《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 47

Advertisement

CRIZIA

HINDI MAALIS ang tingin ko sa tubig na nasa ibabaw ng lamesa ko. Paano ba naman kasi hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakilos dahil natulala talaga ako sa sinabi niya.

Bakit biglang gano'n ang lalaking 'yon? Maybe because he's trying to distance himself from me? He's trying to move on? And his way to move on is to be rude to me?

I sighed. I am not mad. Hindi ako galit sa sinabi niya ay inasta niya. Dapat ay nagalit na ako or what pero hindi ko alam kung bakit.

Binalingan ko ng tingin ang apat o anim na file sa gilid ko. Pagpunta ko kasi dito nandito na rin ang mga ito. Kailangan ko gawan ng soft copies ito pero wala naman akong ibang ginawa kung hindi dumukdok sa lamesa.

Kailan ba ito kailangan ni Diego?

Wait, bakit ba ako nagtatanong? Hindi ba't ako ang secretary?

Labag man sa loob ko ay kinuha ko parin telepono sa gilid para tawagan siya. Pinapakalma ko ang sarili habang hinihintay siyang sagutin ang tawag ko.

["What?"] Napaigtad ako sa gulat nang sagutin nito ang tawag ko. I cleared my throat so I could speak with my shivering voice.

"Good morning, boss. I just want to ask if when you will need the soft copies?" Formal kong tanong.

Hindi agad siya sumagot. Maybe he's thinking about it.

["Say 4 to 5 days?"] Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. ["Anything you want to ask?"] Ngumuso ako dahil malamig ang boses niya.

"Uh, do you want coffee?" Napapikit ako.

Stupid, Crizia! Nagkape na siya kanina kaya bakit siya magkakape ulit? Hindi naman siya gano'n kahilig sa kape!

["No,"] Napangiwi ako dahil bahagyang napahiya.

"O-okay, thank you, boss." I was about to drop the call when he spoke.

["Come to my office."] Napakurap ako.

"Pardon?"

["Are you deaf? I said come here."] Pagkatapos ay binagsakan niya ako ng telepono. Binalik ko na lang din ang telepono.

I went to his office like what he said. May nagawa kaya ako? Baka naman papaalisin niya na ako dahil naiinis na siya sakin?

Well, paano naman kasi siya makakapag-move on kung makikita niya ako araw araw?

Bigla ko tuloy naisip mag-resign... Sayang nga lang dahil mataas talaga ang sweldo dito.

I knocked twice bago ako nagpakilala at pumasok. Nagtama agad ang paningin naming dalawa pero umiwas ako ng tingin at nagbaba na lang.

Tahimik akong naglakad palapit sakanya.

Nang nag-angat ako ng tingin sakanya ay nakita kong nakatingin siya sa buhok ko. Wala sa sariling sinuklay ko ang buhok. Muntik nang manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong magulo 'yon.

"Boss?" Inalis ko ang kamay ko do'n. Nakatingin ako sakanya habang siya ay deretsyo ang tingin sa laptop niya habang nagtitipa.

Ngumuso ako at nanatili na lang na nakatayo sa gilid niya. Ano bang balak niya? Anong gusto niyang gawin ko dito? Don't tell me gusto niya akong gawing lampshade dito?

Tinangka kong irapan siya pero natakot lang ako dahil baka mahilo na naman ako.

Advertisement

"Ilang page na ang natapos mo?" Napalunok ako.

Bawat file kasi ay may 6 to 10 pages at tatlo pa lang ang natatapos kong i-type dahil inaantok ako.

"Ah, why, boss?"

Awkward. Noong isang araw lang ay nagchu-churva kami sa terrace sa Palawan tapos ngayon boss ko na siya ulit.

"Anong bakit? I want ot know, of course." Kumunot ang noo niya bago ako tinignan.

Ngumiwi ako.

"Tatlong page pa lang." Umangat ang kilay niya. "Pero tatapusin ko 'yon agad, don't worry." He shook his head at mukhang dissapointed.

"I won't give special treatment, Crizia. I hope you know about that." Kumunot ang noo ko.

Bigla akong na-offend at parang gusto ko tuloy siyang suntukin na lang bigla sa mata dahil sa inis ko sakanya. Anong pinapalabas niya d'yan? Na porket may past kami ay magiging tamad na ako?

"I don't need your special treatment, anyway." Sagot ko. Nag-angat siya ng tingin sakin. Hindi ako umiwas ng tingin dahil bakit ko naman gagawin 'yon?

