo parin ba sakanya na siya yung father ni baby?"

Tumungo ako at hinaplos ang t'yan. I smiled a little while picturing my baby in my head.

"Hindi dapat madamay ang baby namin sa kung anong problema namin... so, yes. I'm still planning to tell him about our baby. Naintindihan ko kung bakit gano'n ang inasal ni Diego. Minsan niya nang naabutan si Caleb na paalis sa condo ko nang gabing gabi. Baka akala niya may ginawa kami kaya ako nabuntis. I understand Diego, Paula. Hindi naman siya judgemental talaga. He's just hurt. If my reasons are valid, I'm pretty sure that his feelings are valid, too."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"I'm so proud of you, Mommy Zia." Natawa ako sa sinabi niyang 'yon kahit na naiiyak.

Pipiliin at sisikapin kong makasingit ulit sa schedule niya bago ang kasal ko. Siguro magmunukhang masama ako kung sasabihin kong... gusto kong kunin ulit ako ni Diego pero nasabi ko naman na wala akong pakielam kung sino ang masasagasaan ko.

Ito siguro ang pinagkaiba namin ni Brianna. She cheated on Diego kahit na hindi niya ginusto dahil natatakot siyang masaktan niya ito kapag sinabi ang totoo. I believe that she chose to hurt herself and Dereck than to hurt Diego without knowing na nasasaktan niya na rin yung isa. While me, I don't care kung sino ang masasagasaan ko basta magkatotoo lang kaming dalawa.

Paula is right. I must give Diego another chance. Siguro naman natuto na siya sa pagkakamali niya noon kaya hindi niya na ako susubukang saktan lalo na't may baby kami.

Kung hindi man ako makasingit sa schedule niya, I hope on my wedding day... he will stop us or I--- I need to talk to Caleb. He has the rights to know that his soon-to-be wife is pregnant.

"I need to talk to Caleb," Sambit ko. Napatayo naman si Paula.

Advertisement

"I will call him. Dito na lang kayo mag-usap. Don't worry, I'll give you space." Tumango ako at hindi na kumontra.

Kinain ko na lang yung gatas at oreo na binigay niya sakin habang sinubukan ko naman tawagan yung bagong secretary ni Diego.

["Hello, this is Timothy from Rivera's Hotel and Resort."] Bungad nito.

"Timothy, it's me, Crizia," Natahimik naman ito.

["I'm sorry, but---"]

"Wait, please! Just a second, Timothy. This is very important. Hear me out," Bumuntong hininga ito. Nasiguro kong hindi niya na ako bababaan ng tawag. "I need to set an appointment with---"

["Appointment again? But you already had your appointment awhile ago, right?"] Kinagat ko ang ibabang labi. Mano-nosebleed pa ata ako.

"Yes, but---"

["I'm sorry, but I can't give you a new one. Mr. Rivera told me to not accept any appointment from you. I'm sorry, Miss Crizia."] And then he ended the call.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa niyang 'yon. Totoo bang ginawa 'yon ni Diego? Kung siya na lang kaya ang tawagan ko?

I tried to call his personal number pero puro toot-toot lang ang naririnig ko. Shit? Don't tell me naka-blocked ako sa phone niya?

"This stupid---"

"Your fiancé is on the way. Sinong kaaway mo?" Biglang sumulpot si Paula.

"Si Diego kasi ayaw na makipag-meet sakin tapos naka-blocked pa ako sa phone niya," I sighed. "Can you call him for me?" Tumango siya.

"Oo naman."

Pinanood ko siyang kinalikot ang phone niya. Tahimik lang akong nanood sa gilid niya. I hope sagutin ni Diego ang tawag niya.

"Hello, Diego? Zia wants to--- wait, no! This is something important--- This is not prank--- teka---"

Namilog ang mata ko nang patayan din siya ng tawag ni Diego. She tried to call him again pero hindi na ito sumasagot.

Galit nga siguro talaga siya.

Matamlay akong naghintay na lang kay Caleb. Kung makikipaghiwalay man siya sakin ay malugod ko 'yong tatanggapin. I will accept his decision.

"So, ilang weeks na nga itong baby," Matalim kong tinignan si Paula nang hawakan niya na naman ang t'yan ko.

Ano bang problema niya? Simula nang sinabi kong buntis ako ay kanina niya pa hinahawakan ang t'yan kong hindi pa naman gano'n kahalata dahil nga 9 weeks pa lang ito.

"Huwag mo ngang hawakan ang t'yan ko, Paula." Masungit na sabi ko na tinawanan niya lang. "9 weeks nga," Umirap ako.

