《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 26

Advertisement

"ENGAGED? H-HOW? With whom?!" Napaigtad ako sa malakas niyang sigaw. Bakit niya ako sinisigawan? Kasalanan ko? Kasalanan ko ba na ikakasal ako at hindi pa siya nakaka-move on sa kung anong meron kami noon?

"Well... W-with Caleb." Mariin siyang pumikit. Tumayo siya at lumayo sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang remote at binato. "D-diego!" Napatayo ako.

"Fuck him! How dare him proposed to you while we're still married!" Matalim niya akong tinignan. "And how dare you to accept his proposal!" Napapikit ako sa sigaw niya pero kalaunan ay tinignan ko ulit siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may sugat ang kamay niya! Dahil ba sa pagtapon niya ng remote?!

"Y-you're bleeding..." Tumayo at nilapitan siya. Kinuha ko ang kamay niya pero iniwas niya agad 'yon sakin.

"I don't need your help." I gulped. I avoided his gaze. "You cheated on me..." Para akong sinampal sa sinabi niya. I did?!

"Excuse me?"

"You fucking cheated on me!" Mariin kong sinara ang kamay ko para pigilan kong masuntok siya. "Sinabi ko na sayo na kasal parin tayo, bakit mo tinanggap ang proposal no'n?" Nanginig ang boses niya.

"Dahil maghihiwalay rin naman tayo! Ano ngayon kung tinanggap ko? Pagkauwi pa lang natin sa Singapore ay aasikasuhin ko na ang lahat!" He took a deep breath.

"So, you're dumping me..." Kumirot ang dibdib ko at bahagyang natawa.

"Just like how you dumped me years ago." Napakurap siya at natahimik. "Anong pakiramdam? At least, sinabi ko ang rason kung bakit kita iiwan, e ikaw? Sinabi mo ba? Hindi. You just left me fucking hanging."

"I have reasons..."

"Fuck your reasons! Nothing will change, Diego! Mukha bang may pake pa ako sa mga rason mo? After everything that you did?!" Bumuhos ang luha ko. "Gamutin mo ang sarili mo mag-isa."

Dinampot ko ang phone at pumunta sa veranda. Narinig ko naman ang pag-alis siya sa kwarto. Nanginginig ang mga kamay ko nang tinawagan ko si Paula pero nauna siyang tumawag sakin.

"Hello? I was about to call you-"

["I have a very important news for you. It's about Diego. Ngayon ko lang nalaman. Hindi kumalat ang news na 'to dahil hindi pa naman na-announce."] I gulped.

"Anong news?"

["Wait, is he with you?"] Nilingon ko ang kwarto.

"No... Lumabas siya. Nag-talo kasi kami..."

["Huh? Why? Are you okay? Gusto mo bang sunduin kita d'yan? I can do that!"] I shook my head even though she can't see me.

"No need. What's with the news?"

["Uhm, okay. Nalaman ko lang 'to kanina... Usap usapan,"] Natigilan ito. ["Zia, Diego got engaged with someone else last May. His supposed to be wedding is May 24, but his bride ran away."] Nanlaki ang mata ko.

What? He got engaged? With whom? S-sa Pilipinas ba? Bakit hindi natuloy? Pero paano kung natuloy? Kaya ba ako ang ginugulo niya dahil sawi siya ngayon?

"W-with whom?" She took a deep breath.

["Well, with his cousin's wife. Brianna Quenery. The daughter of the CEO of Quenery Jewelers..."] Natutop ko ang bibig. Nanlalabo ang paningin ko.

Brianna? Yung nakita namin sa department store? Yung tinawag niyang Brianna? Kaya ba gano'n ang tingin niya? Still in love with her?! Then why is he pestering me?!

"I think I know her... B-bakit daw umatras sa kasal?" Kumikirot ang dibdib ko sa sarili kong tanong.

