《You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]》CHAPTER 6

Advertisement

"INGAT KAYO, HA. Diego, aalis ang kaibigan ko dito nang mag isa, dapat uuwi rin 'yan dito nang mag isa. Baka pag-uwi niyan, busog na." Napakunot ang noo ko habang tumawa naman si Diego.

"Don't worry. I won't take advantage."

"Bye, Paula." I kisses her cheek bago tumalikod sakanya. Hindi ko gets kung anong pinupunto niya.

"Zia!" Hinila ako pabalik ni Paula. "I know something is going to happen tonight pero please! Magpigil ka or at least use condom. 'Wag ka munang maging nanay. Lagot ka!" Ngumiwi ako.

"What are you talking about? We're not going to do that."

"Hindi mo sure. Ah, basta! Ingat kayo." I just nodded.

Nakita kong nilagay na ni Diego ang gamit namin sa backseat kaya sumakay na rin ako. Nauna siyang magising kanina kaya nagkaro'n siya ng time kumuha ng damit sa tinitirahan niya.

"Want some food?" He suddenly asked. This is so awkward. Nagkiss lang naman kami! hello?

"Chips." Sagot ko.

"Am I making you uncomfortable?" He asked while driving. Siguro dahil nahalata niya ang pagiging tahimik ko.

"Nope. Kakagising ko lang kasi and I am not in the mood the talk." I lied. Ang totoo n'yan, nahihiya talaga ako! We kissed last night! At ngayon, mas lalo siyang pumogi sa paningin ko! Ginayuma niya kaya ako?

"I'm sorry about the... uh, kiss. I know it makes you uncomfortable." Ngumiwi siya kaya napangiwi rin ako.

"Ha? No, uhm... Nahihiya lang ako." I said.

"I know." He smirked kaya sumilay rin ang ngiti ko. Oh my gosh. Am I falling? Gosh!

I shook my head. Bakit parang ang gwapo niya ngayon? His face. He looks fresh! Basta ang pogi niya! Ang gwapo niya ngayon. I mean, basta mas pogi siya ngayon.

Habang nasa byahe kami, I received a message from Paula.

From : Paula

Putangina, bes! Yung investment na sinalihan ko tinakbo yung funds! Pukingina hoy! Yung 1k ko! Sakit!

My eyes widened so bad. Ito yung pinagmamalaki niya sakin. Wala pang three weeks 'to, ah! I said no pero hindi siya nakinig. I know na masakit 'yon sakanya kahit magkano pa 'yon because we can't easily earn money tapos itatakbo lang nila. Nasaan ang awa?

To : Paula

I told you! I told you so many times na 'wag kang maglalapag ng ganyan kalaki! Now, you are crying and I am not there to be your tissue! I hate you! Hintayin mo 'ko bukas. We will talk.

Now, mas lalo akong na-frustate. Masakit 'yon of course. Alam ko ay last money na 'yon ni Paula. Masyado kasi siyang nagtiwala roon. Sure naman akong hindi niya hahayaang palitan ko ang pera niya dahil sinisisi niya yung sarili niya. I know.

"Hey, are you okay?" Diego asked. I shook my head bago nangilid ang luha ko. Imagine kung ako ang nasa kalagayan ni Paula, masakit din 'yon sakin. Kahit 50 pesos pa 'yan. "Why?"

"Na-scam yung 1k ni Paula. Tinakbo yung funds! Last money na 'yon ni Paula. Ang sakit lang. Kung ako 'yon ay hindi rin ako makakatulog." I wiped my tears. Paano kung hindi nag-take ng risk si Paula? Siguro hindi siya nasasaktan.

"The fuck? Who?"

"I don't know! Maybe the founder's account was dummy." Napailing ako.

"We'll do something." Pagkatapos no'n ay kumaliwa siya at huminto sa harap ng 7/11. "Gcash, right?" He asked so I nodded.

Advertisement

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinama sa loob ng 7/11.

"Gcash, cash in." Sabi niya sa lalaki sa harapan. My eyes widened.

"Diego, 'wag na." Sambit ko. "Nakakahiya,"

"I don't want you to feel bad for not stopping your friend." He kissed my forehead. Nag-abot siya ng card sa lalaki. "Put her number and her name here." Binigyan niya ako ng papel. I licked my lower lip and put Paula's gcash name and number.

"Kapag nakaipon kami, magbabayad kami agad." Sambit ko. "1k lang yung nakuha sakanya bakit---"

"To make her feel better. Tell her to calm down now. Abuloy na lang ang 1k na ini-scam sakanya." Napangiti ako. He's so kind. "10k cash in." Nag-iwas ako ng tingin habang naguusap sila about do'n. "Let's go." Hinawakan muli ni Diego ang kamay ko papasok sa kotse. "Are you okay, now?" He asked.

"Thank you..."

