《The Bad Boy's Love》Chapter 14: Breakfast
Advertisement
Napatingin kami sa lalaking tumawag sa kanya at biglang lumapit sa amin yung lalaki.
"Ba't mo inaway si Ellie?" tanong nung lalaki na umiigting ang pangang nakatingin kay Justin ng masama.
"Bakit ako ang tinatanong mo?" seryosong tono ang binigay niya sa lalaking kausap niya.
"Palagi kang hinahabol ni Ellie, bakit di mo kaya siya pansinin?" tanong nung lalaki.
"Alam mo, bro. Kung tunay ka talagang lalaki, habulin mo si Ellie kasi ikaw naman may gusto sa kanya diba?" tanong ni Justin at parang biglang kumalma yung lalaki.
"Tama ka" sabi nung lalaki at napatingin siya sa babaeng humila at umaway sa akin kanina and I think she's Ellie.
"Go now, don't disturb us" sabi ni Justin at tinalikuran na niya yung lalaki saka siya humarap sa akin.
"Don't hurt her again" mariin na sabi nung lalaki bago siya umalis. May kinuha siya sa may bag at binigay niya ito sa akin.
"May damit kang dala?" tanong niya at binuksan ko yung baunan ng tubig na bigay niya pero mahirap pala.
"Wala" sabi ko at bigla niyang hinablot sa akin yung baunan ng tubig.
"Magbreakfast tayo mamaya, may damit ako dito para sayo" sabi niya habang binubuksan yung baunan ng tubig.
"May CR dun, dun ka na magpalit" sabi niya at inabot niya sa akin yung baunan ng tubig na bukas na.
"Magpalit muna ako, yan yung damit mo. Huwag kang mag-alala, bago lang yan" sabi niya at binigay niya sa akin ang isang paper bag at pumunta siya sa CR na may dalang paper bag din.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pumunta na rin ako sa kabilang CR at nagpalit na.
Nagulat na lang ako nang saktong sakto sa akin yung maikling maong na short, black na tube na sando, at may padobleng crop top na puti.
Sabay kaming lumabas ng CR at hiyang hiya pa akong tumingin sa kanya kaya yumuko ako pero ramdam ko ang titig niya sa akin.
"May jacket ako dun. Aish brought that" sabi niya at naglakad na siya palayo kaya napatulala ako.
Advertisement
Pumunta na ako dun sa may upuan sa gilid at inabot niya sa aking ang isang puti at red ang pinaghalong kulay sa jacket.
"Wear it, kasi...a-ang..." sabi niya at nilahad niya sa akin yung jacket pero nakatingin siya sa ibang direksiyon.
"What?" tanong ko.
"Just wear it" sabi niya at hinagis niya sa mukha ko yung jacket kaya sinuot ko na ito at sinundan ko siya palabas ng gym.
Pumunta kami sa isang malapit na restaurant at mukhang mamahalin ito kaya nag-aalanganin akong pumasok.
Bago kami makapasok ay hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit saka ako napayuko.
"What?" tanong niya.
"Wala akong pera, mauuna na ako" sabi niya.
"Hindi ko sinabing sarisariling bayad, I will pay for you" sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Nakakahiya yun" sabi ko.
"Ngayon ka pa nahiya" sabi niya at ginulo niya ang buhok ko saka bumaba ang kamay niya sa kamay ko.
"Wala akong gagawin masama sayo" sabi niya at hinila niya ako papasok sa restaurant.
"Table for two, Sir?" tanong ng isang waitress.
"Yes, please" sabi ni Justin at hinatid kami nung waitress sa isang gilid malapit sa glass wall.
Hinila niya yung upuan at umupo ako saka siya pumunta sa harapan ko at umupo rin. May naglagay ng dalawang menu sa harapan namin at agad naman siyang tumingin dito. Napatingin siya sa akin.
"Ayaw mong kumain? Go on, pick your food" sabi ni Justin kaya napatingin ako sa waitress na nakatingin sa akin bago ko kinuha yung menu at tumingin ng pwedeng kainin.
