《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 21

Advertisement

CRIZIA

"I'M ASKING WHAT ARE you doing?" Nakakunot ang noo niya habang dahan dahang umupo nang hindi inaalis ang pagkakawak sa pulso ko na para bang anytime ay tatakas ako dahil nahuli niya ako na gano'n ang ginagawa sakanya.

"P-pinupunasan lang kita..." Nag-iinit ang pisngi ko sa mga paraan ng pagtingin niya sakin.

"Pinupunasan sa?" Nag-angat ako ng tingin. Namumula ang mata at ang labi niya pati na rin ang dibdib. Medyo nakasimangot rin siya kaya nakumpirma kong badtrip nga siya sa ginawa ko.

"Well, sa... sa inner thighs?" Hindi nawala ang simangot sa mukha niya. Instead, mas lalo siyang sumimangot sakin.

"And why would you do that? Was that even part of your job as my secretary?"

Natigilan ako at parang sinampal ng katotohanan sa sinabi niya. He's right. Is taking care of him is part my job? No. Nandito ako para ayusin ang magulo niyang schedule at paalalahanan siya sa mga gagawin niya at hindi ganito. Una pa lang ay mali na itong ginagawa ko. Pinangunahan ko siya sa pag-uwi namin sa Singapore kahit na hindi naman niya sinabi and now...

I am acting like his wife.

"I'm... I'm sorry..." Dahan dahan kong binawi ang kamay sakanya. Why is he acting like this? Kagabi at kanina lang ay parang gustong gusto niya na hawakan ko siya, then ngayon... Maybe because he's not horny anymore? Or na-realized niya na mali ang mag-cheat sa girlfriend.

"You have a boyfriend, right? And I am committed, too. Distance yourself, Miss Aguilar. You are just my secretary so act like one."

Napatungo ako. Nananakit ang dibdib ko sa sinabi niya. His voice was cold. Ano ba kasing iniisip ko at ginawa ko 'yon? We're not even close!

What? I'm just worried. Right, good answer.

"Yes, I have. I was just worried and concerned so I tried to do it. M-mataas kasi ang lagnat mo..." Dinampot ko ang kaninag thermometer na ginamit ko sakanya.

"Well, I don't need your concern." I gritted my teeth. I get it. He doesn't need to be rude.

"O-okay..." My voice was shaking even my hands! What the hell is wrong with me? Why am I like this? Dapat hindi ako apektado! "Kapag nagutom ka, there's a mushroom soup na pwede mong initin and," Dinampot ko ang ilang gamot at nilapag 'yon sa kama. "Drink these. I-I canceled our flight, anyway."

Tumayo na ako. He tried to call me pero hindi na ako nag-tangka na lingunin pa siya. For what? For more insulting words? Immune na 'ko do'n.

Sumaglit ako sa kwarto ko para kunin ang wallet bago lumabas ulit. I drink water first because I was shaking! What the hell, Crizia? Ano bang trip mo sa buhay at inalagaan mo pa ang dating mister mo? He's not the same Diego!

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya nagmamadali akong lumapit sa pinto para lumabas. Aalis ako! I can't stand the sight of him.

"Zia---"

Binagsak ko agad pasara ang pinto. Halos takbuhin ko ang elevator makalayo lang sa hotel room namin. I was in the cloud the whole time na naglalakad ako. Napunta ako sa isang Cafe. Doon ako nagpalipas ng oras. Nangingilid lang ang mga luha ko pero hindi 'yon bumabagsak. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nadala ang phone ko.

Advertisement

Hindi ko alam kung ilang oras ako nando'n sa Cafe basta ang alam ko ay hapon ako umalis at ngayon ay almost 9 pm na. Ni hindi ko namalayan ang oras. Kanina pa patingin tingin sakin ang mga waiter at waitress pero hindi ko na pinansin.

Naka-apat na sliced cake at anim na iced coffee ako sa buong magdamag na ginugol ko do'n. Ni hindi na ako nakaramdam ng gutom pero nag-pasya akong umuwi dahil baka mawala pa ako sa daan.

While I was walking, naisip kong mag-book ng flight pabalik sa Singapore bukas o kaya mamayang madaling araw kahit ako lang mag-isa. Mukhang kaya naman na ni Diego mag-isa rito pero hindi nga lang ako sure kung may babalik pa ba akong trabaho kapag ginawa ko 'yon. Ewan ko ba kung bakit ang hirap maghanap ng trabaho.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi marinig ni Diego ang pagdating ko pero nagulat ako nang nandon siya sa living room na palakad lakad at kinakalikot ang phone niya. Natigil lang siya nang makita ako.

