《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 45

Advertisement

CRIZIA

DILAT NA DILAT ako buong byahe namin pauwi sa Singapore. Ni wala akong ganang matulog dahil mas gusto kong nakasimangot lang buong byahe. Gano'n rin si Diego na nakahalukipkip lang din at hindi tumitingin sakin.

Umirap ako sa kawalan. Siguro nakokonsensya siya sa mga sinabi niya sakin kagabi.

Hello? Inakusahan niya ako na atat magpakasal kay Caleb dahil sa dahilang gusto ko na makipag-sex do'n sa tao? Anong tingin niya sakin? Adik sa sex? Hindi ba't siya naman itong adik sa gano'n kaya nga may girlfriend siyang si Abigael, hindi ba?

Naalala ko noon. Kung hindi ako pumasok sa opisina niya anong gagawin nila? Doon sila? Silang dalawa habang nasa kabilang kwarto lang ako?

At yung Brianna na 'yon? Anong meron sa babaeng 'yon at naging bitter si Diego? Sobrang ganda ba ng babaeng 'yon kaya niya pinagsabay yung mag-pinsan? God! Maganda lang ang mata niya.

Kung tutuosin si Diego ang cheater dito! Naging fiancé niya ang babaeng 'yon habang kasal kami! What the hell?

Pero hindi naman siya aware doon.

Pero kung natuloy silang ikasal at kung hindi binawi ni Dereck Rivera ang mag-ina niya kay Diego, hindi babalik sakin ang asawa ko. Ibig sabihin ba... naging second choice lang ako?

Well, ramdam ko nga na minahal niya talaga ang Brianna na 'yon pero nas ramdam kong mahal niya ako. Hindi kami parehas aware na kasal pa pala kami kaya kung iisipin... parehas kaming walang alam.

Pinitik ko ang buhok sa katabi.

"Tss. Your hair," Masungit na sambit ni Diego kaya tinignan ko.

"Bakit ba? Nakaharang kasi mukha mo." Inirapan ko siya at nakita kong umirap rin siya sakin. Halos umusok ang ilong ko sa inis.

Bigla ko tuloy naalala yung nga ginawa namin sa Palawan. Bigla rin akong may naisip pero umiling lang ako. Imposible. Hindi naman siguro. Ang malas ko naman.

Umismid ako.

"Sabi bibilhan daw ako ng calamares pero hindi naman pala. Ano? Busy kakaisip sa ex niya?" Bulong ko pero nakita kong bumaling ang tingin niya sakin. Hindi ako lumingon.

Umismid rin siya.

"Tss. Sabi later at home daw pero hindi naman pala. Ano? Pinaasa lang ako? Sinong nahirapan matulog ngayon?" Namilog ang mata ko pero hindi ako nagpaapekto.

"Sus. Sabi boring raw yung bakasyon namin pero sobrang clingy at laging nag-aaya ng sex," Parinig ko. Pagak siyang tumawa.

"Kesa naman sa sabi gustong makipag-annull pero lutang sa court. Hmm. I bet nagdalawang isip ka." Umawang ang labi ko.

Hinawi ko ang buhok at ako naman ang tumawa.

"Nako. Kesa naman sa sabing mahal daw ako at niyayang magtanan pero iniwan rin pagkatapos ng limang buwan."

Mabilis siyang lumingon sakin kaya nilingon ko rin siya. Nag-taas lang ako ng kilay habang hindi na siya nakasagot sa sinabi ko.

Bumalik kami sa pagiging tahimik pagkatapos kong sabihin 'yon.

Nang malapit nang lumapag ang eroplano namin, nag-message na ako kay Caleb at sinabi niyang nandoon na pala siya! Excited daw kasi siyang makita ako.

Ngumuso ako at naisip si Paula. Busy kaya ang babaeng 'yon? Hindi ko pa sinasabi sakanya na ngayon ang uwi ko.

"Hmm? Yup. Nah, someone will send me a car." Tinignan ko ang katabi ko nang bigla siyang nagsalita. Ngayon ko lang narealized na may kausap pala siya sa phone.

Advertisement

Sino naman kaya ang kausap ng lalaking 'to?

"Nah, I'm with my secretary. I will drop her in her condo unit first." Kumunot ang noo ko. Secretary? Ako 'yon, hindi ba?

Umayos ako ng upo para mas marinig ko pa ang pinag-uusapan nila. Naningkit ang mata ko nang parang may narinig akong boses ng babae sa kabilang linya.

"We can meet tomorrow, Abby."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon. Ano daw? Abby? Yung Abigael Tiago ba ang sinasabi niya? Magkikita sila bukas? Bakit? Sila na ba ulit? Akala ko ba...

Siya pala yung walang pinagkaiba sa ex-fiance niya.

