《Haven In Your Arms (ON-GOING)》Chapter 1
Advertisement
••••
did you know my name?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. And what shocked me most is that he just smiled at me. Stalker ko kaya 'to?
"It was written in your apron," ani niya. Agad ko namang tiningnan 'yong nakasulat sa apron ko at tama nga siya. Pinagawa ko nga pala 'tong apron na ito at pinalagyan ng pangalan ko. Napatampal naman ako sa aking noo dahil kung ano-ano na 'yong iniisip ko kanina. Napagkamalan ko pa siyang stalker. "Are you okay?"
"Yeah... What is your order again?" Napakagat-labi na lang ako sa tanong kong iyon.
"It's ca---,"
"One cappuccino!"
Natahimik naman ang buong café sa sinabi kong iyon at lahat sila ay nakatingin sa'kin. Gosh, naisigaw ko ba 'yon?!
Agad naman akong humingi ng pasensya sa mga customers namin at buti naman ay bumalik na sila sa mga pinaggagagawa nila kanina.
I sighed after that.
"Lily," tawag sa'kin ng isang baritonong boses. Nilingon ko naman ito at natanto na ito pala 'yong nag-order kanina.
"Yes sir wait a minute." Agad naman akong kumilos para gawin 'yong order niya. Kanina pa pala siya. Bakit ba ang lutang ko ngayon?
Matapos kong gawin 'yong order niya ay inabot ko na ito sa kanya. Nagbayad naman siya agad at sinuklian ko rin naman siya. Aalis na sana siya kaso tinawag ko pa siya kaya nilingon niya ako.
"Uhmmm... I'm sorry about a while ago. I waste---," nakayukong sambit ko sa kanya na hindi natuloy dahil pinutol niya ito.
"It's okay and you didn't waste my time. You made my day, Lily. By the way thank you for the cappuccino," ani niya at lumabas na ng café na nakangiti.
I was left stunned and my heart is beating like crazy and I can't explain why? This is so unusual.
Nabalik lamang ako sa aking ulirat nang kalabitin ako ni Tina. "Pahinga ka kaya muna," aniya. Isang pure Filipino si Tina at nakipag-sapalaran siya rito dahil sa hirap ng buhay. Nakita ko lang siya sa kalsada dalawang buwan na ang nakakalipas. Pauwi na ako noon nang makita ko siyang nag-iisa at umiiyak sa dilim kaya nilapitan ko siya. Sinabi niya sa aking naloko siya ng isang agency kaya ayon nagpalaboy-laboy siya. Naawa naman ako sa kalagayan niya kaya isinama ko siya pauwi sa bahay. Isa rin naman akong Filipino kaso half nga lang pero alam ko naman ang lenggwahe nila kaya nagkakaintindihan kami. Simula rin no'n ay naging magkaibigan kami ni Tina at sa bahay ko na rin siya nakatira. Nagpapadala na rin siya ng kahit konting pera sa kanyang pamilya sa Pinas at masaya ako para sa kanya.
Advertisement
"Pero---," aangal pa sana ako kaso hindi ako hinayaan ni Tina.
"Sige na, Lilies ako na bahala rito. Pahinga ka muna kanina ka pa lutang." Ani niya at tinapik 'yong balikat ko. Tumango naman ako at umalis na sa pwesto ko kanina at pumasok na lamang sa opisina ko.
ko si Tina ngayon sa tapat ng kotse ko. Siya na kasi ang nagpresintang magsara no'ng café. It's still six in the evening, usually our closing time is nine but suddenly Tina requested it since she noticed me spacing out more often today. Kaya pumayag na rin akong magsara ng maaga.
"Tara umuwi na tayo."
Tumango naman ako at papasok na sana sa driver seat nang pigilan niya ako.
"Ako ang magmamaneho pauwi, Lilies," ani niya.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at inabot ko na sa kanya 'yong susi at pumasok na ako sa passenger seat.
Tahimik lamang 'yong biyahe namin at walang nagsasalita kahit ni isa sa amin. Pero sigurado akong pagdating sa bahay ay magdadaldal na naman 'yang si Tina.
Ilang minuto lang din 'yong tinagal ng biyahe namin dahil hindi naman kalayuan 'yong bahay sa café. Agad na akong lumabas ng kotse at pumasok na ng bahay. Nilapag ko sa sofa 'yong bag ko at pumunta na ako agad sa kusina.
