《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 19

Advertisement

CRIZIA

"WHAT BRAND?" Kanina pa palakad lakad si Diego sa harap ko habang may kinakalkal sa phone niya. "Hey? What brand? I'll call someone who can drive the car at your condo in Singapore."

"Ha?" Natulala ako. Bibilhan niya talaga ako? "B-bilhan mo ako? Ngayon na?"

"Yeah. So, what brand and color?" Nalaglag ang panga ko.

"Nagbibiro lang ako kanina..." Mahinhing sambit ko, hindi pinapahalata na gusto ko talaga ng kotse.

"Well, I am not. So, name your brand and color." Umiling ako.

"Joke nga lang." Umirap ako sakanya. "Hindi pa ba sapat yung binilhan mo ako ng resort? Bibilhan mo pa ako ng kotse?" Nakabusangot ako sa harapan niya kaya hindi siya nagsalita. "Bibili na ako ng bleach."

"Wait, sasama ako."

Hindi ko na siya pinansin. Hinayaan kong bumuntot siya sakin hanggang nasa tapat na kami ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako before he jumped in so he can drive.

May malapit na convenience store kaya doon kami tumigil. Nag-park muna kami bago kami sabay na lumabas ng sasakyan.

"Ikaw? Gusto mo rin?" Tanong ko sakanya habang nakangisi. Kumunot naman ang noo niya. Umiiral ang pagiging masungit.

"No."

"Why? Don't you want red hair?" I chuckled before I grabbed the bleach power and oxidizer. Blonde na rin ang kulay na kinuha ko. Bumili na rin ako ng gloves.

"I'm contented with my hair, Crizia." I arched my brow before I glared at him. What does it mean? Na hindi ako kontento sa buhok ko porket magkukulay ako?

"What do you mean, huh?"

"Well, I- No. You're wrong, Zia. It's not like-" Inirapan ko siyang muli bago ako pumunta sa counter para magbayad.

"250 po, ma'am." Sabi ng babae. Nag-abot naman ako ng bayad sakanya. Hinintay kong iabot niya 'yon sakin bago ako lumabas ng convenience store, nakasunod naman si Diego.

"Can you do it? Bakit ayaw mong magpa-salon na lang?" Umirap ako nang magsalita si Diego sa harap ko dahil pinagbubuksan niya ako ng pinto.

"Of course, I can do it. Bibili ba ako nito kung hindi ako marunong?" Sumakay ako at hinintay siyang makasakay na rin.

"Paano kung hindi mo abot ang ilang buhok mo?" Napa-sentido ako. Bakit ba pinoproblema niya ang buhok ko?

"Then what's the use of you? Tutulungan mo naman ako kung hindi ko abot, hindi ba?"

Ngumuso ako nang magmaneho siya at hindi ako pinansin. Nanahimik na lang ako dahil mukhang medyo wala siya sa mood. At siya pa ang may ganang mawalan ng mood? Nagbasag nga siya kagabi e.

"Don't use your phone while driving." Inis na sabi ko dahil kinakalikot niya ang phone niya.

"What's your account number?"

"Ha? Bakit?" Bigla akong kinabahan. Uutangan niya ba ako? "Mangungutang ka?"

"What?" Kumunot ang noo niya kaya nakumpirma kong hindi nga pala siya mangungutang sakin dahil nga bilyon ang pera ng isang 'to.

"Joke...?" Awkward kong sabi.

"I'll put your salary." Nanlaki ang mata ko. Kinuha ko agad ang phone ko para makita kung anong date ngayon. Katapusan na pala! Sweldo ko na! Pero bakit siya ang gagawa no'n?

"Bakit ikaw-"

"Kapag iba ang nag-asikaso nito, matatagalan. Ayaw mo bang makuha ang sweldo mo?" Napalunok ako. Syempre gusto. Gustong gusto ko.

"Gusto..."

"Then put your account number here," Binigay niya sakin ang phone niya. Dahan dahan ko 'yong kinuha at nilagay ang account number ko.

Advertisement

Ngumuso ako. Nakalimutan ko kung magkano ang sahod ko pero hindi naman kuripot ang isang 'to. Siguro as his ex-wife, dadagdagan niya.

Ilang sandali nga lang ay nag-text na ang bank sakin na may dumating na 60,000. Sweldo ko this month?!

"Diego, 60k?" Gulat kong tanong.

"Yeah." Tumango ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magreklamo o ano. Hindi ko din naman kasi maalala kung magkano ang sweldo ko kaya wala akong side comments.

"Salamat." Hindi niya na ako pinansin.

...

Pagkauwi na kami sa hotel ay naihanda ko na din ang pang-bleach ko. Pumunta ako sa living room at doon nagdesisyon na mag-bleach pero biglang sumulpot si Diego na nakahubad ang pang-itaas.

"Oh?" Nagtaas ako ng kilay.

"I'll help you."

Hindi ko siya pinansin at yumukod na lang para kunin ang cup at pang-bleach para mahalo ko na ito nang biglang pumwesto si Diego sa likod ko. Namula ang pisngi ko sa pwesto namin kaya umayos ako ng tayo at hinarap siya. Is he nuts? Kita namang nakatuwad ako pero pe-pwesto siya sa likod ko?

