《The Bad Boy's Love》Chapter 23: Roommate
Advertisement
So...after this boring "Island Adventure" ay sinundo na kami ng aming barko para makapunta na kami sa hotel sa may beach.
Ewan ko ba kung ano ang gagawin namin doon, wala akong kaalam alam.
Pagbaba namin sa barko ay agad kaming nagtungo sa sari sarili naming hotel room at kasama ko doon si Justin.
Agad akong bumagsak sa higaan at napatingin ako kay Justin na nakatingin sa akin habang nakangiti.
"Uhmm...bakit?" tanong ko at agad akong umayos ng upo.
"Pagod na pagod? Hahahaha" sabi niya at agad niyang hinubad ang kanyang t-shirt saka tumalikod sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
Tumalikod ako sa kanya at nagkunwaring wala akong nakita at narinig ko naman ang pagpasok niya sa banyo kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Humiga na ulit ako sa kama at pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako at paggising ko ay 7:00PM na at wala pa si Justin.
Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para magshower at magpalit at hanapin na rin ang aking mga kasama.
Nakita ko sila na nasa campfire kaya agad akong pumunta doon at hinanap si Justin.
Nang mahanap ko siya ay tumabi ako sa kanya.
Bakit pala siya ang hinahanap ko? Baliw!
"How are you?" tanong niya at inabutan niya ako ng softdrink in can.
"Thanks, I'm fine" sabi ko at binuksan ko yung softdrink saka ko ininom.
"Kumain na kayo?" tanong ko at tumango siya saka ako inabutan ng sandwich.
"Wala na natira kanina kaya binilhan na kita" sabi niya kaya kinuha ko naman yung sandwich at kinain ito.
"Guys! May laro tayo!" sigaw ng president namin kaya napatingin kami sa kanya.
"Truth or Dare pasahan tayo ng bato na ito hanggang tumigil yung kanta ng speker natin" sabi niya at sakto namang tapos na akong kumain kaya naman ay nakisali na ako.
Advertisement
Parang walang ganang maglaro ni Justin kaya ang karma niya ay sa kanya napunta ang bato kaya napatawa ako ng mahina at napatingin siya sa akin saka siya tumayo.
Hindi pa nakakapagsalita ang president ay nagsalita na siya, "Dare" seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Hilain mo sa gitna ang favorite girl mo sa classroom natin" sabi ng president namin kaya tumaas ang kilay niya at nagpamulsa.
"Ang corny" he chuckled saka siya napairap.
"No, seriously, gawin mo" sabi ng president namin kaya napairap na lang siya at akmang hihilain niya si Aish pero pinigilan siya ng president.
"Nope, not your sister" sabi niya at bumalik siya sa tabi ko.
"Go there" sabi niya sa akin.
"H-Huh? What?" sabi ko at tumingin siya sa akin kaya tumayo siya saka hinila ako sa gitna.
Nagulat naman ang aming president nang hilain ako ni Justin sa gitna kaya napayuko na lang ako dahil nahihiya talaga ako.
"R-Rylie?" gulat na gulat na tanong ng president namin kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti habang kinakabahan.
"Done?" tanong ni Justin at hinila ako papunta sa upuan namin at hanggang ngayon ay tahimik pa rin kami.
"Next na!" sigaw ni Aish at bigla naman silang umingay at naglaro na ulit at napasa sa president namin yung bato.
"Truth for me" sabi ng president namin at si Justin ang magtatanong dahil siya ang last.
"Bakit gusto mong hilain ko kung sino ang favorite girl ko? Tell the truth" sabi ni Justin at seryosong nakatayo.
Napalunok naman ang aming president at napatingin siya sa akin, "C-'Cause I like you, Justin" napayuko ang president namin kaya napatingin ako kay Justin.
"Yun lang pala, next" sabi ni Justin at umupo na siya ulit sa tabi ko at hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa kanya.
Advertisement
"What?" tanong niya at napatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"Nothing" sabi ko at naglaro na ulit kami at hanggang sa ako na ang nakahawak ng bato kaya tumayo ako tinanong ako ng huling nakakuha ng bato.
"Truth or Dare?"
"Truth"
"Gusto mo rin ba si Justin?"
"A bit" sabi ko at agad na akong umupo sa tabi niya at parang wala siyang narinig.
Pagtapos ng aming laro ay agad na kaming bumalik sa sari sarili naming kuwarto.
Nagkatinginan muna kami after naming pumasok sa kuwarto.
"Ikaw na sa bed" sabi niya at agad siyang nagtungo sa sofa at ako naman ay sa kama.
Nahiga na agad ako at dahil hindi ako makatulog ay bumangon ako at pumunta malapit sa ilog. Umupo ako sa sand at tumingin sa mga bituin habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.
