《The Bad Boy's Love》Chapter 17: Katangahan

Advertisement

Lunch na namin kaya pumunta na ako sa cafeteria at naupo sa gilid mag-isa.

Habang kumakain ako ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.

From: Unknown Number

Good afternoon, eat your lunch okay? Huwag kang papalipas ng gutom, ingat. Kung di ka kakain diyan, ikaw kakain ko.

Halos mabilaukan na ako dahil huling mensaheng nabasa ko kaya agad akong uminong ng tubig.

Uwian na namin kaya as always, mag-isa ko na namang uuwi. Habang naglalakad ako ay may nakabunggo akong lalaki.

"Sorry, miss. Sorry, sorry talaga" paulit ulit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan ko siya pataas pababa at nakita kong taga-ibang school ito.

"Okay lang" tango ko sa kanya at napatingin ako sa mukha niya. Ang pogi niya. I smiled.

"Di ko kasi nakita yung dinadaan ko eh" sabi niya sabay kamot sa batok.

I chuckled. "It's okay" wika ko. Tumango lang siya at ngumiti saka na umalis. Pinanood ko lang siyang naglakad palayo. What a cute guy.

Nagulang na lang ako nang pagharap ko ay nakita ko si Justin. Ba't nandito na naman to? Susulpot sulpot na lang kung saan saan, kagulat naman oh.

"Oh bakit?" siga kong sabi sa kanya at pinanlakihan ko siya.

"Ba't ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"Ba't mo ako sinusundan?" tanong ko at inayos ko yung bag ko. May tinuro naman siya sa aking likuran kaya napatingin ako dun. May nakita akong kotse kaya napakamot na lang ako sa batok ko at napangiti.

"Hehehe sorry" sabi ko sabay takbo palayo sa kanya.

Nang makarating na ako sa bahay ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.

Habang kumakain ako ay tumunog na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan.

From: Unknown Number

Bobo ka talaga no?

Kumunot ang aking noo nang mabasa ko ito.

Advertisement

To: Unknown Number

Abughh! Sino ba ang nagtetext sa akin ah?! Ako ba?!

From: Unknown Number

Boboo ng buhay ko yiee

"Tangina" I laughed.

To: Unknown Number

Ang corny mo tae

From: Unknown Number

Corny pero napangiti kita diba? Umamin ka hehehe

To: Unknown Number

Che!

I smiled.

From: Unknown Number

Good night, hehehe, ngumiti siya

Napairap na lang ako at napangiti. Why am I smiling? Sinampal ko ang aking sarili. Don't smile.

Naghugas na ako ng plato saka angshower at nagpalit saka humiga na.

Pagkahiga ko ay pinatay ko agad ang ilaw para makatulog na ako pero di pa ako inaantok at tuwing naalala ko yung kanina ay napapangiti ako.

Shet! What is happening to me? Don't fall in love with that person, fucking hell, for pete's sake.

Pumikit na ako pero hindi pa rin ako makatulog kaya bumangon ako pero naupo lang ako saka sumandal lang ako sa kama.

Uminom ako ng tubig at humiga ulit. Hinintay ko na lang pumikit ang aking mga mata.

Paggising ko ay 5:00AM na. Buti na lang maaga ako ngayon. Tumunog na naman yung cellphone ko kaya kinuha ko ito.

From: Unknown Number

Good morning, hehehe. Magtooth brush ka na kasi hahalikan na kita mamaya yiee hahahaha

Napatawa na lang ako at napailing. Nilapag ko ang aking cellphone sa aking kama at naligo.

Pagdating ko sa classroom namin ay medyo wala pang tao dahil masyado ata akong maagang pumasok. Bitbit ko na ang aming proyekto.

Naupo na lang ulit ako sa tabi ni Justin and oh yeah! Wala na pang pasok bukas hahahaha. Ano kayang plano ko?

Hinintay naming makarating lahat ng kaklase namin at pagdating nila ay dun na rin dumating ang aming guro.

"May napagplanuhan kaming mga guro at bukas ay dadalhin namin kayo sa isang lugar bukas. Kita kita tayo dito sa school bukas, 7:30AM kasi lahat tayo ay sasakay sa school bus. Don't be late and saan na yung mga di nakapagpasa ng project kahapon?" sabi ng aming guro kaya agad akong tumayo at inabot sa kanya ang aming proyekto.

Advertisement

Break time na namin kaya siyempre pumunta na ako sa cafeteria pala kumain and as always, mag-isa ako.

Bumalik na ako sa classroom pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Justin kaya lumapit ako sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya at tinignan niya lang ako saka ulit tumingin sa desk namin.

"Kinakausap kita" nakapamewang kong sabi pero wala lang siyang narinig at nakatingin pa rin sa desk namin.

Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa tabi niya saka tumitig din sa desk.

Kaboring naman neto, inaantok na tuloy ako. Humikab ako at napatingin siya sa akin.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Antok ka?" tanong niya.

"Oo" sabi ko at may nilapag siyang chocolate sa harapan ko galing sa kanyang bulsa.

"Bakit yan?" turo ko sa chocolate.

"Kainin mo para magising ka" sabi niya at tumitig ulit siya sa desk namin kaya kinain ko naman yung chocolate na bigay niya saka ako uminom ng tubig.

"Ba't ang tahimik mo?" tanong ko sabay siko sa kanya.

"Kasi di ako maingay" bored niyang sabi at pinaglaruan niya ang kanyang ballpen.

"Nice answer, magaling" I clappes with matching fake smile. Wala lang siyang pake kaya napairap na lang ako.

    people are reading<The Bad Boy's Love>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click