《The Bad Boy's Love》Chapter 13: Punching
Advertisement
Paggising ko ay nagulat na lang ako nang may kumakatok sa pintuan ko. Ngayon lang ito ah, baka nagpadala naman sila Mom? Imposible, kung magpapadala man sila ay sasabihin nila sa akin. Eh sino ito?
Lumabas ako ng kuwarto ko at binuksan ko yung pinto.
"Good morning, sorry to interrupt" sabi ni Justin na nakapamulsa ang isang kamay at may hawak na kape ang isang kamay. Pawis na pawis siya and I think...nag-jog siya. Tumingin sa likuran niya at wala akong kotseng nakita at sumisikat pa lang yung araw.
"Ba't ka nandito?" tanong ko.
"Wala lang" sabi niya sabay kibit balikat at inabot niya sa akin yung kapeng hawak niya.
"Saan ka galing? Ba't pawis na pawis ka?" tanong ko.
"Nag-jog ako" sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"I want to invite to go to a gym" sabi niya.
"Bakit?" taas kilay kong tanong.
"Kung ayaw mo, it's okay. I just want to" sabi niya at nagkibit balikat siya saka ulit siya tumakbo pero napatigil siya nung sinigawan ko siya.
"Hoy, balik ka dito. Hintayin mo ako, pupunta ako" sabi ko at napatingin siya sa akin at napangiti. Tumayo lang siya sa harap ng pinto ko habang bukas yung pinto.
Lumabas ako sa bahay, wearing my gym outfit. Malamang, alangan naman magde-dress ako? Timang.
Habang naglalakad kami, oo naglakad na kami. Bumugso ang isang napakalakas na hangin sa akin kaya nilamig ako.
"Ba't di ka kasi nagdala ng jacket mo? Tss. Oh yan, gamitin mo muna jacket ko" sabi niya sabay hagis sa mukha ko yung jacket kaya naamoy ko ito.
Wews! Ang bango naman ng amoy niya, nakaka-adik. Sinuot ko na yung jacket at niyakap ko ang sarili ko.
Ang comfortable ng jacket, hindi na tuloy ako giniginaw.
"Enjoying my jacket?" tanong niya at napabaling ako sa kanya at napa-irap. Tumayo ako ng tuwid para hindi niya mapansing gustong-gusto ko yung jacket niya.
Advertisement
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang mapansin kong patungo kami sa bahay nila.
"Sa bahay" sabi niya.
"Sa bahay niyo? Huh? Akala ko ba sa gym?" tanong ko.
"Basta, sumunod ka na lang" sabi niya at hinila niya ako papasok sa bahay nila. Mga maid lang yung nakita ko.
"Nasaan si Aish?" tanong ko.
"Tulog pa" sabi niya at hinila niya ako papasok sa isang kuwarto. Pagtingin ko sa kuwartong iyon ay gym pala.
"You know what, ang boring mag-gym kapag ganito" sabi ko at pumunta siya sa isang side.
"Hindi naman masyado" sabi niya.
"Well, ikaw sanay na ako..." sabi ko at napatingin ako sa kanya. Nakita kong hinubad niya yung t-shirt niya at nagpunas siya kaya napatitig ako sa kanya.
Oh my! His body is so perfect!
Nagsuot na siya ng t-shirt niya at bumaling siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Tara na" sabi niya.
"Saan?" tanong ko.
"Sa gym" sabi niya.
"Huh?" tanong ko.
"Tara na nga" sabi niya at lumabas na kami sa bahay nila at nag-jog kami papunta sa isang gym. Parang public gym pero anong malay ko.
Pinatigil kami ng guard sa harap.
"Sino po sila?" tanong ni manong guard.
"Justin Tyler Villareal" sabi ni Justin at may inilabas siyang kulay blue na makinang na card sa bulsa niya at pinakita niya ito sa sa guard kaya pinapasok kami.
"Ano yan?" tanong ko sa blue na card kaya binigay niya sa akin ito.
Binasa ko ito, "Justin Tyler Villareal. Sarmiento's Gym VIP Card"
"Saan mo ito nakuha?" tanong ko.
"Bigay ni Tito Ken, siya nagmamay-ari nito" sabi niya.
