《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 35
Advertisement
CRIZIA
"NASABIHAN KO na ang judge and we just have to wait for them. Medyo busy kasi si judge, but I was able to have an appointment with him when I told him that it was you who will file a divorce."
Nauna ako sa harap habang hinihintay ang judge na sinasabi ng lawyer ni Diego. Nanatili lang ang tingin ko sa harap at hinayaan silang mag-usap. It's just the three of us who's here since this is a private meaning with the judge.
I look down to see my nails. Wait, why do I have to check my nails? Hindi ko naman gawain tignan o gawin 'yon. I licked my lips as I tried to snatch a look to Diego. Muntik na akong matigilan nang mapansin kong nakatingin rin siya sakin. Why is he looking at me?
Hinaplos ko na lang ang labi ko.
Nang sinabi ko kay Diego kanina na mag-ayos na siya dahil gusto ko nang maayos ang pakay namin dito. Hindi naman siya kumontra pero kanina pa hindi maalis ang tingin niya sakin.
"Good morning," Biglang umangat ang tingin ko.
Ito na ang judge na hinihintay namin. Nagsusuot ito ng salamin bago pumunta sa pwesto niya. Napatayo ako nang makitang nandito na siya. Dapat ay magmukhang wala kaming pake ni Diego sa isa't isa para ma-grant agad kami.
"Good morning, judge..." Bati ko. Tinignan ako nito bago tumango at naupo.
"Good morning, judge. Here's the file." Sambit ng lawyer ni Diego bago ibinigay ang folder sa judge.
Nanatili kaming nakatayo. Nakita kong lumapit sakin si Diego kaya medyo umatras ako ng kaonti. Ano bang ginagawa niya? Dapat hindi kami close. Nag-angat ng tingin yung judge sakin nang makita niya ang pag-urong ko.
"Don't go near me, Diego," Bulong ko. Natigilan siya at kinagat ang ibabang labi. He must stop doing that, biting his lips.
Tumikhim ang judge kaya nalipat ang tingin ko sakanya.
"Who's filing the annulment?" He asked. Lumikot ang mata ko bago ako tumikhim at mas umupo ng maayos.
"Me..." Bumaba ang tingin niya sa papel na hawak.
"So, your reason is falling out of love at ang hindi niyo pagkakasundo lagi," I swallowed.
"Yes."
"How long have you been together?" Nag-iwas ako ng tingin at saglit na tinignan si Diego bago sumagot.
"Almost six years, judge..." He nodded.
"How old are you both when you marry each other?"
"I was 21 and he was 24 that time..."
"Oh, young lovers," Mahina itong humalakhak. Pinilit ko rin ngumiti habang parang tuod naman si Diego sa gilid ko at nakatitig sakin.
"Are you sure that you want to file an annulment?" The judge suddenly asked.
"Ah..." Tinignan ko si Diego. Gusto ko sanang siya ang sumagot pero tulala lang talaga siya sakin. Hindi pwede! Dapat siya ang sumagot.
"It seems like one of you doesn't want a annulment," Namilog ang mata ko at napatingin agad sa judge.
"We want the annulment, judge." Mabilis kong sagot. Lumipat ang tingin niya kay Diego para panoorin ang reaksyon ng lalaki.
"It is so easy to grant your annulment because one of the strongest reasons to grant the annulment is because you guys fell out of love."
Advertisement
"W-we doesn't love each other," Fuck! Ngayon pa talaga ako nautal?
He smirked. "I doubt that."
Bumuga ako ng hangin. Ayoko na sanang sabihin 'to, but if this is the only reason para maniwala at mapapayag namin ang judge at sasabihin ko.
"It was just a mistake. We were both young that time." Diego sarcastically laughed beside me na para bang may nakakatawa sa sinabi kong 'yon.
"Mistake, huh," Napailing ito.
"I suggest to have your vacation. Just the two of you. Then come back here if you're sure about filing the annulment." Bigla akong nag-panic.
"But---"
"That's an order. I don't want to be one sided here," Sabay sulyap niya kay Diego. "I want you to realize your real feelings for each other. Dismissed." Pagkatapos ay tumayo na ito at umalis na.
Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala.
Pumunta kami dito para i-annull at humingi ng tulong sa judge at hindi mag-bakasyon o ano! This is all his fault! Kung hindi siya nakatitig sakin kanina at parang tanga ay hindi na sasabihin ng judge na mag-bakasyon kami!
