《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 25

Advertisement

"FAMILY ROOM, PLEASE." Tinignan ko si Diego na seryosong nakikipag-usap sa babae sa main desk. Anong family room? Isang kwarto lang kami pero magkaibang kama?

"Here, sir. Enjoy your stay!" I rolled my eyes at the girl who's grinning from ear to ear.

"Bakit family room?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa elevator. Nagpahatid kami sa floor namin bago niya ako sinagot.

"What? You want to sleep beside me?" Ngumisi siya. Umirap ako at pumasok na sa kwarto.

"Not funny, Diego." Umupo ako sa isang kama habang sumalampak naman siya sa kama niya. Nilabas ko agad ang phone ko para tawagan ang secretary ng investor niya.

["Hello?"] Sagot sa kabilang linya nito.

"Good evening! This is Crizia Aguilar from Rivera's Hotel and Resorts. I just want to inform you that we're now checked in at Circle Hotel near to your building." Narinig kong nataranta ito sa kabilang linya.

["Okay! Okay. We will wait for your call tomorrow. Is that okay with you?"] Tinignan ko Diego na naghuhubad ngayon. Napangiwi agad ako.

"Of course..."

I ended our call bago ko hinarap si Diego na naka-pants na lang ngayon. Nilalabas niya na ang mga damit niya mula sa maleta niya.

"Can you order foods for us? I'm hungry," Sambit ko nang hindi na ako nakapagpigil. Humarap agad siya sakin pero nilipat niya rin ang tingin sa mga damit niya. I rolled my eyes. "Ako na ang magtutupi nyan. Order foods for us."

Lumapit ako sa kama niya. Nilabas ko ang lahat ng damit niya. Nakita ko siyang tumatawag na. Tinupi ko isa isa ang mga damit niya while he's waiting for the foods.

Nilagay ko 'yon sa cabinet. Nag-ring na ang bell sa kwarto kaya nilapitan 'yon agad ni Diego.

"Crizia, foods is here!" Sigaw ni Diego.

"Okay!" Sinarado ko ang cabinet at nagmamadaling pumunta sakanya. "Oh my! Lobster?!" Kinuha ko na agad 'yon. Nag-angat ako ng tingin kay Diego na nakangisi sakin.

"Are you that hungry?" Nakangisi siya.

"Yup! And I want to sleep early, 'no! Maaga tayo bukas."

Nauna siyang matapos na kumain dahil sarap na sarap ako sa pagkain na binili niya. Gusto kaya ito ni Paula? Dalhan ko kaya siya?

Nang matapos ako ay binalikan ko ang kama ko para maayos ang mga damit ko pero nagulat ako dahil nando'n si Diego at tinutupi ang mga underwear ko! Napangiwi ako nang makitang lacey underwear pa 'yon.

"A-ako na d'yan!" Inagaw ko agad ang panty ko sakanya.

"What? Why?"

"Hindi mo dapat hinahawakan ang underwear ko!" Nag-init ang pisngi ko dahil nakita niya ang panty ko! Bakit ba kasi niya hinawakan pa ito?

"What's wrong? Hindi naman 'to ang unang beses na tinupi ko ang mga damit mo? Even your panties." Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Bakit ba kasi kailangan pang sabihin niya 'yon?!

"Noon 'yon, okay? We're not together now." Mabilisan kong nilagay ang mga damit ko sa cabinet.

Nakita kong nakatingin parin siya sakin kaya medyo nailang ako. Tumungo ako para kumuha ng pang-tulog. I need to freshen up before I go bed.

"Matulog ka na..." Sabi ko dito. "Maliligo muna ako."

Advertisement

"Okay." Hindi ko na siya nilingon pa.

Mabilis akong naligo nang maramdaman ko ang antok. Gustong gusto ko na humiga dahil kahit wala naman akong ginawa kanina ay napagod parin ako.

Naabutan ko pa siyang dilat at nakatitig sa kisame. Hindi ko siya ulit pinansin at patalikod sakanya nang umupo ako sa kama. Kinuha ko ang lotion.

"What's your lotion?" I looked at him as I grinned. Sumimangot agad siya.

"Konti na lang talaga ay iisipin kong bakla ka." Kinalas ko ang ribbon ng bathrobe. Nilagyan ko agad ang hita ko at sinunod ang katawan. Narinig kong gumalaw siya sa kama niya.

Nakatalikod naman ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang ligalig niya sa likod ko. I put some lotion on my chest. I massage my breast. I need this, 'no! Breast massage is so good. I even moaned.

"Stop it!" Sinarado ko agad ang roba at nilingon si Diego na nakaupo na.

"Ang alin?" Masamang masama ang tingin niya sakin kaya marahan akong humalakhak at tinalikuran siya.

"Touching yourself! Hindi nakakatuwa." Ngumuso ako at binuksan ulit ang roba para gawin ulit 'yon. He groaned because of that.