Nagulat na lang ako nang umupo si Justin sa tabi ko at nilagyan ng jacket ang likuran ko.
"Ang lamig, hindi ka ba giniginaw? At bakit nandito ka pa? Di ka ba inaantok?" tanong ni Justin sa akin at niyakap ko ang binti ko.
"Giniginaw pero okay lang. Hindi ako makatulog eh" sabi ko at napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin din sa akin.
Unti unting naglapitan ang aming mukha kaya unti unti ring pumipikit ang aking mga mata pero nagulat kami nang may nagsalita sa likod namin.
"J-Justin? R-Rylie?" tanong ng president namin kaya agad kong minulat ang mata ko at agad akong tumayo ay yumuko.
Tumayo na rin si Justin sa tumingin sa president namin, at ang president naman namin ay gulat na gulat sa nakita niya.
"H-hindi tama ang nakita mo" kinakabahang sabi ko at dumistansiya ng konti kay Justin pero hinila niya ako palapit sa kanya.
"What are you doing here, Rose?" tanong ni Justin sa president namin na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita sa nakita niya.
Bigla na lang siyang umiyak at tumakbo palayo sa amin kaya napatingin ako kay Justin.
"Pasok na tayo" sabi ni Justin at nauna na siyang pumunta sa hotel kaya sinundan ko na lang siya.
Pagpasok namin sa hotel ay agad na siyang humiga sa sofa nang walang imik at nahiga na rin ako sa kama at natulog na saka kinalimutan ang kung ano mang nangyari kanina.
Advertisement
- In Serial19 Chapters
The Arrangement
My heart had been broken once before. Afterwards, I vowed I would never let myself be anything other than someone's first choice. But sometimes life doesn't always turn out the way you want it to. So here I am, faced with a choice that is impossible for a myriad of reasons, all to save my pack. But I'm starting to think that maybe this arrangement isn't the end of the world. [Romance Type: slow burn, enemies to lovers, arranged marriage]
8 270 - In Serial9 Chapters
Rooh-e-Hayaat روح حياة
Hamdaani Heirs #7The story of Shahveer and Ibtihaaj. Of love and pain. Of forgiveness and second chances. Of that leap of faith. Of becoming the soul of somebody's life.Rooh-e-Hayatروح حياة©All Rights Reserved
8 89 - In Serial64 Chapters
Masters of Shadow and Light
Book 1 is completely posted and available to read. Masters of Shadow and Light will return for Book 2! When he begins training his body and power, eighteen-year-old Kieran finds himself facing a difficult decision. It's not whether or not he should become a Sivalshi Guardian, a protector of the peace of Sivalshi City, which rests on the back of a giant turtle floating through the ocean. No, when that choice comes, he answers it without hesitation. Kieran's choice is far more difficult than that Lucas is a handsome martial artist with the looks of a god and the ability to manipulate light itself. Kind and caring, Lucas goes above the call of duty to help Kieran with his training. Zane is a charming manager at his father's company and possesses the ability to turn to living stone. Friendly and outgoing, he gives Kieran a change of pace. The choice that Kieran will make is both simple and difficult at the same time. Which boy should he get with? Posting Schedule: Every 3 days.
8 1006 - In Serial25 Chapters
Caught In The Loop | Steve Harrington X Reader
You're Billie's twin sister, both of you can either cope or fight each other. He's rough and violent and sometimes can't stop him from doing something stupid.Which is why you get along with Max a lot more. You don't go to the Arcade or do any skateboarding but you do relate to her and manage to have a decent conversation from time to time. There's been stories about this town before and you've heard them all before they were covered up.Including the Upside Down.Steve Harrington, doesn't take your presence lightly being Billie's sister but you hang out with Nancy because you wanna be friends with her. He ends up getting dumped and you stay by his side for emotional support.What happens when you begin to fall for Steve Harrington during the trouble? Will he fall for you too? And what would Billie do if he knew?----------------------------------------Started: 07/07/19Finished: 11/08/191 #steveharrington: 19/08/19
8 185 - In Serial22 Chapters
Alpha Grayson
When Ayanna moves to the small town of Poulsbo, Washington with her family there is nothing particularly new going through her mind. It's the same old thing everywhere that she goes. New house, new school and new people. But what will happen when she meets the all-powerful, Alpha Grayson who takes an unexpected interest in her. Will it be love at first sight?
8 77 - In Serial23 Chapters
I Guess I'll Love You. (BOOK ONE)
This gets dark lolBOOK ONE OF A SERIESLITTLE SIDE NOTE!!! This is taking great inspiration from Partners In Crime, another Tacophone fic. It's by Yoloclownperson. PLEASE GO READ IT IT'S SO FREAKING GOOD LIKE JDBBEJRBEnjoy!-YourRoyalAdviser
8 211