His jaw tightened at sumimangot siya sakin. Gusto ko ring sanang sumimangot pero baka sesantahin niya ako bigla.

Unti unting nawala ang lukot ng mukha niya nang matitigan ako. Bigla akong nalito sa tingin niya. Nagandahan ba siya sakin? Gano'n ba 'yon?

"Are you okay?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Ha?"

Tumayo siya at lumapit sakin. Napaatras tuloy ako. Bakit ba siya bigla biglang lumalapit sakin d'yan? Baka may makakita samin at kung ano ang sabihin.

"Are you sick? Namumutla ka," Nilapat niya ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat."

Umatras ako agad.

"Boss, ano ba?" Hindi ko maitago ang inis sa boses ko nang hawakan niya ako.

Siya itong nagsabi na siya ang boss at ako ang sektarya niya at hindi normal ang ginawa niyang ganito, ha! Hindi na kami mag-asawa at parehas kaming may iba na.

"What?" Iritado niyang tanong.

"Ayos lang ako," Iritado ko ring sagot. "Why did you call me, anyway?"

Tumikhim siya at parang nagising sa realidad. Tumikhim siya at bumalik sa upuan niya. May kinuha siyang folder do'n at inabot niya sakin.

"I have board meeting this coming Friday, right? I want you to do my report and script." Kinuha ko naman 'yon at binuklat.

Kinagat ko ang ibabang labi. Alam ko naman na isa ito sa gawain ng normal na secretary pero never niya akong inutusan na gawin ang report niya sa loob ng ilang buwang pagta-trabaho ko sakanya.

"Okay..." Tumango ako bago ko niyakap ang folder. "Do you need anything?" He shook his head.

"None. You may go now," Tumalikod ako at akmang aalis na nang may maalala ako.

Humarap ulit ako sakanya kaya nahuli ko siyang nakatingin sakin. Nag-angat siya ng kilay sakin.

"I'm going to return the resort that you bought for me."

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi kong 'yon pero desidido na ako. Ano namang gagawin ko sa resort na 'yon?

"Why?"

I shrugged.

"I just don't like it. Ibigay mo na lang sa girlfriend mo," Tutal mahilig naman siya saluhin ang mga nagamit ko na.

Advertisement

Tumalikod ako at lumabas na doon. Bumalik ako sa office ko pero hindi pa ako nakakapasok nang maisipan kong bumaba na muna para makabili ako ng gatas and some snacks.

Nakasalubong ko pa si Paula na masyaong busy kaya hindi ko na lang siya kinulit.

Bumili ako ng gatas at oreo. Pumasok ako agad sa elevator dala dala iyon.

Tulala pa ako at naghihintay na mag-sara ang pinto nang biglang may kamay na humarang sa pinto noon. Muntik ko pang mabitawan ang dala dala ko.

"Damn this stupid heels!" Namilog ang mata ko nang makilala ko kung sino 'yon.

The great girlfriend. Abigael Tiago.

Nag-angat ito ng tingin sakin at bahagya pang nagulat nang makita ako. Taas noo itong naglakad papasok sa elevator.

I sighed silently. Parang hindi ako makahinga ngayong kasama ko ang babaeng 'to. Hindi ko alam pero mainit talaga ang ulo ko sakanya at parang gusto kong ihampas ang ulo niya.

Saglit akong napaisip at naalala ang inaasal ko.

Ano bang sign ng---

"Is Diego is there?" Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita ito.

Nilingon ko siya.

Sa totoo lang, maganda talaga siya. Hindi ko alam kung anong lahi niya pero mukha siyang hindi tiga dito. Mukhang namasyal lang siya dito at nagpasyang dito manirahan.

Gusto kong ngumisi dahil ito siguro ang tipo ni Diego. O baka naman hindi siya makahanap ng kalebel ko kaya ito ang napili niya.

Hindi sa pagmamayabang pero mas maganda talaga ako sakanya. Manipis ang labi niya at sakin ay katamtaman lang. Mas matangos ang ilong ko at mas malalim rin ang mga mata ko.

"Yes, he's up there." Tumango siya kaya ibinaling ko na ang tingin ko sa iba. Ramdam kong nanatili ang tingin niya sakin pero hindi na umimik pa.

Nang marating namin ang floor namin ni Diego ay naabutan kong kakalabas niya lang sa opisina ko.

