《The Bad Boy's Love》Chapter 15: Distance
Advertisement
Sa sumunod na araw ay wala akong ibang ginawa kundi manatili sa bahay. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil sa mga kabutihang ginawa niya sa akin.
Agad akong pumasok sa classroom namin kasi malapit na akong malate.
Naupo agad ako sa upuan ko at dun ko na inayos ang buhok ko kasi sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na masyadong inayos yung sarili ko.
Napatingin ako sa kanya at nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"What?" tanong ko.
"You're so huggard" sabi niya kaya inirapan ko na lang siya at inayos ang aking sarili bago dumating ang aming guro.
Lunch break na namin pero imbes na uupo upo lang ako sa classroom namin pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa library namin.
Naghanap ako ng librong maari kong basahin para may mga karagdagan akong kaalaman kahit hindi kasali sa mga lessons namin.
Nang makapili na ako ay pumunta na lang ako sa gilid ng library sabay suot ng earphone sa aking tenga at nakinig ng musika habang nagbabasa.
I used to be alone like this noon pa kaya sanay na ako sa mga pangyayaring ito. Biglang may naglapag ng libro sa harapan ko kaya napa-angat ako sa taong naglapag nito.
Tinanggal ko ang aking earphones at tinaasan ko ng kilay yung lalaking nasa harap ko.
"What?" tanong ko at umupo lamang siya sa aking harapan na hindi man lang nagsalita.
"Can I sit here?" cold niyang tanong kaya nagkibit balikat na lang ako at sinuot ulit yung earphones sa tenga ko.
Nagulat na lang ako nang may pumalo ng malakas sa table namin kaya nabitawan ko yung libro at napatayo ako.
Tinanggal ko ang aking earphones at kumunot ang noo kong humarap kay Justin.
"What's your problem?" tanong ko at kinuha niya lamang yung cellphone ko at hinigit niya ako palabas ng library.
Nang makalabas kami ay tahimik pa rin siya kaya lumaban ako sa kanya. Hindi ko hinayaang hilain niya ako.
Advertisement
Kumunot ang noo niya at humarap sa akin kaya kumunot din ang noo.
"What's your problem?" naiirita kong tanong at kumunot ang noo niya.
"May klase na tayo" sabi niya at agad niya akong hinila papunta sa classroom namin kaya napa-irap na lang ako.
Agad kaming umupo sa upuan namin dahil nakita naming paparating na yung teacher namin.
Inayos ko ang sarili ko at ang mga gamit ko bago magsimula ang klase namin dahil ang bilis ng mga pangyayari kanina.
Break time namin at pumunta ako sa cafeteria kasama si Aish. Cake ang binili namin tapos malamig na gatas.
"Umm...Rylie, may sasabihin sana ako" sabi ni Aish kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano yun?" tanong ko sabay inom ng malamig na gatas.
"Yung sa inyo kasi ni Justin..." sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Rylie, layuan mo siya, please lang. Ayaw kong ikaw ang isusunod niya" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Isusunod?" tanong ko.
"Alam ko na yung mga galawang ng kapatid ko kaya kung patuloy ka pa sa paglapit sa kanya ay baka masaktan ka lang sa huli" sabi niya kaya napalunok na lang ako.
"Please, Rylie, ayaw kong masaktan ka" sabi ni Aish kaya ngumiti ako at tumango sa kanya.
After naming magbreak ay nagtungo agad kami sa classroom namin at nakita dun si Justin na nananahimik.
"Rylie, tabi tayo" sabi ni Aish kaya tumango na lang ako at kinuha yung bag ko sa tabi ni Justin.
Napatingin siya sa akin pero parang wala siyang pakealam kaya lumipat na ako sa tabi ni Aish.
Now, he's alone and quiet while playing with his ballpen.
Nakatingin lang ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen na tahimik.
"Ganyan ba talaga siya?" tanong ko kay Aish.
"Di ko alam kung bakit" sabi ni Aish sabay kibit balikat. Bigla siyang tumayo at binulsa ang kanyang mga kamay sabay labas ng classroom.
Advertisement
Patago ko siyang sinundan at nakita ko siyang pumunta sa school ground at naupo sa berdeng damo at tumingin sa langit habang ako ay nagtatago sa puno malapit sa kanya.
"Come out now, I see you" sabi niya kaya nagulat ako. Lalabas na sana ako mula sa pinagtataguan ko nang may batang babae na lumabas mula sa mga halaman.
"What are you doing here? Hiding again?" tanong ni Justin sa batang babae at yumuko lang yung bata.
"Balik ka na sa bahay bata, ingat ka ha" sabi ni Justin at malungkot na umalis yung bata kaya ikinagulat ko na naman, akala ko ako yung sinasabi niya.
Unakyat ako sa puno nang mapansin kong papunta sa akin yung direksiyon ng kanyang tingin.
Tumayo siya at naglakad papunta sa puno kaya kumapit ako ng mahigpit at naupo siya ilalim ng puno.
Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko at nilagay ko sa likod ng tenga ko yung takas na buhok kong pumupunta sa mukha ko.
