《The Bad Boy's Love》Chapter 18: Weekend
Advertisement
Wala na lang siyang pakealam buong araw at di kami nag-uusap. Di rin kami nagpapansinan dahil ewan ko ba sa mood niya ngayon.
May regla ata itong lalaking ito, ewan ko sa kanya basta hahayaan ko na lang siya kung anong gusto niya. Wala na akong pake sa kanya.
Sa mga sumunod na araw ay nag-uusap naman kami at ngayon ay ewan ko pero napapalapit ang loob ko sa kanya.
Pero alam ko namang nanlilinlang siya kaya magkaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Ayaw ko kayang masaktan at sino ba kasi ang mau gusto masaktan sa atin? Diba? Wala naman.
Weekend ngayon kaya nasa labas kami dahil niyaya niya ako pero hindi kasama si Aish kasi ewan ko ba.
"Ice cream tayo?" tanong ni Justin sa akin at tumango ako sa kanya at naunang siyang naglakad at sumunod naman ako sa kanya.
May mga lalaking tumitingin sa akin kasi ang suot ko ay puting maikling short, puting sneakers, at hanging blouse.
Nakayuko lang akong naglalakad habang nakahawak sa bag ko.
Nagulat na lang ako nang inakbayan ako ni Justin at tumingin ako sa kanya.
"Walang makakamanyak sayo kapag nandito ako" sabi niya at tinignan niya ng masama yung mga lalaking nakatingin sa akin.
Nagsi-alisan naman yung mga lalaki at napatingin ako sa kanya.
"Thanks" sabi ko sabay ngiti.
"Dito ka lang sa tabi ko" sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay habang naglalakad papuntang tindahan ng ice cream.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Chocolate" sabi ko at tumango siya saka bumili na ng ice cream. Binigay niya sa akin yung chocolate at naupo kami sa bench malapit sa tindahan ng ice cream.
Habang kumakain kami ay may mga babaeng tumitili sa harapan namin kapag nakikita nila si Justin.
Si Justin naman ay parang walang kamalay malay at kinakain lang ang kanyang ice cream.
Advertisement
"Justin..." sabi ko at dumikit ako sa kanya.
"Oh?" tanong niya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at ngumiti saka kumain ng ice cream.
Nagkibit balikat lang siya at kumain rin ng ice cream.
Nakita ko naman kung paano umirap yung mga babaeng dumadaan sa harapan namin at masama ang tingin nila sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami sa mall at naghanap hanap ng kung ano ano.
"May bibilhin ka ba?" tanong niya.
"Wala, ikaw?" tanong ko.
"Meron" sabi niya at pumasok siya sa tindahan ng mga damit. Sinundan ko lang siya ng tahimik.
Biglang tumunog yung cellphone ko dahil may nagtext kaya agad ko naman itong tinignan.
From: Unknown Number
Hey, Miss. Mag-ingat ka diyan, ang sexy naman ng suot mo, baka manyakan ka nila ah.
Nagulat ako sa aking nabasa.
Nakita niya ako? Nasaan siya?
Kinakabahan ako kaya agad kong sinuri ang mall.
Ang daming tao, sino siya diyan?
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya.
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Justin.
"Wala wala" sabi ko at umiling.
"Ahh, mamili ka ng damit, ako bibili" sabi niya.
"Ayaw ko" sabi ko.
"Isa o hihipuin kita?" tanong niya.
"Oo na, oo na, tss" sabi ko at namili naman ako ng damit.
Nang makapili na ako ay pinapili ko siya ulit pero imbes na mamili siya sa mga pinili ko ay binili niya lahat kaya ngayon ay marami siyang hawak.
"Tulungan na kita" sabi ko at hinawakan yung iba.
"No need, kayo ko na ito, hintayin mo ako dito at dalhin ko lang ito sa kotse" sabi niya at naglakad palayo pero sinundan ko siya.
"Oh bakit?" tanong niya.
"Sama ako" sabi ko at hinila ko ang laylayan ng kanyang damit.
Advertisement
"Sama ka na, bitawan mo yang damit ko" sabi ko at pumunta kami sa parking lot at hinintay ko siyang matapos na ilagay yung mga pinamili namin.
"Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin habang nakatayo sa tapat ng kotse.
"Ang dami mo nang nagastos sa akin" sabi ko.
"Okay lang, gutom ka?" tanong niya.
"Hindi" sabi ko at umiling. Bumalik siya sa mall at sinundan ko siya.
Pumasok siya sa isang fast food restaurant at sinundan ko lang siya.
