《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 32

Advertisement

HINDI KO MAPIGILANG tignan ng pabalik balik si Diego ngayong nasa eroplano na kami. Tahimik lang kasi siya at hindi nagsasalita. Mukha tuloy siyang patay lalo na ngayong nakapikit siya.

Hinawakan ko na lang ang labi ko at pinaglaruan 'yon. Kanina pa ako nabo-bored at gusto ko na siyang asarin kaso mukhang wala siya sa mood dahil sa kaninang pang-aasar na ginawa ko sakanya habang kumakain kami.

Tinignan ko ang kamay niyang nakalapag sa hita niya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang napamulat at tinignan ako.

"What are you doing?" Humilig ako sa balikat niya.

"We're married, right?" Saglit pa siyang hindi nakapag-salita bago niya hinawakan pabalik ang kamay ko. Magka-cross ang mga fingers namin habang nilalaro niya ang kamay ko.

Bigla akong nakaramdam ng antok nang halikan niya ang noo ko.

"Diego..."

"Hmm?"

"Nag-sisisi ka ba sa naging desisyon mo noon?" Natigilan siya sa tinanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko ring 'yon naitanong.

"You have no idea how much I regretted it, Zia. How much I regretted ruining our marriage." Tumango ako kasabay ng pag-init ng sulok ng mata ko.

"I missed you so much..." I wiped my tears. "Miss na miss na kita."

"I missed you, too. I'm so sorry." Hinalikan niya ang noo pati na rin ang buhok ko. "If I can turn back time, Crizia. I will choose you."

Tipid lang akong ngumiti bago pumikit. Matutulog na lang ako kesa makipag-iyakan sakanya. If he can turn back time he will choose me? But it's too late.

...

Siguro tatlong oras din ako nakatulog dahil nang pagkagising ko ay malapit na kaming mag-landing. Nilingon ko si Diego na nakikipag-usap sa isang flight attendant. Umayos ako ng upo dahil do'n.

"Oh, your sister, Sir?" Kumunot ang noo ko. Ang aga aga at kakagising ko lang pero uminit na agad ang ulo ko.

"Nah. She's my wife." Wala sa sariling napatango naman ang babae. Tinignan naman ako ni Diego. "Do you want coffee? Noodles?"

"Coffee na lang."

Tumingin ako sa bintana at nakitang malapit na nga kami. I even checked my phone at nakita kong may mga text si Caleb pati na rin si Paula.

"Ang sakit ng likod ko..." Nilingon ko si Diego at nahuli ko siyang naka-tingin sa phone ko. Napangisi ako dahil do'n. "What are you looking at? Do you want to get through my phone?"

"What? Of course, not." Ngumiti ako at binigay sakanya ang phone ko.

"Go and see my messages." I teased.

"Stop, Zia." Inirapan ko siya.

"Kj talaga."

Hindi rin nagtagal nang makalapag kami. Katulad noong una ay may dumating rin na kotse para samin na si Diego na rin ang nagmaneho papunta sa penthouse namin.

Wala ako sa mood dahil ramdam ko parin ang pagod pagdating namin doon sa penthouse.

"I'm so tired." I said.

"Magpahinga ka na, Zia. I'll cook for us later." I nodded. Iniwan ko ang maleta sa living room at tamad na umakyat sa kwarto namin.

Wala sa sariling hinubad ko ang dress na suot ko kaya naka underwear na lang ako. Bra at panty na lang ang suot ko nang ibinagsak ko ang sarili sa kama namin.

Advertisement

This is okay, I think. Siya nga natutulog ng naka-boxers lang.

I feel asleep because of my comfty bed. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising na lang ako nang may narinig akong ingay sa kwarto.

Unti unti akong umangat at tinignan si Diego na nag-aayos ng mga damit namin nilalagay 'yon isa isa sa walk-in-closet. Kita ko siya dahil bukas ang pinto doon.

I checked myself first dahil baka may muta ako bigla. Mabuti naman at wala. I checked the time, too. It's already 1PM.

Bumangon na rin ako para puntahan siya sa kwarto.

"Diego..." I called.

Agad siyang napatingin sakin at ang mga mata niya ay agad lumibot sa buong katawan ko. Oh, I forgot. I'm just wearing my underwears.

"Wear that robe," Nginuso niya ang kulay itim at makapal niyang robe. I shrugged as I wore his robe para naman makahinga siya.

"Happy?" Sarkastiko akong ngumiti sakanya. "May food na ba? Wait, natulog ka ba?" He shook his head as he looked away. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos sa mga damit namin.