"Hindi nakakatuwa? This was your favorite view years ago, right?" I teased. Binagsak ko na ang roba hanggang t'yan ko. Nilagyan ko ng lotion ang balikat.

"Fuck..." Bahagya ko siyang nilingon. Nakasubsob na ang mukha niya sa unan at dumaing roon. I laughed even more. Nagbihis na ako agad bago niya pa ako masisante.

"Tapos na ako." Sambit ko. Bumangon siya at nilagpasan ako para pumunta sa CR. "Oh, anong gagawin mo d'yan? Mag-aalis ng init ng katawan, hmm?"

"Shut up!" Dumapa ako sa kama at mas lalong humalakhak. "Stop laughing! It's not funny!"

Ngumuso ako at inalala ang nangyari no'n.

Kabang kaba ako nang naisipan ni Diego na ipakilala ako sa parents niya. His parents looks so strict, but they still manage to smile at me. Ginawa ko lahat para lumapit ang loob nila sakin pero mukhang kahit anong gawin ko ay mainit ang dugo nila sakin pati na rin kay Diego.

Pagkatapos no'n ay hindi na kami nag-tangka pang bumisita ulit do'n.

Nakatulog ako kakaisip sa nangyari samin dati. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa alarm ni Diego. Bumangon ako at nag-kusot ng mata. Tinignan ko si Diego sa kabilang kama. I felt weird. Siya na naman ang unang taong nakita ko pagmulat ko pa lang.

Nakadapa ito at walang pang-itaas. Tulog na tulog at mukhang hindi magigising sa alarm.

Dinampot ko ang phone niya para patayin ang alarm no'n pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. Malalim pa ang tulog siya.

"Gising." Sinundot ko ang pisngi niya. "Boss, gising ka na!" Kumunot lang ang noo niya. Ngumuso ako at pinisil ang ilong niya para hindi siya makahinga at para magising.

Pero wala parin!

"Gumising ka na, hoy!" Hindi siya kumibo. Kumuha ako ng ilang hibla ng buhok ko at pinasok 'yon sa ilong niya!

"What the hell?!" Napaigtad siya, lukot ang ilong at hindi maipinta ang mukha. "What was that?!"

"Cockroach?" Luminga linga siya para hanapin ang ipis. Humagikgik naman ako. "That was my hair! Hindi ka kasi magising kaya ayan." Ngumisi ako. "Gumising ka na at baka ma-late pa tayo. Order some foods for us, please! Shower lang ako."

Advertisement

Umirap siya kaya tumalon na ako papunta sa bathroom. Naligo ako doon. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagligo nang biglang bumukas yung pinto!

"WHAT THE FUCK?!" Niyakap ko agad ang sarili. "OH MY, GOD, DIEGO!" Tuloy tuloy lang siya sa lababo at humarap sa salamin. "Naliligo ako! Lumabas ka!!!"

Nasa loob naman ako ng glass at malabo 'yon pero hindi parin ako comfortable!

"Calm your ass. Hindi naman kita nakikita." Sumimangot ako.

"Kahit na! There's a word called privacy!" Humalakhak lang siya kaya binilisan ko ang pagligo.

"Bilisan mo na at maliligo ako. Don't make me go inside that foggy glass to take a shower with you..." Mas nagmadali pa ako dahil sa sinabi niya.

"Subukan mo lang! Magre-resign ako!" Humalakhak siya ulit.

"You can't. May kontrata tayo. Isa pa, ano bang tinatago mo d'yan?" Nag-panic agad ako nang narinig kong naglakad siya. "I've seen it before!"

"That was before! Madami nang nagbago sa katawan ko!" Sigaw ko.

"Like what?" Nanunuya niyang tanong.

"Like my boobies! They're bigger than before, duh!" Umirap pa ako. Narinig ko ulit ang halakhak niya.

"Hindi ako naniniwala. I need to see it para maniwala ako." Nataranta ako.

"Subukan mo! Babasain kita!" Mas lumakas ang halakhak niya. Nakakainis, ha!

"I don't mind. I'll shower later, by the way."

"Kapag hindi ka umalis, tatakbuhan ko ang kompanya mo!" Tinakpan ko na ang tenga ko sa sobrang irita dahil sa tawa niya.

"Then I'll chase you. Or let's just runaway." Ako naman ang tumawa.

"Asa ka pa. Lumabas ka na nga at malapit na akong matapos dito!"

May bakas pa ng ngiti sa labi ko habang naglalakad kami papasok sa building nung investor niyang mahirap bigkasin ang pangalan. Naka-sunglass pa talaga siya! Gano'n rin ako. In short, gumaya siya sakin! Nauna akong magsuot nito!

"Mr. Rivera? Pleased to meet you, Mr. Rivera!" Ito si Mr. Kamaruddin. I think he's almost 30? "Thank you for accepting us!" Tuwang tuwa ito nang makipag-kamay si Diego sakanya.