Wala pang isang minuto ay nakita kong tumatawag na si Paula.

["Hoy! Hahahaha! May dumating na 10k sa gcash ko, oh my gosh! Kung sino man siya, may the Lord bless her/him!"] Napangiti ako. Now she's happy.

"It was Diego." I said.

["What?!"] Gulat na gulat siya.

"To make you feel better. Don't worry too much. Isipin mo na lang na kaya nawala 'yon sayo is dahil may kapalit o kung nawala 'yon sayo and walang kapalit, maybe it's your karma and it's not yours."

["Thank you so much, Zia. Pasabi kay Diego na salamat talaga. Promise hindi na ako sasali sa investment na ganito para hindi ako nasasaktan."] I nodded.

"Yes. Be contented. Magtrabaho ka na lang kesa mag ganyan ka. Walang legit investment, 'no."

["Yes. I'm so sorry."]

"It's okay. 'Wag mo na isipin 'yon, ha. I love you. I'll hang up now."

["I love you too! Ingat kayo! Diego, thank you!"]

I know na kahit napalitan na ang pera niya ay nalulungkot pa rin siya. Sinong hindi? Iba pa rin yung perang iyo talaga. I closed my eyes.

'Lord, kung sino 'man po ang founder na 'yon, I know na makakarma siya. Take it slow.'

"Hungry?" He asked.

"Yeah, you?" Umayos ako ng upo.

"Yeah. Let's drive thru." I smiled and nodded. "What do you want?"

"Hmm. Just coffee and burger will do." I said while looking at the menu. "Ikaw?"

"Two order of coffee and burger." Sambit niya sa babae sa loob. I arched my brow. Para siyang pinipilipit sa kilig ah. Is she happy? Hmm? Masaya na siya n'yan?

"O-okay po, sir." Umiling ako. Why is she flirting? Sa gitna pa talaga ng trabaho! "Yun lang po ba? Or baka may gusto pa kayo? Hehe."

Hehe?

"None." Simpleng sagot ni Diego.

"Saan tayo mag-i-stay do'n?" Tanong ko nang marealized na hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagdating sa Tagaytay.

"Hotel. Is that okay with you?" Tumango ako. Syempre okay lang sakin.

Nang iabot samin ang pagkain ay nagawa ko pang irapan ang babae! Oh! I'm being warfreak, ha. Am I jealous? No? I mean, bakit ako magseselos?

I told him that I will sleep and he said yes so I sleep immediately. When I woke up, we're in Tagaytay. In front of a grand and beautiful hotel. Diego's talking with someone over the phone outside the car.

Advertisement

I wiped my mouth in case may laway akong bigla na lang tumulo. Inayos ko rin ang buhok kong mukhang hindi naman nagulo. I was about to grab the water nang biglang sumulpot si Diego.

"Hey." Bati niya. Siya na ang nag-abot at nagbukas ng water bottle ko. "Just woke up?" I nodded while drinking.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Tanong ko na may halong inis.

"Lalim ng tulog mo. I can't wake you up." Hinaplos niya pa ang pisngi ko. "Let's check in." I bit my lower lip and nodded.

Lumabas na rin ako ng sasakyan at binuksan ang backseat para kunin ang iba pa naming gamit at ganon rin siya. He doesn't want me to carry anything pero hindi ako nakinig. Hindi naman pwedeng siya lang ang magbubuhat.

"Good morning, sir, ma'am. Welcome to our Hotel." Bati ng babae sa harapan.

"Two rooms of presidential suite." What?

"Diego?" I asked. Two presidential suite? Bakit? Dalawa lang naman kami. Hindi na kailangang dalawang kwarto. "Just one." I held his arm. Sumunod ang tingin niya do'n at parang galit.

"Two presidential suite po?" Tanong ng babae sa harap. I shook my head.

"One presidential suite. Salamat." Tinignan ko ang tahimik na si Diego. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Tahimik lang din siya nang bayaran niya 'yon hanggang sa makasakay kami sa elevator.

"Okay ka lang?" I asked.

Tumingala siya at mukhang hirap na hirap. "One presidential suite..." Napapikit pa siya.

"Yes. May problema ba?" He looked at me. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Why is he looking at my lips?

"Wala." Then he kissed my forehead.

"Are you sure?"

"Yes, Crizia." Tumango ako at napakurap.

"Okay. Just tell me know if you're uncomfortable." He laughed bago ako akbayan papunta at papasok sa suite namin. And here! Just one bed. What the hell?

"I told you." Sambit ni Diego bago kinuha ang dala ko. The suite is beautiful. Maganda ang view pero isa lang ang kama and that's making me uncomfortable.

"It's okay..." Nilagay ko sa kama ang bag na dala namin. "I'll fix our clothes. Magpahinga ka na muna." Sambit ko. Kanina pa siya nagmamaneho kaya alam kong pagod siya. He needs energy for later.