"May pagkain na. I'll just finish this so we can eat together,"

Ngumuso ako at bumaba na sa kitchen. Nakita kong may niluluto siya do'n at kumukulo naman na ang niluluto niyang sinigang. I closed the stove and prepare our foods.

I watched him walking down from our room. Ngumiti agad ako sakanya kaya tumaas ang kilay niya.

"May ginawa kang kalokohan?" Biglang nawala ang ngiti ko.

"What? Ano namang gagawin ko, aber?" I rolled my eyes.

Nag-umpisa kaming kumain pero nanatili ang parang tanga niyang tingin sakin. Tingin talaga niya ay may ginawa ako? This man is insane.

"Kailan pala natin mame-meet si attorney?" Pag-babasag ko ng katahimikan. He stilled because of what I said.

"The day after tomorrow," Tumango ako at hindi na dinugtungan 'yon. "Anyways, where do you want us to go for our vacation?" Tumaas ang kilay ko.

"What? Vacation?" He nodded.

"Yeah, sayang rin punta natin dito," I laughed a little.

"Diego, we're not here to---"

"Come on. This would be the last time since pagbalik natin sa Singapore ay mag-papakasal ka na." I bit my lower lip hard.

"We will see, Diego."

Nang matapos kaming kumain ay nanood agad siya ng TV habang ako ay bumalik sa kwarto para kunin ang album namin. Bumalik rin ako sa living room at agad na tumabi ng upo kay Diego.

Nag-umpisa akong bumuklat ng mga pages at dahil tsismoso ang isang 'to ay nakitingin rin siya.

"You kept that?" Gulat niyang tanong.

"Yup." Inilipat ko sa hita niya ang album. "Tignan mo."

Isa isa niyang binuklat 'yon habang binalik ko naman ang tingin ko sa TV since busy siya. Nang hindi siya nag-salita ay binalik ko ang tingin ko sakanya. Seryoso ang tingin niya sa mga pictures namin do'n.

Napaisip tuloy ako kung tama bang inabot ko itong album sakanya gayong ganito ang sitwasyon namin?

"Ayos ka lang?" Tanong ko dahil hindi na siya nagsasalita sa gilid ko. Hindi niya ako sinagot at tuloy tuloy lang siya sa paglipat ng mga pages. "Diego?"

Advertisement

"I'm okay," Mariin niyang sabi.

Tumanaw rin ako sa album dahil nakita kong kanina pa siya nakatingin sa isang picture na 'yon. Namumula na rin ang ilong niya.

Napakurap ako nang makita ko kung ano yung kanina niya pa tinititigan. I swallowed hard.

It was our... wedding picture.

Tumikhim ako para gumaan naman ng konti ang athmosphere. "Ang ganda ko d'yan," Nanatili ang tingin niya do'n. I bit my lower lip. Ako na mismo ang nag-lipat ng pahina no'n dahil hindi ko na nagugustuhan ang reaksyon niya.

"Tinitignan ko pa." Binalik niya ulit doon.

"Bahala ka nga d'yan! Sinasaktan mo lang ang sarili mo." Iritado kong sabi.

Tumayo na lang ako para umalis do'n pero ang hayop na 'to ay hinila ako!

"Diego, ano ba?!"

Sa isang iglap ay nakakandong na ako sa hita niya! Ikinulong niya pa ako sa mga braso niya bago siya nagtuloy sa pagtingin ng mga pictures doon.

"Hoy?! Bingi ka ba?" Tinignan niya ako ar tinaasan ng kilay.

"You're not leaving."

"What?!"

"Do you remember this?" He pointed my graduation picture. Napalunok ako dahil may picture rin kami doon. "Your graduation day."

"Sinong hindi makaka-alala n'yan?" Humalukipkip ako at hinayaan ko na lang ang sarili kong umupo sa kandungan niya.

"How about our celebration night on this day?" Natigilan ako.

I can clearly remember how we make love and watch the city all night. Mariin ulit akong napalunok bago ko inilipat ang page.

"The foods? Yeah, I remember." Inosente kong sagot. Ngumuso siya na parang pinipigilan ang sarili na ngumiti dahil sa inasta ko.

I licked my lower lip as I scanned the next one.

Sabay kaming natigilan nang makita namin ang pictures namin na parehas naka-make face at kumot lang ang nagtatakip sa katawan namin. I was the one who's holding the camera.

"A-ang ganda ko ulit dito," Turo ko sa mukha ko. He nodded.

"Of course."

Siya naman ang naglipat ng page. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang plane ticket.

Kinuha ko 'yon at pinakatitigan. Unti unti ay naalala ko kung para saan ang mga ito. He bought this a week before niya ako hinarap at sinabihan na hiwalayan ko siya.