Hinarap ko si Diego. "This is all your fault. Stop being stupid, Diego! Ano ba kasing pumasok sa isip mo at parang kumokontra ka pa? Mag-hihiwalay na sana tayo, e!" Iritado ko siyang tinulak at nag-walk out.
"Zia!" He chased me. "Zia, I'm sorry!"
"Sorry?! Anong magagawa ko sa sorry mo? We are at edge, Diego. You ruined my plan!" Gigil na sambit ko.
"I will talk to him---"
"No! At anong iisipin niya? Mas lalong hindi mangyayari ang paghihiwalay natin!" I gritted my teeth, trying to calm myself. Mariin akong napapikit.
"I'm sorry, please..." Hinawakan niya ang kamay ko na agad kong iniwas.
"Magbabakasyon tayo kahit isang linggo lang, Diego. Basta makarating lang sa judge na sinunod natin siya. But I'm telling you, don't expect anything."
Tinalikuran ko na siya at iniwan do'n. Pumasok agad ako sa kotse niyang hindi naka-lock. Bumuntong hininga ako at hindi na siya tinignan nang pumasok rin siya. Ni hindi na ako nakapag-paalam sa lawyer niya.
Pumikit na lang ako ay hinayaan siyang mag-maneho. Naging mabilis ang ang byahe namin pauwi. Katulad kanina ay nauna ako sakanyang lumabas. As much as possible, ayokong dumikit sakanya.
When we arrived the penthouse, dumiretsyo na agad ako sa kwarto para mag-bihis. I just can't freaking believe it. We lost the chance! The chance to annull, damn it.
Naging tahimik kami sa loob ng tatlong araw. Mag-uusap lang kami kapag may itatanong siya o ako. Hindi ko alam kung saan kami magbabakasyon dahil hinid naman ako interesado.
"Where do you want to go?" He suddenly asked one day habang nakaharap siya sa laptop niya. Tumikhim ako at bahagyang napaisip rin.
"I don't know," I saw him sighed.
"How about in Palawan?" Mabilis na lumipat ang tingin ko sakanya.
"Why in Palawan?"
Why? May nami-miss siya do'n? Hindi ba't nando'n sila ni Brianna Rivera noong sila pa? Ano? Nami-miss niya? Their old times? I wonder if may nangyari sakanila noon.
"It's beautiful there,"
Umismid lang ako. Oh, really? Baka naman kasi may gusto kang balikan do'n. Ano? Yung mga napuntahan niyo ba? Napailing ako. Pwede naman niyang sabihin sakin na 'yon ang rason niya at hindi naman ako aangal.
Advertisement
"If that's what you want, then. I just want to get over this. I'm so exhausted in this relationship," Natigilan siya sa sinabi ko habang nanatili naman ang tingin ko sa TV.
Napansin ko rin ang paninitig niya na hindi ko na lang pinapaunlakan o ano. Inis na inis parin kasi ako sa ginawa namin. Ano na kaya ang iniisip niya? Na mahina ako at marupok? O hindi kaya ay tigang na? Shit! I don't want to think about it. Isipin niya kung anong gusto niyang isipin.
"I'll call someone, then," Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nang tumalikod siya ay hindi ko mapigilang sundan siya ng tingin.
Sino naman ang tatawagan niya kung gano'n? Probably his ex-fiancé. I don't care. Kahit tawagan niya ba ang girlfriend niyang si Abigael ay wala na akong pake. Wait, sila parin ba? I don't think seryoso sakanya si Diego. Narinig kong nakipaghiwalay siya dito bago kami umuwi sa Pilipinas. Baka ginagamit lang niya ng lalaking 'to para maibsan ang init ng katawan?
Tumayo ako para pumunta sa walk-in-closet. If sa Palawan niya kami pupunta, dapat ay may swimsuit ako. Wala akong nadala dahil hindi ko naman expected na pupunta kami sa Palawan. We must shop.
Bumaba ako para sundan si Diego at para sabihin sakanyang mag-shopping kami since wala akong dalang pang-langoy.
"Yeah, I want it clean. Doon kami titira ng asawa ko. Buy two tickets for us, too." Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil lumingon siya agad sakin. "That's all. Thanks." Binaba niya agad ang tawag at hinarap ako.
Humalukipkip ako at nakipag-tagisan ng tingin sakanya.