"Ano ka ba?!" Gigil na tanong ko nang humarap ako sakanya. Nagtaas lang siya ng kilay at parang walang pake nang bulyawan ko siya.

"What did I do?" he shrugged, looking so innocent, but he's not. Tigang siguro ang isang 'to kaya mukhang ako ang pinagiinitan. Adik.

"What did you do? Bakit nasa likod kita kung kailan yumuko yuko ako rito?" Iritado ako dahil mukhang wala lang sakanya ang pinaglalaban ko dahil sa kagagahan na ginawa niya.

"And?" Saglit na bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya niyakap ko ang sarili kaya umangat muli ang tingin niya.

"Anong 'and'? It was a sex position, Diego! Hindi mo dapat ginawa 'yon. You are my boss and I am your secretary!" Umawang ang labi niya pero kalaunan ay nagpakawala ng mahinang tawa. Why is he laughing?

"Sex position? That was so uncomfortable when you're bending like that," Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako sa sofa. Hindi ako nakagalaw nang paluhudin niya ako mismo sa ibabaw ng sofa bago niya diniin ang sarili sa likod ko. "This is the sex position that you are pointing, Zia. Hindi yung kanina. We tried this years ago, right?" Lumambing bigla ang boses niya sa tenga ko.

Natauhan ako kaya dali dali akong umalis sa sofa. Namumula ang pisngi ko sa hiya at pati na rin sa pangaasar niya!

"Bastos mo, ah! Tigang ka ba, ha?! Sana yung girlfriend mo na lang ang sinama mo at hindi ako para hindi ka lumalandi sakin ng ganyan! Halata namang gusto rin ng girlfriend mo na ganunin mo siya!" Nanggagalaiti ako sa inis dahil sa ginawa niya.

"I don't want to have a vacation with her. Stop pushing me to be with her when I only want is to be with you." I laughed sarcastically. Baliw ang isang 'to.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka biglang lumagapak ang kamay ko sa mukha niya. Naramdaman ko naman siyang umupo sa sofa habang naghahalo ako ng bleach powder at oxidizer. Nang matapos ako ay hinarap ko na si Diego. Ayokong magpatulong sakanya pero wala naman akong choice dahil hindi ko abot ang iba.

"Lagyan mo na ako." Kinuha ko ang gloves bago ko inabot ang kamay niya. "Lalagyan kita ng gloves para hindi masunog ang balat mo sa bleach."

Advertisement

"Sure." Masaya niyang pinaubaya sakin ang kamay niya. "Take it slow, it's okay." Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay mas binilisan ko ang paglalagay ng gloves sakanya at mukhang hindi siya masaya.

I brushed my hair bago ako pumwesto sa harap niya. Pumunta siya sa kanang bahagi ko dahil mukhang 'yon ang uunahin niya.

"Marunong ka ba?" May bahid ng pang-aasar ang tanong ko dahil hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang buhok kong itatabi niya. "Diego? Can you do it?"

"Of course, I can. Wala akong bagay na hindi kayang gawin." Pagyayabang niya pa. Hindi ko napigilang umirap at sumagot sa pagyayabang niya.

"Meron kaya." I chuckled. "Alam mo kung ano? That is you can't keep your promise. 'Yon yung hindi mo kayang gawin." He tightened his hand dahil lumabas ang mga ugat do'n. Hindi ako takot na masuntok niya dahil hindi naman niya ugaling manakit physically.

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko. He worked with my hair while I watch Netflix. Minsan ay napapadaing ako sa sakit dahil nasasabunutan niya ako ng wala sa oras.

"I'm sorry." Sambit niya nang dumaing ako dahil sa pagkakahila niya sa buhok ko. "Does it hurt so bad? Malapit na 'to." Umiling ako.

"Okay lang." Bumuntong hininga ako sa sobrang bored. Ilang sandali lang ay natapos na siya at binalot niya ang ulo ko sa plastic! "Hey!" Reklamo ko.

"What? Wala kang binili na pang-balot sa ulo mo kaya 'yan ang gamitin mo." Gusto ko siyang hampasin pero inisip ko na lang na boss ko siya. He's my boss and he's only doing me a favor that's why he's doing this.

"Thanks." Labag sa loob kong sabi.

"45 minutes raw." Binasa niya kasi ang nakasulat. "I'll wash these. Change the movie." Utos niya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ay palitan ang movie na pinapanood ko sa Netflix. Bigla kong naalala si Paula kaya naisipan kong tawagan siya.

["Yes? Kamusta dyan? May baby na ba?"] Bungad niya kay agad kong pinagsisihan ang pagtawag sakanya.

"Stop it." Mariin kong sambit habang tinatanaw si Diego. Takot na baka marinig niya ang sasabihin pa ni Paula.