Napatili na lang ako at napapikit nang makabitaw ako sa pagkakakapit ko sa puno at nalaglag ako.
Pagmulat ng aking mata ay may something akong nadaganan at nakita ko si Justin na nakahiga at nakapikit habang ako ay nakapatong sa kanya.
"Ughh!" narinig ko pa ang pag-ungol niya habang nakapikit ng mariin kaya bumangon ako at napahawak siya sa tiyan niya.
"I'm sorry, okay ka lang?" tanong ko pero hindi pa siya bumabangon.
"What are you doing up there? Sinabi mo sana kung gusto mong sumama huwag yung sumusulpot ka na lang bigla bigla" sabi niya at umupo siya kaya tinulungan ko siya.
"I'm sorry" sabi ko at tinulungan siyang makatayo.
"You're so heavy tapos nahulog ka pa, buti na lang sinalo kita kung hindi baka bali na ang mga buto mo ngayon" sabi niya kaya napayuko na lang ako.
"I'm sorry" hindi ko namalayan na humihikbi na para ako.
"Why are you crying? Ako ang nasaktan hindi ikaw okay?" sabi niya sabay hawak sa baba ko kaya napayakap na lang ako sa kanya.
"I'm sorry, Justin. I'm sorry" paulit ulit kong sabi.
"It's okay now" sabi ko at nakita kong may dumudugo sa kanyang braso.
"May sugat ka" sabi ko at nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa tangkad niya.
"Wala akong naramdaman" sabi niya sabay ngiti at kamot sa kanyang batok.
"May bond aid ako sa bulsa ko" sabi ko at kinuha ko iyon sa bulsa ko at hinawakan ko yung braso niya. Kinuha ko yung panyo ko pero pinigilan niya akong punasan yung braso niya at binigay niya sa akin yung panyo niya at yun ang pinampunas ko sa braso niya saka ko nilagyan ng bond aid.
"All done" ngiti ko at tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"What?" tanong ko sabay taas kilay pero nakangiti pa rin siya.
"Let's go back?" tanong niya kaya tumango na lang ako at bumalik na sa classroom namin.
Napatingin ako kay Aish na nakatingin sa amin at napa-iling na lang siya at naalala ko naman yung sinabi niya kanina.
I'm so stubborn. Sabi niya layuan ko na siya pero anong ginagawa ko, nilalapitan ko pa rin siya.
Pagkaupo ko sa tabi ni Aish ay agad siya nagsalita.
"What's that?" tanong niya.
"What do you mean?" nagmaang-maangan akong hindi ko alam ang ibig sabihin niya. Napa-iling na lang siya.
"Huwag kang magmaang-maangan, Rylie" sabi niya kaya napayuko na lang ako.
"It's your choice, kung gusto mong masaktan o hindi" sabi niya sabay kibit balikat kaya napatingin ako sa board namin at napa-isip.
Should I take the risk or should I do it in the way that I can be safe?
Advertisement
- In Serial39 Chapters
Save Me (GL)
When your fairytale turns into a nightmare and all hope seems to be gone, how will you react if a silver lining suddenly shows itself for you, will you struggle to leave your nightmare or will you just give up and accept your fate... ~~~~~ The novel is also in webnovel and scribble hub
8 232 - In Serial90 Chapters
♡ Meteor Garden ♡
Just Imagine Being sucked into your Favorite Drama and end Up being stuck there. There you meet the Main girl Shancai. But everything took a turn when You Appeared. Little did You know that everything was planned by your so called " GodFather" Just a heads up This story Involves a lot of Different things. It's not supposed to be like the Actual Meteor Garden. The story Line will also be somewhat the same and the outcome will also be different.
8 433 - In Serial23 Chapters
The Age of Forever | ✓
Adele Mason and Harold Bryon have escaped the wrath of aging and have stayed in their young years for reasons unknown to man. Although they have never officially met, the spark to their never ending life was the same night, the same hour, the same second.They both moved from state to state often, keeping themselves unattached and making sure no one suspected of their dark secret.Ultimately, in a turn of events, the two end up in the same city, in the same building, in the same elevator at the same time.The devastation of the elevator stopping abruptly in the middle of a system glitch causes the two's path to engage in a way that'll possibly change both their lives forever.---INSPIRED BY THE AGE OF ADALINE---
8 231 - In Serial43 Chapters
Moon Born
Elanor belongs to the Moon Mist pack and is happy going to school, anxiously waiting for her 18th birthday when she'll be able to finally turn into her wolf. A being that she has been able to feel deep inside her soul since a small child.She's also anxious to be mated with her boyfriend, Alex, the future Alpha of the pack.That is until the King of all Lycan packs descends on her little village to discuss war tactics with the Alpha. A strange feeling arouses in the pit of her stomach. A feeling she's never had before.
8 162 - In Serial38 Chapters
Secrets Kept
Arthit has a few secrets that he has been keeping for his whole college life. He is now a 3rd year and one of his secrets are about to appear to cause chaos. Or will they all come out? mpreg.
8 231 - In Serial13 Chapters
The Baby {COMPLETE}
She doesn't even know that she dated a prince
8 233