Umiwas ako ng tingin sa gawi niya at hindi na lang nakinig. Bahala siya sa buhay niya. Isa pa, bakit ba ako nakikielam? Hiwalay na kami. Ako nga may fiancee pa.

Pumikit na lang ako kahit na malapit na kami. Pero hindi pa ako nakakapag-sip ng ibang bagay nang biglang mag-ring ang phone ko na nakalagay sa maliit na lamesa sa harap ko.

Sabay kaming napatingin doon.

Napangiti ako nang makita kong si Paula ang tumatawag. Kinuha ko ang phone at sinagot agad.

"Paula," Bungad ko.

["Crizia, is it true?! Nasa eroplano ka na ngayon pauwi?!"] Halos mabingi ako sa sigaw niya.

"Yup."

["Bakit hindi mo sinabi sakin?!"] Rinig ko ang pagiging maligalig niya sa kabilang linya. ["Hintayin mo ako, susunduin kita."] Mahina akong tumawa kaya ramdam kong napatingin sakin si Diego.

"No need. Nasa airport si Caleb para sunduin ako." Narinig kong bumulong si Diego pero hindi ko narinig kung ano yung binulong niya.

["I don't care! Susunduin parin kita. Kailangan mong mag-kwento sakin, Crizia. I'll hang up now."] Pinatay nga nito ang tawag pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Binaba ko na lang din ang telepono.

Tumikhim si Diego sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin. Bakit ko naman siya kailangan pansinin, aber?

"So, hindi na pala kita kailangan ihatid sa condo mo?" He asked.

"Yup. Pwede ka nang makipag-kita sa girlfriend mo." Ngiti ko sakanya pero inirapan niya lang ako.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pag-irap sakin. Inirapan ko na lang din siya kahit na wala sakin ang tingin.

But I suddenly stilled when I felt dizzy because of what I did. Hinilot ko ang sintido dahil bigla na lang talaga akong nahilo kahit na walang maayos na dahilan.

Am I sick?

"Are you okay?" Tanong ni Diego sa gilid ko bago niya kinapa ang noo ko. "Namumutla ka,"

"I'm okay. Nagugutom lang siguro ako." Binasa ko ang ibabang labi at pumikit.

Narinig kong nag-tawag si Diego ng flight attendant para humingi ng food.

"I'm sorry, sir, but we're about to land so we can't give you any kinds of food." Napamulat ako sa sinabi ng flight attendant.

"Why not? We need food. My wife is hungry and she badly needs a food." Pamimilit ni Diego.

"I'm sorry, sir---"

"DAMN IT! LET ME TALK TO---" Hinila ko na ang braso ni Diego kaya natigil siya.

"I'm fine. Water na lang..." Tinignan ko yung flight attendant. "You can give me a water, yes?"

Advertisement

"Yes, ma'am. Please give me a minute to get your water." Umalis na ito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Hinaplos ulit ni Diego ang pisngi ko. "Gusto mo bang dumiretsyo tayo sa hospital?" Umiling ako.

"No. Pagod lang ako sa byahe."

Wala tuloy siyang ibang ginawa kung hindi titigan ako hanggang sa tuluyan kaming bumaba ng eroplano. Siya na ang naghila ng maleta ko kahit na sinabi ko sakanya na okay lang ako.

Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako nahilo ng gano'n.

"Zia," Tawag niya sabay huli ng kamay ko.

"Hmm?"

"Are you sure you're okay?" Kunot noo akong tumango at bahagyang nainis dahil sa pagiging makulit niya.

Pumunta kami sa waiting area dahil sigurado akong nandoon sina Caleb at Paula.

Hindi naman ako nagkamali dahil malayo pa lang ay nakita ko na ang dalawa na naghihintay. Binawi ko na ang kamay ko nang mapansin kong hawak parin iyon ni Diego.

"Zia!" Tili ni Paula bago ako sinalubong ng yakap. "Namiss kita! Kamusta ang naging lakad niyo? Ang tagal niyo ring nawala, ah?" Gusto kong matawa sa ginawang pag-irap ni Caleb nang mauna pang yumakap si Paula sakin.

"Ayos lang," Ngiti ko at sinenyasan siya na mamaya ko na ike-kwento.

"Oh, Diego! Oo nga pala at ikaw ang kasama nitong kaibigan ko. Kamusta kayo do'n? Balita ko..." Namilog ang mata ko nang ngumisi sakin si Paula.

Don't tell me sasabihin ni Paulaa kay Diego na sinabi ko na may nangyayari samin doon?!

"Balita ko nagbakasyon raw kayo?" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Diego chuckled bago ako saglit na tinignan.

"Yup. 'Yon kasi ang gusto ng judge." Tumango tango naman ang kaibigan ko.

Biglang lumipat ng tingin si Paula kay Caleb.