"Tina, what do you want to eat?" Tanong ko habang nagsisimula ng maghanap nang maaari kong lutuin.
"Lilies, ako na ang magluluto. Maupo ka na lamang diyan," aniya ng nakangiti.
"Ang weird mo ngayon, Tina," sambit ko.
"Ngayon lang 'to 'no," nakangiti pa ring sambit ni Tina. Ang weird talaga.
Napailing na lamang ako at umupo na lamang sa bar stool at pinanood ko si Tina'ng kumilos. Marunong din magluto 'yang si Tina at masarap din. Naikwento nga niya sa aking hilig niya ang pagluluto kaso hindi niya na-pursue ang kursong HRM sapagkat kulang ang pera nila para sa pag-aaral niya kaya napilitan siyang kunin ang kursong Education. Pero kahit gano'n daw minahal din naman niya ang kursong iyon kahit hindi ito ang gusto niya. Summa Cum Laude pa nga no'ng nakatapos siya sa kursong Education. Samantalang ako HRM Summa Cum Laude graduates. Nakapagtrabaho rin ako sa sikat na bakeshop sa New York, and my café was inspired to that bakeshop. Ibang-iba kaming dalawa ni Tina pero naging magkasundo kami.
Advertisement
"Anong lulutuin mo, Tina?"
"Quinoa Egg and Tomato Skillet and Pesto Asparagus Egg Skillet."
Napakunot naman 'yong noo ko sa sinabi niya. "Teka, bakit puro itlog lahat 'yong lulutuin mo, Tina?"
"Gutom na ako e. Mas madali kasing lutuin 'yong itlog, Lilies. Baka gusto mo rin ng soup?" Ani niya.
"Anong soup naman 'yan?"
"Egg Drop Soup."
Napahilot naman ako sa aking sentido dahil sa sinabi niya. Itlog pa rin.
"Hay naku, Lilies. Healthy itong lulutuin ko 'no. So ano gusto mo ba no'ng soup?" Tanong niya at nilingon ako.
"Huwag mo nang isali 'yong soup okay na 'yong dalawa."
"Okie dookie," aniya at bumalik na sa kanyang ginagawa.
ko na 'yong tutulugan ko dahil matutulog na ako. Hindi ko katabi si Tina dahil may sarili siyang kwarto. Malaki naman itong bahay ko. Pinagawa nina Mama at Papa ito para sana rito na kami tumira kaso hindi natuloy dahil wala na sila. Itong kama ko ngayon sa kanila sana ito at 'yong kay Tina naman ay 'yong kama ko dapat. Hindi ko tuloy namalayan na may luha na palang tumulo sa aking mga mata. Agad ko naman itong pinunasan at humiga na sa kama.
Pero bago ang lahat nanalangin muna ako na sana hindi ako magkaroon ng bangungot sa gabing ito at sana gabayan ako ni God. After that I close my eyes and fall into sleep.
Mom and Dad told me to run so I did. Hingal na hingal na ako ngayon at nakakasigurado akong nakakalayo na ako sa aming bahay. Pero imbes na magpatuloy sa pagtakbo palayo sa aming bahay ay binalikan ko ang daang tinahak ko kanina. Kailangan ako nina Mama at Papa. Mali ang ginawa kong pag-iwan sa kanila. Maling-mali.
Ilang minuto ang tinakbo ko bago ako nakabalik sa bahay namin. Hingal na hingal pa rin ako at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Tahimik na rin ang bahay at nababalot na ito ng dilim dahil nakapatay ang lahat ng ilaw.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay at tinawag sina Mama at Papa kaso wala akong natanggap na sagot galing sa kanila.
Dahan-dahan akong naglakad kahit konti lamang 'yong liwanag galing sa buwan. Kitang-kita ko rin ang pagkakawasak ng mga gamit namin. Pati ang bintana ay nasira. Habang naglalakad patungo sa hagdan ay may nabangga ang mga paa ko kaya tiningnan ko ito. At doon nakita ko si Papa kasama si Mama sa tabi niya na wala ng buhay at naliligo sa kanilang mga sariling dugo. I broke down and started crying hard. It was so painful. My heart is aching and breaking. I cried and cried until I can't anymore. Natigil lang ako nang may isang lalaking bumaba sa hagdan na may dalang kutsilyo at papalapit sa akin.
Agad akong tumayo at nagsimula ng tumakbo para hindi niya ako maabutan.
"Run!"
Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol nang hininga. I have a nightmare again.
