《The Bad Boy's Love》Chapter 10: Afraid
Advertisement
"Nakapikit ako, okay? Napaka-OA! Tsk!" sabi niya.
"Umuwi ka na nga, kaya ko nang mag-isa" sabi ko.
"Ba't mo ako papauwiin? Nagpaalam na ako sa mga magulang ko na dito na ako magpapalipas ng gabi tapos papauwiin mo lang ako? Ano nang sasabihin nila?" tanong niya.
"Aba malay ko sayo. Basta umuwi ka na" sabi ko at napatayo siya.
"Hoy, hoy, hoy. May damit na akong dala kaya dito na ako magpapalipas ng gabi sa ayaw at gusto mo" sabi niya.
"Bahay ko ito kaya may karapatan akong paalis ka dito" sabi ko.
"Ako na nga itong nagmamalasakit tapos magagalit ka pa sa akin?!" sigaw niya.
"Kaya ko namang mag-isa! Sino ba kasi nagsabi sayong tulungan mo ako? Kung may gusto kang hingiin sa akin?! Sabihin mo!" sigaw ko.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mong mapag-isa, minsan kailangan mo ng kasama. Tumutulong ako sayo kasi gusto kong bumawi sa sirang payong na pinahiram ko kahit hindi ko naman alam na sira at wala akong hinihinging kapalit sayo!" sigaw niya kaya napalunok ako.
"Umupo ka na diyan at kumain ka na" sabi niya hinanda na niya yung kakainin ko kasama na yung gamot. Napaupo ako pero akmang aalis siya sa kusina.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Kumain ka na lang diyan" sabi niya.
"Ayaw mong kumain?" tanong ko.
"Bibili na lang ako ng pagkain ko sa labas baka sabihin mong kumukuha ako ng hindi sa akin na wala man lang bayad kasi para sayo, lahat ng bagay may kapalit" sabi niya at paghawak niya sa door knob ko ay tinawag ko siya.
"Pasensiya na, hindi ko naman sinasadyang sabihin ang mga bagay ba iyon eh. Dito ka na kumain" sabi ko at napayuko ako.
"Kung napipilitan ka rin lang, huwag na" sabi niya kaya tumakbo ako palapit sa kanya saka ko hinila ang t-shirt niya.
Advertisement
"Pasensiya ka na, dito ka na" sabi ko at napayuko ulit ako.
"Diba kaya mo namang mag-isa? Dun ka na" sabi niya at napayakap ako sa kanya.
"Pasensiya na, hindi ko naman alam ang mga lumalabas sa bunganga ko eh" sabi ko at dun tumulo ang mga luha ko.
"Umupo ka na dun" sabi niya.
"Huwag ka ng umalis" sabi ko.
"Kaya nga umupo ka na dun at pupunta na rin ako dun" sabi niya kaya agad akong humiwalay ng yakap sa kanya at pinunas ko na yung luha ko.
"Ang iyakin mo naman, prinaprank lang kita eh" sabi niya kaya pinalo ko yung braso niya.
"Nakakainis ka, alam mo ba yun?" tanong ko.
"Matagal na" sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Kain na nga tayo" sabi niya at naupo na kami sa high chair sa aking kusina.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na siya sa banyo para raw magshower.
Nanonood lang ako ng TV sa aking kuwarto at bigla kong naramdaman na nasusuka ako.
Hindi ako pwedeng masuka, iisa lang ang banyo dito kasama na dun yung CR at lababo tapos may gumagamit nito.
Nang hindi ko na talaga makayanan ay pinasok ko na yung banyo at wala na akong pakealam kung ano man ang makita ko.
Agad na akong tumakbo sa CR kaya wala akong nakita. Natamaan lang ng mga mata ko na palabas na siya ng shower room.
"Okay ka lang?" tanong niya at hinaplos niya ang likod ko kaya napatingin ako sa kanya.
Half-naked?! Shit!
"Saglit" sabi niya at akmang aalis siya pero nagbrown-out kaya hinila ko siya saka ako yumakap sa kanya.
"I'm afriad of dark" sabi ko at ramdam ko ang init ng kanyang katawan.
"Punasan mo nga yung mukha mo, may panyo ka ba?" tanong niya at may nahawakan akong tela kaya pinampunas ko. Bigla namang humigpit ang yakap niya.