His eyes are full of anger and concern at the same time. Para siyang nabunutan ng tinik nang makita akong pumasok sa Hotel room. Mabibigat ang mga paa nang lumapit siya sakin.

Halos malagutan ako ng hininga nang hilahin niya ako palapit sakanya at yakapin. My knees almost melted because of his body heat.

"Where have you been? You made me worried! I've been trying to call you right after you left me!" Kinagat ko nang mariin ang labi habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Galit na galit siya pero nagawa ko paring lumayo sakanya pero hinuli niya agad ang kamay ko.

"Hindi ko dala ang phone..." He caressed my cheeks kaya halos mapaluhod ako pero pinigilan ko lang.

"Saan ka nag-punta? Did you already ate?" Hinila niya ako papunta sa living room. Hindi na siya mainit. Mukhang okay na siya dahil nagawa niya nang magpalakad lakad dito.

"Sa Cafe," Iniwas ko ang sarili sakanya kaya tinignan niya ako. Tinignan niya rin ang kamay kong binawi ko mula sa pagkakahawak niya. "Kumain na ako. Gusto ko na lang magpahinga at kung okay lang sayo, magbo-book ulit ako ng flight pauwi pero kung ayaw mo, baka ako na lang." I saw him gulped. "And I think, you shouldn't touch me like that again. It's not normal. Hindi nag-hahawakan ng ganon ang mag-boss." He gulped again, kulang na lang ay lunukin niya ang sariling dila.

"Zia, about what I said earlier, I'm sorry. Come on, let's eat." Tinignan ko ang lamesa sa living room. May chicken do'n at kung ano ano pa. Really? Sorry lang? Sa lahat ng sinabi niya kanina? "Please, let's eat. Pinag-alala mo 'ko."

"Hindi ka na dapat nag-abala pang mag-alala, hindi ko naman kailangan ng pag-aalala mo, Sir." Pagkuwanan ay tinalikuran ko na siya at walang sabing pumasok sa kwarto. I locked it.

Wala pang isa minuto ay kinatok niya ako.

"I know you are mad, but please don't starve yourself. There's a food." Hinayaan ko siya sa labas, hindi ko na rin siya sinagot. "Zia, kumain ka na." Umirap ako. How dare him to call my name samantalang Miss Aguillar ang tinawag niya sakin kanina. "Crizia, eat---"

Advertisement

"Kumain na nga sinabi ako!" Napalakas ata ang sigaw ko dahil na rin siguro sa inis mula pa kanina sakanya.

"Okay... Kapag nagutom---"

"Hindi ako magugutom kaya ubusin mo na 'yan, at kung magutom man ako ay pwede akong magpa-deliver." Umirap ako. "Matutulog na ako. 'Wag ka nang maingay d'yan."

Matagal pa bago ko narinig ang yabag niya paalis sa labas ng kwarto ko. Ang lahat ng sama ng loob ko sakanya ay tinulog ko na lang. Maaga tuloy akong nagising kinabukasan.

...

"Good morning!" Sumimangot ako nang makita siya sa kusina kinabukasan. Ang aga aga pero pagmumukha niya ang nakikita ko. He's smiling like there's nothing happened yesterday.

Umupo ako sa hapag dahil mukhang nagluto o nagpa-deliver siya. Titig na titig siya sakin habang pagkain naman ang pinagkakaabalahan ko.

"Crizia, can we talk-"

"Hindi ko gustong pag-usapan kunng ano mang nangyari kahapon, Diego. Maliwanag pa sa sikat ng araw na dapat nga hindi kita hinawakan ng gano'n because I am just your secretary." Mariin siyang lumunok at tinitigan ang pagkain.

"I'm sorry..." Pinagkaabalahan niya rin ang pagkain. Ilang minuto kaming gano'n hanggang sa magsalita ulit siya. "Do you have plans for today?" Umiling ako. "We can buy some souvenir-"

"Hindi na, Sir. Kapag naman nakaipon na ako ay dito na ako titira sa Pilipinas." Kumunot ang noo niya.

"You won't stay in Singapore?" I shook my head.

"Some bad memories are in there. I'll stay here for good. We will buy a house and we are going to look for another work once we resigned." Tumango tango siya.

"Anong trabaho ang kukunin niyo ni Paula?" Kumunot ang noo ko rito.

"What? May sinabi ba akong si Paula ang kasama ko? I was talking about Caleb kapag kinasal kami." Nag-angat ang tingin niya sakin. I can see the anger in his eyes because of what I said. I arched my brow. "Why?"