He wanted me to meet his parents again abroad at doon na rin namin planong magka-baby until... nakipaghiwalay siya.

"Naitago ko pala ito,"

"Our old plane ticket?" Tumango ako.

"Yeah."

Sa sumunod ay may isang maliit na note. I bit my lower lip nang dinampot niya 'yon. Inilapit ko ang mukha ko sakanya para mabasa ko rin. It was my note. It says...

Good morning, love! I thought I'm pregnant na pero delayed lang pala ako. We will try again. Love u!

Inilabas ko ang dila ko at umarteng nasusuka dahil sa note ko na 'yon.

"Really? Sinabi ko 'yon?" Cringe na tanong ko. Humalakhak siya sa gilid ko.

"You forgot that you're under injectables back then," I nodded as response. He's right. Masyado kasi akong excited magka-anak kami kaya hindi na ako nakapag-isip pa noon.

"I was just too excited." Umangat ang kilay niya.

"Until now?"

"What?"

"I mean, if you're still up for a baby, I can give you that right now." Ngumiwi ako. Is he crazy? Bakit ko naman gugustuhing magkaro'n ng anak sakanya? Maghihiwalay na kami.

"No, thanks." Inirapan ko siya. "Kapal ng mukha."

"Excuse me?" Nakataas ang isang kilay niya sakin at para bang inaakusahan niya ako.

"Oh, bakit? Ngayon ka ba magbibigay ng baby kung kailan maghihiwalay na tayo? Baliktad ba isip mo?" Sinimangutan ko siya. "Isa pa, kung nagka-anak rin tayo noon... iiwan mo parin ako, hindi ba? Iiwan mo kami?" His jaw tightened.

"No." Sarkastiko akong ngumiti.

"Hindi ako naniniwala."

"Kung nagka-anak tayo noon, hinding hindi ako aalis. Why would I?" Humalukipkip ako.

"Baka mas mahalaga parin yung company niyo para sayo." Hindi ko na naitago ang pait sa boses ko.

May mga gabi talagang hindi ako makapaniwala na 'yon ang rason niya. Ang ipagpalit ako sa company para paligayahin ang mga magulang niya. I am his wife, hindi ako basta kung sino lang.

"Tatayo na 'ko."

"Uh-huh?" Mas pumalibot sakin ang braso niya.

"Diego!" He chuckled softly. Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. "Minamanyak mo 'ko! 'Wag mo nga akong manyakin!"

"I'm not." Nanigas ako nang maramdaman ko ang labi niya sa gilid ng tainga ko. "I don't do that..." Napakurap ako nang maramdaman ko ang sarili kong unti unting bibigay na ata sakanya.

"Diego..." Hinawi niya ang mukha ko at hinarap sakanya. Para naman akong maamong tupa na sumunod ng tingin sakanya.

Dinampian niya ng mababaw na halik ang labi ko. Napapikit ako ro'n. Hindi ko alam pero para akong hinihele sa ginawa niyang pag-halik sakin.

Hinalikan niya pa ako ng isa pa. Kinurot ko ang sariling kamay para magising pero nakakalasing ang halik niya. Daig ko pa naka-inom ng limang bote ng alak.

Kumalas siya sakin pero hindi ko na nagawang imulat pa ang mga mata ko dahil sa sobrang kalasingan. Bumaba ang halik niya sa leeg ko habang mariin ko namang kinagat ang ibabang labi ko.

"You smell good," Napadilat ako bigla nang maramdaman ko ang kamay niya sa isang dibdib ko.

Napatayo ako bigla kahit na nanlalambot ang binti ko sa sobrang pagkalasing sa ginawa niyang pag halik sakin.

"Anak ng tupa! Sinasabi na nga ba!" Gulat siyang tulala sakin. "Dito mo tayo gustong mag-stay para may mangyari satin?!" Unti unting tumaas ang sulok ng labi niya.

"What? Crizia, no. Nadala lang ako dahil---"

"Ewan ko sayo! Napaka-manyak mo!" Humalakhak siya at pasimpleng tinakpan ng unan ang gitna niya. "At interested na 'yang pututoy mo, ha?!"

"Anong pututoy? Stop calling my manhood that kind of stupid name." Tumaas ang kilay ko. Anong magagawa niya, e, gusto kong tawaging pututoy ang kanya?

"Heh!"

"Halika ka nga rito."

"Ayoko nga!" Napa-atras ako.

"Come on, just sit here." Ngumisi siya.

"Ayoko! Ikiskis mo 'yan sa pader!" Pagkatapos ay tumakbo na ako para matakasan siya.

happy birthday to Dereck!

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click