["Well, she's in love with the owner of Rivera Empires. The father of her son."] Hindi ako nagtaka nang bumuhos ang mga luha ko.

Advertisement

"S-she's pregnant now. Hindi ba si Diego at tatay ng baby?" Nanlalamig ang mga kamay ko.

["I don't think so. She's married, e."] Hindi ako sumagot. My tears fell even more. I even covered my mouth para hindi tumakas ang hikbi ko. ["Are you okay? Are you... Are you crying?"]

Inalis ko ang kamay sa bibig ko. Hinaayan ko ang sarili kong umiyak while she's trying to calm me down. I don't get it.

Habang nagdurusa at hinihintay ko ang rason niya ay nasa kandungan siya ng iba? Ang kapal ng mukha niyang paratangan akong cheater!

["Zia, please... Stop crying."] I sniffed. Hindi ako makapaniwalang apektado parin ako.

"I'm fine. Pantay lang naman kami. I'm engaged with Caleb." Napasinghap siya. Alam niya na amg trahedyang nangyari sa kasal namin. "Aayusin ko ang annulment namin soon."

["Zia..."]

"Thank you, Paula. I need to hang up now." I ended our call bago tumulala sa kalawakan. Tears fell down to my cheeks. Narinig ko ang pagbalik ni Diego kaya pinunasan ko agad ang luha ko.

Naglakad siya palapit. Kinabahan agad ako pero hindi ko pinahalata.

"Crizia." I bit my lower lip hard. Gustong umiyak sa harapan niya pero ayoko namang gawin 'yon. Instead, I tried to smile.

"Yes, boss?" Nilingon ko siya. May gamot na ang sugat niya sa kamay nang tignan ko.

Ngumiwi siya. "Drop the boss, please." I chuckled.

"Woah. You said please. Bago 'yon ah." Umarte akong namamangha sakanya.

"Well, I'd changed." I shrugged.

"Yeah. I could see that." Halos masuka ako.

"Can we talk?" Para saan pa? Sa paninigaw niya sakin kanina? Ano? Hihingi niya ng tawad? Tawad na naman?

"We're already talking." Tumayo ako at pumasok na sa kwarto. May trabaho pa ako.

"Zia," Sumunod siya sakin sa loob. Umupo ako sa kama at tiningala siya. I even licked my lips. I can't believe that I kissed him while we were in the Philippines.

"Pakibilis, please? I have many works to do." Kinuha ko ang laptop. Umupo siya sa kama niya pero nasa akin parin ang paningin niya.

"I don't know where to start." Nag-angat sko ng tingin. Mabuti na lang at hindi niya nahalata ang pag-iyak ko.

"Para saan ba ang pag-usapan natin?"

"About us." Halos masamid ako.

"Us?"

"Uh-huh."

"Diego... I can't understand." I lied. Of course, I understand! Nagtatanga-tangahan lang ako para matigil siya.

"You're a wise woman, Zia. It's impossible that you can't understand what I am talking about." Mariin akong pumikit pero pinagpatuloy ko ang pagkalikot sa laptop.

"Hmm. Naiintindihan ko naman. You're talking about you and I, about our uhm something?" Sinikap kong hindi bumigay ang boses ko.

"Uh-huh."

"Didn't I told you that I have a fiancé?" Pasimple ko siyang tinignan para lang makita ang galit na naman niyang anyo.

"Then break up with him." Tumibok ang sintido ko.

"How dare you to say that! Sino ka ba para sabihin 'yan?!" Bulyaw ko. He pushed me! He's getting into my nerves!

"I am your-" Hindi niya natuloy.

"My what?" He took a deep breath.

"Y-your..."

"My soon to be ex husband..." Buo na ang desisyon ko. Talagang hihiwalayan ko siya!

"Zia..."

"Don't 'Zia' me! My soon to be husband, right?! Ex means past kaya sino ka para sabihing hiwalayan ko siya?!" Tumaas ang boses ko.

