《It All Started With a TESTPAPER》CHAPTER 2: KILIG
Advertisement
Chapter 2
"Kaloka ka, Aria ha! Haba ng buhok mo! Parang teleserye kanina!"
Natawa ako kay Abby dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naka-get over sa nangyari. Buti na lang nagbell kanina at nakawala kami sa pressure. Grabe naman kasi, kahit ako hindi ko akalain na mangyayari 'yon. Isang hamak lamang naman ako na slapsoil na nangangarap sa crush ko araw-araw, tapos mangyayari pala 'yong ini-imagine ko?
Enebe, ako lang 'to!
"Hoy, gaga, kilig na kilig pa rin?"
Tinignan ko si Abby nang masama. Si Abby 'yong tipo naman na babae na loka-loka. As in sobrang baliw. Kaya hindi na ako nagtaka kanina kung bakit siya pa 'yong halos atakihin sa puso dahil sa confession. Pero kahit ganoon siya ka sadista, boring araw ko kung hindi ko siya kasama. 'Yon lang, sasakit balikat mo kakahampas kung kinikilig siya na kasama mo.
"Oh, ano na nga isasagot mo kay Tristan? Natameme kana ah!" Hampas niya saka uminom ng juice.
"Teka lang, sandali! Maganda lang ako pero loading pa, okay? Hindi ko pa maimagine. Hindi pa kaya i-process ng utak ko ang nangyari."
"Bakit, may utak ka ba?"
Grabeng atake, parang hindi kaibigan, ah.
"Sabi na nga, ganda lang."
Tumawa naman kaming dalawa. Naalala ko na naman kanina. At sa tuwing maalala ko ay hindi ko mapigilan mapangiti. Oo, nakakilig talaga, inaamin ko 'yon, okay. Kasi naman eh, ehe! Beste nekekeleg!
Nakikita ko na naman gwapong mukha ni Tristan sa utak ko. 'Yong Diyos nga nagbibigay ng chance, ako pa kaya na tao lang?
"Syempre, papayagan ko siya manligaw." kilig na sambit ko saka ngumiti nang napalandi— este tamis.
Pero aminin! Minsan lang binibiyayaan ang mga single na crush din ng crush nila kaya hinding-hindi ko 'to sasayangin.
"Naku, baka lolokohin ka lang niyan, Aria ha! Nako! 'Wag na sa kaniya! Maghanap ka na lang tapos ibigay mo siya sakin! Charot!" Gaga talaga.
Kinuha ko na lang ang pagkain ko at kinain. Nakakagutom.
"Pero paano nga 'no pagnagloko?"
"Paano mo nasabi?" Nabigla ako sa biglang sulpot na pamilyar na boses. Alam kong si Tristan ito. Bango niya pa lang, masasabi ko na.
Advertisement
Umupo ito sa tabi ko saka tumitig sakin. 'Yong titig na mapapatalon ka sa kilig. 'Yong titig na mapapahampas ka sa gigil. 'Yong titig na punong puno ng sinsiridad.
Mas lalong bumilis ang heartbeat ko nang hinawakan niya kamay ko.
"Look, I'm serious with what I said earlier, Aria. I was torpe, but now that I know the feeling is mutual, I want to make a move. I want grab this opportunity to tell you that I like you too, that I want you to be my girlfriend and I'm freaking serious because I I can't help this feeling of mine. By any chance, will you allow me to court you?"
Wow. The first longest word he had said so far.
Nakaka-speechless naman ito.
Tinignan ko siya nang mabuti at kita naman sa mga mata niya na sobrang sincere talaga siya. For real?
"WAAHHHH TAKTE! EDI KAYO NA!"
"SAN KAYA AKO MAKAHANAP NG TRISTAN ROS!"
"WAAAHHHHHH! AYOKO KO NA TALAGAAAA KANINA PA KAYO!"
"UY RESPETO NAMAN D'YAN SA SINGLE NA KATULAD KOOOOO——- ARAY!"
Hindi na niya natapos pagsisigaw niya dahil binato ko siya ng cup ng juice na ininom niya kanina.
"Ang ingay mo!" Sita ko na natatawa. Nakakadagdag ng pressure 'e.
