《The Bad Boy's Love》Chapter 6: Good Demon
Advertisement
Bigla nalang dumating yung teacher namin kaya napatahimik kami.
"Napag-usapan namin na ngayon kayo pupunta dun sa bahay bata, since nandito naman yung mga anak ni Mr.Villareal na tumulong noon doon sa bahay bata noong nakulangan ng mga supply doon, kaya kayo ang uunahin nilang section" sabi ng teacher namin.
Ang bait ng magulang samantalang siya wala lang namang minana o baka naman ampon siya.
"Okay, so lumabas na kayo, idala niyo na yang mga bag niyo at saka pumunta kayo sa school bus number 1" sabi ng ng teacher namin. Kinuha na namin yung bag namin saka kami pumunta sa school bus na sinabi ng teacher namin.
Katabi ko nanaman yung demonyo sa likod kasi nahuli kaming pumasok.
Nasa tabi ako ng bintana at nasa tabi ko siya, sa tabi niya ay yung dalawang classmate naming matataba kaya naiipit kami.
Hindi naman sobrang taba, katamtaman lang.
Bigla nalang lumiko yung bus at dahil sa nag-iipit-ipit kami, nagsisikan na kami ni Justin.
Pagliko nung bus ay nakaside na yung ulo niya sa akin. Yung dalawang kamay niya ay nasa harap at likod na space ng ulo ko habang nakatitig siya sa akin.
Lumingon ako sa kanya and ang lapit na pala ng mga mukha namin, hindi ko masukat pero estimated one inch ang lapit ng mga labi namin at nagkakabangga na ang mga ilong namin.
Umiiwas ako ng tingin sa kanyang mata pero may malaking problema na naman, lumiko na naman ng biglaan yung bus.
Anong aasahan niyo? Accidental kiss na naman ah.
Bigla nalang kumunot yung noo niya at tumayo siya.
"Pwede ba?! Umayos naman kayo oh, halos walang nang space dito sa amin!" sigaw ni Justin sa mga katabi namin at halatang takot naman sila.
"Calm down, Mr.Villareal, sige ililipat ko na lang yung dalawang mapapayat diyan at uupo kayo sa upuan nila" sabi ng teacher namin.
Advertisement
Pinupo kami ng teacher namin sa dating pinag-upuan ng dalawang mapapayat at buti nalang hindi na kami magkatabi.
Pagdating namin sa bahay bata, may yumakap na mga bata sa kanya kaya medyo napalapit ako at baka sigawan pa niya yung nga bata.
Pero imbes na sigawan niya ay ngumiti siya at yumuko para mapantayan yung mga bata.
"Nasaan si Ate niyo Nicole?" tanong niya na nakangiti kaya gulat na gulat naman ako.
"There she is" sabi ng isang batang babae.
"Justin?" sabi nung babaeng tinuro ng batang lalaki.
"It's me" sabi ni Justin at tila lumiwanag naman ang mukha nitong babae saka yumakap kay Justin.
"I miss you" sabi nung babae kaya napa-clear throat ako.
"Ehem! Dadalaw po ng bata, hindi makipaglandian sa iba" sabi ko kaya humiwalay si Justin sa yakap at lumapit sa akin.
"You're just jealous, huwag kang mag-alala, you took my first kiss" sabi niya at saka ako tinalikurang tulala.
"Come on" bigla nalang akong tumino ng tawagin ako ni Aish.
Pumasok kami sa loob ng bahay bata at umalis na rin yung etchoserang babaeng may payakap effect pa.
Naglalaro yung mga bata habang yung mga kaklase ko ay nakikipaglaro sa kanila, ako naman ay nakatayo lang sa isang gilid at parang may hinahanap ang aking mata.
Nagulat ako at gusto ko nang mapasigaw dahil sa mga brasong nasa aking bewang.
"You're looking for me, huh?" sabi ng demonyo mula sa likuran ko at tila parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"I-I'm n-not..." nauutal kong sabi at napatawa siya ng konti.
"Baliw, samahan mo ako dito sa kusina, tapos ko na yung niluluto ko at tulungan mo lang akong maghanda" sabi niya.
"Nagluluto ka?" tanong ko.
"Ano bang sinabi ko?" tanong niya at sumunod nalang ako sa kanya sa kusina.
"Abutin mo yung pinggan sa taas" sabi niya sabay turo sa kabinet na mataas.
Advertisement
Timang, maaabot ko kaya yan?
Wala naman kasing monoblock dito, nasa sala lahat at ang taas taas pa ng kabinet. Buti nalang may konting akyatan pero kasing laki lang ata ng daliri ng paa ko yung espasyo niya.
Nang makuha ko na yung pinggan ay bababa na sana ako pero nadulas yung paa ko kaya nakapikit nalang ako habang yakap yung pinggan, hinintay ko na maitama ang likod ko sa sahig.
Naramdaman kong hindi ako tumama sa sahig dahil buhat na pala ako ni Justin.
"Kung hindi mo kasi kaya, sabihin mo, huwag kang magmagaling" sabi niya at ibababa na niya sana ako nang magsilapitan ang mga bata at yumakap sa paa niya.
"Anak natin oh" sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Ibaba mo na nga ako" sabi ko.
"Saan kita ibababa kung lahat sila nakapalibot sa akin?" tanong niya kaya napairap nalang ako sa hangin.
"Kuya, may Ate na rin kami sa wakas!" sigaw ng isang batang lalaki kaya nagtinginan kami ni Justin.
