《It All Started With a TESTPAPER》CHAPTER 1: INSTRUCTION

Advertisement

Disclaimer: Expect SOME grammatical errors po kasi bata pa po ako no'ng sinulat ko ito. I won't delete it since I already love the characters here. Thank you for understanding and reading!

I WILL REVISE THIS SOON.

--

Simula

Year 2018

"Write your name if the statement is correct and write your crush's name if the statement is wrong. NO ERASURES." Nakakunot noo kong binasa ang instructions sa testpaper namin.

Grabe naman si Ma'am, jusko. Kailangan may ganito? Kaloka!

Pasimpleng tinignan ko si Tristan na nagbabasa ng testpaper. Napangiti ako nang masilayan ko ang gwapo nitong mukha.

Siya.

Siya 'yong crush ko since grade 7 kami. Paano ko hindi magkakagustohan 'e siya 'yong tipo ng lalaki na tahimik, tapos palaging naka earphone, madalang talaga mag salita, yung tipo na kahit isang sentence lang na galing sa kaniya ay malaman. May sense kausap, mapapanganga ka talaga kasi sa sobrang talino magsalita 'e wala kana maintindihan. Mapapatulala ka na lang. sa kagwapohan niya, hay. Tapos, kahit natutulog kaya niya sagotin ang mga tanong na ibabato sa kaniya. Plus, ampogi niya pa. Oo, sobrang pogi. Sobra talaga! Isasabong ko pa manok ng kabitbahay namin kapag hindi niyo siya magugustohan!

Sadyang napaka perfect man talaga siya para sa akin. Kung nakikita ko lang siguro mukha ko ngayon, malamang sa malaman may puso na mata ko kakatingin sa kaniya ngayon.

Nakaka-attract kaya 'yong mga lalaking matalino na gwapo pa. Pero alam ko naman na hanggang paghanga lang ako sa kaniya. Mula kaya grade seven at hanggang ngayon na grade ten kami, hindi pa rin niya alam. Hindi pa rin niya talaga alam na crush na crush ko siya. Hindi ko alam kung manhid ba siya o talagang hindi niya lang ako bet.

Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap siya sa gawi ko. Gosh! 'Yong puso ko! Muntikan na!

Advertisement

"Ma'am!! Paano kung may erasure kahit konti?" tanong ng kaklase kong si Sandra.

"Then mark it wrong. Hindi ba I told you last time sa pagkuha niyo pa lang na dapat sigurado kayo sa sagot niyo, right? So, it's not my fault if you didn't follow the instructions," sagot ni ma'am at saka umupo sa kaniyang mesa.

Tinignan ko ulit si Tristan.

Hindi siya nakikinig dahil busy siya sa kaniyang phone. Isa pa, parang wala siyang pakialam sa mundo pero 'pag tinanong mo, alam na alam niya ang sagot. Pengeng braincells, baka naman!

"Grabe, crush mo pala 'yong kabilang section, Faye?" Dinig kong sigaw ng kaklase ko sa likod at tumawa silang dalawa habang si Faye naman ay halos patayin siya sa tingin.

Napakagat labi naman ako sa kaba nang naalala ko na siya pala 'yong nailagay ko sa mali. Oo, takte si Tristan nailagay ko! Eh, hindi naman sana name niya ilagay ko pero ewan ko, siya 'yong naisulat ko. Siguro dahil na rin siya 'yong iniisip ko kaya kahit sa paglagay ng sagot at pangalan niya naibanggit ko. No erasures pa. Kaya wala na akong magawa, e ide-deny ko pa ba na malapit na kaming grumadweyt. Maghahanda na lang ako sa walang hanggang tuksoan nila, sheeems!

Nagsimula na si ma'am magtanong at inisa-isa na kami sa recitation. Ang mechanics ay dapat sabihin namin kung ito ba ay mali o tama sa pamamagitan ng mga pangalan ng mga taong gusto namin. Ginawa niya raw ito para hindi boring ang pagkuha ng test, tama naman siya dahil hanggang ngayon ay active na active ang mga kaklase ko lalo na kung nababanggit crush nila.