Advertisement
"Takot ka rin ba! Ahh!" sabi ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya at bigla na lang nagka-ilaw kaya akmang itutulak ko siya pero hindi ko kaya.
"Anong problema mo?!" sigaw ko.
"Huwag kang yumuko, makikita mo yung ibon ko" sabi niya kaya bigla na lang lumaki yung mata ko.
"Yung pinampunas mo sa mukha mo ay yung tuwalyang suot ko kaya huwag kang tumingin" sabi niya at naramdaman ko ang kamay niya sa aking braso pababa sa kamay kong may tuwalya.
"Pumikit ka at tumalikod ka" sabi niya kaya pumikit lang ako pero hindi ko tumalikod. Humiwalay siya ng yakap sa akin at unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
I saw his perfect back and suddenly he turn around and look at me. I saw his perfect body.
Nagkatitigan kami ng ilang minuto at natahimik na rin hanggang sa pinutol niya ito.
"Maghugas ka muna, magpapalit lang ako" sabi niya at lumabas na siya ng banyo.
Pagkatapos kong maghugas ay nakita ko siyang nanonood na sa aking television. Napatingin siya sa akin at bigla siyang napatayo.
"Antok ka na ba? Matulog ka na" sabi niya.
"Saan ka matutulog?" tanong ko habang humihiga ako sa aking kama.
"Dun na ako sa sofa mo" sabi niya at kinumutan na niya ako.
"Matulog ka na at may pasok pa tayo bukas" sabi niya at pinatay na niya yung ilaw.
Natulog na rin ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano siya makaka-adjust na matulog sa sofa eh alam ko namang hindi siya sanay.
Napaupo na lang ako bigla.
"Justin...?" sabi ko at bigla niyang in-on yung ilaw.
"Hmm? Bakit?" tanong niya.
"Dito ka na" sabi ko.
"Huwag na, matulog ka na lang" sabi niya.
"Please, natatakot ako" sabi ko kahit hindi naman kasi naawa talaga ako sa kanya. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka siya nahiga sa tabi ko.
"Matulog ka na" sabi niya at tumalikod siya sa akin saka niya pinatay yung ilaw kaya natulog na ako.
Advertisement
Vampire Hearts & Werewolf Eyes
Meredith is reminiscing about the immortals, and how they are believed to be extinct. When her estrange grandmother shows up for her birthday secrets are learned. One being the last female vampire of ...
8 124The Doll and the Cat
Eithne was trapped by the grasp of a winter storm, she was forced to have to wait out the worst of it within a cave but runs out of fuel for her fire. She, in a fit of desperation, tries to find some relief by walking into the white abyss of the snow, but found herself without help and without energy to walk. Losing consciousness, she was taken by someone and saved from death. A tale between her and her slightly eccentric savior.
8 75Never with Me (Book 1)
For five years, Alpha Damien Blackstone has been committed to his chosen mate, Rachel Smithson. She was everything he had ever dreamed for and wanted in a mate, and he had chosen her. But Leilani Storm is his true mate. He knows, and doesn't care. What happens to your soul when your mate loves someone else?
8 318Fate of our life (Niall Horan - Completed)
Crises can be overcome but can everyone survive?He and She - Niall and OliviaHappy moments don't last forever and when everything seems fine, something twists around and turns everything up side down.Olivia and Niall's story continues and it seems like there's no happy ending for them. What she thought was the end, turns out to be only the beginning of it all.Old secrets get revealed and life places new challenges in front of them and new secrets come into their lives.The constant up and down doesn't seem to ever stop and at some point something breaks.Within seconds their life can change completely, but are they willing to take the challenges?Will they end up together like they always thought they would or was it just temporary?Will they be happy together?or will they be more happy without each other?Will fate get them to their happiness?'Fate of our life' is the sequel to 'Fate'I hope you all enjoy itand please vote and commentAll the love, C xx
8 215Hwarang: A Different Kind Of Halfbreed.
Mei is the daughter of the Emperor of Qing,Her mother is a princess of a country in Africa who was sold into marriage just to form an alliance between the two countries.She is forced to live in disguise as her father believes that she is in danger. She moves from country to country every few months or years unable to call one place home.She finally convinces her father to let her settle in Silla, where she hopes to find the man whom she loves.
8 121Kingly Desire (BWWM) (on hiatus)
A story in which a king becomes infatuated with a young girl who is supposed to serve solely as the queen's womb.
8 246