《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 44

Advertisement

NASA KWARTO lang ako sa mga sumunod na araw. I have no strength to talk to him dahil pakiramdam ko, masyado akong drained. Nakabili na rin kami ng ticket pauwi at araw na lang ang hinihintay.

Gumulong ako sa kama at tumulala sa kisame.

Ang bilis masyado. Naitanong ko na kay Diego kung bakit mabilis yung naging proseso at sinabi niyang masyadong naging priority ng abogado niya ang annulment namin at isa pa, masyadong malakas ang mga rason namin at wala namang nakikitang iba yung judge para pigilan ang paghihiwalay namin.

Hindi ako kumuha ng kahit magkano kay Diego kahit na may karapatan ako. Kung kukuha kasi ako ay hahaba pa. Dagdag na rin na wala kaming anak kaya mas napabilis ang annulment namin. Wala kaming custody na kailangan ayusin o pag-agawan.

Tinignan ko ang bagong pasok na si Diego. Nag-tama agad ang paningin namin pero hindi na kami gaano nag-uusap. Katulad na lang ngayon. Diretsyo lang siyang pumasok sa walk-in-closet.

"Saan ka pupunta?" Napaupo ako nang makita ko siyang nakabihis na.

"Meeting someone," Humarap siya sa salamin at inayos ang sarili doon. Unti unti akong tumango.

"Date?" Tinignan niya ako mula doon sa salamin.

"Meeting with my cousin." Hindi na ako umimik.

Bukas na ang balik namin sa Singapore at may posibilidad na hindi na kami gaanong mag-usap o may posibilidad rin na mag-resign ako.

Alam ko sa sarili kong mahal ko pa talaga siya at hindi magiging maganda kung magkasama kami araw araw. Paano na kami makakalimot nito kung lagi kaming magkasama?

Bigla ko tuloy naisip si Caleb. Tatawagan ko siya mamaya.

"Anong gusto mong pasalubong?" Halos kuminang ang mga mata ko sa sinabi niya. Talaga? Pasasalubungan niya ako?

Umarte akong nag-iisip. Lagi na lang akong naglalaway sa calamares.

"Calamares." Ngiti ko.

He nodded at hindi na sumagot. Napatitig tuloy ako sakanya.

"I'll go now." Tumango ako at kumaway sakanya.

Nang tuluyan siyang mawala ay napunta ang tingin ko sa veranda. Sunset na rin pala. Bakit naman gabi makikipagkita itong si Diego sa pinsan niya? Isa pa, sinong pinsan? Okay na ba sila noong mga pinsan na sinasabi niya?

Pumunta ako sa veranda para makita ang sunset. Maganda nga sa mata ito pero para sakin, hindi maganda ang kahulugan nito.

Sunset means losing and endings. Hindi ko na maalala kung sino ang nagsabi sakin no'n pero 'yon daw ang ibig sabihin. While sunrise is symbolic of new beginning and hope. That's why I like sunrise more than sunset.

Bumalik ako sa kwarto dahil nakaramdam ako ng antok. Hapon pa naman ang alis namin bukas and I think na okay lang kung gabihin siya ng uwi.

I fell asleep kakatulala. Lately masyado kong nakahiligan ang pagtulog. Pero nakatulog na 'ko lahat lahat ay wala parin si Diego. It's almost 10 PM and yet! He's not yet home!

I checked my phone and I saw his message.

To : Diego

You can sleep first. I'm having fun with my cousin.

Halos kumulo ang dugo ko sa message niya. Ilang oras na siyang nando'n, ah! Baka naman may iba talaga siyang kinikita? Baka may iba talaga siyang kasama?

I asked him where he is at binigay naman niya ang name ng restaurant kung nasaan siya and he told me to sleep.

To sleep, huh?! Mukha bang makakatulog ako kung ganito at wala siya sa tabi ko? Of course, I cannot sleep because he's not beside me at least he's not home! Paano kung nabaril siya do'n?

Kumuha ako ng jacket at sinuot 'yon. Let's see if he's really saying the truth. Kung totoong nandoon talaga siya sa restaurant na sinasabi niya.

Advertisement

Wala namang extra car si Diego dito kaya nag-book ako ng grab. It took 20 minutes bago ako nakarating doon sa restaurant na sinasabi ni Diego.

I looked around. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng staff, but I said na may kikitain ako kaya tinantanan niya naman ako kaya nanahimik ang buhay ko.

I was about to move when I saw Diego from afar. Laughing with someone. Tinignan ko agad ang katawanan niya at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang kasama niya.

A woman! With a kid?!

Hindi maalis ang tingin ko sa batang lalaki na kaharap niya. Pinakatitigan ko rin yung babae kung si Brianna Rivera ba 'yon pero hindi. Ibang babae!

Umupo ako malapit sakanila. Sinigurado kong hindi nila ako mapapansin. Hindi ko ulit mapigilang titigan yung bata.

Kulot ang buhok nito na may natural color na brown at mukha siyang tiyanak. Kahawig niya yung anak ni Brianna na si Spiro at mukhang magkaedad pa sila nitong bata.