["Ito naman, hindi mabiro. Sobrang seryoso, ah? Anyways, kailan ka uuwi? I mean, kayo? Yung girlfriend n'yang asawa mo pumupunta lagi dito. Wala bang alam 'yon kung nasaan kayo?"] Biglang kumulo ang dugo ko. Kapal ng babaeng 'yon, ah!

"Hindi ko alam at wala akong pakielam. Hindi ko rin alam kung kailan kami uuwi. Sasabihin kong bilisan namin dahil baka mabaliw pa ako kapag nagtagal kaming dalawa lang rito." Naalala ko tuloy yung pagbabasag niya kagabi.

["Ay, bakit? Anong ganap? Closure na ba?"] Natahimik ako.

Hindi ko matatawag na closure yung isang araw na hiningi ko kay Diego noon. Tinawagan ko pa kasi siya kahit nakalipat na siya ng bahay para humingi ng isang araw. Hindi ko alam kung closure ba 'yon dahil never naman niyang sinabi ang rason niya. Until now, wala.

And after what we did that night, I left him.

"Walang gano'n, Paula." Hindi ko na napigilan ang pagka-dismaya sa boses ko.

["So, gusto mo ng closure? Uhm, there's nothing wrong naman. It's been 5 years."] Biglang bumalik si Diego na nakahubad pa rin kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Hindi ko alam, Paula. Past is past. Anyways, anong gusto mong pasalubong? Madami akong baong kwento." Pinilit kong humalakhak dahil umupo na rin si Diego sa tabi ko.

["Kahit ano! Ay, nga pala, tumawag yung bebe mo."] Bebe? Wala naman akong bebe pero meron akong pretending bebe na si Caleb.

"Anong sabi ni Caleb?" Pasimple kong tinignan si Diego na napalingon na rin sakin. What are you looking at? Chismoso!

["Tinanong kung nasaan ka! Bakit ba kasi hindi mo sinabi sakanya?"] Napa-sentido ako.

"Bakit ko naman sasabihin sakanya?" Muntik ko nang malunok ang dila ko nang maalala kong nandito nga pala si Diego at alam niya ay alam ni Caleb na magkasama na kami! "I mean, nag.. nag-away kami kagabi." Palusot ko dahil hindi na matanggal ang tingin ni Diego sakin.

["Oh? Bakit kayo nag-away? What's the tea?"] Umirap ako.

"Mahabang kwento. Pag-uwi namin, ike-kwento ko sayo. Nagpunta ka ba sa condo ko? Baka may multo na do'n dahil walang tao." I changed the topic because this man beside me didn't do anything but to stare!

["Hindi pa. Busy pa 'ko, Mars. Alam mo namang makulay na ang love life ko ngayon."] Napangiti ako nang maalala na may boyfriend nga pala siyang kano.

"Baka naman magkalaman bigla 'yang t'yan mo?" Pang-aasar ko dahil mukhang active ang sex life nito.

["So, what? Maganda ang lahi namin, 'no! Naiinggit ka lang, e! Tutal, magkasama naman kayo ng asawa mo, manghingi ka na ng baby dahil hindi ka naman nabigyan n'yan ng baby dati."] Panggagago niya kaya nalipat ang tingin ko kay Diego.

"Siraulo ka. Wala pa 'kong balak mag-anak." Napatingin na naman si Diego sakin.

["Weh?"] Umirap ako sa kawalan dahil sa kagagahan ng babaeng 'to.

"Oo nga, bruha ka. Hindi pa kami ready ni Caleb na magka-baby. Gusto kong unahin muna namin ang bahay." Humalukipkip ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na nawawala na ang magandang mood ni Diego kaya mas ginanahan ako. "But, we can still manage to enjoy each other in bed." Humalakhak ako.

Mukhang nasagad ko si Diego dahil tumayo ito at pumuntang veranda. Bigla akong kinabahan ulit dahil baka bigla na siyang tumalon at ako pa ang may kasalanan.

Nagpaalam na ako kay Paula para mas mabantayan ko ang kilos ni Diego. Nang mababa ko ang telepono ay biglang bumalik si Diego sa tabi ko at tumitig sa TV kung saan nanonood kami.

Akala ko okay lang ang lahat. Akala ko hindi siya magsasalita. Akala ko hindi ito magiging awkward para samin pero akala ko lang pala dahil biglang umimik ang hinayupak na ito na nasa gilid ko.

"You're still mad at me, aren't you?" Bumaling ang tingin ko sakanya na dapat ay hindi ko na lang ginawa dahil biglang nabuhay ang galit ko sakanya.

"You think so?" I laughed sarcastically.

"If you only knew what was my real reason..." I gritted my teeth because of anger. I want to slap him. Anong pinaglalaban niya? Ang rason niya? I'm done waiting for his reasons! Mahigit limang taon ko na hinintay ang rason niya pero wala akong napala.

"Malaman ko man ang rason mo, may magbabago ba? Wala. Wala na." Tumayo ako sa inis.

"You're still mad."

Oo, kahit lumipas na ang limang taon ay galit pa rin ako. Galit na galit pa rin sa ginawang mong pang-iiwan sakin kung kailan kailangang kailangan kita.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click