Hanggang sa tumayo na ang kaklase ko at tumingin sa akin nang may ngiti sa mga labi. At alam ko na akin na papel ang hawak niya ngayon.

Advertisement

Napapikit na lang ako nang sinimulan niya nang basahin ang question, at kung siniswerte ka nga naman, mali ang sagot nito.

Tinignan niya ako ulit at halos mapunit na ang labi kakangiti.

"Ayiehhhhhhh!!! Ikaw Aria ha!!!!" Sinimulan niya nang magtili kaya banas na banas na mukha ko ngayon.

Ito na 'yon eh. Dumating na 'yong kinatatakotan ko, mama!

Pinandilitan ko lang siya ng mga mata. Please huwag mong basahin. Shuta ka!

"Ano sagot niya?" Tanong ng mga kaklse ko dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagngiti. Tinignan ko si ma'am na nakangiti lang habang naghihintay din sa sagot niya. Masaya siya oh, ito gusto mo diba, ma'am? Naiiyak na ako sa kaba.

"Si---"

"SINOOOOOO?" Usisa nilang lahat.

Atat na atat, hindi makapaghintay?

Napapikit na lang ako nang binigkas niya na ang pangalan ni crush.

"Tristan Ros ma'am."

"AYIEEEEEEHHHHHHHHH"

"WAAAAAAAHH!"

"KAKLASE NAATINNNN!"

Pagwawala nila sa loob ng room.

I covered my face and rest it on the table. Ayoko ko na talaga. Hindi ko kayang dumilat. Siguro parang kamatis na ako dito sa sobrang pula. Lupa, lamonin mo ako please.

"Waaahhhhh!!! Maaam maaam!!!!" Sigaw naman ng isa kong kaklase na babae.

"Yes Jin?" Tanong ni ma'am sa kalagitnaan ng ingay.

Ngunit parang biglang tumigil ang mundo ko at tanging heartbeat ko na lang yung naririnig ko sa sagot niya.

"Ang sagot din ni Tristan dito ay si Aria! Si Aria Bernadette Valencia!" Sigaw ni Jin at mas lalong nag-ingay ang buong section.

"WAAHHH AYOKO NA SANA ALL CRUSH NG CRUSH NIYAAAAA!" Pagwawala nilang lahat.

Halos mapatalsik ako sa upuan nang sinipa ako ni Abby dahil sa sobrang kilig. Shuta naman nito!

Hindi na ako nakaupo nang maayos dahil sa kakahampas at yugyog nila sa akin.

"Kaloka kaaa!"

"Ayieeehhhhhhhhh!"

"Kaingit kayo!"

"Trisiaa!!! Trisiaaa!"

Naiihi na ako sa kilig aaaack, totoo ba 'yan? Jusko, 'yong puso ko patahimikin niyo!

Kahit hindi na ako makahinga sa kilig ay pilit ko pa rin tinignan si Tristan, nagulat ako nang makita siyang nakatingin din pala sa akin.

Mas lalong nag ingay ang mga kaklase ko nang bigla siyang tumayo at nagsimulang maglakat patungo sa akin.

Anong gagawin niya?

Bakit? Bakit siya papalapit sa akin?

Sabay nang paghinto niya, ganoon din ang paghinto ng mga ingay sa loob ng classroom.

Tinignan ko ang mga kaklase ko na interesadong makinig sa sasabihin ni Tristan at ganoon din si ma'am.

Mga chismosa, parang walang test, ano.

"Since we have mutual understandings. Wala nang paligoy-ligoy pa." Napaayos ako ng upo saka sinipa si Abby dahil hinampas niya ako.

"Bakit? Pasensya kana—"

"No, uhm, I just want to be honest." Huminga siya nang malalim, at parang hihimatayin ako sa kilig sa dinagdag niya.

"Aria, I like you the moment I saw you. Can I court you?"

    people are reading<It All Started With a TESTPAPER>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click