"I want to go shopping." Simpleng saad ko na agad niyang tinanguan.
"Sure. Ngayon na ba?"
"Yeah. I want to buy summer dresses and... swimsuits." His jaw tightened pero hindi niya na pinakielaman ang desisyon ko.
"Okay, I'll just change. Wait for me," Tumikhim lang ulit ako bago naupo sa sofa.
I'm already wearing my jumpsuit pants, anyway. I brushed my hair using my fingers. Hindi rin nag-tagal nang bumaba siya at nakabihis na. I licked my lips as I looked away.
Nauna akong lumabas ng penthouse sakanya habang nakasunod lang siya sakin. Wala na akong pake kung kahit maging pag-hakbang ko ay panoorin niya.
It took 15 minutes bago kami makarating sa mall.
"Come here, Zia," Sa matigas na tinig ni Diego kaya wala akong nagawa kung hindi lumapit sakanya. Hinawakan niya ang bewang ko habang naglalakad kami papunta sa department store.
Napalunok ako nang mapansin kong pinag-titinginan siya.
"Are you famous?" Bulong ko. He chuckled sexily.
"I don't want to be sound cocky, but yes." Pinigilan kong manlaki ang mga mata ko.
"Really? How?"
"Well, I was featured as... one of the most succesful men..." Napatango ako. "Sa magazine, Zia."
"Oh, right! Scanning magazines is not my thing kasi."
Kumuha siya ng cart na may gulong habang lumapit naman ako sa mga dress. Kumuha ako ng apat na summer dress na puro pastel ang kulay.
Kinuha sakin ni Diego 'yon para ilagay sa cart na tulak tulak niya. Nagpa-ikot ikot kami sa department store dahil hindi ko mahanap ang gusto kong swimsuit.
Nilingon ko siya at naabutan kong nakamasid siya sakin.
"Ikaw? Hindi ka ba bibili ng iyo?" Umiwas siya ng tingin. I rolled my eyes bago ko siya hinila sa mga damit pang-lalaki.
Ako na rin mismo ang namili ng mga damit na dadalhin niya sa Palawan. Alam ko lahat ng sizes niya kaya walang problema. Even his boxers shorts, kabisado ko. Mga dark colors ang kinuha ko since ayaw niya naman ng mga pastel unlike me.
Nilagay ko lahat 'yon sa cart. I looked at him and raised my brow. Why is he looking at me?
Ako na rin ang umiwas ng tingin para balikan yung mga two piece na swimsuit doon. Inipit ko ang takas na buhok sa likod ng tenga dahil humaharang 'yon sa mukha ko. Nakita kong nakasunod na naman sakin si Diego at mainit ang tingin sa mga swimwears.
"Pilian mo ako ng kulay." Utos ko.
"Ayoko. Hindi bagay sayo 'yan,"
Umirap ako. Anong hindi bagay? Ang sexy ko kaya.
Kumuha ako ng apat na two piece. Color red, pink, maroon, and white.
"I'm done," Nilingon ko siya. "Ikaw? May gusto ka pa?" He shook his head.
"None." Tumango ako. Nauna na siyang maglakad papunta sa counter na sinundan ko naman.
Binayaran niya lahat 'yon kahit na hindi ko sinabing bayaran niya ang mga pinamili ko. Nanahimik ako sa gilid niya at lumilinga.
"I told you, I want to pay these." Bulong ko.
"Not gonna happen. I'm your husband and it's my duty to give your needs." May nilabas itong black na card. "You can keep this so you can buy anything you want."
Inirapan ko siya. "Hindi ko kailangan n'yan."
"Are you... Diego Rivera?" Napaayos ako ng tayo nang mag-tanong ang babaeng saleslady. Humalukipkip ako at nanatiling tahimik.
"Yes, why?" Napalunok ako sa swabeng sagot ni Diego.
"Oh my... I really like you since then! Lagi kitang nakikita sa mga magazines pati iyong mga pinsan mo! C-can I have a picture with you?" Umawang ang labi ko. Matalim kong tinignan si Dieogo.
Don't say yes, jerk!
"Sure." Damn it!
Nag-picture sila sa harap ko. Gigil na gigil ako pero hindi 'yon lumalabas sa mukha ko. Ang impokritang ito! Nagawa pang makipag-picture sa asawa ko at sa mismong harap ko pa!