"Gaga ka talaga. Ewan ko sayo! Sagutin mo na yan please!!" Nangigigil niyang sabi saka tumalikod at pumasok na sa loob ng canteen. "Ayan, time niyo na!" Sigaw niya bago siya nawala sa paningin namin.
Binalik ko ang atensyon ko kay Tristan at nakiting nakatingin pa rin sa akin. Napayuko ako at nakita ang kamay namin na magkahawak pa rin. Napangiti ako sa nakita ko. 'Yong feeling na nahawakan mo kamay ng crush mo.
Nagulat ako ng binitawan.
"I'm sorry if I held it without your consent."
Napangiti ako. Who would've thought that he's not just smart, handsome, but also a gentleman?
I looked at him. I was about to say a word but the bell rang so we have no choice but to stand up and went to the classroom.
Advertisement
I walked first then he followed. But along the way to the classroom, naabotan niya ako kaya nang nakarating kami sa classroom ay halos magkasabay kaming pumasok.
Panigurado issue na naman 'to.
"Hala, omg! Aacckkk!" At sinimulan na nga.
Dumiretso lang ako sa upuan ko ngunit bago pa ako umupo ay kinuha ni Tristan bag niya at nilapag sa tabi ng upuan ko.
"Taray! May pa couple seat na!"
"Aria, nakabingwit ka talaga!" Napatawa ako sa sigaw ni Jin.
Nilingon ko si Tristan nang nakakunot noo.
"Hindi 'yan 'yong upuan mo," paalala ko.
Tinaas niya lang kilay nito. "Then?"
Anong then?!
"Kayo na baaaaaa?" Usisa nang lahat habang may patili-tili pa. Hindi ko naman mapigilan sarili ko tumawa sa kanila dahil para silang baliw. Mayroon nagwawala, tumatalon at kung ano-ano pang reaksyon dahil sa kilig.
Kamusta naman 'yong puso kong tumatalon?
"So, kayo na talaga?" Balik nilang tanong at naghiyawan pa.
"Hindi pa," nagulat ako nang sumagot si Tristan. Seryoso? Sumagot siya?! E halos hindi 'to makausap 'e!
"Hindi pa, pero sisiguradohin ko na sa akin pa rin ang bagsak niya."
Shuta ka, Tristan! 'Yong puso ko!
Dahil sa binitiwang salita nito ay halos magiba na ang classroom namin dahil sa hiyawan ng lahat.
"Waaaah, potek! Nakakakilig kayo, tangina niyo!"
"Wala pa rin forever!
"Edi kayo na crush ng crush niyo!"
"Grabe ka na talaga 2018."
Kahit ako hindi makagalaw sa sitwasyon ko. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko. At alam ko na sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Takte naman, bakit may pa gano'n!
Lintek na testpaper nga naman, mataas na score hiningi ko pero mukhang lovelife at dumating.
"Hoy, hindi 'to ang 'yong upuan, 'no. Dadating na si ma'am mamaya!" Sita ko sa kaniya para man lang maiba ang topic.
"Yeah, I know?" Pabara na sagot nito. Oo nga naman Aria alam niya! Sasagotin ko pa ba 'to? Baka mas lalo akong maging bobo 'pag siya palagi makakausap ko eh.
"Eh bakit andito ka?" Pagbabalik ko sa kaniya saka umiwas ng tingin. Pero nagsisi lang ako dahil halos lahat pala ng mga mata ng mga kaklase namin ay nakatingin sa amin.
"Haven't you read the famous sign on the mall, library or wherever the place you are?"
Kunot noo akong napatingin sa kaniya. "Na ano?"
Ngumiti siya sa akin na siyang ikinangiti ko rin. Nakakadala kasi ang ngiti niya. Enebe.
"It says there na 'Do not leave your valuables unattended. Keep them with you at all times.'You are important to me, that's why I am here because I want to keep you and be with you at all times."
"FOWWW—- WAAHHH TANGINA WAG KAYO DITO HUHU!"
"DI NA MAKAHINGA SI ARIA SA KILIG OHHH!
"ANOOO BAAA SANA ALL DIBAAA!"
Argh, Tristan! Malalagnat na ako nito sa sobrang init ng mukha ko eh!
Takte, paano ko maitago 'tong kilig na nararamdaman ko? Naiihi na ako.
