《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 23
Advertisement
"HOY? BAKIT TULALA KA riyan? Nako! Baka pagalitan ka ng asawa mo kapag nakita ka niyang tulala!" Nagising ang diwa ko nang sumulpot si Paula sa aking opisina. May dala siyang dalawang tupperware.
"Ha? Anong tulala ka d'yan? Nagta-trabaho ako, 'no!" Katwiran ko at hinarap ang computer sa lamesa. She's right. Tulala nga ako.
Nakabalik na kami sa Singapore last week pa. Ang pinoproblema ko ngayon ay dalawang bagay na lang. Ang pag-punta namin ni Diego sa Malaysia sa katapusan at si Caleb. Oo, sasama ako sa Malaysia gaya ng utos niya at oo, pinoproblema ko rin si Caleb.
Totoo ang desisyon ko na bibigyan ko si Caleb ng chance kaya masayang masaya siya. Mamaya nga ay magde-date kami. I like him. Gusto ko na siya... I think.
"Weh?" Sumalampak siya sa sofa ko. "Hindi ka pa nagke-kwento about sa nangyari sainyo ni Diego sa Pinas!"
Isa pa 'yan! Kaya hindi ko mai-kwento dahil may bumabagabag sakin noong huling araw namin sa Pinas at napag-pasyahan naming mag-mall para mamili ng damit.
"Bakit pala ito ang size ng boxers na binili mo? Nag-bago ba ang size mo?" Natulala ako sa itinanong ko. What?! Am I out of my mind?! Bakit ko tinanong 'yon? Pinamulahan ako at ibinalik ang boxers sa loob ng paper bag.
Tiningala ko siya dahil nagtataka ako kung bakit hindi siya nag-react. Nakita o siyang tulala sa parte ng mga pang-batang damit. Why is he staring at there? Don't tell me may anak siya?!
"Diego?" Pumunta ako sa gilid niya. Hindi siya nakatingin sakin dahil may iba siyang tinititigan. Sinundan ko ang tingin niya...
Napag-tanto kong nakatitig siya sa dalawang babae na nag-uusap sa harap ng mga pang-baby na damit. May isa doon ang buntis. Parehas kulot ang dalawang babae na nag-uusap. Sino kaya ang tinitignan niya riyan?
"Diego?" Hindi niya pa rin ako pinansin.
Binalik ko ang tingin sa dalawang babae. Humarap ang babaeng hindi buntis. Nanliit ang mga mata ko nang maalala kung sino siya! Siya yung nasa hotel? Iyong nakabungguan ko? Siya na naman?
Humarap rin ang kasama niyang buntis at parang may hinahanap. Nakita kong kulay berde rin ang mga mata ng buntis.
Pinagmasdan ko si Diego na nakatitig sa buntis? Bakit niya tinitignan yung babae? Kakilala niya kaya? Old friend? Business partner? Or ex?
What? Ex? Pero buntis 'yon! Hindi naman si Diego ang nakabuntis, 'no?
May lumapit na batang lalaki sa buntis. Gwapo ito kahit mukhang tiyanak ang height. Kulay brown ang mga mata gaya ng kay Diego. Kumirot ang dibdib ko nang mapagtanto na baka anak niya ito! Pero mukhang six years old na ang batang 'to? Paano? Niloko ba ako ni Diego noon?
"Brianna..." Napalunok ako dahil hindi ko na makuha ang atensyon ni Diego dahil titig na titig ito sa babae at batang lalaki na hinahaplos ang baby bump ng mama niya. "She's with Spiro..."
Nanikip lalo ang dibdib ko. Spiro? Yung binanggit niya noon? Yung sinabi niyang sana anak niya na lang? Ibig sabihin hindi niya anak ang batang 'yan? But, how about the baby inside her?
Nag-iwas ako ng tingin at nag-martsa palabas ng department store. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang ang sakit.
Advertisement
Sino ang babaeng 'yon?
"Anak ng! Tulala ka talaga, e!" Nalipat ang tingin ko kay Paula na kumakain na ngayon. "Kanina pa kita tinatawag riyan! Sabi ko, kumain na tayo."
