《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 20

Advertisement

"REALLY? WHAT'S the use of talking about the past again? I don't know, Diego. We are now both happy and we have our own lives. Ano pang saysay ng tanong mo na 'yan?"

I smirked. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang tanungin when it's already obvious. I still hate him. I have enough reason to hate him.

I hate to admit this, but I know to myself that I am still waiting for his reasons. Kahit na alam ko sa sarili kong walang mababago ay gusto ko pa ring malaman ang rason niya o baka naman... Baka naman talagang hindi niya ako minahal? Na he only wants to get inside my pants gaya ng sabi niya?

We were so happy. We were both in love. Pareho kaming busy lalo na siya pero nagagawa niyang isingit ang oras naming dalawa. I introduced him again to my parents as my husband, and he introduced me to his parents as his wife.

I finished college, we planned to have a baby. We bought a house. A mansion to be exact. We planned everything. Eight rooms ang binili namin para sa magiging mga anak namin.

See? We were so perfect. I couldn't wish for more because I have him.

Kaya hindi ko maalis sa isip ko ang totoong may iba pa siyang rason. If he wants to get inside my pants, dapat ay inakit niya na lang ako. Pinakasalan? Okay. Siguro para mas masiguro niya. Pero bumili ng bahay? Bakit pa?

If he only wants to go get inside my pants, hindi na siya mag-aabalang bumili pa ng bahay. O baka naman wala lang siyang magawa sa pera niya?

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. His eyes are closed to crying? He looks like he was ready to beg.

"I want to fucking explain myself, Zia. But I'm scared that it won't be enough reason for you." Garalgal ang boses niya. Gusto kong sampalin ang sarili dahil kahit sa konting pagka-garalgal ng boses niya ay kumirot ang dibdib ko.

Nag-init ang ilong ko kasabay ng munting luha na umangat sa mga mata ko.

Why am I feeling like this? Hindi na dapat!

"What was your reason, then?" Napakurap siya. Nanlalabo ang paningin ko pero hindi ko hinayaang pumatak ang mga luha ko.

"I'm sorry, I can't tell you yet." Iniwas ko ang sarili sakanya. Umatras ang mga luha ko sa sagot niya.

"Then leave me the fuck alone. Tandaan mo, nandito ako para sa trabaho at hindi para makipag-ayos sayo. Don't you ever open that topic again unless you're ready to spill your reasons."

Nilagpasan ko siya at pumasok sa kwarto na para sakin. But, he chased me! Sinundan niya ako!

Inis ko siyang nilingon. He's still topless for fuck's sake! Bakit siya pakalat kalat at bakit nandito siya sa kwarto ko?

"Bakit ba nandito ka? I told you to leave me alone, Diego!" Inayos ko ang plastic sa ulo ko.

"Crizia, I'm sorry-" I shook my head.

"I don't need your sorry, Diego. Umalis ka na lang sa harap ko. Wala namang magagawa 'yang sorry mo." Tinulak ko siya pero hindi ko siya matulak! "Ano ba!"

Advertisement

"Zia, I just want to say so-" Hinampas ko dibdib niya. Saglit akong natigilan nang marealized kong hubad nga pala ang isang 'to. Baka isipin niya minamanyak ko siya.

"A-ayan tuloy..." Biglang lumambot ang boses ko. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-ngisi niya. Lumikot ang mata ko dahil sa ngisi niya.

Hindi ko maiitanggi na gwapo talaga niya. Mas gwapo siya ngayon. Mas malaki ang katawan. His brown eyes are melting me. I mean, melting every woman. Kamukha niya konti ang sikat niyang pinsan na may-ari ngayon ng Rivera Empire.

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang bewang ko at hinapit ako palapit sakanya. Nag-ulap ang paningin ko nang lumapit ang mukha niya sakin? Is he going to kiss me?

"Seems like you're still affected..." Wala sa sarili akong napapikit nang dumampi ang labi niya sa leeg ko.

Bigla akong kinilabutan. I looked up to give him more access. He keeps kissing my neck habang mahigpit ang hawak niya sakin. Naglakad siya kaya napaatras ako.

"I missed kissing you." He whispered. "I always wanted to kiss you..." Napamulat ako.