"Sungit!" Binalik niya ang hawak sa t'yan ko. "Huwag kang tutulad sa mommy mo, ha? 'Wag masungit," Inalis ko ang kamay niya do'n.

"Kanino mo gustong magmana itong baby ko? Sa tatay niyang mas masungit, ha? Isa pa, hindi naman ako masungit. Nagkataon lang na buntis ako kaya---"

"Exactly! Kaya siguro masungit ka kasi masungit yung baby mo, masungit siya dahil namana niya 'yon sa daddy--" Natigil siya sa pagsasalita nang biglang may nag-doorbell.

Tinigil ko na lang ang pagkain ko at hinintay kung sino yung dumating. May trabaho ang boyfriend ni Paula at mamayang gabi pa 'yon uuwi. It must be Caleb.

"Hey," It was Caleb nga. Lumapit siya agad sakin at humalik sa pisngi ko.

"Hi," Ngiti ko. Umupo siya sa gilid ko.

"I will give you a little space, huh," Sambit ni Paula bago pumasok sa kwarto nila. Kinindatan niya pa ako bago siya tuluyang pumasok.

Napalunok ako nang kami na lang ni Caleb. Paano ko ba sasabihin sakanya yung sasabihin ko?

"This is too much," He laughed beside me habang pinagmamasdan ang pagkain ko. "Are you hungry? Paula told me that you want to talk to me?"

Tahimik akong tumango. Gano'n na lang ang gagawin ko. Sasabihin ko sakanyang buntis ako at---

"Zia?"

"Ay, buntis!" Agad kong hinawakan ang bibig ko.

"Huh? Buntis? That's pregnant, right?" Natigilan ako. Kunot ang noo niyang nakatingin sakin.

"Huh? Uh, oo." Ngumiwi ako.

"Uh-huh?" Mas lalo akong ngumiwi.

Tumungo ako habang pinaglalaruan ang kamay ko. Come on, Zia! Sabihin mo sakanyang buntis ka! Kailangan ko talaga.

"Caleb, malapit na yung kasal natin..." Tumango siya.

"Yes, I'm aware. Ikaw pa nga nagsabi sakin na we're not allowed to meet because---"

"Caleb, I have something to tell you." Hinawakan niya ang kamay ko. Pinaglaruan niya ang kamay ko habang titig na titig sakin. Sa totoo lang, pogi talaga si Caleb.

"What is it?" Hinaplos niya ang pisngi ko. Feeling ko babaliktad ang sikmura ko sa ginawa niya.

"I will understand what will be your decision after kong sabihin sayo 'to," Hindi nakatakas sa mata ko kung paano siya napalunok. "Caleb, I'm sorry..."

"I don't understand, Zia. Why are you saying sorry?" Nangilid ang luha ko.

"Those days that I spent with Diego in Philippines, we went to Palawan for almost 2 weeks... the judge told us to measure our feelings before he grant our annulment," He nodded again na para bang naiintindihan niya lahat.

"And you don't love him anymore because it's already grant, right?" Napatingin ako sakanya. Ngumiti lang ako. "Why are you saying this?"

"And in those days... Caleb," Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry, but--- there's something happened between me and Diego." Nag-unahan agad ang luha ko.

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sakin at gulat na gulat. I did nothing, but to cry.

"Zia..." Umiling ako nang hinawakan niya pa ang kamay ko. "It's okay, I understand," Natigil ako sa pag-iyak sa sinabi niya.

"Huh?"

"Y-you did it with him while we're not in a relationship. I understand, Crizia. You didn't cheat." Umiling ako at umiyak ulit. "What..."

"Hindi pa 'yon..." Kumunot ang noo niya.

"He got me pregnant, Caleb." Nalaglag ang panga niya at agad napatingin sa t'yan ko. "I'm pregnant with his child, Caleb. I'm so sorry. Maiintindihan ko kung ititigil mo yung kasal natin."

Natahimik siya at hindi agad nakapagsalita. Tumungo siya.

"Is he aware about the baby?" Tumango ako. "What's his plan, then?"

"Hindi niya alam na siya ang ama ng baby ko. Akala niya ikaw ang father ng baby ko---"

"Then I will be the father!" Namilog ang mata ko.

"Huh?!"

"I can be the father of your baby, Zia." Mukhang desidido siyang maging tatay ng anak ko. Expected naman na ito. "I will be his or her father," Hinawakan niya ang t'yan ko.

"Caleb..." Pero ayoko. Sasabihin ko parin kay Diego!

"We will continue our wedding." Mariin niyang sabi.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click