《It All Started With a TESTPAPER》CHAPTER 4: TERENCE

Advertisement

Chapter 4

Gumising ako nang may ngiti sa labi. Dali-dali akong naghilamos ng mukha saka nagtungo sa kusina nang nakangiti pa rin.

"Blooming ang anak ko ah," napatigil ako sa pagngiti dahil nabanggit niya ito.

Shocks, halata ba ako? Tinignan ko si mama na pangiti-ngiti lang nag lalagay ng mga plato sa lamesa.

Kumuha ako ng baso saka nilagyan ng tubig at ininom.

"Siya ba 'yong bisita mo ngayon?" Napaismid ako dahil sa narinig ko.

Bisita?

"Anong bisita, ma?" Kunot-noo kong tanong. Nilibot ko tingin ko at nakita wala namang ibang tao bukod sa aming dalawa.

"'Yong dahilan ng mga ngiti sa labi mo."

Napangiwi ako. Mama naman 'e! Lumapit ako sa kaniya at umupo sa misa.

"Iyang bisita mo pala sobrang bait, 'no. Akalain mong nag igib pa siya ng tubig tapos siya yung namalengke anak. Gusto ko na siya para sa'yo. Marunong rumespeto saka ang gwapo—-"

"Sandalee, ano bang bisita pinagsasabi mo ma? Sino?" Pagputol ko sa kaniya kasi nagugulohan ako. Baka mayroon siyang nakikita na hindi ko nakita 'e. Ang creepy!

"Ako." Awtomatiko akong napatayo at humarap sa kung sino ang nagsalita. Nanlaki mga mata ko nang makita si Tristan na naka t-shirt na itim at short, naka messy wave ang buhok at fresh na fresh ang mukha!

"Oh, ayan na pala siya eh. Halika dito. Sorry anak ha, inutusan ko kasi bisita mo na bumili ng toyo. Halika, nak," natatawang ani ni mama habang kinakawayan niya ito. Inabot naman ni Tristan ang toyo sa kaniya at ngumiti.

Grabe, nakakahiya si mama! Inutusan pa talaga?????? Toyo? Seryoso?! Tapos, anong anak? Teka!

"Sorry kung medyo natagalan po. Hindi ko pa po kasi kabisado ang lugar eh," magalang na sagot ni Tristan a bahagyang napakamot sa ulo. Ang cute lang.

Kinuha ko kamay niya saka kinaladkad siya papuntang sala.

"Bakit ka andito?" Eksena ko kaagad nang medyo malayo-layo na kami kay mama. Nako, sigurado kasi na kukulitin ako ni mama ikwento about sa amin.

Ngunit tinignan niya lang ako at ngumiti.

"What?" I asked again.

"Have you forgotten the topic we talked about last night?" Napataas kilay ko. Aba! Kapag si mama kausap, sobrang inosente at baby boy pero pagdating sa akin, english?!

"Ano ba pinag-usa—-" Napatakip ako nang bibig nang maalala ko ang topic namin kagabe.

Shocks! Tinotoo niya talaga! Eh, hindi ko naman sinabi sa kaniya address namin eh. So paano niya nalaman?

"Kasi manliligaw mo ako? Kasi gusto kong makita ka? Kasi miss na kita?" Balik na tanong niya sakin na siyang ikinamula ng pisnge ko.

Napatingin ako sa kusinan nang narinig kong umubo si mama. I face-palmed.

"Hindi lang naman ikaw 'yong nililigawan ko 'e, I am also courting your mom. I want to get her heart first so that no one can take you away from me," he continued.

Advertisement

Napasipol ako nang wala sa oras. Takte, ayokong ngumiti sa harap nito.

Iniwas ko lang tingin ko at nang hindi ko na kinaya ang pagcontrol ng ngiti sa aking mga labi, ay tumakbo na ako papuntang CR. Bwesit! Bakit may pa gano'n siya lagi?

Natapos na kami kumain at habang nasa kwarto ako sa taas ay dinig na dinig ko ang tawa nilang dalawa ni mama. Seems like they are already close, huh. No doubts, magaan talaga pakisamahan si mama.

Bumaba na ako matapos maligo at nakita ko na lang na siya na mag-isa sa sala. Magsasalita na sana ako ngunit biglang tumunog cellphone niya sa kadahilanang naagaw ang atensyon nito.