Always wanted to kiss me? Pero may girlfriend siya kaya bakit niya sinasabi 'to? May girlfriend siya kaya dapat hindi siya naaakit sa iba. What's this? Inaakit niya ba ulit ako?

Sinama niya ba ako dito para ganituhin ako? Para may mangyari samin? This is all lies...

He only wants to fuck me. He wants to get inside my pants again! Hindi niya pa pinatawad ang plastic ko sa ulo!

Malakas ko siyang tinulak gamit ang natitira kong lakad at katinuan. I slapped him hard. He looks so shocked!

"Bastos ka! Hindi ka pa rin nagbabago. You only want to get inside my pants again, Diego. May girlfriend ka, diba? Ano? Did you miss my taste? Are you bored?" Natulala siya. He couldn't say at least one word. "I have a boyfriend, Diego. This is wrong. Being with you is so wrong."

"Crizia-"

"I'll book a flight tomorrow. Umuwi na tayo." Hinila ko siya palabas ng kwarto at mabuti na lang dahil nagpatianod siya.

I locked the door pagkalabas niya pa lang ng kwarto ko. Sinabunutan ko ang sarili sa sobrang inis. What was I thinking? And I have the guts to give him more access, huh?

"Boba ka talaga!" Then I slapped my face.

Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ako nagpadala?

Saglit akong tumulala bago naisip ang lahat. Mahal ko pa ba siya? No! Pero nagpahalik ako. Dapat may gawin ako.

I should give Caleb a chance. We should give it a try. I must. Para hindi ko na isipin pa si Diego. I must date Caleb for real.

I survived that night. I survived eating with him. Gano'n rin siya. Nagawa niya pang puriin ang buhok ko nang kumain kami kinagabihan. I told him that I booked our flight for today. Hindi naman siya umangal.

Tanghali ang flight na kinuha ko para may panahon pa kami para mamili ng pasalubong. Wala naman siyang pagbibigyan no'n kaya ako lang ang mamimili pero sasamahan niya raw ako.

Advertisement

Nakaligo na ako para sa pamimili namin, but seems like he's still sleeping kaya kinatok ko na. No response.

"Diego? Akala ko sasama ka?" Dinikit ko ang tenga sa pinto para marinig ang sagot niya. "Diego?" Biglang pumasok sa isip ko ang kung ano ano. Baka nag-bigti siya? "Diego, can I come?"

"Hmm..." Kumunot ang noo ko sa sagot niya. May sipon ba siya?

I slowly opened the door. Binuksan ko 'yon para lang mabungaran ang nakahilata niyang katawan sa malambot na kama. Nakakumot siya at kulang na lang maging lumpia.

"Uy?" Nilapitan ko siya. Nanghihina ang mga niya nang tignan ako. Napakurap ako dahil antok na antok 'yon. "Are you okay?"

"What time is it?" He tried to sit.

"Ah, 11 PM. Mamayang 3 PM ang flight natin, diba? Kaya mamimili muna ako. Sasama ka, right?" Tumango siya. Nag-iwas ako ng tingin sa hubad niyang katawan. He can't sleep kapag may shirt siya.

"Yeah. Give me ten." He shook his head para magising siguro.

Pinapanood ko siyang hinihilot ang ulo. He's not okay. I've seen him like this before. He's not okay. He's sick.

Hindi na ako nakapagpigil na lumapit sa kama niya para hawakan ang noo at pisngi niya. His cheecks are so red. Ang init rin niya! He's burning!

"You have a fever!" Nanlaki ang mata ko habang siya ay umiling.

"Don't worry, I can still go with you." He tried to smile pero umirap ako. He doesn't need to fake it.

"'Wag na." Nag-angat siya ng tingin sakin.

"No. I won't let you go alone. Sasama ako." He coughed. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi habang nakamasid sakanya. "Just give me ten." Tumayo ulit siya kaya tinulak ko siya pabalik at paupo.

"'Wag na, Diego. Hindi na tayo mamimili." Umiwas ako ng tingin sakanya nang tignan niya ako. "Pagpahinga ka na. Marami pa namang susunod na uuwi ako rito."