"Oh" sabi ko at binalik ko ito sa kanya. Pumunta kami sa taas kung saan bihira lang ang tao.
"Anong alam mong gamitin?" tanong niya at tumingin ako sa kanya.
Advertisement
"Wala" sabi ko at bumuntong-hininga siya. Naglakad siya at sinundan ko siya. Nakita ko ang isang exercise bike.
"Ba't yan?" tanong ko.
"Jan ka na lang" sabi niya.
"Ayaw ko nga, magbike nga di ko alam eh" sabi ko.
"Huh?" tanong niya at nang di nagtagal ay tumawa rin siya.
"Hindi ka matutumba diyan, basta magbike ka lang" sabi niya.
"Sure ka?" tanong ko at inalalayan niya akong umupo sa may bike.
"Oh sige, kaya mo yan" sabi niya at nagsimula na akong mangpedal dito. Nang tumagal na ay nagustuhan ko na rin ito kaya pumunta siya sa may malapit sa boxing ring.
May nilagay siyang bandage sa kanyang kamay at halos mapapikit ako nang makita kong sinuntok niya ng napakalakas yung punching bag.
Bigla akong kinabahan nang tuloy tuloy niya itong sinalubong ng malalakas na suntok.
Naku, baka mamatay ako kung ako yung punching bag.
"Miss, excuse, alis diyan" sabi ng isang babae at hinila niya ako pababa dun sa may bike.
"Excuse me din, Miss pero ako ang nauna riyan" sabi ko.
"Matagal na ako dito at ikaw...tsk! Kararating mo lang" sabi niya.
"Kahit na, Miss" sabi ko at inirapan niya ako saka na siya nagsimulang magpedal.
"Miss!" sigaw ko at biglang kumunot ang noo niyang humarap sa akin. Bumaba siya sa may bike at lumapit siya sa akin.
"Ako ang nauna dito, Miss. Alis ka na nga" sabi niya at tinulak niya ako nang malakas. Matutumba na sana ako pero may humawak sa bewang ko.
"Stop it, Ellie" isang malamig na boses ang nanggaling sa likuran ko.
"Why do you want me to stop? You're avoiding me now, huh?" tanong ng babae at lumapit siya kay Justin. Nanatili pa rin ako sa tabi niya.
"Stop it" sabi niya at tinalikuran namin yung babae pero hinila niya ang buhok ko.
"Aww!" sabi ko.
"I said stop it!" sigaw ni Justin at binitawan ako nung babae. Nakita ko kung paano magsara ang mga palad ni Justin na nakatingin sa babae. Naalala ko kanina kung paano niya suntukin yung punching bag, paano kung gawin niya iyon sa babae?
"What do you want?" tanong ni Justin na umiigting ang panga.
"I want...you back" sabi nung babae.
"I will never ever be back, Ellie" sabi ni Justin at hinawakan niya ang aking palapulsuhan at pinaupo niya ako sa may hagdan ng boxing ring.
"Sino...siya?" tanong ko.
"Isa rin sa mga napaglaruan ko kasama si Hana" sabi niya.
"W-wala ka bang..." sabi ko.
"Ano?" tanong niya at tumingin siya ng diretso sa aking mga mata kaya umiwas ako ng tingin.
"Wala ka pa bang n-nagalaw?" tanong ko at bumuntong-hininga siya.
"Binibigay ko lang ang katawan ko sa taong mahal ko" sabi niya at nagulat ako nung suntukin niya ng pagkalakas lakas yung punching bag.
"Ba't ka ba nagugulat?" tanong niya at umiwas ako ng tingin sa kanya.
"H-hindi kasi ako sanay na may sumusuntok sa harapan ko" sabi ko.
"Masanay ka na, lalo na kung ako ang kasama mo" sabi niya.
"Huh?" sabi ko.
"Justin!" isang matigas na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
Advertisement
- In Serial45 Chapters
Bride
My boyfriend has been cheating on me with my sister for two years. "We looked at each other and then lmy sister laughed. - Merry Christmas, sis! Mila said happily in the arms of my boyfriend.They grined at me on my bed, completely naked.- Screw you, Mila. I walked out of the room and slamed the door."That was my Christmas' present two years ago. The solution?Leave.Away.Far away from everyone. Maybe even forever. Out of sight, out of mind!______________________That's what I thought until my mother called to tell me that my sister and James, my ex, were getting married. I had to come back home. For better or for worse.Before that, a drunk night at the club would not be out of place. At least, that's what I thought. . .