Kita sa mukha niya ang pagkagulat, nang pinatay niya na ito ay tumingin siya sa akin at napangiti nang maliit.

"I'm sorry, Aria. I'm leaving. Importanti lang, see you tomorrow. Magsisimba tayo." Kinuha niya mga kamay ko at hinalikan ito. Pagkatapos ay tumakbo siya palabas at dali-daling sumakay sa kotse at umalis.

Takte, nagpabango pa naman ako nang bonggang-bongga.

Pero ano kaya ang nangyari?

Teka, asan si mama?

"Maaaaa?" Tawag ko pero walang may sumagot.

Nilibang ko na lang sarili ko manuod ng TV hanggang sa gumabi at nalaman ko na namalengke pala si mama. Nagluto siya at tama nga ako, hindi ako nakaligtas sa tukso nito. Buong gabi lang kami nagku-kwentohan ni mama, kinwento ko sa kaniya ang nangyari. Detailed talaga. Para rin siyang si Abby, sobrang kinilig. Napag-alaman ko na high school niya rin nakilala si papa. Hindi niya na pinagpatuloy pa dahil bigla siyang naiyak at nagkulong sa kwarto.

I never had the chance to meet my dad. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanilang dalawa at hindi naman ako interesado dahil alam kkng may tamang oras naman ang eksplinasyon ng lahat. I trust my mom. Sasabihin niya 'yan kapag okay na.

Kinaumagahan ay hindi nga ako binigo ni Tristan. Nagtext siya na papunta na siya. Kaya minadali ko naman ang paghanda ko. Nagdress na white lamang ako, nakatali buhok at konting pulbo saka liptint. Gano'n lang naman ako ka simpleng manamit, dahil bukod sa wala na akong pambili, wala naman akong fashion taste. Ang mahalaga ay may masusuot. Saka, magsisimba lang naman kami at wala naman plano pa mamaya kung ano gagawin namin pagkatapos ng misa.

"Maaa! Asan 'yong sandal ko dito?" Tanong ko kay Mama habang hinahanap sandal ko sa cabinet ng sandals sa labas ng bahay namin.

"Gamitin mo mata mo sa paghahanap, at hindi 'yang bibig mo!" Sigaw ni mama mula sa loob ng bahay. Tell me you have an asian mom without telling me that you have? That's it.

Napagalitan pa tuloy ako.

"Arf! Arf!"

Napaikot ako ng gawi nang may narinig akong tahol ng aso. Bigla naman akong napangiti nang may nakita akong shi-tzu na nagtatalon sa harap ko.

Advertisement

Sobrang cuteeeee!!!

Bakit ganito ka gandaaaaa! Aaaah, gusto ko rin 'to! Ngunit? sinong may ari ng aso na ito?

I was about to came nearer to him but he picked up my sandal then ran away from me.

"Hoy! Sandal kooo!" Sita ko saka hinabol siya palabas ng gate namin.

"Hoy aso ka, magnanakaw!!" Para akong baliw dahil pati aso pinagbibintangan ko pa. Sinirado ko muna ang gate bago siya hinabol.

Nakita kong pumasok siya sa kapitbahay namin kaya hindi na ako nag atubila pang tumakbo. Kapagod, jusko! Sobrang haggard ko na malaman.

Tinungo ko ang kapitbahay at nakita ang asong nilapag sandal ko.

"Arf! Arf!" Tahol ng aso sa lalaki na sa tingin ko ay ito ang kaniyang amo.

"Woah! Brownie! Whose sandal is this?" Tanong ng pamilyar na boses.

"Excuse meee, akin po ya-" 'Di ko na natuloy pagsasalita ko nang bigla siyang napasigaw at tumakbo sa akin at yumakap.

"Woah! Aria! Is this youuu?? You're so beautiful!" Manghang-mangha niyang bati sa akin nang makawala na siya sa yakap habang ako naman ay tulala pa rin sa kaniyang kagwapohan.

He is tall. Nasa balikat niya lang ako. He has dark skin that suits his black messy hair. Moreno siya. At ang brown na mata ang nagbibigay rin ng kagwapohan sa kaniyang mukha. Sobrang pamilyar ng features niya sa akin, pero hindi ko lang matandaan kung kilala ko ba siya dahil ngayon ko lang siya nakita ulit.