"I know that you don't want me anymore! But we can't change the fact that you were once mine!" Nanlaki ang mata ko. Ang kapal ng mukha!

Advertisement

"Yes! I WAS yours! You hear me? Was! I was yours, Diego!" Kahit kasal pa kami ay hindi na ako sakanya!

"And I want you to be mine again!" Halos malaglag ko ang laptop sa biglaang sabi niya no'n. Is he crazy?

"WHAT?!" Inalis ko sa hita ko ang laptop.

"Zia, please."

"Don't fire some jokes to me, Diego." Gusto niya ulit ako? Dahil tinakbuhan siya ng bride niya?

"I'm not joking! I'm damn serious, Zia. I want you mine again. Mine alone!" Halos masuka ako. Nakakasuka! Nakakasuka siya!

"You want me again? For what reason? Wala ka na bang maikama kaya ako na naman? Ano? Papakasalan mo ako so you can have me whenever you want?!" Nangilid muli ang luha ko. Naalala ko noon kung paano ako magpa-ubaya sakanya dahil mahal na mahal ko siya.

"What?! This is not all about sex, Zia!" Napatayo ako. Konting konti na lang ay uuwi na ako sa Singapore!

"Then what?!" Hinila niya ako palapit sakanya.

"It's because I love you!" Kusang lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. I didn't even think twice to slap him with all my heart.

"Don't you ever make a story, Diego! Ako lang ang nagmahal sating dalawa! Ako lang! While you? All you want is to get inside my pants!" Bumuhos ang luha ko. Katulad noong sinabi niya bago siya umalis sa mansion. Siya mismo ang nagsabi sakin no'n.

"That's not true! I-I love you..."

"Pero bakit mo ako hiniwalayan? Why did you annulled our marriage? Am I not worth it? Nagsawa ka na? If you love me you won't leave me!" Halos bumigay ang boses ko dahil sa sigaw na 'yon. He stood up and tried to hug me, but I refused.

"I'm sorry!" Hindi ako makapaniwalang sorry lang ang lahat.

"No! Do you think your sorry will heal my heart, huh?! No!" I saw pain in his eyes. Nanginginig na rin siya.

"What should I do?!" Marahas akong umiling. There's nothing he can do.

"Nothing! Hindi na ako babalik sayo, Diego. I'm done with you and your shits. You left me hanging! You left me five years ago at ni minsan hindi ako kinamusta! Fuck you!" Hindi na sana ako makaka-survive kung hindi ako sinamahan ni Paula.

"Zia..." I wiped my tears as I shook my head.

"No."

"Are you doing this because of your boyfriend?" Matalim ko siyang tinignan.

"No. I'm doing this for myself. Ayoko nang masaktan ulit. This time sarili ko naman ang iingatan ko." Hindi ko na kaya maging miserable ulit.

"I'm sorry. Please, give me a chance. Have mercy-" Natawa ako.

"Have mercy? Saan? Sa nararamdaman mo? Sayo? Bakit Ikaw? Inisip mo ba kung anong naramdaman ko? When you filed an annulment and left me without saying any word?!" Bumuhos ang panibago kong luha.

My heart ache so much.

"Crizia, please." I gritted my teeth because of anger.

"You know me well, Diego. Matalino akong babae at alam mo ang desisyon ko and it's a no." Hinawakan niya ang kamay ko pero umiwas ako agad.

"Criz..."

"Who's Brianna Quenery?" Nanginginig ang boses ko nang tinanong ko 'yon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Mas lalong sumakit ang dibdib ko.

"W-what-"

"Who is she?"

"S-she's no one." Liar!

"Lies! My friend told me about her, Diego. You have been with her for 5 years! Masaya ka sa kandungan ng iba habang ako nandito mamatay matay sa kakaisip kung bakit mo 'ko iniwan!" Hinuli niya ulit ang kamay ko pero hindi ko 'yon hinayaan. Gusto kong maramdaman niya na nangdidiri ako sa hawak niya!