"Ah, oo... Kasi naman, ang hina ng boses mo." Paninisi ko pero hindi niya na pinatulan 'yon.
Tatayo pa lang sana ako nang mag-ring ang telepono sa gilid ko. Kinuha ko agad 'yon at sinagot.
"Good afternoon. This is Crizia from RHS, speaking." Malambot na tinig ang ginamit ko nang sinagot iyon.
["Crizia, someone's looking for you at the lobby."] Ay shet! Nasa ground floor lang pala ang tumatawag. Muntik na akong mapairap.
"I am not expecting anyone. May I know who's waiting for me?" Pormal kong tanong.
["He said he's your boyfriend,"] Tumawa ito ng mahina at may kinausap sa kabilang linya. Ngumuso ako. ["His name is Caleb."]
"Caleb?! He's there?"
["Yes, he's waiting right now."] Napatayo ako.
"Okay. I'll be there in a minute!"
"Nako! Iba na 'yan, ha. Ano? Makulay na rin ang love life mo after almost 6 years?" Humalakhak si Paula habang ngumunguya. Ngumiwi ako.
"Manahimik ka nga riyan. Bababain ko muna si Caleb." Nag-kibit balikat siya.
Lumabas ako ng opisina at binaba si Caleb. Naabutan ko siyang gwapong nakaupo sa couch at may dala pang fast-food! Pinagmasdan ko 'yon habang naglalakad ako palapit sakanya.
"Hi!" Tumayo siya agad at humalik sa pisngi ko. "I brought you... Uh..." Nag-taas ako ng kilay.
"My lunch?"
"Oo..." Mas lalong umangat ang kilay ko kaya namula ang pisngi niya. "I'm sorry, did I said it wrong? I'm still learning your language..." Humalakhak ako at iginiya siya paupo.
"It's okay. Thanks for this." Titig na titig siya sakin. "You don't have work today?"
"None." Tumango ako. "But, I have schedule after lunch. I just came here to give you your food so you're not going to missed your lunch." Namula ang pisngi ko. Bakit ba ang sweet niya minsan?
"T-thank you..." He chuckled. His chuckles are so sexy! What? Am I falling?
"You're welcome..." Ngumuso siya. "I need to go. I'll just pick you up at... 5 PM?" I bit my lower lip. Oo nga pala at may date kami!
"O-okay..." Tinignan ko ang suot kong dress shirt at skirt. Badtrip. Sana pala ay nag-pants ako. "Is this okay for later?" Turo ko sa damit ko. Ngumuso siya at bahagyang tumawa. He nodded.
"Of course. You're always beautiful in whatever ever you're wearing, Crizia." Nag-init ang pisngi ko. Nilagay ko ang takas na buhok ko likod ng aking tenga.
"T-thanks..." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hinaplos niya ang pisngi ko.
"Damn... I can almost picture you as my wife." Napalunok ako. We're dating. Ibig sabihin no'n at kami na. Boyfriend ko siya at girlfriend niya ako!
Matamis lang akong ngumiti habang pinagmamasdan siyang naglalakad papunta sa entrance o exit ng hotel. Hinawakan ko ang dibdib at pinakiramdaman ito.
Tumitibok naman. Hindi ko nga lang alam kung para sakanya... But, I'm sure that my heart will beat for him soon!
Advertisement
"Working hours, but you're flirting, huh..." Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam ko na kung sino ito.
"I'm not flirting, boss. He just visited me because he misses me," Hinarap ko siya na matalim ang tingin sakin. Nagkibit balikat ako at nakipag titigan rin sakanya. "And, hindi working hours ngayon... Lunch break ko."
"Lunch break pero hindi ka kumakain?" I gritted my teeth. Bakit ba pati pagkain ko ay pinapakielaman niya?
"Kakain na po." Inangat ko ang pagkain na bigay sakin ni Caleb. "See? Dinalhan niya ako."
"Do I look like I care?" Masungit niyang tanong. Tumawa lang ako at umiling.
"No, sir." I fixed my hair. "Excuse me."
Nilagpasan ko na siya pero bigla siyang nagsalita.