"You sure? I can help you." Umiling ako.

"I can do this. Just calm your ass and relax, hmm? Magpahinga ka na." He chuckled bago magtanggal ng sapatos.

"Is it okay if I take my shirt off?" Napatanga ako sakanya. "I can't sleep with my shirts on."

Pero kagabi nakatulog naman.

"O-okay lang." I tried to smile.

Iiwas naman dapat talaga ako ng tingin. As in iiwas naman, but he took off his shirt, and wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumulala at maglaway sakanya! Gosh. He's so sexy. Ang ganda ng katawan niya those abs! Sobrang ganda lang talaga. His eight pack abs!

"Any violent reaction?" He asked. I shook my head bago umiwas ng tingin.

"Matulog ka na."

"Yes, ma'am." Tumawa pa siya. Hindi ko na siya nilingon dahil na-busy ako maglagay ng damit namin sa closet. Although hanggang bukas lang naman kami.

I opened his bag. Namula agad ang pisngi ko nang sa bandang kaliwang bahagi nito ay ang underwears niya. Nakakahiya man, but I chose to put his underwears inside the closet.

Then when I looked at him, he's sleeping. Nakadapa at nakayakap sa unan. The bed looks small because of him. His powerful back makes me tremble.

"So sexy." I chuckled before I dialed Paula's number.

["Zia! Nasan na kayo?"] She asked. Mukhang excited siya.

"We're here in our suite. Diego's resting pa kasi mahaba din ang minaneho niya." I said. I heard her laughs. "What's so funny?" I asked.

["Wala lang. So, saan kayo pupunta after?"] Napaisip ako. I want to swim.

"Maybe swimming? Anything I want." I shrugged.

["Hala! Sana all. Magpahinga ka na rin. I think mas kailangan mo rin ng pahinga for later."] Humagikgik pa siya kaya napailing ako.

"Stop. I'll end this."

Natulog naman ako kanina kaya hindi na ako inaantok. Maybe I should order some food? Para pag nagising siya ay may food na.

I looked at Diego. Kinumutan ko siya in case na may manilip sakanya. I flipped my hair before I grabbed my wallet.

Pumunta ako sa restaurant nitong hotel. It's embarrassing, huh. Mag-isa lang kasi ako ang madami nang kumakain for their breakfast.

Umupo ako sa bakante at naghintay ng waiter, but hindi waiter ang lumapit sakin.

A handsome man with cute dimples.

"Hey, alone?" He asked. He's wearing a color maroon button down shirt with fitted black pants. Hapit na hapit 'yon sa legs niya kaya kitang kitang ang muscles no'n. He's also wearing a sunglass.

"Ah, yeah." I shrugged. Totoo naman dahil 'yung kasama ko ay tulog.

"Do you want to go with me?" Napangiwi ako. He's flirting, what the hell.

"I'm not that kind of girl, mister." I rolled my eyes. "I have a boyfriend." Kahit naka-sunglass siya ay nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin.

"You look young." Hindi ako sumagot. "How old are you?" I licked my lips.

"Why are you asking?" Mataray kong tanong.

"Is it prohibited to ask?" Nakangisi pa siya.

"Fine. I'm 21." I answered honestly.

"Damn. I like your age. Fresh." Napailing ako. "Your boyfriend is lucky, huh." He laughed bago ako pinasadahan ulit ng tingin.

"Stop looking at me. You're making me so uncomfortable. It looks like... Minamanyak mo 'ko." Inis kong sabi.

"Oh! Kakabalik ko lang sa Pilipinas, manyak na agad." Napatango siya. "I'm looking for someone, miss. Don't worry I won't... Bite you." Ngumisi siya muli.

"Shut up." I said.

"What's your name?" Kumunot ang noo ko.

"Why—”

"Crizia."

My eyes widened when I saw Diego behind him. Wearing his sweater and fitted pants. His hair is messy pero bagay sakanya.

"Diego," Tumayo ako at pumunta sakanya. "I was just doing a little chitchat with him." Sabay nguso ko sa lalaking tumayo na rin ang humarap.

"Oh..."

Tinanggal niya ang sunglass niya kaya nasalo ko ang kulay brown niyang mata. Ngumisi siya samin kaya nasilayan ko ang maputi niyang ngipin.

"Long time no see, Diego." Natigilan ako. Kilala nila ang isa't isa? "What's up, cousin?" Huh?!

"Jackson." Diego said while looking at... Jackson.

Paula is me. Na-scam ako nitong week lang pero naniniwala akong time can heal the pain :)) so, Tesoros, never invest. Wag papaakit. So, I'm moving on thru writing. Baka bigla kong mailabas si Spiro ng wala sa oras.

    people are reading<You Were Mine [ Billionaire Series #3 ]>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click