I am planning to live here say... 5 years from now.

"But-"

Humalukipkip ako at nag-abot ng palad sakanya. Tinitignan niya 'yon bago niya unti unting nilagay ang kamay niya sa kamay ko pero agad ko 'yong tinapon.

"Duh! I need your car key. Bibili ako ng gamot." Pigil ko ang tawa nang makitang medyo nahiya pa siya sa ginawa.

"Drive safely." Pagkaabot ng susi.

Pumunta ako sa parking at hinanap agad ang kotse niya. Pumunta ako sa malapit na drug store para bumili ng mga gamot at pati na rin thermometer at alcohol.

Bumili na rin ako ng mushroom soup sa malapit para lulutuin ko na lang sa hotel.

I drove back to the hotel. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali ako kahit na wala naman akong pake kung matigok man si Diego do'n.

I slide my card key. Nagpakulo ako ng tubig bago ko hinalo ang mushroom soup do'n. Dumiretsyo ako sa kwarto ni Diego pero nagulat ako nang bumungad siyang naka-towel lang! Naligo siya?

"Oh! Sorry!" Sinarado ko agad ang pinto. "Oh my, God! Kumatok ka muna kasi, Zia!"

Sa huli ay hinintay ko na lang kumulo ang soup. Nagsalin rin ako ng soup sa mangkok para sakanya. Bago ko pinasok ang kwarto ni Diego. He's sitting on his bed habang pinapatuyo niya ang buhok gamit ang towel.

"Hey," Bati ko. Dahan dahan kong nilapag ang soup sa harapan niya. Sa tabi no'n ay may kanin at tubig. May gamot rin. "Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot." Tumango siya sakin.

"Thank you." Ngumuso ako. Hindi ko na siya sinagot at nagpa-deliver na lang ng pagkain na para naman sakin.

I waited for it at nang dumating, kinain ko na 'yon. Bigla kong narealized na soup lang ang ginawang ulam ni Diego. Well, wala naman siyang gana kaya natural lang siguro 'yon.

Binalikan ko siya sa kwarto and now, he's sleeping again. Nag-ulap ang paningin ko habang nilalapitan niya. Umupo ako sa tapat niya dahil dito ang gawi niya.

"You must be really, really tired and stressed. Hindi ka naman madali magkasakit, e." I gently brushed his hair. "You should rest sometimes." I caressed his face.

I was looking at him for full thirty minutes until I decided to cancel our flight.

He can't go. He's sick. And I can't leave him here. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya rito gayong kailangan niya ako.

Hindi kaya nagkasakit 'to sa sobrang pagkabitin? Joke!

After I cancelled our flight, bumalik ako sa kwarto niya para bantayan siya. Malalim ang tulog niya kahit na hubaran ko siya ay hindi siya magigising.

I fell asleep while staring at him. Nagising ako while he is still sleeping! The nerve!

Niligpit ko ang pinagkainan niya bago ko siya binalikan. Pinisil ko ang ilong niya sakit bago ko naman pinisil ang pisngi niya para ipasok ang thermometer doon.

38.9

Shit! Mataas pa rin! Ano bang ginagawa ng lalaking 'to at biglang nilagnat?

Kinuha ako alcohol bago lumabas sa kwarto niya. Kumuha ako ng planggana. Nilagyan ko 'yon ng maligamgam na tubig at alcohol. Kumuha na rin ako ng small towel na ipapamunas ko sakanya.

Tinitigan ko siya na natutulog. I touched his hair again. Dahan dahan kong dinampi ang towel sa mukha niya, pababa sa leeg niya, sa dibdib, abs-t'yan! pati braso. Inisip ko kung pupunasan ko rin ba ang v-line niya.

Why not? I was his wife. Nakita ko na 'yan, natikman ko na rin.

But, no! 'Wag.

Umirap ako at unti unting binaba ang shorts niya. Kailangan kong punasan 'yon to make him feel better. Right, Crizia. You're just being so professional and you needed to do this because today, you are his nurse not his secretary.

I was about to put the towel on inner thighs when he suddenly grabbed or stopped my hand.

"What are you doing?" Muntik na akong mapaton sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang paos niyang boses.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click