Hindi naman kamukha ni Diego ang batang 'to pero parehas sila ng mga mata. Kulay brown.

"Alam mo ba? Jackson and Loraine broke up! Sayang nga lang at nagli-live in na sila then bigla silang naghiwalay." Sambit nung babae.

Naalala ko bigla yung Jackson. 'Yon ba yung lalaking lumapit sakin noong first date namin ni Diego sa Tagaytay? Paano nakilala ng babaeng 'to si Jackson?

"Bakit daw?" Nag-angat ako ng tingin at nakita kong sinusubuan ni Diego yung bata.

Bahagyang kumirot ang dibdib ko. Para silang... mag-ama.

"Loraine cheated daw pero hindi ako naniniwala. Hindi naman sinabi yung real reason pero imposible namang mag-cheat si Loraine. Mahal na mahal niya si Jackson, 'no."

Nag-order lang ako ng juice.

"Well, it's not that impossible, huh." Nag-angat ako ulit ng tingin. Sinasabi niya bang posibleng mag-cheat si Loraine?

Si Loraine? Kapatid ni Brianna?

"Oh, stop being bitter, Diego! Alam kong nasaktan ka talaga noong nalaman mong mahal pa ni Brie si Dereck habang kayo pa noon." Nanatili ang tingin ko kay Diego.

He loved Brianna. He fell in love with her while he's still in love with me.

Hindi nakatakas sa mga mata ko ang dumaan na pait sa mata ni Diego nang sabihin 'yon ng babae. Nasasaktan parin siya? Ano bang ginawa ng Brianna na 'yon sa asawa ko?

"You can't blame me, Cryst. She cheated on me. I was her fiancé," Umirap si Diego. "How about you? Tinatanggap mo parin yung asawa mo?"

Bigla akong nasamid.

May asawa yung babae? A-akala ko pa naman sila ni Diego...

"Your daughter? Where is she?" Ha? May daughter pa ang babaeng 'to?

"Hiniram muna ng tatay niya. My boy wants to stay with Mama," Kinurot nito ang pisngi ng lalaking bata. "Right, Garret?"

Masayang tumango yung bata. Tingin ko 5 years old pa lang yung batang mukhang tiyanak dahil sa liit.

Itong babae siguro yung sinasabi niyang pinsan nila at kasama pa ang pamangkin. In fairness, maganda yung babae. Straight ang buhok at kulay gatas ang balat. Yung mata rin niya ay kulay brown at malalalim. Pag tinignan ka parang bigla ka na lang sasabunutan.

Nang makumpirma ko na wala naman talaga siyang kinikitang babae, umalis na rin ako. Nakita ko kasing patapos na sila kumain kaya kailangan ko na umuwi.

Nang makauwi ako ay naisip ko si Diego. Kaya ba nakipagkita siya sa pinsan niyang 'yon dahil makikipag-ayos siya sa mga pinsan niya?

Umupo ako sa gilid ng kama para tawagan si Caleb. Bigla bigla kasing nagbabago ang isip ko at gusto kong sabihin sakanya ngayon mismo na pumapayag akong magpakasal kami para kung magbabago ang isip ko tungkol samin ni Diego ay maiisip ko ang pinangakuan ko.

Advertisement

Online naman siya kaya nasagot niya agad.

["You called!"] Maligaya ang mukha niya nang mag-video call kami. Pinilit ko namang ngumiti.

"I'm going home tomorrow." Mas lalong sumaya ang mukha niya.

["Really?! I'll fetch you! Anong... oras?"] Hindi ko mapigilang matawa nang pinilit niyang magtagalog.

"I'll call you na lang." Saglit kaming natahimik. "I'm... I'm accepting your proposal, Caleb." Bigla kong sabi. Kahit ako ay hindi ko alam na bigla ko na lang 'yon masasabi kahit na wala akong planong sabihin 'yon ng gano'n kabilis.

["W-what?"] Gulat na gulat ang mukha niya.

"I mean, I have no husband and its time to settle down again. Uh, is your proposal is still open for me?" Nag-init ang pisngi ko.

Wala siya sa sariling tumango.

["O-of course!"] Titig na titig siya sakin kaya hindi ko mapigilang matawa kaya natauhan siya. ["I'm sorry, Crizia. I just can't stop myself from staring at you. Damn. You're going to be my wife."]

I laughed as I nodded.

"Let's organize our wedding when I get back," Nakita kong kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling ngumiti o kiligin.

["Sure!"] Tipid akong tumango.

"Goodnight."

We bid our goodbyes after that. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Napapikit rin ako pero wala pang ilang segundo nang may nagsalita bigla.

"You're marrying him? That fast?" Namilog ang mata ko nang biglang sumulpot si Diego. Madilim ang aura niya at mukhang galit.

"Kanina ka pa d'yan?" Umigting ang panga niya bago umiwas ng tingin.

"Why can't you answer me?" Tumikom ang labi ko panandalian. Bumalik naman ang titig niya sakin.

"So what if I'm marrying him?" His jaw tightened even more.