"Kuya, dala niyo dito yung magiging anak niyo ah para may kalaro" sabi ng isang batang babae at bigla namang nag-init ang pisngi ko.
"Kuya, girlfriend mo?" tanong ng isang batang lalaki.
"Paano mo nalamang ang mga ganong bagay hah?" tanong ko.
"Eh, Kuya, binata na ako" sabi nung batang lalaki.
"Yiee, si Kuya, may mahal na" sabay sabay nilang sigaw at nag-eye-to-eye kami ni Justin.
"Alis na kayo diyan at ibababa ko na ang aking prinsesa dahil nangangawit na ako" sabi ni Justin pero umiling sila.
"Kiss muna bago baba" sabi nila at napangisi si Justin.
"Don't" sabi ko at bababa na sana ako pero naisip ko na baka maapakan ko yung mga bata.
Hinalikan niya ng smack yung ilong ko saka naman nagsi-alisan yung mga bata sa paligid niya kaya naibaba na rin niya ako.
Today is friday and sabi ng teacher namin ay tuwing friday lang daw ang schedule ng pagpunta ng bawat section dito kaya next week ay iba naman.
Hinanda na namin yung mga meryenda nila at pagkatapos nilang kumain ay naglaro-laro na sila.
Inayos namin yung mga pinagkainan nila at si Justin naman ay tinawag niya yung mga bata saka siya naupo sa isang sofa at nakaupo naman yung mga bata sa sahig sa harapan niya.
"Okay, let me tell you a story, gusto niyo ba?" tanong ni Justin and he smiled.
I don't but every time he smile, I smile. Hindi ako inlove but I admit it, he is so handsome like his father but he is way more handsome than his father especially when he reveal his smile.
Bigla siyang napatingin sa akin at napangiti kaya napangiti rin ako sa kanya.
"Huy, may langaw na yang hawak mo oh" sabi ni Aish.
"Ay" sabi ko at dali-dali ko itong binalik sa kusina.
Naupo ako sa likod ng mga bata at pinapakinggan kong magkuwento si Justin.
Isa isa nang nagsialisan ang mga kaklase namin ay isa isa narin naming pinabalik ang mga bata sa kanilang kuwarto. Si Justin naman ay nandun pa rin sa sala.
8:00PM na pero nandito pa rin kami sa bahay bata dahil may mga ginawa pa kami.
Bumalik na ako sa sala at nakita ko siyang tulog na.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Akala ko noong purong demonyo ka na talaga pero may natitira pa palang kabutihan diyan sa puso mo. Payo ko lang sayo, huwag kang maging masyadong mabait sa harapan ko at baka tuluyan na akong mahulog sayo, good demon" sabi ko saka ko na kinuha yung bag ko at umalis na.
Advertisement
- In Serial2291 Chapters
The 99th Divorce
In her previous lifetime, they had married for five years. He meant everything to her, but she was thrown away like an old shoe. After her rebirth, she gave him a divorce contract preemptively— “Divorce after one year, the terms of the contract are as follows: husband and wife shall not share a room or bed. Intimacy forbidden?” He raised his eyebrow. Who knew that after she got drunk one day, leaning on the headboard, he rested his deep-set eyes on her. “You broke the contract, Mrs, Li.”
8 912 - In Serial13 Chapters
Flower Crown ~ Zianourry[ON HOLD]
JUST typical Flower crown Zayn and his life with his daddiesMore details inside
8 212 - In Serial32 Chapters
Obsession, Madness & Love (#6)
Having a childhood enemy and then falling in love with each other runs in my family. So, when I ended up in a similar hateful situation, why did it excite me? Because Althea Coleman has been mine since the moment a three year old me held her in my arms.Yes, her bratty attitude is a pain in my ass and she loathes me but that won't stop me from marrying her. And that's fucking final.I ain't a prince charming like my father or grandfather. And I wasn't stupid enough to stay in denial like them about what I want. And I want her and no one is going to stop me. Because I am fucking obsessed with her.______________________________________________"Why are you so obsessed with me?" "Honestly, I don't fucking know, Althea. And it's maddening but at the same time so fucking addicting."
8 184 - In Serial32 Chapters
Kakanaru: The pain behind Naruto's mask
Naruto is a boy who has been abused by his village. To reduce the number of beatings he is forced to endure, he pretends to be a happy go lucky dead last idiot. Secretly though, he trains with Kurama to become strong. After he graduates he lets go of his mask, tired of having to pretend to be happy. Kakashi, Naruto's teacher, can't understand why this child is so different from the file. As time passes, Kakashi finds himself growing closer to the boy who's eyes look older than they should.
8 243 - In Serial50 Chapters
Dancing In The Dark ✓
It's a week before Eve Hayden's GCSEs when the phone rings. Eden Davis on the other end casually informs her that it's done. The murder of Josh Hartley, Eve's ex boyfriend. And in return she expects Mr Granger, their History teacher, to be dead by their first exam. But Eve hangs up, telling Eden to get a life and to stop watching crime shows. But Josh is dead and so is Mr Granger, just days later. But Eve has had nothing to do with the killing of her teacher. And Eden would be crazy enough to kill Mr Granger, right? But the clock is ticking and all fingers are starting to point at Eve. She better get a bloody nine in murder solving.[ COMPLETE NOVELLA, 25K WORDS ][ cover by cassie / queens-hope ]
8 178 - In Serial49 Chapters
Harfan Maula
A Cluster Of Short Stories
8 233