"The pleasure is also mine." Pinagtitinginan siya dahil sa tangkad at ganda ng katawan niya. He looks expensive.

Nalipat ang tingin sakin ni Mr. Kamaruddin. I put up my sunglass and smiled at him. Magpapakilala pa lang sana ako nang bigla akong hinawi ni Diego sa bewang!

Nanigas ako sa ginawa niya. Bakit? Anong naisipan niya at ginaganito ako?

"This is my wife, Crizia Rivera." Pinigilan ko na manlaki ang nga mata ko sa pagpapakilala nito sakin. Matagal na mula nang huli kong marinig ang gano'ng pangalan ko at galing pa talaga sakanya!

"Oh! I'm very pleased to meet you, Mrs. Rivera." Napilitan akong makipag-kamay. "Ah, where's your secretary that my secretary talked with?"

"It's her, too." Bumakas ang labis labis na gulat nito sa mukha. "We don't want to get separated, so..."

"Oh! Right! Please come with us. Let me tour you around." Ngiting ngiti ito samin. Matalim kong tinignan si Diego na kumindat lang sakin.

Nilibot kami ni Mr. Kamaruddin sa buong building niya. Kung saan saan niya kami dinala hanggang sa siya na mismo ang napagod at nagpasya siyang pumunta kami sa opisina niya.

"Do you want something to eat?" Magiliw na tanong nito nang makaupo kami. Tinignan agad ako ni Diego.

"Iced coffee sakin." Sambit ko sakanya. Sinabi niya 'yon kay Mr. Kamaruddin.

Tumikhim ako bago ilabas ang mga documents na pipirmahan nila. Mariin ang tingin sakin ni Diego at mukhang sasakalin niya ako kapag nagkamali ako.

"Please read it first before you put your sign." Umangat ang tingin ko sa secretary ni Mr. Kamaruddin na mahinhing kinakausap si Diego tungkol naman sa pipirmahan nito.

Matalim ko silang tinignan. Yung tipong manginginig sila.

"Done." Ngumiti ako kay Mr. Kamaruddin bago tinanggap. Nang tignan ko sila Diego ay ito na ay matalim ang tingin sakin.

Nag-usap pa sila habang pangiti ngitilang ako sa gilid.

"Thank you so much, Mr. Rivera. By the way, you have a very lovely wife." Muntik nang mapanis ang ngiti ni Diego, but he still manage to smile.

Pinahatid kami ni Mr. Kamaruddin sa hotel gamit ang kotse at ng mga bodyguards niya.

"Anong ibig sabihin ng pakikipag-ngitian mo sa mukhang puyat na 'yon?" Bungad ni Diego pagpasok namin sa kwarto. Natawa agad ako sa sinabi niya.

"Anong masama? Boyfriend ba kita? At anong mukhang puyat ka, d'yan? At isa pa pala, bakit mo ako pinakilalang asawa do'n?" Nilapitan ko siya sa inis ko.

"Because that's the truth! We're married!" I gritted my teeth. How dare him ruined my good mood! Ho dare him!

"Maghihiwalay din tayo!" His jaw tightened.

"No! Hindi pa tayo maghihiwalay. Walang nakikipaghiwalay!" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. I pushed him away.

"Anong walang nakikipag-hiwalay? You insisted to get rid of me five fucking years ago!" Pumiyok ang boses ko dahil sa sigaw ko na 'yon. Biglang pumasok sa isip ko kung paano niya ako pinagtabuyan noon! Kung paano ako nagmakaawa para lang makasama pa siya ng isang buong araw.

"That was before. I don't want to get rid of you anymore-" Mariin akong pumikit. My fist really wants to meet his face!

"Bakit? Wala ka ng makama, hmm? Kaya babalik ka sakin? Then after that, what? You will get rid of me again! Tama, hindi ba? Because you used to do it!" Nangilid ang luha ko kaya biglang umamo ang mukha niya.

"Crizia..."

"Can you please leave? Kahit saglit lang? I-I-"

"I don't want to leave! Mag-uusap tayo!" Hinila niya ako papunta sa kama at inupo ako ro'n. Parang inaapakan ang dibdib ko.

"Kung ayaw mong umalis, edi ako ang aalis!" He sarcastically laughed.

"Walang aalis! We will fixed this! Walang maghihiwalay! Walang may gusto no'n!" Binawi ko ang kamay ko sakanya.

"Anong walang may gusto? I want to annull! I don't want to be here anymore! I don't want to-"

"We are going to fucking fix this, Crizia! You have no rights to stop me from fixing-" Nakakarindi ang sigaw niya kaya siguro nang dahil sa galit ko ay nabunyag ko ang samin ni Caleb.

"I'm already engaged, okay?! I'm fucking engaged!" He stilled.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click