"Zia, wala pa ngang isang linggo mula noong---"

"Anong pinagkaiba no'n kung gano'n? Magpakasal man kami bukas o sa isang taon, walang pinagkaiba 'yon." Tumayo ako para lumipat sa pwesto ko.

"Can't wait for months, huh? Why? Do you want to fuck with him already?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Ilang beses rin akong napakurap dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang 'yon. Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama noon, hindi niya ako pinagsalitaan nang ganito!

"Why did you say?" I stood up and went to him.

Napapikit siya saglit bago pinantayan ang galit kong tingin.

"Why can't you wait, huh? Can't you wait for me a little? Tangina, Zia, I'm still hurting!" Napalunok ako nang tumaas bigla ang boses niya.

"Don't start, Diego. Kahit ano pang sabihin mo, kasalanan mo naman lahat ito!" Hindi ko na rin mapigilang magtaas ng boses.

"Do you love him?" Umawang ang labi ko at hindi nakasagot. He chuckled sarcastically. "Wala kang pinagkaiba kay Brianna." Namilog ang mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi siya. Pigil na pigil ko ang sariling suntukin siya dahil nanggigigil na rin ako.

"Cheater?" Napakurap ako. Sinasabihan niya ba akong cheater?! "I already knew it. When I saw them together, I know that there's something happening between them. She cheated on me, Zia. After everything that I've done for her and for her son, she still cheated on me!"

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya kaya mas nakumpirma ko na... Na minahal niya nga talaga ang babaeng 'yon. He fell for her while he's in love with me?

"And seems like you're cheating, too."

"I am not a cheater! I am not like her, Diego! Sige nga, paano ako nag-cheat? We're over! Hindi na tayo mag-asawa. And when I had sex with you, wala kami ni Caleb no'n!" His jaw tightened even more.

"Then, traitor." Nangilid ang luha ko.

"Kung makapag-salita ay parang ang linis linis mo."

Kumunot muli ang noo ko bago ko siya tinalikuran, but fuck! He pulled me back!

"Why can't you answer me? I just want to know if you love him! Or are you still into me?" Mabilis akong umiling.

"No." Mabilis ko ring sagot.

Biglang nainis ang mukha niya. "You can't lie to me, Crizia."

"Why can't I?" Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin. Hindi ko alam pero para akong nahihilo na napapaso sa haplos niya.

"Because I'm your husband. I know you!"

"Oh, shut up, Diego. I changed a lot. And correction, ex-husband!"

"No. You are still my Crizia." Ngumiwi ako.

"I am not yours!" Tinulak ko siya pero nahuli niya lang ang magkabilang pulso ko!

"You are mine! You are my wife!" Namilog lalo ang mata ko. He's crazy!

"Fuck you!"

"Fine. Let's just say that you're not my wife anymore. But, don't lie, Zia. Are you still into me?" Biglang nag-ulap ang paningin ko pero sinikap ko paring umiling.

"No..."

Napaupo siya sa kama at tumungo. Hawak niya ang mga kamay ko habang nasa pagitan ako ng hita niya. Nakatungo siya sa t'yan ko. Parang sa isang iglap ay nawala ang tapang at galit niya.

"Please. Don't lie..." Halos bumigay ang puso ko nang marinig kong nabasag ang boses niya. "I felt it..."

"Stop..." Bigla na lang din akong naiyak.

"Because I'm still into you..."

"Ayoko nang marinig 'yan." Suminghot siya. Ngayon ko napatunayan na umiiyak ito habang nakasubsob sa t'yan ko.

"I still love you..."

"Tama na. Hindi ka ba naaawa sakin?" Humikbi ako kaya nag-angat siya ng tingin sakin.

"I know you waited for me. I can feel it, Crizia. I know you waited--" Bigla akong narindi sa sinabi niya.

I pushed him away with all my strength.

Masyado na akong nasasagad! Masyado na akong napupuno sa lahat lahat! We're done at napag-usapan na namin ito!

"Oo! Putangina! Naghintay ako! Kahit gaano kasakit lahat ng nangyari noon, hinintay pa rin kita! Hinihintay pa rin kita. Kasi mahal na mahal kita. Alam mo bang lahat, lahat-lahat ng pagmamahal ko noon na kahit pagmamahal ko sa sarili ko, ibinigay ko sayo?! Can you imagine how miserable I was?! Walang wala ako! Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi nakikita ko na lang yung sarili kong gigising araw araw para sayo! Kaya masisisi mo ba ako, ha?! Masisisi mo ba ako na hanggang ngayon, galit na galit parin ako?!"

Now, I freaking spilled it!

Namilog ang luhaang mata ni Diego. Para bang ang narinig niya lang sa sinabi kong 'yon ay ang sinabi kong 'naghihintay' parin ako sakanya.

Hinuli niya ang kamay ko. "W-we can still give it a try." Hinagkan niya iyon kaya mas lalo akong naiyak.

"No. Ayoko na magpakatanga ulit."

And then I left him alone inside our room. Now that I'm marrying Caleb, I must forget about Diego.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click