Pumila siya sa pilahan at bumili ng pagkain saka inabot sa akin.
"Sa kotse mo na kainin yan" sabi niya at pumunta na kami sa parking lot. Sumakay kami sa kanyang kotse.
"Buksan mo na yan at kakain rin ako" sabi niya at tumango ako saka ko na binuksan yung pagkaing binili niya.
Hindi pa niya inaandar yung sasakyan dahil kakain na lang daw muna kami.
Habang kumkain kami ay tahimik lang kaming dalawa.
Tumingin siya sa kanyang orasan at dali dali niyang pinunasan ang kanyang labi sabay inom sa juice sa kanyang tabi.
"Bakit?" tanong ko.
"May gagawin pala kami ni Dad ngayon, malapit ko nang makalimutan" sabi niya at agad niyang ini-start yung kotse at nagsimula nang magbiyahe.
Inayos ko naman ang aming pinagkainan at sa kasamaang palad, natraffic pa kami.
Nang makawala kami aa trapik ay agad siyang lumiko sa daanan papunta sa aking bahay.
"Pagdating mo sa bahay niyo, mag-ingat ka ah" sabi niya at tumango ako. Hininto niya yung sasakyan sa harap ng aking bahay at binuhat niya yung mga pinamili namin kanina.
Agad kong binuksan ang aking pinto at nilapag naman niya sa sofa yung mga pinamili namin.
"Sorry, may gagawin kasi kami ngayon" sabi niya sa akin.
"Okay lang, naiintindihan ko naman" sabi niya at tumango lang siya saka hinalikan ang aking noo.
Lumabas na siya sa aming bahay at inabangan ko siya hanggang sa makalayo na siya.
Pumasok na ako sa aking bahay at agad kong inayos yung mga binili niya para sa akin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong nagshower at naupo na sa sofa para magpahinga muna saglit.
Habang nanonood ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Unknown Number
Good evening. Kumain ka na diyan at nag-iingat ka palagi.
Hindi ko lang ito nireplayan at nanood lang ako sa aking television.
Gustong gusto ko na talagang malaman kung sino ba talaga ito.
Advertisement
- In Serial32 Chapters
You in Real Life
Mazie has fallen in love. Okay, maybe it's with the ghost of a boy from school she hates, but love conquers all, right? *****Soon after sixteen-year-old Mazie moves to the town of Dorn, she becomes haunted by the ghost of a teenage boy. The ghost doesn't remember anything, so Mazie calls him Jack. Until then, she never knew that ghosts could tap dance, nor that it was possible to fall in love with one! But then Mazie meets Blake, a mean, popular boy at her new high school - and she realizes that Blake is Jack's living counterpart. This means Blake is in grave danger, and only Mazie can help him, but saving this unpleasant boy might kill her ghostly love forever...[[word count: 50,000-60,000 words]]
8 295 - In Serial59 Chapters
Trapped (X F Reader)
Not all rumors are true..Sometimes bad things happen to good people
8 96 - In Serial27 Chapters
Hunter's Beta (mxm)
Alpha- fearless leader stronger than any other shifter.Beta- second in command and faithful confident.Finding out that their mates proves to be less important than stopping a deadly pastime enemy emerging from the darkness to destroy their kind.
8 184 - In Serial39 Chapters
How to Love Fame
This job turned Nicole's life around. What happens when she falls in love with one of the best actresses in Hollywood? Will she be able to learn how to love her and the fame?
8 199 - In Serial24 Chapters
Cabin lover
This is a toga x uraraka love story When uraraka one day goes out to a winter cabin she finds a unconscious blonde haired girl and takes her inside over time the blonde has her hair down so uraraka does not know who she is the two soon fall in love over time
8 124 - In Serial39 Chapters
A Troublesome Pair
You start your fifth year at Hogwarts. You are a very normal girl...kind of. Also you cannot stand the twins. But when one of the twins fall for you, you start to have feelings as well! How will that work out..? Read to see how your romantic and humorous story plays out!I do not own the Harry Potter Characters, i just love to write about them!! It's about you(the reader) and Fred Weasley. I wrote this in honor of my best friend, cause we love the Weasley twins, and it's hard to find a fanfic we truly love these days. Enjoy!!This is a non-Gryffindor x Fred story.⚠️also be warned, this was my first fanfiction that I started years ago. So uh. It may be extremely cringy at times!!⚠️❗️currently not adding to it❗️(Originally publishes on June 9, 2017)
8 110