"I'm not eating yet." Ngumuso ako at marahang nilingon siya. Nakatingin siya sakin na para bang naghihintay sa isasagot ko. Ano ba dapat ang isagot ko? Na ipagluluto ko siya? Na bibigyan ko siya nitong pagkain ko? No.
"Do I look like I care?" Nagdilim ang paningin niya kaya tumawa ako. Mahirap na at baka masisante pa ako! "Kidding! Nakikita mo ba 'yon?" Nilapitan ko siya at tinuro ang restaurant nitong RHS.
"Obviously. I have eyes, Crizia." Humagikgik ako.
"Alam mo naman pala. Can't you get your own food ba?" His jaw tightened as he glared at me. "Oh my! I almost forgot na kailangan ko rin palang kunin ang food mo."
Tinanaw ko ang restaurant.
"Sa office ka ba kakain o sa restaurant?"
"Sa restaurant." Halos tumirik ang mata ko sa sobrang iritasyon. Kung doon naman pala siya kakan ay bakit niya pa kailangang iutos sakin 'yon? God!
"Should I accompany you, boss?" He shook his head kaya napangisi ako.
"You're gonna to eat with me." Halos masamid ako. Is he nuts? Crazy? Praning?
"I can't. Paula's waiting for me upstairs..."
Akala ko ay tatanggihan niya pa ang rason ko pero unti unti siyang tumango at tinalikuran na ako para puntahan ang restaurant. I shrugged and turned my back against him, too.
Pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ay kusa akong lumingon sakanya. He's still walking. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi bago ko siya sinundan.
I can't let him eat alone...
I wonder, ilang taon na kaya siyang kumakain mag-isa? Simula ba noong maghiwalay kami? Ako kasi noon ay kasama ko si Paula kaya never ako naging mag-isa.
"Boss..." His eyes widened when he heard my voice.
"W-why?" Umawang pa ang labi niya. I pouted my lips as I stared at the restaurant.
"I'm going to eat with you. I think Paula can eat alone..." Napalunok ako. Hindi maalis ang tingin niya sakin kaya tumikhim ako. "Is it okay with you if kakain ako kasama ka?"
"O-of course..." I gulped again. Nauna na akong pumasok sa restaurant. Binati agad siya at pinagtitinginan. May ibang kumakain na napapatayo para makipag kamayan kay Diego.
Umupo ako sa pwesto na hindi masyadong matao. Sumunod naman siya. May bakas pa ng ngiti ang kanyang mukha nang umupo siya sa harap ko. Nang-hingi agad ako ng tubig para samin.
"What do you want?" Nag-taas siya ng kilay sabay dampot sa menu.
"Ito ang kakainin ko." Winagayway ko muli ang pagkain na bigay sakin ni Caleb. Hindi naman siya pinansin ang sinabi ko at nag-order pa siya ng mas marami. "Kaya mo bang ubusin 'yon?" I asked.
"Of course."
Bumaba ang tingin ko sa patag niyang t'yan. Totoo? Buti hindi nawawala ang abs niya? Baka cheat day niya ngayon?
"Why are you looking at my tummy?" He chuckled.
"Inisip ko lang kung saan mo ilalagay ang mga pagkain mo." Humalukipkip ako at gano'n rin siya. Nakipagtitigan talaga sakin ang kumag pero natapos lang 'yon nang mag-vibrate ang phone ko.
Sa email iyon at yung investor from Malaysia ang nag-email na naman. Umirap ako. Makulit pala talaga ang sekretarya ng isang 'to. Sinabi ko namang na-settled na ang usapan at lilipad kami roon sa Malaysia sa katapusan pero panay parin ang pangangamusta nito.
"Who's that?" Tanong ni Diego na mukhang hindi na nakatiis at nagtanong na.
"Your investor from Malaysia. Nangungulit. Isang linggo na lang naman ang hihintayin pero atat ito." Ngumisi siya at napailing.
"I can't blame him. Thousands of companies are dying just to get close with me." Ngumiwi ako. Yabang!
"Oh?" Dumating na ang pagkain niya kaya nilabas ko na ang pagkain ko.