8 383 - In Serial75 Chapters
Love Death Cemetery
Lug is a young and anxious man, he doesn't have a passion, nor a goal in life, all he wants is to be left alone. His dream comes true when he finds a job as a cemetery caretaker. But when he gains the ability to see ghosts, the quiet life he dreamed of gives way to chaos. A new chapter every two days!
8 191 - In Serial20 Chapters
The Wonders of Fall; A Modern Zelink AU Story
Zelink AU Modern Fanfiction Link lives a miserable life. Every day it seems that the same exact events repeat themselves, like he's living in a loop. As an attempt to break his loop, Link's little sister Aryll and her friend Tetra make a goal to set him up with Tetra's older sister Zelda. With Thanksgiving weekend just around the corner, the two merge and each discover how special the other is. But what happens when other girls are involved?Neither one knows how things will turn out, but that makes the ride even more enjoyable. ~Clean and appropriate for all ages~ *yipee!*Cover art does not belong to me, I don't know who it belongs to. If it's yours and you want it taken down, let me know and I'll do that. No swearing in comments, or anything inappropriate please.That being said I would love some constructive criticisms because I want to become a better writer. All rights belong to Nintendo. The rights of the plot go to me, and please don't post anything I write anywhere else.Highest ratings: #1 Zelink 02/26/19#1 ZeldaxLink 04/20/20COMPLETED**COMPLETED November 22 2018
8 129 - In Serial11 Chapters
Big Bad Love (LenXMiku)
Miku-Little Red Riding HoodLen-The Big Bad WolfLuka-Miku's GrandmotherKaito-Miku's Childhood FriendRin-The deceased little red riding hoodMiku-My Grandmother once told me: "Little girls, this seems to say, Never stop upon your way. Never trust a stranger-friend; No one knows how it will end. As you're pretty, so be wise; Wolves may lurk in every guise. Handsome they may be, and kind, Gay, or charming never mind! Now, as then, 'tis simple truth Sweetest tongue has sharpest tooth"
8 110 - In Serial79 Chapters
BL | Bai Yueguang From Slag Gong And I Have HE [Quick Wear]
⚠MACHINE TRANSLATIONTitleBai Yueguang From Slag Gong And I Have HE [Quick Wear]/渣攻的白月光和我HE了AuthorGuzheng/故箏Status79 Chapters (Completed)http://www.jjwxc.net/onebook.php?novelid=4613705https://m.shubaow.net/145/145905/https://www.pilibook.com/book/2143.html.INTRODUCTIONWang Weichu, a name that is very perfunctory for cannon fodder passers-by at first glance, his life is indeed cannon fodder,He was picked up by his father from the mountain village, and the first thing he did was to marry into a wealthy family as a man and wife.His husband, Mr. Cheng, is handsome and young, and he looks up to and adores Mr. Cheng.However, the whole city knows that Mr. Cheng has Bai Yueguang in his heart, and he can't get it after several years, and he can't even get one percent of Bai Yueguang.Until the family banquet, Wang Weichu saw Bai Yueguang Cen Yao,This noble and elegant, indifferent and unapproachable Bai Yueguang hooked his leg under the table...[Quick Transmigration, the copywriting is only a summary of the first world, self-cutting, the whole text is a routine, and is redeemed and healed by Bai Yueguang. Dog blood dog blood Su Shuangtian, bold. Bai Yueguang is beautiful and fierce 1! Don't stand wrong! 】
8 376 - In Serial37 Chapters
Balance(Bakugo x fem! Avatar reader)
The Avatar has vanished from the history of the world.When a girl enters the world containing the powers of this legend.She will be sent out to "fix the world"But no one can do it all on their own.When the responsibility of the world's balance falls on one's shoulders,One tends to forget to maintain the balance within.When she meets another imbalanced individual...They will bring balance to each other.************Started: Jun 9, 2019Ended: (DISCLAIMER: These events will not be 100% accurate. So don't come at me please.)j
8 198

