《The Bad Boy's Love》Chapter 22: Island

Advertisement

Nang makarating na kami sa tagpuan namin ay binigay na nila sa amin ang mga tent namin.

Bumaba na kami sa ship habang buhat ni Justin ang tent namin at nakinig sa instructions ng teacher namin.

"Unahin niyo munang patayuin ang mga tent niyo, dito lang sa area na ito" sabi ng teacher namin at nagsimula na kami mag-ayos ng tent namin.

"Kanina ka pa tahimik" sabi ni Justin sabay tingin sa akin nang maayos na namin ang tent namin.

"Ewan ko" sabi ko at tumayo na ako para pumunta kung saan naroroon ang teacher namin.

"You will stay here, one day and one night. Without food or other things, just your tent. You need to survive on your own" sabi ng teacher namin kaya nagsimula na kaming pumunta sa gubat para maghanap ng mga pagkain at iba pang gagamitin.

Tahimik kaming naglalakad ni Justin sa gitna ng gubat habang naghahanap ng mga makakain.

"Can you climb?" tanong niya sa akin.

"I-I'll try" sabi ko at pumunta ako sa puno na tinitignan niya. Humawak ako dito at sinubukan umakyat.

Nang makaakyat ako sa medyo mataas na parte nito ay kumuha na ako ng mga bunga nito at hinagis ko kay Jutsin na naghihintay sa baba.

"Good" sabi niya nang marami na akong naibigay na ako sa kanya kaya bumaba na ako.

"May pagkain na tayo, kumuha pa tayo ng kahoy" sabi niya at tinignan ako.

"Saan natin ilalagay yan?" tanong ko at umirap na lang siya saka tinanggal ang polo niya at tinanggal ang kanyang sando.

Binigay niya sa akin ang kanyang sando at sinuot niya ang kanyang polo.

"Gamitin mo na yang sando, gawin mong lalagyan" sabi niya kaya tumango na lang ako at ginawang bag ang kanyang sando saka nilagay dun ang mga prutas.

Naglalakad na ulit kami para kumuha ng mga kahoy.

Advertisement

Pumutol siya ng mga sanga ng kahoy at binitbit ang mga iyon papunta sa aming tent.

"Set the fire" utos niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Napairap na lang siya at gumawa siya ng apoy gamit ang bato.

Binuhat niya ang mga prutas at hinugasan ang mga ito sa tubig malapit sa amin.

Lumapit siya sa akin at umupo siya sa tabi ko saka binigay sa akin ang gulay kaya nginitian ko lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay humiga na kami sa aming tent at doon na nagpalipas ng gabi.

Paggising ko ay wala si Justin sa tabi ko kaya bumangon ako at hinanap siya.

Nakita ko siya sa may dagat na naliligo kaya napangiti ako dahil sa kanyang itsura.

Napatingin siya sa direksiyon ko kaya umiwas ako ng tingin.

Saan kaya kukuha ng damit ito?

Lumapit siya sa akin suot pa rin ang kanyang dating damit.

"Ayaw mo maligo?" tanong niya.

"Gusto, basta diyan ka lang ah" sabi ko at napairap na lang siya saka umupo sa loob ng tent.

Naghubad ako ng aking bistida at nilapag ko ito sa isang bato.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng aking damit pero giniginaw ako.

Nagulat ako nang hinagis sa akin ni Justin ang kanyang polo.

"Wear it" sabi niya at nakapamulsang pumunta sa gubat kaya sinuot ko na agad ito at sinundan siya sa gubat.

"Ano na namang kukunin natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Pagkain" sabi niya at may pinulot siyang kahoy na may tulis saka niya ito binato sa may puno at may nalaglag naman na saging.

"Galing" sabi ko.

"Kunin mo" utos niya sa akin at agad naman akong pumunta doon para kunin yung saging pero hindi ko nakita yung bangin kaya nalaglag ako diretso sa may ilog.

"Clumsy" sabi niya saka siya bumaba ng dahan dahan papunta sa akin.

Advertisement

"Stand" sabi niya kaya umiling ako.

"Why?" tanong niya.

"It hurts" sabi ko sabay pakita sa kanya ang sugat sa aking paa.

Lumapit siya sa akin at binuhat ako saka humanap ng daan para umakyat.

Nakapunta rin kami sa tent namin at pinaupo niya ako sa loob ng tent namin.

Pinunit niya ang kanyang sando at binalot ito sa paa kong may sugat.

"Stay here" sabi niya at pumunta siya sa gubat na parang may kukunin.

Pagbalik niya ay may dala siyang mga prutas at dahon na rin para sa aking sugat.

"Heal your wound" sabi niya sabay abot sa akin ang mga dahon na kinuha niya saka inabot sa akin.

"Thanks" sabi ko at ginamot ko naman ang aking sugat.

Ganun lang ang nangyari doon na parang walang thrill. Nakakaboring nga eh, wala man lang challenge ewan ko ba sa teacher namin.

Hindi ko pa alam kung kailan kami aalis dito pero sobrang boring talaga as in.

Tanging magsurvive lang ang gagawin, wala man lang adventure like treasure hunting pero ang hahanapin ay yung hindi literal na treasure. Ewan ko ba.

Guys, HAHAHAHA, sorry po boring ang chapter na ito. Wala po kasi akong maisip eh hehehehe.

Okay, I'm bored in a house, I'm in a house bored~~~HAHAHA charr

    people are reading<The Bad Boy's Love>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click