"You're planning to get married?" Tumango agad ako.

I can say that I like Caleb. I mean, sinong hindi? He's a good man. Funny and sweet. At higit sa lahat, mahal niya ako. Noon niya pa sinasabi sakin 'yon.

"Of course! Hindi ko na nakikita ang sarili ko kasama ang iba maliban siya." Uminom siya ng tubig at hinidi na ako sinagot. Tinitigan ko siya sa gitna nang pag-nguya. "Ikaw? Kailan mo balak magpa-kasal sa girlfriend mong si Abigael Tiago?" Muntik pa akong umirap sa sinabi kong 'yon.

"I have no plans to marry her..." Ngumuso ako pigil ang ngisi pero kumakawala iyon. "Yet." Nawala ang ngisi ko sa dinugtong niya.

Nakita niyang nawala ang ngisi ko kaya nagkaro'n ng ngisi sa mga mukha niya na para bang nag-wagi siya dahil nawala ang ngisi ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko nang makita ang maganda niyang ngisi.

"Good luck with your marriage life." Uminom na rin ang ng tubig. "Excuse me."

"Crizia," Tawag niya sakin nang pagtayo ko.

"What?"

"Do you want to visit our penthouse?" Namilog ang mga mata ko. Penthouse? Yung tinuluyan namin dati? Niyayaya niya akong pumunta ro'n?

"For what?"

"In case you miss it." Ngumuso ako at saglit ring napa-isip.

I only have good memories with that penthouse so I think there's nothing wrong with that. Isa pa, miss ko na rin ang penthouse na 'yon.

"Okay. Maliligo lang ako." I was about to turn around nang may maalala ako. "Kailan pala tayo uuwi ng Singapore?"

"I don't have plans to go back to Singapore yet." Natulala ako saglit sakanya. Pano 'yon? Wala na akong mga damit!

"Uhm, okay... Maybe I'll just buy some clothes..." Nag-angat siya ulit ng tingin sakin.

"We'll buy." Tumango ako. Aarte pa ba ako? May sasakyan naman siya at malay natin baka ilibre niya ako ng damit kahit kaka-sweldo ko lang.

Naligo ako at nag-suot ng simpleng kulay itim na dress. Napanguso ako nang makitang may natatanggal na buhok sakin dahil sa bleach! Hindi naman 'yon yung first time kaya hindi ko na pinansin.

Paglabas ko ay saktong paglabas niya. Napatingin agad siya sa suot ko kaya nanliit ang mga mata ko. Konti na lang iisipin ko na may gusto na siya ulit sakin pero mas pinili kong isipin na bakla siya.

"Let's go?" Tanong niya. Mukhang naligo rin siya at nagmamadali dahil hindi pa nakatupi ang button down shirt niya.

Hindi naman siya ganito kabagal dati. Siguro dahil sabay kaming naliligo noon. Umirap ako bago siya nilapitan. Normalize that never ruin this day because of what happened yesterday. Because a new day, new beginning!

"Ang bagal mo." Tinulungan ko siyang mag-tupi habang nakatitig naman siya sakin. "Stop staring at me." Inis kong sambit.

"I'm sorry." Nag-taas ako ng kilay sakanya bago siya pinakawalan.

"Akala ko binenta mo na ang penthouse..."

"I'll never do that. That was our first place." I avoided his gaze. I know. Hindi naman ako makakalimutin, 'no! Tandang tanda ko pa ang pangga-gago niya sakin.

"That's good."

"You look beautiful in that dress." Napangisi ako at naka-isip ng kapilyahan.

"I am more beautiful without it, Diego. We both know that." I winked at him while he groaned. Hinilot niya pa ang sintido niya sa sinabi ko. "Why?! Totoo naman, hindi ba?"

"I doubt that." Unti unti siyang napangisi. "I already forgot the sight of you without your dress..." Humakbang ito palapit sakin kaya halos matapilok ako! Is he crazy?! Bakit siya lumalapit sakin?! "Do you mind if I take off your dress so I could see how beautiful you are without it?" He whispered against my ear.

Kinilabutan agad ako. No way, Crizia! Hindi ka magpapatalo sakanya!

"No need, Diego. We can always call my boyfriend and ask him if I was telling the truth since lagi naman niya nakikita kung gaano ako kaganda kahit na hindi ko suot ang bestida..." Sumama bigla ang timpla niya kaya unti unting sumilay ang magandang ngiti ko.

One point for me and zero for Diego.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click