"Okay class!" Biglang tumahimik ang lahat nang sumulpot ang aming adviser.
"May i-aanounce ako sa inyo—" Napatigil siya sa pagsasalita niya nang nakita niya na magkatabi kami ni Tristan.
Her lips formed a curve after.
"Nagliligawan na ba kayo?"
Ligaw? Hindi pa naman, diba! Hindi pa ako pumayag.
"No—"
"That doesn't matter, ma'am. Wether she likes it or not, I'll still court her. Proving myself that he deserves me is my main goal right. In short, I'll do everything just for her to give me a shot. I'll work hard of her love and trust." Then, he looked at me.
Sobrang galing niya magsalita na pati na rin ang mga kaklase ko ay nakuha niyang pakiligin. Sobrang ingay, sobrang lakas ng mga tili nila. Habang ako ay sobrang lakas naman ng kabog ng puso ko ngayon.
Damn you, Tristan Ros! Damn you.
Advertisement
- In Serial200 Chapters
The Boy with the Beautiful Name
Only Sara called him, 'the boy with the beautiful name.' He was her secret obsession. In fact, he was every high school girl's secret obsession, along with several of the teachers! He had shown up out of the blue in the middle of junior year. He was tall. His arms and shoulders were tan from an exotic getaway. His eyes and hair were that milky, chocolate brown that melts your heart. And he was beyond gorgeous. Alas, he was also beyond reach to almost every lovestruck girl around him. It was whispered he rubbed elbows with royalty. His father was some big shot billionaire who was almost as mysterious as his son. What was a family like that doing in a tiny, practically nameless town in Connecticut? Try as she might, Sara could not help herself from staring at this boy wonder. It hurt when he ignored her. She was, to him, just another face in the crowd. But being near him seemed to strengthen her in a way she could not explain. Then, one morning in October, the boy with the beautiful name climbed out of his sports car and looked right at her. And he didn't look away.
8 620 - In Serial68 Chapters
Girls and Monsters
When she is abducted by a powerful sorcerer who hides his true face with illusions, Seri fears the worst. As soon as she arrives at his isolated tower, the sorcerer puts a curse on her. After a grace period of three months, Seri will begin a painful transformation into a dragon, and once that transformation is complete, she will become a mindless beast, obedient to him. Brand, the sorcerer, offers to lift the curse—but only if she gives him something he wants. Seri, however, is determined to resist him. She meets other girls that Brand has kidnapped and becomes a leader among them, urging them not to yield to Brand’s twisted demands. But Brand has a secret. The sole survivor of a terrible massacre, he’s vowed revenge on those that killed his family. The dragon curse is key to his vengeance. But when Brand develops feelings for Seri, he starts to question his choices. What sort of man does he want to be?
8 223 - In Serial108 Chapters
Our past, my present,your future.
Qi Xiao came back five years before she died,looking at the girl in front of her she take a sharp breath and stand up to bow"miss Shen i am sorry for the previous blander i made,i just love him too much that i become selfish,but now i realized that he never belongs to me so as a woman who loved him deeply,i hope that you will make him complete and happy that i didnt managed to do"breathing deeply to stop herself from crying she continue"please take good care of him and please be happy"she straighten up after saying that and left with her determination.
8 119 - In Serial58 Chapters
MY INNOCENT BUTTERFLY✅
Two people connected by a sacred bond in a tragic way...Asmara Ali 16years old simple and naive girl has just joined college.She is away from worldly affairs.Always busy in her own world.Her world revolves around her Baba and her brother.Both of them are her lifeline.She is Baba's princess and Bhai's butterfly.She loves her sister and mother too.Hashim Khan simple and elegant man.23years of age.He is in the last semester of his engineering.He is the pure example of family man.His family include his sister(his bestie,his twin) and his lovely parents.Story cover by @ShehryarbhaiCc:-All rights reserved.
8 247 - In Serial10 Chapters
The unexpected
Absolute chaos and confusion especially for the author sense this is her first story yay
8 174 - In Serial42 Chapters
Hybrid
BOOK #1 IN THE HYBRID TRILOGYBrynn Thomason was what you would classify as a normal teen werewolf.That is, until her mate showed up in her room one night and told her something that changed everything.
8 96