"Crizia, please. Listen to me first." I nodded. Go ahead. Nothing will change, anyway.

"Okay, sige magpaliwanag ka."

"B-brianna is my cousin's wife." Right!

"And?"

"And that's it." Sinuntok ko ang dibdib niya.

"Fuck you, liar! She's your ex fiance, right?!" Nanlaki ang mga mata niya. Gulat na gulat dahil alam ko kung sino ang babaeng iyon.

"What the hell! How did you know about that?!" I laughed sarcastically.

"See? Wala kang pinagbago, Diego. Sinungaling ka pa rin. I can't believe na pinakasalan kita. Paano pa kaya kung pinatawad kita ngayon? Another lie again." Nangilid ang luha niya.

"Don't say that, Zia. I-I love you." Mas kumirot ang dibdib ko.

"M-may anak siya, diba? A-ang swerte niya. Nagkaron siya ng pagkakataong maging ama ka. Bakit yung ibang bata nagawa mong alagaan?" Unti unting namilog ang mga mata niya.

"W-what do you mean?" I smiled sweetly.

"'Wag kang magalala, hindi naman tayo nagkaro'n ng anak at kung nagkaron 'man, you will never meet the baby dahil wala kang kwenta! I loathe you so much!" I screamed on top of my lungs.

"Is that your reason?! Is that your reason why you can't forgive me?!" I can't believe him! May lakas pa siya ng loob sigawan ako?!

"MY PARENTS DIED BECAUSE OF YOU!"

"W-what?" Natulala siya.

"You know how much I love you back then, right? I disobeyed them just to marry you, Diego. Nawala ang communication ko sakanila at nang iwan mo 'ko, I went back to our house, but they're dead! Inatake sa puso si Dad at hindi 'yon kinayanan ni Mama kaya inatake rin siya sa puso. Could you imagine how miserable I was?!"

Bumigay ang tuhod ko. Hinayaan kong mapaupo ako sa carpet. Humagulgol ako ro'n. Akala ko okay na 'ko. Akala ko hindi na ako iiyak pa ng ganito.

"I'm sorry... I didn't know. I'm sorry. I'm sorry." Lumuhod siya at niyakap ako. Mas lumakas ang iyak ko dahil do'n.

"Bakit? Ano bang alam mo? Ang mangiwan lang naman diba? Wala ka namang ibang alam kung hindi 'yon..." He hugged me tighter.

"No." Mariin akong napapikit. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko.

"Then why?! Bakit mo ko iniwan?! Masaya naman tayo no'n diba?! We're planning to have our baby pero kinabukasan, bigla mong sasabihin na maghiwalay na tayo. Why, Diego?!" He hushed me.

"It's because of Rivera's company. I needed it! My parents wanted it! Grandpa L said that we can't be married because that would be unfair to each other that's why I annulled our marriage. I need a child from someone, but not from my wife-" Tinulak ko siya at sinampal ulit.

"In short, pinagpalit mo ako sa kompanya. Damn you! Mas mahal mo ba yon kesa sakin?! Oh, wait. Oo nga pala. Ako lang ang nagmahal satin. What am I thinking? I hate you. I hate you to death, Diego." Nagulat ako nang tumulo ang luha niya. Parang namatay ang puso ko nang makita siyang gano'n.

"F-forgive me..." Marahan akong umiling. 'Yon ba? 'Yon ang rason niya? He should have explained it!

"No. Kahit ano pang gawin mo hinding hindi kita mapapatawad." Inayos ko ang mukha kong basang basa na. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"No, we're still talking-"

"No, we're done talking. Ibinigay ko sayo ang gusto mo, to explain? To talk? I gave it to you, so please... Gusto ko na magpahinga."

"Zia..."

"You caused too much damaged, Diego. I'm sorry, but I can't forgive you..."

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click