"Oh! Oo nga pala. This is Caleb," Hinila nito ang fiancee ko. "Zia's fiancee." Nalaglag ang panga ko sa ginawa ni Paula. "Caleb, this is Diego. Zia's ex-husband."

Napalunok ako at bahagyang pinagpawisan.

Tumango naman si Diego at Caleb sa isa't isa. Kinuha ni Caleb ang maleta ko kay Diego bago ako hinarap.

"How was it?" Dinampian niya ng halik ang labi ko.

Wait... totoo bang hinalikan niya ako sa harap mismo ni Diego?!

"O-okay lang..." Napalunok ako bago ngumiti. Pasimple akong nagnakaw ng tingin kay Diego na mukhang badtrip na ngayon.

"I'm sure napagod kayo. Kumain na kaya muna tayo?" Pagbabasak ni Paula ng katahimikan.

"I'll go now." Singit ni Diego.

"Huh? Sumabay ka na samin, Diego. Para namang iba ka samin." Ngumisi si Diego pero umiling parin.

"No, thanks, Paula. I want to rest." Tumango ito samin bago tumalikod.

Nagkibit balikat si Paula at naglakad na lang rin paalis. Hinawakan ni Caleb ang kamay ko para umalis pero kahit na humahakbang ang binti ko ay ang tingin ko ay na kay Diego parin.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi na dapat, hindi ba? Baka naaawa lang ako. Oo, awa lang.

At kagaya nga siguro ng sabi ko na dahil sa awa ay nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad nang mabilis papunta kay Diego.

Caleb and Paula tried to call me pero nagbingi-bingihan ako.

I grabbed Diego's arm nang makalapit ako. Gulat na gulat siyang nakatingin sakin.

"W-why?" Pinagmasdan niya ako. Kinagat ko ng mariin ang labi at paisip rin. Bakit ko nga ba siya hinila e naaawa lang naman ako? Dapat ay may maganda akong excuse na masabi!

"Sumabay ka na samin kumain,"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na. Bumalik ako kila Paula pero ramdam ko naman ang pagsunod ni Diego sa likod ko.

Lito akong tinignan ng dalawa.

"He's going to eat with us," Simpleng sabi ko at nauna nang lumabas ng airport.

Nando'n ang kotse ni Caleb at ang kotse ni Diego. Syempre kay Caleb ako sasakay dahil siya ang fiancee ko.

Nilingon ko si Diego na naghihintay rin sa labas ng kotse niya. Wait... Is he expecting me to hop in in his car? Nababaliw na ba siya?

Umiling ako.

"Sumunod ka na lang samin," Katulad kanina ay hindi ko na hinintay ang isasagot niya. Tinext ko sakanya ang address at mismong restaurant na pupuntahan namin in case na gusto niyang malaman.

Nagmaneho agad si Caleb pagka-pasok ko habang nakapikit naman ako. Hindi ko alam kung bakit parang bigla rin akong nawala sa mood.

"Are you okay?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Siya ang nagmamaneho ng sasakyan at ako ang nasa passenger seat habang ang bruhang si Paula ay nasa likod habang nakamasid samin. Nakita ko rin sa side mirror na nakasunod samin si Diego.

Wait. Bagong kotse? Naalala kong biniro ko siyang bigyan ako ng kotse. Wala sigurong magawa sa pera ang lalaking 'to.

"Yup," Ngiti ko pero parang hindi siya kumbinsido. "I'm just tired. I will make it up to you later, okay?" Pang-uuto ko.

Tumango naman siya.

Medyo may kalayuan ang napili kong restaurant dahil gusto kong kumain ng ramen at medyo malayo ang restaurant na 'yon kung saan ko gusto.

Akala ko magrereklamo sila pero hindi naman, so... no problem.

Pabalik balik ang lingon ko kay Diego dahil baka nagrereklamo na 'yong sa layo ng pupuntahan namin.

At dahil lumingon ako, nakasalubong ko tuloy ang matalim at mapanghusgang tingin sakin ni Paula. Inisip ko muna kung may nagawa ba ako hanggang sa naalala kong paiba-iba pala ang kwento ko.

Noong huli ay sinabi ko sakanyang may nangyayari samin ni Diego tapos ngayon ay biglang fiancee ko na si Caleb.

Siguro iniisp ng babaeng ito na namamangka ako sa dalawang ilog.

Umiling lang ako. Bigla kong napansin na nauna na ang kotse ni Diego samin. Mukhang mas gusto niyang mauna sa restaurant kaya hinayaan na lang namin. Hindi niya sinabing gutom na pala siya.

Hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa restaurant na 'yon. Bumaba ako agad para makita si Diego.

At ganon na lang ang gulat ko nang makitang hindi lang siya nagiisang naghihintay sa labas ng restaurant. Hindi ko mapigilang tignan ang kasama niya na kulang na lang ay lumingkis sakanya.

Abigael Tiago...

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click