"One lasagna and one latte for me" sabi ni Justin at nilapag niya yung menu sa table at kinuha naman ito ng waitress.
"Miss?" tanong ng waitress at narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Justin kaya napatingin ako sa kanya.
"One lasagna and one latte for her too" sabi ni Justin at nagsulat yung waitress.
"Umm...two lasagna and two latte, right?" tanong nung waitress at tumango siya kaya kinuha na nung waitress yung menu saka na siya umalis.
May waiter na lumapit sa amin at nagbigay ng tubig saka agad umalis.
Advertisement
"You can remove my jacket now" sabi niya kaya tinanggal ko yung jacket na suot ko at binigay ko ito sa kanya. Saka ako yumuko.
Tumitig lang ako dun sa tubig at may naramdaman akong malakas na hangin kaya napunta yung mga buhok ko sa mukha ko. Nilagay ko sa likod ng tenga ko yung mga buhok kong nasa mukha ko.
Napa-angat ako ng tingin sa kanya at nang magtama ang mga mata namin ay nag-iwas siya ng tingin saka uminom ng tubig kaya napayuko ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na rin yung mga in-order namin.
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami ay nakatingin lang ako sa pagkain o kaya sa table, hindi ako tumitingin sa kanya pero ramdam ko ang paninitig niya sa akin.
Tapos na siyang kumain pero ako ay nakakalahati ko pa lang yung pagkain at ngayon ay umiinom na siya ng kape. Medyo dinalian ko ang pagkain ko pero hinawakan niya ang ulo ko kaya napatigil ako.
"Don't rush, di kita iiwan" sabi niya at nagpunas siya ng tissue sa labi niya kaya tumango na lang ako pero still, nakayuko pa rin ako.
Napatigil ako sa pagkain ko nang hawakan niya ang baba ko at pilit niyang iniangat ito.
"Sasakit yang leeg mo" sabi niya and he smile. Kaya ngumiti ako pabalik sa kanya saka na ulit siya sumimsim sa kape niya.
Pagkatapos kong kumain ay hindi muna kami umalis dahil kailangan ko muna raw naming pababain ang aking mga kinain.
After ng ilang minuto ay lumabas na rin kami ng restaurant. Nagulat na lang ako nang may valet na nagbigay sa kanya ng susi kaya nagtungo kami sa parking lot.
"May dala kang kotse?" tanong ko habang papunta kami sa parking lot.
"Always" sabi niya sabay kibit balikat at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse saka siya umikot para makapasok.
"Ano? Uuwi ka na?" tanong niya at sumandal ako sa sandalan ng upuan sa kotse.
"Oo, wala naman akong ibang pupuntuhan" sabi ko at pumikit lang muna ako.
"Want some sleep?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Just sleep, gigisingin na lang kita pagdating natin sa bahay" sabi niya at may kinuha siyang blanket sa likod ng sasakyan niya at binigay niya sa akin.
"Sleep now, hindi ako nangrereyp" sabi niya kaya naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at yumuko na lang ako. Sasandal sana ako sa sandalan pero nagulat ako nung bumaba ito.
"Sleep" sabi niya at hiniga ko ang aking sarili saka ako nagkumot ng blanket at natulog.
Nagising ako at naramdaman kong mag-isa na ako sa sasakyan at nakapark ito. Bumangon ako at sumili ako sa bintana at nakita kong masa parking lot ako.
Lumabas ako ng kotse dala yung blanket na pahiram niya sa akin at binalot ko yung sarili ko. Umalis ako sa parking lot at dun ko lang napagtanto na nasa isang super market pala kami.
Nasaan kaya yung tukmol na iyon? Naglibot libot ako sa mall at hinanap ko siya.
Nakita ko siya sa bread section na may katawagan kaya lumapit ako sa kanya.
"I'm going home later...Yes, I'm with her...She's sleeping in my car...I'm buying groceries...For her...Nothing...I'm not, okay?...Bye" sabi niya at binaba na niya ang kanyang cellphone at napatingin siya akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at nagbuntong-hininga.
"Sinundan lang kita" sabi ko sabay yuko.