"Don't tell me, nakalimutan mo na ako. Nakalimutan mo na si Renceee boy mo." He said with a low tone voice.

Nanlaki mga mata ko.

Shocks! Si Terence? Ang kababata ko!

"Rence?! Tangina! Kailan ka umuwi?! Gago ka! NAMISS KITA! HALA!" Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon kaya niyakap ko na lang siya habang nagtatalon pa rin sa tuwa.

He was my only boy bestfriend slash favorite childhood friend! Sabay na kami lumaki dahil mag bestfriend din ang mama ko at papa niya. Kaya palagi siyang nasa amin noong bata pa ako. Then noong grade 6 lang kami nagkahiwalay dahil kinuha siya ng mama niya na nakatira sa states, broken family sila kaya doon siya nag high school sa labas which is sa mama na niya siya sumama dahil wala namang magawa si Tito.

"Grabe, masyado mo akong na miss ah! Kahapon lang. Bibisitahin nga kita ngayon actually pero hinanap ko si Brownie, inunahan na pala akong dumayo," natatawa niyang ani.

Kumawala ako sa yakap saka ngumiti sa kaniya. Ghad! Na miss ko talaga 'tong lalaki na to. Kinuha niya ang sandal ko sa loob saka tumakbo sa akin. Pinasuot niya naman kaagad sa aking paa. Lakas maka cinderella lang ang peg!

Tumayo siya at nginitian ko siya.

"Thank you, pero tara na! Matutuwa si mama 'pag nakita ka niya. Tapos sabay ka na lang samin mag simbaaaaaaa!" Sabi ko saka hinila siya papunta sa bahay.

Habang hila-hila ko siya ay napahinto ako nang makita ko si Tristan na kakalabas lang sa kaniyang sasakyan.

Nagulat siya at napatingin sa kamay namin ni Terence na magkahawak.

"Who's that?" Tanong nito nang nakakunot noo habang tinitignan si Terence ng masama.

Oh, oh.

Bigla kong binitawan kamay ni Terence saka lumapit sa kaniya.

"Ahm, Tristan si Terence nga pala bestfriend ko. Terence si Tristan-" 'Di ko natuloy sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Tristan.

"Soon to be his BOYFRIEND," saad nito saka hinawakan ang kamay ko.

"Nice to meet you pare," tanging wika na lang ni Terence saka inabot ang kaniyang kaliwang kamay sabay ngiti.

Habang si Tristan naman ay tinignan lang ito saka tumingin sakin. Kaya tinago na lang ni Terence kamay niya sa kaniyang bulsa habang ngumingiti pa rin. Napahiya tuloy siya, tsk tsk. Ayan, medyo nakakatakot siya sa part na 'to.

"Let's go?" He looked at me.

"Sure! Sama natin si Terence," masaya kong sinabi saka tinignan si Terence.

"Nako, date niyo pala 'yan eh. Okay na ako dito, next time na lang Deth!" Pagtanggi niya.

Sakto naman lumabas si mama na nakabihis at biglang sinalubong si Terence na may mga ngiti sa labi.

Ang ending, nakasama siya sa pagsimba namin at habang nasa byahe kami ay OP si Tristian. Out of place, awit.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang nakauwi na kami.

"Yeah, why?" He smiled at me. Pero alam kong pilit ito.

I shrugged. "Sandali lang ha, may meryende sa kusina, kukuha lang ako." Kaagad na tumakbo si mama sa loob at naiwan kaming tatlo sa labas ng gate.

Akward....

"Anyways, you better hang out with this family friend of yours. Don't worry about me, pakisabi na lang kay tita na mauuna na ako." He smiled.

Pumasok ito sa kotse at napatingin akk kay Terence na nakaiwas tingin din sa amin.

"Patay..." bulong niya.

Tinignan ko lang ang sasakyan ni Tristan na hindi pa rin umaalis. Laking pagtataka ko nang binuksan niya ang pinto saka lumabas muli.

"I'll stay. I changed my mind," diretsong sabi niya saka matalim na tumingin kay Terence.

Oh no, I smell jealousy here.

    people are reading<It All Started With a TESTPAPER>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click