"Here," Nilagyan ni Diego ng tempura ang plato ko. Hindi ko 'yon kinontra dahil gusto ko rin naman 'yon. "You want this?" Tinuro niya ang salmon.
"Oo..." Nilagyan niya rin ang plato ko no'n.
Lagay siya nang lagay ng pagkain sa plato ko nang mahagip ng mga mata ko si Paula sa malayo na malaki ang ngiti samin at pinicturan pa kami!
Pinakita ko sakanya ang kamao ko para takutin siya pero winagayway niya lang ang phone niya. Seems like she's the one who's threatening me! Damn this girl.
"What are you doing? Sinong susuntukin mo?" Natatawang tanong ni Diego kaya binaba ko ang kamao ko.
"Si Paula..." He laughed. Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Ganadong ganado siya sa pagkain at nangingiti pa. "You look happy." Sambit ko.
"Really?" Ngumisi siya.
"Ngayon ka na lang ba nagkaron ng kasabay kumain?" Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi sa tinanong ko. Akala ko magagalit siya sa tinanong ko pero maliit lang siyang ngumiti.
"Yes."
Nanikip ang dibdib ko sa sinagot niya. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain. Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinagot niya. I don't know. Masakit sa dibdib ang sinagot niya. He has been eating alone?
Is it true? Na ang mas masakit ay ang mag-iwan at hindi ang maiwanan? I don't know. Ayokong makipag kompetensya ng sakit na nararamdaman dahil magkaiba naman kung paano namin hinahandle ang sakit.
Kung nasaktan man siya after our annulment, then I'm sorry. I guess, it's just a tie.
Advertisement
- In Serial74 Chapters
Crown Of Thorns
The person who was locked away inside the thorn-covered tower was not a princess, but a witch who employed the powers of Darkness.
8 370 - In Serial60 Chapters
Lilac's Lies
(Complete)Lilac Green has a secret. A big one. But, that's nothing new. She's used to keeping secrets, and she's used to telling lies.Lilac can lie to anyone, until she meets a handsome boxer who sets her body on fire. Suddenly, she finds herself wanting to tell the truth. "Literally the best books I've ever read on this app!" - @seraphilc"This book really made me feel things. This is one of those books I'll never forget" - @dudeidevenk "This book was amazing. Intriguing plot line mixed with captivating writing style. I 100% think everyone should read it!"- @EatingMegannnnn*****"You're telling me you don't feel this?" He surprised me by asking. He was looking at me in a way that me feel like I was already naked. "Feel what?" I asked him, even though I knew exactly what he was talking about. The air between us was so thick, it was almost suffocating. Like we were made of two completely different ingredients that were begging to be mixed together. "This attraction between us, Lilac," he whispered out, placing his hands on either side of my head against the wall, trapping me from escaping him. Not that I wanted to.
8 67 - In Serial20 Chapters
Limestone Creek
Gabriela Stevens is a teenage girl. She has a 4 year old son. After having problems with her mom, she and her son move to the small town of Limestone Creek, to live with her older sister. Where her past will come to light and she discovers wonders about herself.
8 139 - In Serial68 Chapters
My Hot Demon✔
BTS JUNGKOOK X READER"You are hot.""Never knew that my life would become a harem which I used to watch on websites."_____________All Rights Reserved Story by @haru__btsCover by @Reeruworld00
8 91 - In Serial23 Chapters
I Take Care Of His Highness's Son
i went home after a tiring day, i decided to take a nap but when i woke up i got transmigrated into an otome game?!•••Started: [ 10-27-21 ]Ended: [ 12-03-21 ][Cover pic not mine]
8 165 - In Serial37 Chapters
Balance(Bakugo x fem! Avatar reader)
The Avatar has vanished from the history of the world.When a girl enters the world containing the powers of this legend.She will be sent out to "fix the world"But no one can do it all on their own.When the responsibility of the world's balance falls on one's shoulders,One tends to forget to maintain the balance within.When she meets another imbalanced individual...They will bring balance to each other.************Started: Jun 9, 2019Ended: (DISCLAIMER: These events will not be 100% accurate. So don't come at me please.)j
8 181