"Thank you! Thank you so much!" Kilig na kilig yung babae at halos mag-korteng puso ang mga mata niya habang nakatitig kay Diego.
Umirap ako. Sana pala ay sinuotan ko ng cap and shades si Diego.
"You're welcome." Sagot naman nung isa.
Hindi ko na nakayanan kaya tumikhim na ako. Fuck you, Diego! Tanga ka ba? Can't you see that your wife is here?!
Nalipat ang tingin nila sakin. Halos mapanis ang ngiti nang babae.
"Ah, who is she?" What a shame! Sino siya para itanong kung sino ako? Close ba sila, huh? This---ugh!
"She's Crizia Rivera," Hinawi ako palapit ni Diego. Napangiti naman ang babae.
"Oh! Kapatid niyo po o pinsan?" Ngiti ng babae. I want to smile, but I just can't. Porket same kami ng surname ay mag-kapatid o mag-pinsan na kami? Hindi pwedeng mag-asawa?
"Nah. She's my wife."
Advertisement
- In Serial39 Chapters
Book of TLC (Poem Book)
My Poems, writing contests, children's books and written nothings. Some mature some aren’t. Some are funny, some aren’t…You get it right? Poems start when I was still in school, as early as grade 9.
8 165 - In Serial22 Chapters
Forgoing Hope
She died four months ago. It was said that she was crossing when the red SUV sped down the road. It was said that if she had left just three seconds later, the SUV would have passed by. They said it was an accident. But they didn't see what I saw. They didn't say what I said. And it's slowly killing me. The guilt is clawing at my insides like a dying cat. Was I the reason Hope was dead? Did I drive her to insanity and beyond? If I am, why would she come back and offer me a chance? A chance to fix everything. A chance to bring her back from the dead. A chance that I simply can't refuse.
8 80 - In Serial34 Chapters
Keeping Lennox
Wade Bentley thought his life was over when he saw that tiny plus sign. As the months progressed, he fellin love with his unborn daughter. After his daughter was born, he was told he would never be allowed to see her. He enlisted the help of his lifelong friend, Cassie Chandler. Together, they vowed to beat out Wade's ex, Tori Sheffield, and bring his daughter home with him. It is not going to be easy, but Wade will do whatever it takes to keep Lennox.
8 150 - In Serial40 Chapters
Seducing My Bully (BWWM)
It's hard enough to go through high school for four years, but as a freshmen all Quinn wanted to do was fit in. But being the darkest girl in school and weighing almost 230 pounds she often is the target of bullying. The only person that actually acted nice to her was the hottest boy in school; Jin. Little did she know he uses her because of a dare, and once he got what he wanted, he left; forcing her to move schools. She chooses to come back several years later Looking totally different and unrecognizable, her only goal is to break Jin's heart just like he had done to her.
8 257 - In Serial6 Chapters
Tirano |ChanBaek|
Baekhyun es el dueño irremediable del corazón de Chanyeol, pero también es un tirano de lo peor que piensa que el mundo gira alrededor de él, siempre coquetando con cualquiera o demostrando se superioridad en los asuntos sociales. Cansado de verse como un tonto para quien consideraba el amor de su vida, Chanyeol decide terminar la relación, lastima que Baekhyun no piense dejarlo ir tan fácil y que cada intento que hacer por ganárselo otra vez resulta aun peor que el otro.Moonloey01 © 20 de Febrero 2018. 09 de Marzo 2018.🍒Extensión: Seis partes.🚗Género: Comedia, romance, leve drama.🌶Advertencias: Un Baekhyun tirano que arruina todo.✨Actualizaciones cada dos días.✨
8 222 - In Serial60 Chapters
The Fragmented Luna
Rowen Whitley is your typical seventeen year old girl and, although she has a tragic past and a fragmented memory, the only thing she wants to do before graduating high school is make it through the year unnoticed. All those hopes of remaining unnoticed this year are tossed away in a single moment of rage when Rowen punches the most popular girl at school in the face. Now Rowen must change her plans for a peaceful year and accept that sometimes letting people in might not be a bad idea after all. After all there are other dark forces in this world, that are much scarier than a jealous bully, and they may very well be coming for her. Check out this exciting story, filled with twists at every corner, in The Fragmented Luna by Mariah Karris.#1 in Haunted#10 in JourneyCurrently reediting
8 233

