《The Bad Boy's Love》Chapter 7: Unexpected

Advertisement

Pagdating ko sa room namin ay sobrang gulo nila at hindi ko alam kung bakit.

Wala na akong pakealam basta, naupo na lang ako sa upuan ko at nakita kong naglalaro lang siya sa cell phone niya na tahimik.

"Hoy, tahimik mo ngayon ah" sabi ko at siniko ko siya. Tumingin siya ng masama sa akin at tinaasan niya ko ng kilay.

"So? Anong gusto mo na mag-ingay ako gaya ng mga kaklase natin? Tss! Hindi porket masama na ang ugaling pinapakita ko, masama na talaga ako" sabi niya at bigla nalang dumating yung teacher namin na parang zombie.

"Tumahimik na at busy ako ngayon!" sigaw ng teacher namin.

"May ipapakilala ako sa inyong magsa-sub sa akin muna sa ngayon habang wala ako" sabi ng teacher namin at may pumasok na dalagang teacher.

"I'm Hanabi Epson but you can also call me Ma'am Hana" sabi ng dalagang guro at napatingin siya sa katabi kong pinapaikot-ikot ang kanyang ballpen sa kanyang kamay.

Napabulong yung dalagang guro sa teacher namin at napatango saka naman umalis yung teacher namin.

"Ano bang subject niyo kay Ma'am?" tanong niya at bigla namang nagsalita yung demonyo, "Tanga ka ba? Magsa-subtitute ka tapos hindi mo alam kung anong subject? Tss! Anong klase guro ka? Di ka nalang sana nagteacher pa" sabi niya kaya nagulat kaming lahat.

Halata namang nadisappoint yung dalagang guro kaya may tumayo.

"Ma'am, sumbong natin" sabi ng isang babaeng maliit ang buhok.

"No, it's okay, kausapin ko na lang siya mamaya" sabi ng teacher at nilabas na niya yung loptop niya.

"Math po" sabi ko at napatango na lang ang guro. Kawawa naman siya.

Habang naglelesson siya ay hindi nakikinig itong katabi ko at pinaglalaruan lang yung ballpen niya.

"Mr.Villareal, are you listening?" tanong ng teacher.

"What if I say no? May magagawa ka ba?" tanong niya.

Advertisement

"Please, listen" sabi ng guro.

"What if I don't want to?" tanong niya.

"Then, tell me what is a function machine! Para kahit hindi ka na makinig! Parang alam mo naman!" sigaw ng teacher sabay palo sa lamesa niya.

"Are you joking? Napakadali naman ng pinapagawa mo" sabi niya sabay irap.

"Stand up and come in front" sabi ng guro at umirap pa siya bago tumayo at pumunta sa harapan.

"The earliest way of describing a function is by means of a function machine. An element of a specified set, the input is put into the machine. The machine process it producing an element of the second set, the output. A function can have only one output for each input. If for an input of 0 the machine outputs 7 and at the other times 18, then the machine is not a model for a function. When we write y=f(x)," sabi niya at nagsulat siya sa blackboard, "the variable x represents an arbitrary number in the domain of the function f and is called independent variable. The variable y represents a number in the range of f and is called the dependent variable. It is so called because its value is dependent upon the value of x selected from the domain. There, nasabi ko na lahat ng gusto mong malaman, masaya ka na ba?" sabi ni Justin at parang napapansin ko na may iba pa silang ibig sabihin dun.

Nagulat kaming lahat dahil sa ginawa niya, akalain mo ba na memorize niya yun?

"Sit down, Justin" sabi ng dalagang guro. Strange...ba't niya kilala eh ngayon lang siya nagturo dito?

Pagkatapos ng Math Class namin ay hinintay namin yung teacher namin sa English.

"Guys, nagtext si Ma'am, sa English Area daw tayo" sabi ng isang lalaki at isa isa na kaming nagsi-alisan pero naiwan ni Justin dahil mag-uusap daw sila.

Advertisement

Nakikinig ako at magpapasulat daw si Ma'am pero sasabihin niya na lang at susulatin namin.

Narealize ko na naiwan ko pala yung notebook ko kaya binalikan ko sa room.

Hindi muna ako pumasok dahil narinig ko ang sigawan nilang dalawa sa loob kaya nagtago ako at nakinig.

"Pwede bang tigilan mo na ako!" sigaw ni Justin.

"Mahal pa kita, Justin" sabi ng dalagng guro. What? Mahal pa?

"Eto, makinig ka, hindi kita mahal kasi hindi naman talaga kita minahal dahil utos lang yun, dare! Ano ba?! Kaya tumigil ka na?!" sigaw ni Justin.

"Pero..." sabi ng dalagang guro.

"Tumigil ka na, Hana, bakit ba hindi mo nalang tanggapin na kasinungalingan lang lahat ng iyon?!" sigaw ni Justin.

"Kasi mahal kita, Justin! Mahal na mahal! Oo, alam kong utos lang yun pero kahit utos lang ay naging tayo pa rin, mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin kaya sige na, bumalik ka na sa akin kahit hindi na totoo" sabi ng dalagang guro.

"Hana! Tumigil ka na! May iba na akong minamahal at hindi naman talga mahal at hindi naging tayo at mas lalong wala ng babalik sayo kaya sige na, lubayan mo na ako dahil wala na akong pakealam sayo!" sigaw ni Justin.

"Kung ayaw mong bumalik sa akin, magpapakamatay ako" sabi dalagang guro.

"Eh di magpakamatay ka, wala na akong pake sayo, sige na, alis na. Magpakamatay ka na kung dun ka sasaya" sabi ni Justin.

"Bitiwan mo ang kamay ko, Hana" sabi ni Justin.

"Hinding hindi ako sasaya hanggang hindi kita kasama" sabi ng dalagang guro.

"Tumigil ka na kung ayaw mong ako na mismo ang papatay sayo" sabi ni Justin at papasok na sana ako ng bigla ko siyang nakita sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"K-kukunin ko lang yung notebook ko" sabi ko at aalis na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko.

"Narinig mo lahat?" tanong niya at dahan-dahan akong tumango.

Hinila niya ako papunta sa loob ng classroom at nakita kong umiiyak yung dalagang guro.

"Labas, hindi na ikaw ang subject namin" sabi ni Justin at umiiyak na lumabas yung dalagang guro.

Tumingin siya sa akin at mas humigpit pa ang pagkahawak niya sa braso kaya napatingin ako sa kanya.

"Narinig mo lahata kaya pwede ba na huwag mo nang ipagkalat dahil hindi naman kasi totoo yun, it was just a dare---" sabi ni Justin and I cut him off.

"I don't care. Fine, I will keep it a secret but why do you need to explain it?" tanong ko sabay taas kilay at binitawan niya yung braso ko. Kinuha ko yung notebook ko at sabay kaming pumunta sa English Area.

    people are reading<The Bad Boy's Love>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click