"Tulungan mo na lang akong maggrocery" sabi niya at nagtulak na siya ng cart kaya sinundan ko siya.
Pagkatapos naming mamili ay bumalik na kami sa kanyang kotse.
"Para saan yang mga groceries mo? Diba may maid naman kayo?" tanong ko.
"Sayo lahat yan, uwi na tayo" sabi niya at sinimula na niyang paandarin ang kanyang sasakyan.
Hindi ako umimik at nakatingin pa rin ako sa kanya habang nagmamaneho siya.
Pagdating namin sa bahay ay dinala niya lahat ng mga grocery sa loob ng aking bahay saka na siya umalis.
Did he do it for something?
Advertisement
- In Serial26 Chapters
The Prince of Hell
Asmodeus is the king of Edom. Magnus rules as prince at his side. He is an alpha and the most powerful warlock in the world. Alec is the first omega to be born in over 5 centuries. He's his family's & the clave's most precious treasure. What happens when the time comes for him to choose a mate. Malec Mpreg.'As Magnus opened his eyes again, his glamour fell.If Alec was breathing before, he definately wasn't breathing now. He couldn't explain it, but as he looked into those cat like eyes, darkened and burning with desire, he felt his whole body grew weak.'This story will have smut and is suitable for mature readers only.I do not own the rights to the characters they belong to Cassandra Clare. But the story is all mine baby.
8 102 - In Serial18 Chapters
Anchor
Former Marine turned Coast Guard Gabriel Rossi, traded the brutal desert for the unforgiving sea to be closer to his family. When a woman risks her life to save his young daughter, Gabe will stop at nothing to bring her home safe.Chloe McKinney would be the first to say she isn't a hero. But when a man draws a gun and threatens the passengers on a ferry, she's the only one who steps in the line of fire to protect a little girl, even if it means sacrificing herself.As the clock ticks down to an explosive confrontation, Gabe and Chloe must trust one another if they're going to make it to morning alive.
8 182 - In Serial31 Chapters
Malia&Khari
Khari Valentine is a basketball player from New Orleans, Louisiana who seems to be very rough around the edges. His move to Washington, DC to play college ball for Georgetown University is less than smooth. He meets a very well rounded young lady in Malia King. She's smart, beautiful, spiritual, and patient. Can they build a friendship or would the two think that they have nothing in common?
8 94 - In Serial17 Chapters
One Shots || stopped
Hello! This book will be one shots written by Admin Winter and Admin Summer. Please read, comment, vote and follow our account! We hope you enjoy the stories:))Okay actually it isn't one shots. Sometimes it will be stories with real content, other times it will be like a diary entry. Like what you would write in a diary if you saw your crush with another girl, etc.
8 141 - In Serial65 Chapters
Married By Chance
This book is a sequel and continuation. In order to understand it, you have to read 'Partners By Chance' first.•"I vow to always be there, to always listen and to always hold you close. I will love, honour, respect, encourage and cherish you, In sickness and health, for better or worse, through sorrow and success, for all the days my life."****After Amelia Smith and Liam Black became partners, a lot happened. Her friends and his became friends and they all formed the most amazing friendship ever and most importantly, they fell in love.Unfortunately, being an heiress to a multi-billionaire comes with responsibilities and as a result, Amelia had to make a big sacrifice.Join her on her second journey with her friends, lots of drama, parties, university life, wifey duties, more craziness and the hottest husband ever.With having to give up something that special and all that is going on, will she loose herself along the way?Or will she end up finding something so much better than what she has lost?
8 63 - In Serial18 Chapters
Inheritance
After Summer's estranged grandfather's passing, his much beloved lake house in Morgan, Vermont is given to her. The twenty-one year old leaves her old life behind, feeling beckoned back despite her parents begging her to sell the dilapidated family property and forget about Morgan, Vermont all together. Upon moving, it goes without saying that this town is smaller, and stranger than she remembered. Charming-- yes, but an air of secrecy amongst the townspeople sends chills down her spine during an otherwise scorching July. Follow Summer as she learns more about her shrouded family history and ultimately herself. Copyright 2018, Christina LaTorraca, All rights Reserved.
8 98