Napahilamos naman ako at doon ko lang napansin na umiyak pala ako. Hinawakan kong muli 'yong pisngi ko at doon ko nasigurado na umiyak nga ako. Basang-basa ng mga luha ko 'yong pisngi ko, agad ko naman itong pinunasan gamit ang mga kamay ko. Kumalma na rin ang paghinga ko.
Sa takot kong mapanaginipan ulit 'yong nangyari sa mga magulang ko ay nagdesisyon akong huwag na lamang bumalik sa pagtulog. Tutal 3am na naman din.
Nakatulala lang ako sa kwarto hanggang sa umabot na 'yong pagsikat ng araw at pumasok si Tina sa loob at nilapitan ako. "Nanaginip ka na naman ba?" Tanong niya at tumango naman ako.
She sighed and told me to have a day off. Siya na raw muna bahala sa café at pumayag naman ako dahil hindi ko ata kakayaning pumasok sa ngayon. Binilin niya rin sa akin na kumain ng agahan dahil ipinagluto niya ako.
I was left alone again and as usual I'm lonely. I don't want to have nightmares anymore Mom and Dad.
-------
Author's note:
Votes and comments are highly appreciated po. Until the next update po. #lazywriter 😂
❤ DarkNiebla
Advertisement
Amara – Reunion
A college senior goes on a vacation to Italy with her classmates and her world flips upside down when she dies and wakes up as an immortal.
8 59425 Lessons from Lost Love
Reflection from a few years ago on lost love
8 170The Billionaire's Maid
~A love that'll never fade, though obstacles occur, for the billionaire's maid is quite obscure.~Join Ruth in this romantic poetry, as she tries to make ends meet for her mother and climbs her way to take what's rightfully hers.Alistair. The man she can't understand, though he claims to love her, why does he keeps other things above her?On this road filled with heartache and pain, love will always find its way again.____________________________________ The Billionaire's Maid.All Rights Reserved ©Started: 16/12/2017Completed:
8 322Corrupt
Highest Rank: #1 in Dark Romance It's hard to remember what life was like before the green-eyed devil waltzed into my life and set my soul on fire...He's good with his hands, even better with his mouth, and the best at making me forget my own name. He's everything I want, all rolled into a glorious body of a greek god, and strength. He was off limits to me for obvious reasons but there was never a question of wether or not I would be his. I am a woman who had sinned. I am a woman who knows they come at a cost. And one day, I will have to pay for my sins.I am his to use. His to corrupt.He's my savior and my downfall.This is our story. ~Corrupt is a steamy dark romance. It contains highly intense sex scenes. Reader discretion is advised.
8 138You're Still The One *slowly editing* (Completed)
'You didn't answer my question,' he asked, holding her gaze in his hypnotic ones.'Wh... what question?' She was surprised at her own voice, it sounded like of someone else's. She wanted to ask him--which question, there were so many he had asked her tonight. Each one threatening in their own different ways to her sanity.Brandan smiled mysteriously. Not answering her, he instead said something else, 'Don't keep staring at me like that.' His voice was soft. Suddenly, she found herself in some other world.'W.. why?' She stammered ridiculously.His lips slightly brushed against her, she closed her eyes in anticipation, under the spell of their lips connecting. Sparking were the electricity all over her skin. ''Cause....' He took a step back from her, leaving her cold and she was too lost to do something about it--like leaping closer to him and getting engulfed in the euphoric warmth once again. ''Cause, you will fall in love with me... ' He paused as growling deeply a set of thunders boomed above the skies. Cold wind made her hair dance around. He finally finished his sentence, 'Again.'Rain poured down upon her heavily as if the entire sky was about to break down over her, She opened her eyes against the cold water to see he had lef alreadyt, leaving her to drown into his words, completely.***They say love's blind. Maybe that's why Emma loved Brandan despite all odds, more than she loved herself but only to find that it wasn't enough. When time and fate decided to be cruel to the utmost, she found herself broken in all the ways possible. Realizing that love wasn't enough, she picked up her ruined self and found a new beginning at the end.But fate had, apparently, some unexpected plans in store.Against all odds, they were meant to face one another once again. But this time, Brandan was a changed man and so was Emma. While one was burnt from the pain, another was burnt from the guilt. And then...
8 102blue ✓
when a girl in a bitter and unloving relationship gets involved with a quiet and beautiful boy, she finds herself again as he paints the love she craves but cannot touch. two blue souls searching for something in each other that they can't seem to reach.
8 127