Kumunot ang noo ko lalo na ang gulat na gulat siya nang makita niya akong palakad lakad. Anong ginawa niya sa opisina ko? May kailangan ba siya o may ibang iuutos kaya siya pumunta?

"Anong ginawa mo?" Kumunot ang noo ni Abigael siguro dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"I was looking for you," Bumaba ang tingin niya sa dala ko. "Milk? As far as I remember, you're not into milk. You like wine more."

Bumaba rin ang tingin ko sa gatas. Oo nga, ano?

"Wala lang." Tinginan ko ang jowa niyang nasa gilid ko at mukhang nalilito parin. "Nanito nga pala ang girlfriend mo."

Biglang lumapit yung babae at lumingkis sakanya. Nanatili lang akong nakatingin kahit na gusto kong masuka sa hitsura nito.

"Why are you looking for me, anyway?" Tanong ko kaya naagaw ko ang atensyon niya.

"Nothing,"

Tumango ako at pumasok na sa opisina ko. Ininom ko agad ang gatas. Ngumuso ako dahil parang nabuhay ang katawang lupa ko nang uminom ako no'n.

I started to work my ass off. Nang mag-lunch ay muntik ko nang puntahan si Diego kung hindi lang dumating si Paula at sinabi saking lumabas yung dalawa para mag-lunch.

Si Paula ang bumili ng lunch namin habang katawagan ko naman si Caleb. Para akong bulateng nilagyan ng asin dahil sa kakatawa ko sa sinasabi niya.

He can really brighten up my dark world. I bit my lower lip dahil gandang ganda ako sa boses niya sa telepono.

["I heard you're really busy today? Paula told me that you have paper works,"] Tanong nito.

"Yup. So, we can't have a date yet," Malungkot kong sabi. "I'm sorry..."

Humagikgik siya sa kabilang linya.

["I understand, Zia. Hmm. I actually want you to resign there,"] Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

Resign? Bakit? E, sayang ang sweldo ko dito at madami pa akong benefits na nakukuha dito. Isa pa, kasama ko si Paula dito kaya nare-relax din ako.

"Huh? W-why?" Kabado kong tanong.

["I can give you a work, Zia. Don't you want to work with me?"] Naglalambing nitong tanong sakin.

Tumungo ako at parang napaisip. Sabagay tama naman siya. Mas magandang tignan kung magkasama kaming dalawa sa trabaho at isa pa, mas mae-enjoy pa namin ang isa't isa.

"I will think of it,"

Nang dumating tuloy si Paula ay tahimik ako dahil iniisip ko ang sinabing 'yon ni Caleb.

Si Caleb kasi ay photographer ng isang sikat na agency at pwede niya rin akong ipasok do'n dahil matagal na siyang nagta-trabaho do'n at malakas ang karisma niya.

"Wala ka bang balak mag-kwento kung anong pinaggagagawa niyo ni Diego doon?" Tanong nito habang busy sa pagkain.

Humigop ako ng mushroom soup na dala niya. Speaking of Diego, nag-lunch date nga pala sila ng girlfriend niyang hilaw.

Ang sweet, huh. Hanggang kailan kaya sila ganyan? Seryoso na ata talaga si Diego sakanya dahil... fuck! I must stop thinking about him and his new girl. As if I freaking care?

"Sa condo na lang," Wala sa sarili kong sabi. Nag-angat ako ng tingin sakanya. "Wait, are you going to sleep in my condo, again?"

"Of course! Gusto kong maki-chika, ano!"

Humalakhak ako. Nag-kwento siya kung anong ganap sakanila ng boyfriend niya. Paula is lucky when it's about the love life. Lucky, huh.

Nakinig lang ako sa kwento niya at tuwang tuwa siya dahil gusto daw siya noong kapatid ng boyfriend niya.

Bigla ko tuloy naisip si Diego. Wala siyang kapatid. Si Caleb din ay walang kapatid kaya matiwasay ang buhay ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Tinignan ko ang nasa gilid ni Paula na supot.

"Ano 'yan?" Nguso ko doon sa tabi niya.

"Ah, ito?" Kinuha niya iyon at inalis sa supot. "Salad. Gusto mo?" Walang pag-aalinlangan akong tumango.

She opened the container in front of my face!

Wala pang ilang segundo nang makita ko ang sarili sa loob ng banyo. Nakaluhod sa harap ng toilet at... sumusuka.

"OH MY, GOD, CRIZIA! WHAT THE FUCK?!" Paula screamed in horror.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click